Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Luminga-linga ako at nahagip ng paningin ko si Lawrence. Nag-thumbs up siya sa akin na parang sinasabi If I'm okay. I just nodded and smiled at him at itinuon na lang ang atensyon ko sa seafoods na nasa pinggan ko. Honestly, I am bored. Tumayo ako at nag-umpisang maglakad-lakad. Nginingitian ang mga taong makakasalubong ko even If they're just raising their eye brows at me. Tumigil ako sa tabi ng dagat at umupo sa buhanginan. Dito ako dinala ni Lawrence, sa isang beach dito sa Aldwyne dahil may party daw. I don't know his purpose kung bakit niya ako sinama dito but still, pumayag ako. Bumuntong-hininga ako. I feel out of place na lagi ko naman nararamdaman. Kahit noong nasa bahay pa ako ng mga Allegre ay ramdam ko