NAKABABA na ako sa kotse nila Ivy. I'm standing here on the corner while I wait for Pauline to arrive. I looked at my wristwatch, it was eleven in the morning. I feel hungry.
“Ate!”
Napalingon ako sa likod, nakita ko si Pauline na tumatakbo palapit sa akin. “Sorry! Tinakasan ko pa talaga si Cara, mabuti na lang ay pumasok na siya sa room niya. Kanina ka pa po ba?” inosenteng tanong niya sa akin.
“Hindi naman. Sana lumabas ka na kahit nasa labas pa si Cara. Hayaan mo ang gagang iyon,” sabi ko sa kanya. Pumara na ako ng jeep papunta sa SM North EDSA, doon ang punta namin.
“Eh, ate, hindi ako tatantanan ni Cara.”
Tinignan ko siya at nagbayad. “Dalawa po niyan sa SM!” malakas na sabi ko. “Bakit ka ba natatakot sa gagang iyon? Takutin mo iyon na hindi mo tutulungan sa subject niya. Tignan mo, titiklop iyon!” Pareho silang nasa 1st year college ni Cara, magkaiba lamang ng kurso.
Ngumiti lamang siya. “Um, ate, bakit pala tayo pupunta sa Mall ngayon?” Iniba niya ang usapan namin.
“Bibili ako ng bagong laptop. Then, iyong lumang laptop ko ay ibibigay ko sa iyo,” mahinang sagot ko sa kanya.
“Ate, galing po ba niyan sa—”
Tinarayan ko si Pauline. “Oo, manahimik ka na, Pauline. Kung hindi ko gagawin ito, nganga tayo, ha? And, kasama ko naman always sina Ivy and Amira. Kaya huwag kang mag-alala sa akin,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang labi. “Donʼt bite your lips, Pauline. Magkasusugat niyan,” babalang sabi ko sa kanya.
“Sorry po, ate.”
Hindi na lamang ako nagsalita. Hinayaan ko na lamang siya at pumara na rin nang makitang nandito na kami sa SM North EDSA. Bumaba na kami ni Pauline at lumakad papasok sa loob nito.
“Pauline, kumain ka na ba ng lunch mo?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. “Hindi pa po, ate Liana.”
Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Kumain na muna tayo, maging ako ay hindi pa rin nagla-lunch,” sabi ko sa kanya. “Where do you want to eat?” Tinignan ko siya.
“Um, sa Triangle Hut, ate. Nag-crave ako sa pizza nila,” bulong niya sa akin kaya tumango ako.
Lumakad na kami roon sa Triangle Hut na gusto niya. Nakita na namin ang fast food. “Humanap ka na ng table natin, Pauline. Ako na bahala umorder, okay?” sabi ko sa kanya. Tinignan pa niya ako, kaya tinanguan ko siya. Nakita kong lumayo na rin siya sa akin.
Umorder na ako ng pagkain naming dalawa, iyong combo na ang inorder ko, lahat ng nasa menu nila ay mayroʼn doon, nag-add din ako ng 8 inches na peperoni pizza. Gutom talaga ako.
“Ate, tulungan nakita,” sabi niya sa akin.
Kinuha niya ang tray na hawak ko. “Teka, kunin ko pa ang isang tray,” sabi ko sa kanya at bumalik sa counter.
“Ang dami mong inorder, ate Liana. Mauubos po ba natin ito?” gulat niyang tanong at tinignan ang table namin.
Ngumiti ako sa kanya at naupo ako sa kaharap na upuan niya. “Oo, mauubos natin niyan. Gutom din ako kaya dinamihan ko na ang order,” sagot ko sa kanya at binigyan na siya ng kubyertos. “Kumain na tayo at baka lumamig pa itong pagkain na binili ko.”
Tumango siya at sabay kaming nag-sign of the cross. Kumain na rin kaming dalawa. Wala ng usap-usap na nangyari sa amin dahil sa gutom talaga ako.
Mabilis kaming kumain ni Pauline at nang matapos din kumain, lumabas na rin kami para pumunta sa Lazaro Technology para bumili ng new laptop ko. Naubos namin ang mga inorder ko. Kaya dama kong busog talaga ako.
Nakarating na rin kami sa huling floor ng mall kung nasaan ang nagtitinda ng gadgets, any pinuntahan ko ay ang Lazaro Technology. Mas maganda at mura ang gadgets nila, pangmasa. Hindi lamang iyon dahil tumatagal ang lahat ng gadgets nila.
Dito ko binili ang phone and old laptop ko.
“One year warranty po, right?” tanong ko sa lalaking nag-assist sa amin sa pagbili ko ng new laptop.
“Yes po, maʼam, one year warranty po.” Tumango ako sa kanyang sinabi, nang matapos kong i-check ang bagong laptop ko.
Nagbayad na rin ako gamit ang perang winithdraw ko kanina, bago kami kumain ay nag-withdraw na ako.
“Thank you po, maʼam!” nakangiting sabi ni kuya, kaya tinanguan ko lamang siya.
Napatingin ako sa laptop na bitbit ko. “Ibibigay ko later iyong old laptop ko, ha? Isasalin ko lang muna ang mga files ko rito, bago ko ibigay.”
“Okay po, ate Liana.”
“Bago tayo umuwi, bumili muna tayong pasalubong para sa bahay, school supplies natin and some grocery para hindi ako pagalitan mamaya ni tita Carol,” sabi ko.
Sure akong pagagalitan ako mamaya once na dumating na ako sa bahay. Pero, ano namang pake ko? Always naman siyang galit sa akin, sa akin lang.
Hindi ko ba alam bakit ang laking galit niya sa akin. Siguro, inggit sa kagandahan ko. Mas maganda at matalino ako sa anak niya. Kahit ganito ako, may utak ako. Kumpara sa anak niyang boba!
“Ate, nakalimutan kong sabihin sa iyo, hinahanap ka nga pala ni tita Carol kagabi pa... Sinabi ko lang na nasa bahay ka nila ate Ivy, pinatawag ka ni tita Ivory,” sabi niya sa akin.
“Hayaan mo iyong si tita Carol. Always naman gigil niyan sa akin. Come on, bili na tayo para may makain din tayo sa kʼwarto natin,” Ngumiti ako sa kanya at lumakad na kami papunta sa supermarket.
Wala na rin kaming stocks sa room.
Hindi rin naman kami nagtagal sa paggo-grocery namin, konti lang din ang binili ko at maging ang pasalubong ay bumili kami, donut.
Nag-book na ako ng kotse papunta sa amin dahil sa bitbit namin ni Pauline, naka-dalawang eco-bag kami for grocery na binili at isang paper bag para sa school supplies at iyong donut and iyong laptop ko. Ang dami naming bitbit.
Huminto na rin ang kotse sa tapat ng bahay ni tita Carol, nakita ko ang tingin ng ibang kapitbahay namin, pero hinayaan ko lamang sila.
Ngayon lang ba sila nakakita ng kotse?
Bumaba na kami ni Pauline at pumasok na kami sa loob ng bahay namin. Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang makita ko si Cara sa sala namin, nanonood ng TV. “Ma! Nandito na sina Liana and Pauline!” malakas niyang sabi kaya inangilan ko siya.
Ang gagang ito, nagsumbong agad.
Narinig ko ang malalakas na yapak mula sa itaas, nakita ko si tita Carol na galit ang mukhang nakatingin sa amin ngayon. “Liana, hindi ka na naman umuwi kagabi! Saan ka na naman pumunta?” sigaw niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Kina Ivy po, tita Carol. Doon na rin ako pinatulog ng parents niya,” sagot ko sa kanya. “Nag-grocery na po ako rito. Enjoy!” Tinuro ang isang eco-bag, dahil ang isang eco-bag ay para sa amin ni Pauline, stock namin sa kʼwarto namin at nilagay ko na roon iyong laptop ko para hindi nila makita.
“Kina Ivy raw, mama. Paniguradong nag-bar na naman niyan. Nanlalaki!”
Tinaasan ko ng kilay ko si Cara. “Oh? Bakit gawain mo? Ay, teka, wala pala magkakagusto sa iyo dahil wala ka nito, oh!” Pinakita ko sa kanya ay aking malaking dibdib. “Watermelon ang boobs ko, iyong sa iyo, Cara, apple lang. Kaya walang magkakagusto sa iyo,” nakangising sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang inis sa mukha niya. “Ma, si Liana, nangangatwiran pa!” sumbong niya.
“Cara, tumahimik ka nga!” Pinagalitan siya ni tita Carol. “Umakyat ka na sa itaas, Liana, dahil bukas lalabhan mo ang damit dʼyan, maliwanag?”sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Ano pa nga ba?
Nauna na akong umakyat kay Pauline dahil pumunta siya sa banyo. Dinaanan ko si Cara at ngumisi sa kanya, hinawakan ko ang joga ko. “Wala ka nito. Loser!” nakangising sabi ko at umakyat na sa itaas.
“Bwisit ka, Liana!” Narinig kong malakas niyang sigaw sa akin, pero dineadma ko na lamang iyon.
Inunahan niya ako, kaya gagantihan ko siya.
Pumasok na ako sa loob ng kʼwarto namin ni Pauline. Nilapag ko ang eco-bag sa tabi at naupo ako rito sa kama, double deck itong bed namin at ako rito sa ibaba, si Pauline roon sa itaas. Ako ang bumili ng bed namin, balak ko ay dalawang single bed na lamang, pero hindi na kakasya rito sa room na mayroʼn kami, maliit lang ito.
Nilabas ko ang bagong laptop at binuksan ito. I feel so in love sa new laptop ko. Kinuha ko ang aking phone at pinicture-an ito, sinend ko ito sa groupchat naming tatlo nina Ivy and Amira.
Liana:
Girls, I got my new laptop! Canʼt wait na makita niyo sa Monday. And, donʼt forget na may homework tayo sa Taxation nating subject. Mwuah!
Chat ko sa kanilang dalawa at tinaob ang aking phone. Inayos ko na muna ang new laptop ko at trinasfer ang mga files ko sa old laptop na gamit ko, kay Pauline na kasi ito. First year college na siya at need na rin niya ang laptop. Si Cara naman? Aba, malay ko sa gagang iyon. Hindi ko naman siya kapatid.
“Ate Liana, kumuha po ako ng donut sa ibaba.”
Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Pauline na may dalang platito at nandoon ang dalawang donut.
“Thanks!” sabi ko sa kanya. “Matatapos na itong pag-transfer ko ng files, Pauline. Saglit na lang then buburahin ko na ang lahat ng laman nito.”
Tumabi siya sa akin. “Thanks, ate Liana.” nakangiting sabi niya sa akin.
“The best ate talaga ako, Pauline. Kaya galingan mo sa pag-aaral, ha? Tutuparin ko ang pinangako kina mama at papa na magtatapos tayo ng pag-aaral na dalawa. Hindi ko iyon babaliin. Kaya kahit mag-angkit ako ng mga lalaki ay wala akong pake, para sa iyo itong ginagawa ko at para sa akin din,” nakangiting sabi ko sa kanya at kinindatan siya.
“Ate naman!” maktol na sabi niya sa akin. “Pero, the best ka po talaga! Mabuti na lamang may ate akong katulad mo.” Niyakap niya ako nang mahigpit, kaya tinapik ko ang balikat niya.
Lahat gagawin ko para sa ating dalawa. Kapag grumaduate ako ay maghahanap agad ako ng work at aalis tayo rito sa bahay ni tita Carol.
Aalis kaming dalawa rito.