Chapter 2

1514 Words
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago muling sumulyap sa bahay na kinalakihan ko para sa huling pagkakataon. I am now going to leave this place for good. Iyan ang pangako ko sa sarili ko. Even if this is hard for me at ramdam ko ang bigat ng kalooban ko ay gagawin ko. It's for my own good. For me to leave peacefully. To.be free and alone. Isang sulyap pa bago ko buksan ang taxi na nakahinto sa harapan ko. And when I entered and locked the door from my side, saka ako napabuga ng hangin at nag-unahan na sa pagtulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Saan po tayo, ma'am?" narinig kong tanong ng taxi driver. I first composed myself bago sumagot. "Sa bus terminal, please." tugon ko, hindi na muling umimik ang driver kaya humarap nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. I am gonna leave this city and never come back. PALINGA-LINGA ako habang patuloy sa paglalakad. I am now here at the Bus Terminal pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sakyan. Saan nga ba ako pupunta? Napabuntong hininga akong tumigil sa paglalakad at pinagmasdan ang mga taong panaog sa isang bus. Medyo may karamihan ngayon ang tao dito dala narin siguro sa nalalapit na occasion. It's 37 days to go before christmas. Nag-umpisa na akong muli maglakad patungo sa isang bus na kaunti lang ang may sakay. Napagdesisyunan kong dito nalang para hindi na ako maka-experience ng pagsisiksikan ayon narin sa nakita ko kanina. As I climb into the bus, pinatigil ako saglit ng driver or I should I say 'yung parang assistant ng driver para maghulog sa maliit na vendo something doon. He told me the amount so kumuha ako sa wallet ko at hinulog doon, seconds later ay may lumabas na ticket and my changed. Kinuha ko iyon at muling naglakad at umupo sa left side sa tabi ng bintana. Tumayo muli ako para ilagay ang baggage ko sa ulunan ng bus pagkuwa'y muling umupo. I can feel the cold breeze inside this bus. Idagdag pa ang panahon at ang oras. Madilim pa rin kasi sa kalangitan hanggang ngayon kahit na kasalukuyan na kaming bumabiyahe pa kung saan. It's still five in the morning I guess. Kinuha ko ang earphones ko mula sa aking bag at ikinabit sa aking phone saka inilagay sa aking tainga. Nang marinig ko na ang instrumento ng musika ay biglang napapikit ako. - "Daddy! Look, i got a perfect score. Ang sabi ng tutor ko ay mabilis na raw ako magbasa and magaling na akong magcount." masayang sabi ng batang babae at patalon-talon pang lumapit sa Ginoo. "Get the hell out of here, Harlene Nicole! I'm busy!" natigilan saglit ang batang babae, pagkuwa'y dahan-dahan ibinaba ang papel na hawak niya. Nakayuko siyang lumabas ng silid at naglakad patungo sa library kung saan andun ang tutor niya. Nagpaalam kasi siyang ipapakita lang sa Daddy niya ang test paper niya. Sa kanyang paglalakad ay hindi niya napansin na nakasalubong niya ang kanyang ina. Napahinto siya ng lumuhod ito sa harapan niya. "Is something the matter, baby?" tanong nito habang hinahaplos ang mahaba at bagsak na itim nitong buhok. "Mom, what is hell?" inosenteng tanong nito. Nagulat ang Ginang sa tanong ng bata sakanya kaya natigilan siya. "Dad just told me that I shoul get the hell out of his office dahil busy siya. So, what is hell, Mom?" pangungulit na tanong ng bata. Napabuntong-hininga ang Ginang pagkuwa'y tumayo. "It's a bad word baby, don't ever mention that again. Alright?" anito at pinabalik na ang bata sa tutor nito. - "Ma'am? Gising na po. Kayo na lang po ang naiwan dito." Nagising ako sa mahihinang tapik sa aking balikat at sa liwanag na nagmumula sa bintana. Iminulat ko ang aking mga mata at napaayos ng upo ng mapansin kong nakatigil na ang bus. "Ma'am, saan po kayo? Last destination na po kasi namin ito. Maya-maya din po ay babalik na kami sa Metro." Narinig kong wika mula sa gilid ko kaya napalingon ako dito at nakita ko 'yung assistant ng driver. "Ganoon po ba? Anong lugar po ba ito?" tanong ko at sinimulan ng ayusin ang gamit ko. "Aldwyne po. Baba na po kayo ma'am." sabi pa nito at umalis na sa harap ko. Tahimik ko nalang na kinuha ang gamit ko pagkuwa'y bumaba na. Pagkababa ko sa bus ay agad kong inilibot ang aking paningin. This place is so good para sa akin. Napakagandang tanawin ang agad na bubungad sa iyo. Ang mga palayan na mukhang handa na sa pagharvest, ang bundok na matatanaw mo mula dito and I bet ay malayo iyon. Pati ang mga bahay na animo'y nasa isang lugar ka na ng unang panahon or should I say 'yung malinis pa ang mundo noon at hindi pa masyadong damage ang ozone layer. Something like that. Mukhang wala ring pollution dito dahil puro tricycle at bike ang mga nakikita kong dumadaan sa harapan ko na pang-transpotasyon. Mukhang hindi ako nagkamali sa pagpili ng bus na sinakyan ko. Naglakad-lakad ako para makahanap ng masasakyan or terminal kung saan may tricycle. Medyo malayo na ang nalalakad kaya huminto ako at luminga sa paligid. Hmm. Saan ba dito ang sakayan? Mula kasi dito sa kinatatayuan ko ay may isang mini bar na maingay at madilim, at sa gilid non ay 'yung parang waiting shed. Saan ba dito? Napagdesiyunan ko na lang na maglakad pabalik, dahil feeling ko malayo kapag didiretso pa ako. Mabilis lumipas ang oras at maag-gagabi na. Nandito parin ako sa kalsada. Wala na akong makitang mga bahay at sasakyan na dumadaan kundi mga taniman na lang. Nasaan na ba kasi ako? Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko itong kinuha sa aking bulsa at tinignan. Calling RJ Allegre... Napabuntong-hininga ako. Pinagmasdan ko lang ang pag-ilaw at pag-vibrate nito. Wala akong balak sagutin ang tawag niya. Hindi nga pala kasi ako nakapag-paalam dahil baka mahirapan ako kapag nakita ko sila. Mas mabuti na din ito. At least sarili ko na lang ang iintindihin ko. Naglakad ako papalapit doon sa waiting shed na nakita ko kanina. Hindi ko napansin na nakabalik na pala ulit ako dito. Umupo ako doon at pinagmasdan ang tanawin sa harapan ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng pagpatak ng ulan mula sa bubong ng sinisilungan ko hanggang sa tuluyan na itong lumakas. "Umuulan na naman?" Sambit ko saka muling napabuntong-hininga. - "Mom, puwede po ba akong maligo sa ulan?" nakangiti niyang tanong sa kanyang ina. "Sure. Basta huwag magbababad at baka magkasakit ka." sagot nito sakanya. Nakangiting tumango ang bata at patakbong bumaba ng hagdan patungo sa pintuan ng kanilang bahay. Sobrang saya ng nararamdaman niya habang naliligo sa ilalim ng ulan. Umiikot-ikot pa siya habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Kahit mag-isa lang siya ay masaya na siya, wala kasi ang kuya RJ niya kaya siya lang ngayon mag-isa. She feels as if she's free. Para bang yung saya na nararamdaman niya kapag binibilhan siya ng bagong dolls at clothes ng Mommy niya ay kaparehas ng nararamdaman niya ngayon. Napamulat siya at napatigil sa pag-ikot ng maramdaman niya ang marahas na paghawak sa braso niya. Nilingon niya ito at bumungad sakanya ang galit na mukha ng kanyang Ama. "You hard-headed girl! Get in!" sigaw nito at kinaladkad siya papasok sa kanilang bahay. Tahimik na umiiyak ang bata na hindi naman halata dahil sa basa ang kanyang mukha. Napahagulgol ang bata ng dumapo ang mabigat na kamay ng kanyang Ama sa kanyang pisngi. "Bwisit ka talaga sa buhay ko!" sigaw pa nito. - Agad kong pinahid ang luhang naramdaman kong tumulo sa aking pisngi. Ayaw ko na ng ganito. Ayoko ng lagi na lang umiiyak sa tuwing may maaalala ako. Ayoko ng magsayang ng luha sa mga taong kahit kailan ay hindi ako pinahalagahan. Tumayo ako sa upuang bakal at luminga sa paligid ng mapadako ang paningin ko sa isang mamahaling sasakyan sa tapat ng mini bar. Nakita ko ang paglabas ng maputing lalaki mula doon na may pagka-brown ang buhok. "Come on Zayn. Hayaan mo na siya. Ang wrong timing mo naman kasi tumulong." narinig kong sabi nito. Lumapit ako ng konti sa bukana ng waiting shed at pinagmasdan sila. Medyo malapit lang ang Bar sa kinaroroonan ko ngayon. "Shut up, Andrade. You're no help." wika naman ng kaharap nito na matangkad at maputi din at itim ang buhok. Narinig ko ang pagtawa ng brown haired guy at inakbayan niya ang black haired na lalaki. Nang humarap ito sa gawi ko ay saglit akong natigilan. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo. Parang nag-mute ang ingay ng ulan at nag-stop ang paligid. Natauhan lang ako ng makita ko ang pag-ngiti niya pagkuwa'y pumasok na sa sasakyan. Wait, did he just...smiled at me? I smiled at that thought. Pinagmasdan ko ang sasakyan nila hanggang sa pagdaan nito sa harapan ko. "Andrade..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD