Chapter 1

1760 Words
"Happy birthday, to you! Happy birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Harlene!" Napangiti ako habang pinapakinggan ang kanilang pagkanta. Naramdaman ko ang pagsampa nito sa aking kama ngunit nagpanggap parin akong tulog at mas hinigpitan ang paghawak ko sa aking kumot na nakatalukbong sakin. "I know you're already awake, Nikki. Kailangan ko pa bang magbilang?" Narinig kong sabi ng taong sumampa sa kama ko. Hindi ako nagsalita at mas pumikit pa. "One, two, two and a half, two and three-fourth, THREE!" Malakas akong napatilo ng bigla nitong hilahin ang kumot na nakatalukbong sa akin. Hindi ko na ito nabawi agad kaya kinuha ko nalang ang unan sa aking ulunan at itinakip ito sa aking mukha. "Matibay ka ha. Ayaw mo talagang bumangon?" Sabi pa nito muli at naramdaman ko nalang ang kamay niya sa may tiyan ko. Muli akong napatili at gumulong-gulong sa kama ng simulan niya akong kilitiin. "Ah! RJ! Stop It!" Sigaw ko. Tumigil naman siya at tumingin sa akin ng nakangisi. Bumaba siya sa aking kama at inalalayan akong umupo pagkuwa'y naglakad malapit sa may pinto kung nasaan si mommy Reina na nakangiting pinapanuod kami. "Kayong dalawa talaga. Parang kailan lang noong mga bata pa kayo. Ang bilis talaga ng panahon." Sabi ni mommy. Mula sa table sa gilid, nakita kong kinuha ni RJ ang isang black forest cake na may cherry sa gitna at kandila. Napangiti ako kasabay niyon ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. "Thank you mommy and RJ..." Mahinang sabi ko at kapwa sila na hinalikan sa pisngi ng makalapit sila. "You're welcome basta sa akin pa din ang cherry..." Ani ni RJ sabay kuha sa cherry na nasa gitna ng cake. Natawa nalang kami ni mommy habang nakatingin sa kanya. Who would have thought that the handsome bassist of H2B really loves to eat cherries and strawberries. "Make a wish, baby..." Sabi sa akin ni mommy. Nakangiti akong tumango at pumikit. 'Lord God, Kayo na po ang bahala kina mommy Reina, daddy, RJ at kina kuya Ramon at Rafael. Lagi niyo po silang i-guide at i-blessed pa. Ang wish ko po sa birthday ko ay magandang buhay at safe trip para sa pag-alis ko. I-guide niyo nalang po ako sa every decisions na gagawin ko at sana hindi ako magsisi. Amen.' Muli akong dumilat at ngumiti muna kina mommy at RJ bago ihipan ang kandila. Nagpalakpan naman silang dalawa ng mapatay ko ito. "Happy birthday, baby..." "Thank you, mom. Thank you dahil inalagaan mo ako. I'm so lucky to have you." Tugon ko kay mommy at niyakap siya. "Me too, baby. I'm so lucky to have you, too..." Madamdamin na sabi ni mommy saka mahigpit akong niyakap. "Group hug!" Sigaw naman ni RJ at nakisali na sa pagyayakapan namin. I'm really going to miss this loving mother of mine and of course my handsome and ever supportive brother. TAHIMIK ang buong pamilya sa dining table habang kumakain ng dinner. It's still my birthday dahil seven P.M pa lang and yet, wala man lang akong matanggap na pagbati bukod kina mommy and RJ. Napatingin ako sa gawi ni RJ and he smiled at me. Napabuntong hininga akong sumubo ng paella at agad itong nilunok. I don't like spanish food talaga, pero dahil bawal ang mag-reklamo, wala akong choice. Nakakabingi talaga ang katahimikan. Nakakapanibago. Tuwing dinner ay parating nagku-kwento si dad about sa happenings niya sa kanyang buong araw, pati sina kuya, pero ngayon ay walang gustong magsalita. Kahit si mommy na kanina pa tahimik. I think galit pa din si mommy kay daddy matapos ang pag-uusap last night. Napabuntong-hininga nalang ako sa naisip. "Stop that, Harlene Nicole and respect the food." Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni daddy mula sa dulo nitong dining table. Medyo malayo siya ng kaunti sa akin dahil nasa pagitan namin si mommy samantalang nasa harap ko si RJ at katabi nito sa right niya si kuya Rafael habang nasa kabilang dulo si kuya Ramon. Medyo malaki ang space sa pagitan ng bawat chairs namin kaya nakakagulat at naririnig ni daddy ang pagbuntong hininga ko. "Sorry daddy." Sabi ko at yumuko saka nagpatuloy sa pagkain. "By the way, Harlene, kailan ka aalis?" Dinig kong tanong ni kuya Rafael kaya napatingin ako sa kanya. "Uh--" Ang tangi kong naisaad. Kailan nga ba? Hindi pa pala namin napag-uusapan ang bagay na 'yon ulit. Napatingin ako kay Daddy at nakita kong nagpupunas na siya sa kanyang bibig ng table napkin. "Tomorrow." Mabilis na sabi ni daddy. So, bukas na agad? "What?! Diba kahapon lang nangyari ang pag-uusap niyo nina Heather, tapos bukas na agad siya aalis?! Don't you have a heart, Cristomar? Wala ka ba talagang pakialam sa anak mo?" Gulat na sambit ni mommy na napatayo pa mula sa kinauupuan nito. Napayuko nalang ako sa aking pwesto at pilit na inubos ang pagkain na nasa plato ko. "Reina, ito ang gusto niya and as a father ibibigay ko iyon sa kanya." Sagot naman ni dad. Nakita kong tumayo mula sa kanilang kinauupuan ang mga kapatid ko at naglakad patungo kay mommy. Nakaupo pa rin kami ni Dad. "You're unbelievable, Mr. Allegre." Sambit ni mommy sabay talikod at naglakad patungo sa hagdan. Napabuntong hininga akong tumayo sa aking kinauupuan. "Pack your things now, Harlene." Baling ni Dad sa akin. "Yes, daddy." Sagot ko ng hindi siya tinitignan. Naglakad na rin ako palayo sa dining room. KASALUKUYAN akong nakahiga sa may duyan dito sa garden ng mga Allegre habang nakatingin sa langit na puno ng mga bituin. Napabuntong hininga ako at pumikit. Bukas na ako aalis sa bahay na ito at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Should I be happy dahil at last, makakalabas at mamumuhay na ako ng mag-isa? Or should I got scared dahil wala ng mommy Reina na laging nag-aalala at nagsasabi sakin na mahal niya ako. Wala na ding RJ na mang-gi-gising sa akin every morning at sasamahan ako sa library para hindi ako ma-bored kapag tinuturan na ako ng tutor ko. Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti. Honestly, I didn't expect na mangyayari ito. Kahit kailan hindi ko inisip na isa lang pala akong anak sa labas nina Heather Reyes-Sandoval at Crisostomar Allegre. Bunga ako ng pagkakamali nilang dalawa na parehong may kanya-kanya ng pamilya. 'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars I'm gonna give you my heart 'Cause you're a sky, ' 'cause you're a sky full of stars ' Cause you light up the path Napangiti ako ng marinig ang isang malamig na tinig sa aking tabi. Bigla ay parang nabawasan ang bigat na aking nararamdaman sa mga oras na 'yon. I don't care, go on and tear me apart I don't care if you do, ooh 'Cause in a sky, 'cause in a sky full of stars I think I saw you Napamulat ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking pisngi. I smiled as I saw him sitting next to me. "You never failed to lessen the pain I felt ." Bulong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at sumakay rin sa duyan na kinalalagyan ko. Umusog ako para makahiga siya sa tabi ko. "That's my duty as your brother. I promise to protect you and always makes you happy, diba?" Aniya. Ngumiti lang ako at muling tumingin sa kalangitan. Naramdaman ko siyang gumalaw at mula sa gilid ng aking mata, nakita kong iniunan niya ang isa niyang braso at tumingin din sa langit. Nanatili akong nakatingin sa mga bituin. I can't help but to sighed heavily as i control my tears. Bigla ay parang sumisikip ang dibdib ko. "It hurts so bad, RJ. Parang gusto ko na lang na mawala sa mundo." Maya-maya ay sabi ko matapos ang mahabang katahimikan. "Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. I feel like i am homeless. Both of my parents doesn't like me, para bang hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin sila at binuhay pa nila ako..." Dugtong ko pa. Hindi nagsalita si RJ at tahimik lang na nakikinig. "Si daddy, buong buhay ko nagpa-impress ako sa kanya para mapansin niya ako but it's useless lang pala dahil siya mismo ang naglalayo ng sarili niya sa akin. He never be a father to me. Sina kuya Ramon at Rafael ever since ay ramdam ko na they doesn't like me and i always ask myself why. Ngayon alam ko na ang rason at 'yon ay dahil isa akong kahihiyan sa buong angkan ng Allegre." Mahabang lintanya ko saka pinunasan ang luhang sunud-sunod na tumutulo mula sa aking mata. Napasinghot na rin ako. "But, despite of everything, i'm still lucky to have you and mommy Reina. At least kahit papaano there is someone who always care for me..." Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. "I'll never forget you, RJ. Please tell that to mommy Reina too. Sana hindi niyo rin ako makalimutan." Sambit ko pa at napahikbi. "Don't say that, Nikki." Turan niya. Siya lang ang nag-iisang tao na tumatawag sa akin ng 'Nikki' "Of course we were never ever forget you. Magkikita pa kaya tayo..." Aniya pa. "Tumugtog ka pa rin ha. Hunter needs you." wika ko. "Of course, i will. Hindi man tayo magkakasama sa mga susunod na araw, you will still my inspiration. Kung hindi dahil sayo wala ako sa banda. Basta promise me na you will forever my ultimate fan." Sambit niya at saglit na tinakpan ng kanyang braso ang mata niya. Ayaw kasi ni daddy ang pagbabanda ni RJ. Wala raw siya kasing mapapala doon, nawalan na siya ng pag-asa pero i push him na ituloy. Music is his passion kaya kahit ayaw ni dad ay tumuloy siya. Suportado naman siya ni mommy eh. At dahil mas malakas si mommy ay walang nagawa si daddy. But daddy and RJ made a deal na after ng pagbabanda ay magta-trabaho si RJ sa company, bagay na pinagsang-ayunn naman ng half brother ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at paghalik niya sa aking buhok. "Basta palagi mong tatandaan na kung saan ka man pumunta at nararamdaman mong malungkot ka o nag-iisa. Tumingin ka lang sa langit, sa umaga ay ako yung ulap na laging nagpapaalala sayo na tuloy-tuloy lang ang buhay at sa gabi, ako naman ang mga bituin. " Masuyong wika niya at sabay kaming napatingin sa kalangitan. "Laging gumagabay sa'yo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD