bc

Casanova's Endgame (SPG)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
6.5K
READ
love-triangle
playboy
badboy
goodgirl
self-improved
drama
twisted
sweet
straight
city
like
intro-logo
Blurb

When Harlene found out that she was born out of wedlock ay agad siyang lumayo at nagrebelde. Then she met Lawrence Andrade who happened to be the famous casanova in town. She fell in love the first time she saw him and gave herself without thinking twice. But Harlene got pregnant and Lawrence doesn't want the baby. She runaway for the second time and met Ace Earheart who is the total opposite of Lawrence. Ace take care of her until she gave birth at itinago ang anak bilang ganti kay Lawrence. Many years have passed. Pinilit niyang mahalin si Ace na nagpalaki sa anak at tumulong sa kanya. But when she is starting to love Ace ay siya namang pilit na pagbawi sa kanya ni Lawrence at sa anak nila.

Harlene is torn between choosing Ace who love her unconditionally and Lawrence who promise to be good to her and to their daughter. Ano nga ba ang pipiliin niya? Will she become the casanova's endgame kahit na paulit-ulit nitong winasak ang puso niya? Ngunit paano na si Ace?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan. Buti pa ang ulan, malayang bumubuhos sa kahit saang parte ng daigdig. Kung kailan nila nais bumuhos, walang pipigil sa kanila. Parang hangin, malayang natin na nararamdaman kahit saan. Sana pati ako ay malaya rin. Napangiti ako ng pilit sa mga naiisip ko. Bata pa lamang ako ay ganito na ang nararanasan ko, bakit ba hindi ako masanay-sanay? Huminga ako ng malalim. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa ulan at dahan-dahan kong inilabas ang kamay ko mula sa bintana para maramdaman ang bawat patak nito. Muli akong napangiti, this time may saya na akong nararamdaman habang pumapatak ang tubig ulan sa palad ko. Mas masaya siguro kapag naligo ako sa ilalim ng ulan. Mas masaya siguro kung marararamdaman ko ang bawat patak nito sa buong katawan ko. Bigla kong binawi ang kamay ko mula sa labas at agad pinahid ang palad ko sa aking kumot ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko, iniluwa nun ang seryosong mukha ng kapatid ko. Si RJ Allegre. "Pinapatawag ka ni papa sa office niya..." Wika nito sabay alis. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo, naglakad ako palabas sa kwarto papunta sa office ni daddy. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradura ng pinto ng office ni daddy. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko ay pinatawag lang sa office ni daddy kapag may serysoso o mahalagang sasabihin. Isa din sa dahilan ay kapag may kasalanan na ginawa ang isang parte ng pamilya namin. Ito din ang unang beses na pumunta ako dito kaya hindi ko alam kung bakit. Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad sakin ang seryosong mukha nila daddy at mommy na kapwa nakatingin sa akin. Nakaupo sila sa receiving area na magkatabi. Nakita ko din ang dalawang tao na nakaupo sa harapan nila. Isang babae ito na sa tingin ko ay ka-edad ni mommy at lalaki na halos ka-edad din ni daddy. And i think they're couple. "Good evening po..." Magalang na bati ko sa kanila. Nakita ko na tumango ang mga bisita ni daddy. "Maupo ka, Harlene Nicole." Narinig kong sabi ni daddy kaya umupo ako sa may single na sofa. Sa gitna namin ay may glass table sa right ko ay 'yong couple na bisita ni dad at nasa left naman sila ni mommy. Ano kaya ang pag-uusapan namin? Narinig ko ang pagtikhim ni daddy kaya natuon ang atensyon ko sa kanya. Nakita ko ang paghawak ni mommy sa kamay niya kaya mas lalo akong kinabahan. Bigla ay nakaramdam ako ng tensyon. "Anak, meet your bioligical mother, Heather Reyes Sandoval..." Dinig kong wika ni daddy habang seryoso na nakatingin sa akin, tapos ay bumaling siya doon sa ginang na nasa harapan niya. Nakita ko ang pag-ngiti ng ginang kay daddy tapos ay bumaling ito sa akin ng nakangiti rin. Natigilan ako ng biglang mag-sink in sa akin ang lahat. Biological mother? Siya ang nanay ko at hindi si mommy Reina? Hindi ang mommy namin ni RJ ang mommy ko kung hindi ang babaeng ito na si Heather Reyes Sandoval daw? "H-how?" Abg tangi kong nasambit. I couldn't find the right word. Gusto kong magtanong. Marami akong gustong sabihin but i just can't. Gulong-gulong ako sa mga nangyayari. "Your biologocal mother and i have done a mistake seventeen years ago, ikaw ang naging bunga kaya---" "I'm just a mistake?!" Hindi ko na pinatapos pa si daddy sa anuman na sasabihin niya dahil ayaw ko 'tong marinig. Basta ang naiintindihan ko sa pag-uusap na ito ay isa akong malaking pagkakamali. Hindi ko napigilan ng sarkastiko akong natawa. "Now i know why i have been home schooled, all my life..." Sabi ko saka tinignan ang mga magulang ko. "Kaya pala iba ang apelyido ko sa mga kapatid ko. Kaya pala hindi kami magka-mukha ni mommy. Kaya pala iba ang trato niyo sa akin ay dahil bunga lang ako ng pagkakamali!" Malaks na sabi ko Nakita ko ang pagka-gulat sa mukha nila mommy Reina. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi ko. Kaya pala lagi kong nararamdaman na parang outcast ako sa family na ito. Kailanman ay hindi ko nagawang yakapin si daddy na normal na ginagawa ng mga nag-iisang anak na babae sa pamilya. Buong akala ko pa ay ampon ako noon dahil sa trato niya at ng dalawa kong kuya. Buti na lang at mahal na mahal ako ni mommy Reina at ni RJ kaya kahit papaano ay hindi ako mag-isa. Now i know the reason why. "Sit down, Harlene! I'm not yet done talking!" May diin na saad ni daddy kaya wala akong nagawa kundi ang umupo ulit. Tahimik lang naman na nakikinig sa amin sina mommy at ang katabi ni Heather Reyes Sandoval. "As I was saying, you came. Hindi namin alam ang gagawin kaya ibinigay ka sa akin ni Heather at itinago kita. The last name that you are carrying is the last name of your grandfather. Apelyido 'yan ng iyong biological mother sa pagka-dalaga. Hindi mo rin p'wedeng magamit ang pangalan ko dahil alam ng lahat na wala akong anak na babae kaya--" "Enough Cristomar! Paano mo naaatim na sabihin ang mga 'yan sa anak mo?!" Sigaw ni mommy Reina. Katahimikan ang namayani sa buong silid. Napayuko ako sa sinabi ni mommy. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Bawat kataga, bawat binibigkas ni daddy ay tumatagos sa puso ko. Parang ipinapa-mukha niya talaga sa akin na isang maling pagkakamali nila ako ng Heather na 'yan. Buti pa si Mommy Reina, kahit hindi ko kadugo ay inalagaan ako dahil na rin sa wala siyang anak na babae, pero ang biological mother ko, itinago at ikinahiya ako. Hindi ko maiwasan na mapabuntong-hinga. "Huwag kang makialam dito, Reina--" Sabi ni daddy ng makabawi ito ngunit agad din pinutil ni mommy ng anuman na sasabin niya. "No! Ako ang itinuring na ina ng batang 'yan! Ako ang kumalinga sa kanya kaya huwag mong sabihin na huwag akong makialam! Dapat nga matuwa ka pa dahil hindi ako katulad ng ibang babae d'yan na walang kwenta!" Malakas na sabi pa mommy. "I have reasons, Reina..." Narinig kong sambit ng Heather na sinasabi ni daddy. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Really, Heather?" Panghahamon sa kanya ni mommy saka matalim na nakatingin dito. Nagulat naman ako ng biglang umiyak ang babaeng 'yon sa sinabi ni mommy. Humagulgol pa talaga siya habang paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'sorry'. I should feel something towards her, right? But right now, wala akong maramdama kundi pagkainis. Huminga muli ako ng malalim saka bumaling kay daddy. "Daddy, ano po ba ang nais niyo na i-point out?" Seryoso kong tanong. Nabaling ang atensyon ni daddy sa akin, gayundin si mommy at ang biological mother ko daw at ng asawa nito. "Sasama ka sa kanila at doon ka na titira, Harlene." Tugon niya na nagpatigil na naman sa akin. Ipapamigay na niya ako. Pagkatapos ng maraming taon na pagtatago niya sa existence ko ay ipapamigay niya lang ako. "Cristomar hindi! Hindi mo ibibigay sa babaeng yan ang anak ko! Anak ko si Harlene! Hindi man ako ang nag-anak at nagbigay ng pangalan niya ay ako naman ang kumalinga sa kanya!" Narinig kong sigaw ni mommy Reina. I really love her so much. Sa mga araw na pakiramdam ko ay hindi ko belong sa bahay na 'to ay lagi niya sinasabi na anak niya ako. Kung totoo man na hindi ko siya mommty at step mom ko siya, napaka-swerte ko pa din. Ramdam ko na totoo ang pagmamahal at pagkalinga niya sa akin. Buong buhay ko tatanawin na malaking utang na loob ang ginawa niyang kabutihan. Napayuko ako at tuluyan ng lumandas ang masaganang luha ko. Parang 'yong ulan kanina. Lalo akong napaiyak nang marinig ko ang wika ni daddy. "She's coming with her mother and that's final!" Madiin na sabi pa ni daddy. "Pero Daddy--" Sinubukan kong kumontra dahil naaaw ako kay mommy pero hindi niya ako pinatapos. "Huwag mo akong kokontrahin, Harlene Nicole! Hindi ba at ito naman gusto mo? Gusto mong maging malaya at umalis sa bahay na ito. Ngayon ay magagawa mo na 'yon..." Sabi niya pa. Nakita ko ang pag-iling ni mommy, tanda ng hindi niya pagsang-ayon sa mga sinasabi ni daddy. Nakita ko ang paghalukipkip niya saka piniling tumahimik nalang habang matalim na nakatingin sa biological mother ko raw. Bumaling naman ako sa babaeng sinasabi ni daddy na ina ko at nakita ko siyang nakayuko habang nagpupunas ng luha. Inaalo naman siya ng asawa niya na nakayakap sa kanya ngayon. Huminga muna ako ng malalalim bago magsalita. "No daddy. Ayoko sumama sa kanila..." Mariing wika ko. "Sasama ka sa kanila, Harlene--" "No Dad, all my life naging masunuring anak ako sa inyo. Never ko kayong tinanong about sakin. Never ko kayong sinuway. Naging mabait ako kaya sana naman ay pagbigyan niyo ako ngayon. Kahit ito na lang ang pa-birthday gift niyo sa akin." Mahabang lintanya ko habang seryosong nakatingin kay daddy. "What do you want, anak?" Napalingon ako sa kanan ng marinig kong nagsalita ang ina ko raw. 'Anak, Huh?' "I want my freedom. Gusto kong mabuhay mag-isa. Gusto ko maging independent. Ayokong tumira sa kahit kanino man sa inyo dahil gaya nga ng sabi mo daddy, isa akong malaking pagkakamali kaya panindigan niyo na ang pagtatago sa akin. I want to live my life, alone..." Seryoso na sabi ko at isa-isa silang tinignan. "Is that what you want, Harlene?" Narinig kong tanong ni Daddy. "Opo. At kung gusto niyong maging magulang sa akin ay padadalhan niyo ako ng sustento..." Sabi ko pa. Nakita ko ang pag-iling ni Mommy sa mga sinabi ko. Huminga ako ng malalim. I'm sorry mommy, Reina. Pinanuod ko ang mga biological parents ko at nakita ang unti-unti nilang pagtango. Mula sa pagkakayuko ay tumingin naman sa akin si Mrs. Sandoval at tumango na rin. Kung ang tingin nila sakin ay pagkakamali na dapat itago, pwes ay paninindigan ko na. I will start to live on my own at babaunin ko sa aking pag-alis ang pagkamuhi ko sa mga taong dahilan ng existence ko dito sa mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
514.2K
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

My Favorite Subject

read
227.8K
bc

Payment of Debt

read
90.0K
bc

My Husband's Mistress

read
300.4K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook