SUMAKAY na ako sa kotse ni Ivy habang ang driver ay si Aqua. Si Amira naman ay sumakay sa kotse ng boyfriend niyang si Zoren. Susunod naman sila sa kotse namin dahil balak din ni Amira na roon matulog sa bahay nila Ivy.
“Liana, how much you get?” nakangising tanong ni Ivy sa akin.
Ngumisi ako sa kanya at kinindatan siya. “You guess? Hmm...” Napasipol ako dahil doon.
Napatingin ako sa phone na hawak ko, nandoon ang 200k na sinend ni Miro. Makakapagbayad na ako sa tuition fee ko next semester at tuition fee ni Pauline, ang nag-iisang kapatid ko. Makakabili rin ako ng bagong laptop para magamit ko ngayong huling taon ko sa kolehiyo para sa kurso kong Marketing. Ang lumang laptop ko naman na galing kay Ivy ay ibibigay ko kay Pauline.
“Ang laki ng ngisi mo, ha? Mukhang malaki.” Nakita ko ang kanyang kanang daliri na napunta sa labi niya, waring nag-iisip. “Hmm... 100?” tanong niya sa akin.
Napaisip pa ako sa sinabi niya at tumingin muli sa phone ko. “Um, times 2, Ivy,” nakangising sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang paghugis bilog ng kanyang labi. “Wow! Baliw na baliw talaga si Miro sa iyo, Liana! But, thatʼs good makakabayad ka na agad ng buo sa tuition fee natin sa next semester.”
Tumango ako sa sinabi niya. “Yeah, Ivy. Hindi lang iyon same sa kapatid kong si Pauline. Ite-treat ko kayo ni Amira sa Monday, ako na bahala sa lunch nating tatlo,” sabi ko sa kanya.
“Gaga, huwag na! Keep mo na niyan, Liana!” saad niya sa akin.
Nakita kong may nag-notification sa phone ko, nakita ko ang name ni Pauline na nagchat sa akin. “Kahit na, Ivy, treat ko pa rin kayo. Ako na bahala sa favorite niyong bread ni Amira, iyong flan bread. Mura lang iyon kaya huwag ka na tumutol. Ayoko namang kabig lang ako nang kabig,” sabi ko sa kanya. .
Pauline:
Ate Liana, nasaan ka na po? Madaling araw na, ha? Uuwi ka pa po ba? Nag-alarm ako para pagbuksan ka ng pinto.
Napangiti ako sa chat ni Pauline sa akin. Sobrang bait talaga ng kapatid ko, sobrang anghel ng isang ito kaya mahigpit ako sa kanya. Subukan lang talaga ng mga lalaki na lumapit sa kapatid ko, pasasabugan ko ng five star ang p*********i nila.
Kaya nga rumaraket ako para sa akin at kay Pauline. Nagreply ako sa kanya para sabihing makikitulog ako kina Ivy para makatulog na muli siya.
Liana:
Matulog ka na ulit ni Pau. Sa bahay nila Ivy ako matutulog. Mamaya pala pagdating ko ay aalis tayo, ha? Maaga kang maligo.
Napalingon na muli ako kay Ivy. “Kapatid mo?”
Tumango ako sa kanya. “Oo, nagchat kung uuwi ba ako, sabi ko hindi. Kaya pinatulog ka na muli,” sagot ko sa kanya.
“Swerte ni Pau dahil ikaw ang ate niya. By the way, Liana, anong kabig nang kabig. Gaga! Kaibigan ka namin simula high school, saka hindi naman kayo maghihirap kung hindi namatay sa aksidente ang parents mo. Iyong ipon ng parents mo napunta sa libing nila, tapos kinuha pa ng tiyahin mo kung saan kayo nakatira ngayon,” malditang sabi niya sa akin.
Sinenyasan ko si Ivy about kay Aqua. Umiling siya sa akin. “Hindi niya sasabihin ang tungkol sa iyon, Liana.” Bumaling siya kay Aqua na seryoso sa pagda-drive. “Hey, subukan mong sabihin sa mga kaibigan mo about sa status ni Liana, maghihiwalay tayo nang tuluyan. Tandaan mo, Aqua, nanganganib kang palitan talaga kita. So, shut up, okay?” masungit niyang sabi kay Aqua.
Ang gulo ng love story nilang dalawa, on and off sila. Depende sa mood ni Ivy.
“Oh, huwag na kayong mag-away. Chill lang kayong dalawa.” Inawat ko na silang dalawa. Nagda-drive pa man din si Aqua.
Tumahimik na lamang ako. Napapatingin lamang ako sa dalawang nasa harap ko na nag-uusap.
Sabing huwag na munang awayin si Aqua dahil.nagda-drive.
Dumating na rin kami sa bahay nila Ivy, bumaba na ako sa kotse niya at hinayaan muna silang mag-usap.
“Oh, Liana, nasaan si Ivy?” tanong niya sa akin.
Ninguso ko ang kotse ni Ivy. “Nasa loob pa sila, nag-uusap sila ni Aqua. Nasabi niya ang about sa pagkatao ko,” sabi ko sa kanya.
“Oh, shucks! But donʼt mind that, Liana. I mean, takot si Aqua kay Ivy. You know why, right?” She said smirking at me while playing with some strands of her hair.
I just laughed at what she said. “I know,” I answered.
Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na rin ang dalawa sa kotse. “Tapos na kayong mag-usap? I'm sleepy, Ivy. Can we sleep now?” Amira asked and she yawned. “And, Zoren is already waiting for Aqua, they will be going home.” Amira looked at Aqua who approached Ivy now.
“You need to go now, Aqua. Umuwi na kayo ni Zoren, okay?”
Pinapanood ko lamang sila. Wala akong boyfriend. No boyfriend since birth. But, I have flings.
“So, bye, boys!” malakas na sabi nina Ivy and Amira sa boyfriend nila.
Nakita namin ang pag-start ng kanilang kotse at umalis na rin sila. “Finally, those two left,” Ivy said softly. She approached their gate and opened it. “Come on, Liana and Amira. Come in so we can rest today. I know you're tired too.”
Lumapit na rin kami sa kanya at sinunod siya. Lumakad kami papasok sa kanilang bahay. “Good morning po, Miss Ivy.”
I took a step back in shock when I heard the voice of one of their maids. “Akala ko multo,” mahinang sabi ko. Naalala kong alas-kwatro naʼng umaga.
“Good morning too! Paki-tell kina dad and mom na kasama ko sina Liana and Amira. We need to sleep. Thanks!” mabilis niyang sabi at umakyat na si Ivy.
“Finally, makakapagpahinga na rin tayo!” malakas na sabi ni Ivy at humiga na siya sa bed niya.
“Ivy, you need to remove your makeup, you'll get pimples from that,” sabi ko sa kanila at pumasok sa bathroom.
Nilinis ko ang mukha at tinanggal ang makeup na mayroʼn ako.
“Ang sipag mo talaga, Liana! Kaya siguro maganda ang kutis mo!”
Napangiti na lamang ako sa kanya. “Gaga, kaya siguro wala akong pimples dahil pinunas ko iyong first regla ko sa face ko!” malakas na sabi ko sa kanila.
“Eeww!” Narinig kong sabay nilang sabi.
Sumilip ako sa kanila. “Totoong ginawa ko iyon. I know kadiri but hereʼs the result, no pimples. Sinunod ko lang ang mama ko noon, kaya pinagawa ko rin kay Pauline. Evidence? Makinis din ang face niya,” sabi ko sa kanila.
“Ate you sure na dahil doon, Liana? I mean, baka maganda lang talaga ang face mo... Hindi ka prone sa acne.”
Natapos na rin akong maghilamos at lumabas na ako sa bathroom ni Ivy. I shrugged at both of them. “I don't know either. But, I just tried. I didn't lose anything,” I told them.
Huminga na rin ako sa kama ni Ivy kung nasaan silang dalawa. “Oo na, Liana. Pero, noong una kitang nakita noong high school tayo, akala ko noon may lahi ka.” Hinawakan ni Amira ang pisngi ko.
“Lahi? Mayroʼn naman talaga, half poor half pinoy,” nakangising sagot ko sa kanya.
“Gaga! Matulog na nga tayo. Inaantok na talaga ako!” malakas na sabi ni Ivy.
Hindi talaga sila maglilinis ng mukha nila. Bahala sila, once na magkaroon naman sila ng pimples ay magpapa-derma naman sila.
Natulog na rin ako dahil ang mata ko ay babagsak na rin dahil sa puyat at pagod.
Ilang oras din ang naging tulog ko, bumangon na ako. Nakita ko sina Ivy and Amira na tulog pa rin sa magkabilang gilid ko. Hinayaan ko na lamang sila at tahimik na bumaba sa kama ni Ivy. Naligo na muna ako at sinuot ang damit na ginamit ko kahapon. Nang matapos na akong maligo at magbihis ay lumabas na rin ako sa bathroom.
Tinignan ko ang dalawang kaibigan kong tulog pa rin. Nagsulat na lamang ako sa sticky note ni Ivy.
Ivy and Amira,
Mauuna na ako sa inyo, ha? Need ko ng umuwi. Aalis pa kami ni Pauline today. See you sa Monday!
— Liana.
Dinikit ko na iyon sa lampshade ni Ivy at lumabas na rin ako sa room niya. Nasa dulong baitang na ako ng hagdan nang makita ko ang mommy ni Ivy.
“G—good morning po, tita Ivory,” bati ko sa kanya.
“Good morning din, Liana. Mukhang nasobrahan kayo sa party today.”
Napangiti na lamang ako sa kanya. “Pasensya na po, tita Ivory. Pero, wala naman po naging problema kanina.”
Tinapik niya ang aking balikat. “Itʼs okay, Iha. Uuwi ka na ba? Kumain ka muna bago umuwi,” sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang po, tita Ivory. Kailangan ko na rin ping umuwi, naghihintay po si Pauline sa akin. Thank you po sa pag-alok.”
“Ganoʼn ba? Ihahatid ka na ng driver namin, Iha! Malayo ang sa inyo sa amin. Huwag ka ng tumanggi, ha?” sabi niya sa akin at tinawag ang isang kasambahay nila. “Ima, pakitawag si Jake, pakihatid si Liana sa kanila, ha?”
Kaya ayokong nakakasalubong si tita Ivory dahil nag-aalala siya sa akin. Sobrang bait nila, maging si tito Christian.
“Iha, hintayin mo na lamang si Jake, ha? Ingat sa pag-uwi, okay?”
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Opo, tita Ivory. Thank you po.” Niyakap niya ako, kaya lumabas na rin ako sa bahay nila.
Nakita ko na rin si kuya Jake na nasa kotse, sumakay na rin ako roon. Alam na rin naman nila kuya Jake ang bahay namin.
“Kuya Jake sa dating gawi po, ha? Doon na lang po ako bababa sa kanto namin,” sabi ko sa kanya.
Tinaguan niya ako. “Copy po, Miss Liana.” Naiilang ako sa Miss na iyon.
Kinuha ko ang aking phone at tinignan kung nagreply na ba ang kapatid ko. Chinat ko siya kanina na magkita na lamang kami sa kanto, para hindi na ako bumalik bahay mismo.
Pauline:
Ate, pupunta na po ba ako sa kanto? Nakabihis na po ako, hindi lang ako lumalabas sa room natin, baka makita ako ni Cara na nakapang-alis. Baka may ipabili siya pero wala namang perang ibibigay.
Napangiti ako nang makita ang reply niya. Cara, ang pinsan naming nuknukan ng arte at tamad.
Bwisit!
Liana:
Yes, punta ka na sa kanto.pinahatid ako ni tita Ivory sa driver nila. Hayaan mo si Cara, huwag mong pansinin. See you later!
Sagot ko sa kanya at tinago ang aking phone sa dala kong bag. Kailangan nating maging masaya, Liana, mabibili natin today ang laptop na inaasam ko.