"Ang dami mong alam." Sabi ko sa kanya at humalukipkip sa harapan niya. "This is my life, at wala kang pakialam doon." Dagdag ko pa na ikinatawa niya sabay akbay sakin na agad ko namang tinanggal. "Halika na nga, may alam ako na masasarap na kainan dito sa Olivares kasi nakikita kong bago ka pa lang dito." Hindi ako sumagot sa sinabi niya at tinalikuran siya saka naglakad paalis doon, nakaka-ilang hakbang pa lamang ako ng hawakan niya ang braso ko at hilahin palapit sakanya. "Come on! Libre ko." Anito pa na nagpataas ng kilay ko. "Excuse me! What do you think of me? Poor? Duh! I have a lot of money, noh!" sigaw ko sakanya pero tinawanan lang niya ako at hinila sa kung saan. Hindi nalang ako pumalag nang sumakay kami sa tricycle at tahimik nalang na lumilinga sa paligid. Tahimik lang