CHAPTER 7: The Rapperist is Here!

2035 Words
“WHAT do you think, girls? Sino kaya ang pansamantala papalit kay Professor? Ka-edad din katulad ni Prof. Coby, ano?” Kumakain na kami rito sa canteen dahil lunch break at mamaya ay Banking Finance naman ang next subject namin, kay Prof. Coby. “Pero, girls, naalala niyo iyong sinabi ni Prof. Coby kanina? Mas gwapo raw siya roon, meaning single iyong new Professor natin?” sabi ko sa kanila. Iyon ang naalala ko kanina sa sinabi ni Prof. Coby. Actually, hindi naman ako nakikinig sa kanya kapag class na namin. Kinakain niya kasi ang sinabi niya then always siyang nakatingin sa hita and boobs ni Ivy. Feeling gwapo kasi. Kaya nag-se-self taught na lamang ako kapag subject niya. “Oo nga, ano, Liana! Hmm... Ano kaya itsura niya? Excited na akong makita ang new professor natin. What about you, Amira? Busy ka na naman sa boyfriend mong si Zoren?” Nakatingin kami kay Amira na cellphone ang hawak habang kumakain. “Of course, ang kulit kasi ni Zoren, ih! Um, about sa sinabi niyo, maybe... Let's see how our new Professor looks when he enters our Taxation class! Let's judge his looks there, girls,” sabi niya sa amin habang ang tingin niya ay nasa phone pa rin. “Hmm... Oo nga! So, letʼs eat na! Excited na ako sa Wednesday kung papasok na ang new Professor natin!” sabi ni Ivy at kumain na muli. Let we see sa Wednesday kung may itsura nga ang new Professor namin. Natapos na rin ang Monday namin, nakauwi na rin kami sa bahay, nadatnan namin ni Pauline ang boses ni tita Carol na pumuputak, at sa harapan niya si Cara na nakaluhod. “Ang boba mo talaga, Cara! Pinag-aaral kita, pero heto ang isusukli mo sa akin, ha? Lunes na Lunes, hindi ka pumasok!” Napapikit ako sa lakas ng boses ni tita Carol. Nakakabingi ang boses ni tita Carol. Paano naman kasi ay laki sa palengke, kaya malakas ang boses. Ganoʼn sa palengke kailangan malakas at buo ang boses mo para mapansin ka ng mga tao, hindi pʼwedeng mahinhin ka roon, ay, malulugi ka! “Hindi ko kasalanan kung bakit late ako nagising, Mama!” malakas na sagot ni Cara at nakita ko ang tingin niya sa amin ni Pauline. “Sila! Hindi nila ako ginising! Kaya na-late ako kanina, nagpasya na akong hindi pumasok!” Tinuro niya kami, kaya napatingin si tita Carol sa amin. Aba, ang Cara na ito! Sinisisi pa kami sa katangahan niya! “Hoy, Cara, ginising kita! Ilang beses ko ng kinakalabog ang pinto ng kʼwarto mo, pero hindi ka pa rin nagigising... Saka, hello, may narinig ako kanina sa loob ng kʼwarto mo na notification, gising ka na nuʼn. Hindi ka lang talaga pumasok!” bulyaw ko sa kanya. Babaliktarin pa kami ng gagang ito! “No! Hindi totoo iyon, Mama! Hindi talaga ako ginising ni Liana!” malakas niyang sabi. “Kasalanan mo kaya late akong nagising kanina!” sigaw pa niya sa akin. Napakamot ako sa aking sintido. “Hoy, Cara, may ebidensya akong ginigising kita kanina. Bakit hindi tayo magtanong kina ate Tess? Paniguradong naririnig niya ang boses ko kanina habang ginigising ka! Hindi lang niyon at bini-video-han ko ang aking sarili dahil dama kong magsisinungaling ka!” sagot ko sa kanya at kinuha ang aking phone sa uniform ko, may bulsa sa harap ng blouse uniform namin. Plinay ko iyon at nakita kina tita Carol and Cara. “Cara Castro! Gumising ka na dʼyan! Lunes na ngayon kaya idilat mo na ang mga mata mo! Hindi naman mabigat ang katawan mo dahil ang dyoga mo ay kasing liit ng mansanas! Kaya bumangon ka na dʼyan!” “Ayaw mong buksan? Eh ʼdi go! Patay ka na ba, Cara, kaya hindi ka nagsasalita o gumagalaw dʼyan? Ipagdadasal ka na lang namin!” “Heto po ang ebidensya ko, tita Carol, ginigising ko talaga siya... Teka lang po, may ipapadinig pa ako sa inyo,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pamumutla ni Cara. Gaga ka, akala mo siguro wala akong ebidensya, ano? Babaliktarin mo pa ako, ha? Alam ko ng mangyayari ito. Alam kong wala ka talagang ganang pumasok kapag Monday! Nakita ko ang pag-flinch ng noo ni tita Carol. “Narinig niyo po ba niyon, tita Carol? May notification sa background po, ʼdi ba? Meaning gising na si Cara that time, pero hindi lang po sumasagot at kunwari ay tulog pa,” sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Cara. “H—hindi iyon totoo, Mama! Tulog pa talaga ako!” tangging sabi niya sa amin. “Kung totoong tulog ka na? Ipakita mo nga iyong phone mo?” “P—para saan naman? Bakit mo titignan ang phone ko, ha?” sigaw niya sa akin. “Titignan namin ang facetagram mo, lalo na ang chat. Kung talagang tulog ka pa ng oras na ginigising kita,” nakangiting sabi ko sa kanya. Pinalakihan niya ako ng aking mga mata. “N—no! Privacy ko it—” “Anong privacy ang sinasabi mo, Cara! Ako ang bumili ng cellphone na ito! Akin na niyan kung talagang wala kang tinatago!” malakas na sabi ni tita Carol at inagaw ang phone niya. Dinikit ni tita Carol ang hintuturong daliri ni Cara at bumukas iyon. Sumilip ako sa phone ni Cara, umusbong ang aking ngisi nang makita iyon. “Sinungali ka talaga, Cara! Ang bata-bata mo pa, nagsisinungaling ka na sa akin! Tignan mo ito, alas-otso pa lamang ay gising ka na! Ka-chat mo pa itong jowa mo, na wala rin silbi! Lintek kang bata ka!” Ayan na. Nag-uumpisa na mag-rap si tita Carol. Tinignan ko si Pauline. “Akyat na tayo,” mahinang sabi ko sa kanya. “Tita Carol, magbibihis lang po kami ni Pauline. Akyat po muna kami,” sabi ko at ningisihan si Cara na gigil na ang mukha sa akin. “Umakyat na kayong dalawa, Liana. Magluluto na rin ako ng hapunan natin,” sagot niya sa akin at muling tumingin kay Cara at muli siyang sinermunan. Deserved ng gagang iyon ang mapagalitan. “Ate, alam mong mangyayari ito kay nag-video ka kanina?” tanong ni Pauline sa akin nang makapasok ako. “Sabihin nating may nag-udyok sa akin na mag-video kanina. Mabuti na lang din ay ginawa ko,” sagot ko sa kanya at hinubad na ang uniform ko, kailangan ko pang labhan din ito ngayong araw. “Mabuti na lamang ay ganoʼn ang ginawa mo, ate Liana.” Ngumiti ako sa kanya at tinuro aking sintido. “Matatalino tayo, Pauline. Kaya ginamit ko lang. Akin na niyang uniform mo, lalabhan ko na rin! Wala na akong assignment ngayong araw,” sabi ko sa kanya. “Thanks, ate Liana! Bukas po, ako ang maglalaba ng uniform natin!” “Sure, sure! Oh, siya, baba na ako!” sabi ko sa kanya. Kailangan ko rin pala ingatan ang kamay ko ngayon, gagawin akong model ng tatlong first year bukas. Kinabukasan, maaga muli kaming nagising, for the first, nakita namin si Cara na gising na at naka-uniform na rin. Nandito pa rin sa bahay si tita Carol, mukhang pinabantay niya muli ang pʼwesto niya sa palengke. “Good morning, Cara!” mahinang sabi ko at inasar siya. “Bwisit ka—” “Cara, niyang bibig mo na naman! Kumilos ka na dʼyan!” malakas na sabi ni tita Carol sa anak niya. “Mama, si Liana ang nangungu—” “Manahimik ka nga! Mag-asikaso ka na!” Tinuro ni tita Carol ang upuan niya. “Maaga pa, Mama! Alas-onse ang pasok ko! Seven pa lang ng umaga, oh!” inis na sabi ni Cara. “Wala akong pake, Cara! Mas okay nang pumasok nang maaga kaysa ma-late ka at baka hindi ka naman pumasok! Dalian mong kumain!” Napangiti na lamang ako nang palihim at umupo na rin ako sa harap niya. Nakita ko kung paano magsalubong ang kanyang magkabilang kilay. “Makinig ka sa Mama mo, Cara. Kawawa ka naman,” pabulong na sabi ko sa kanya. “Bwis—” Tinikom niya muli ang bibig niya nang makita ang mama niya. Hindi siya makapalag ngayong araw. Nasabunutan siya kagabi. Natapos na rin kaming kumain at nauna na kaming umalis kay Cara, hindi namin siya sinasabay, bad vibes lang ang dala ng isang iyon kapag kasabay namin. Impakta pa! “Ate, totoo ba ang sinabi mo? Kinuha kang nail model sa cosmetics?” pagtatanong ni Pauline sa akin. “Oo nga, paulit-ulit ka naman, Pauline. Naawa kasi ako, ilang beses na nila ako kinukulit... Naisip ko kasi, paano kung ikaw iyong manghingi ng tulong, ʼdi ba? Tapos hindi ka pagbigyan, paano ang grades mo? Kaya pumayag na ako sa kanila, first year sila katulad mo,” sabi ko sa kanya. Napangiti siya sa akin. “The best ka talaga, ate Liana. Paniguradong sobrang nagpapasalamat sa iyo ang mga iyon.” Ngumiti na lamang ako sa kanya. Tama ang hinala ni Pauline. Paulit-ulit na nagpapasalamat ang tatlo na iyon sa akin. Nakarating na rin kami sa Maravilla University, Tuesday na ngayon, kaya naka-organizational shirt kami. As usual, kita na naman ang hubog ng aking katawan, maging ang dibdib ko. Mamatay sila sa inggit! “Ate, una na ako, ha? Good luck sa nail arts na pupunta mo! Sana mataas ang grades na makuha ng mga estudyante na nag-alok sa iyo!” malakas na sabi ni Pauline sa akin. Sinabi ko ang tungkol dito sa kanya. “Sana nga.” Tinaas ko na lamang ang kanang kamay ko.at lumakad na sa cosmetic building. Napahihikab pa ako habang naglalakad, sobrang lamig kasi ng araw ngayon, umulan kanina. “Hey, kayong tatlong babae! Nandito na ang model niyo!” malakas na sabi ko nang makitang nakatingin sila sa labas, mukhang hinahanap ako kung parating na. Nagulat sila nang makita ako. “Ate Liana! Ang aga niyo po!” gulat na sabi nila sa akin. Maaga pa ba ako? Mukha nga silang nawawalang mga bata dahil panay tingin sa labas ng building nila. “Maaga pa ba ako? Balik na lang ako mama—” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin. “Hindi po, ate Liana. Mas maganda kung maaga, may dagdag points po kami.” Hinawakan nila ang kamay ko. “Pasok po kayo sa classroom namin!” sabi ng babaeng naka-bangs. “Teka, ano ba pangalan niyo?” pagtatanong ko at pinaupo na nila ako. “Iʼm Bianca. Siya po si Barbara and siya naman po si Kristine, first year po from cosmetics course,” sabi ng babaeng naka-bangs, na ang pangalan ay Bianca. “Oh, hello! Paano niyo ko nakilala, ha?” Inumpisahan na nila akong linisan. Napatingin ako roon sa ginagawa nila. “Um, pʼwede na po kaming mag-umpisa, ate Liana... Nakilala po namin kayo dahil kayo po ang sikat sa campus po, maging ang dalawang friends niyo po,” saad ni Barbara. “Ah, as mean girls ba?” Nagulat sila sa sinabi ko. “Donʼt worry, alam ko ang tungkol doon. Pero, kung mean girls kami, bakit nilapitan niyo pa rin ako?” takang tanong ko sa kanila. “Hindi po kami naniniwala roon. Noong enrollment po, tinulungan niyo ko na mag-enroll, kaya alam ko pong mabait kayo,” sabi ni Kristine. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Talaga bang tinulungan kita? Hindi ko kasi maalala. Sorry. Pero, nandito nga ako nuʼng enrollment dahil first year din ang sister ko.” Tinignan ko kung paano nila linisan ang aking kuko. “Alam ko po, ate Liana. Kaya sinabi ko sa kanila na hindi ka po ganoʼng tao, kaya kayo po ang kinuha namin. Thank you po ulit.” “Mamaya na kayong mag-thank you. Mamaya na kapag may grades na kayo. Kaya kayo na bahala sa mga kuko ko, ha?” sabi ko sa kanila at tinanguan nila ako. Sana nga ay makakuha sila nang mataas na grades dahil sa kamay at kuko ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD