Agad akong tumakbo at naghanap ng masisilungan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napabuga ako ng hangin at niyakap ang bag ko nang makita ko ang mga kasama ko dito sa loob ng waiting shed. "Ugh! Bakit ngayon pa? " mahinang wika ko at tinapik-tapik ang paa ko sa semento. Tinanaw ko ang bulkan sa hindi kalayuan at napasimangot na pati doon ay umuulan narin. Paano na ako mahihiga sa damuhan nito? I thought to myself at luminga sa paligid para maghanap ng masasakyan. Napalingon muli ako sa mga kasama ko dito at napangiwi nang makitang nakatitig sila sa akin hanggang sa may isang nagsalita, "Miss. Kanina pa tumutunog ang phone mo. " anito kaya napatingin ako sa bag ko at kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa niyon. Napasimangot ako nang makita ko ang pangalan ni Mr. A