Tahimik akong umupo sa vacant seat sa dulo nang makapasok ako sa Philosophy class ko. Napahikab pa ako at napalingon nang mahagip ng mga mata ko iyong babaeng nakausap ni Lawrence nong first day of school. Nalaman kong siya pala si Alyssa Castro. She's a scholar in this school at nakatikim ng welcome party sa Queen Bee. I sighed at umayos ng upo. It's not that I don't care, ayoko lang talaga magaya sakanya, tahimik pa naman ang buhay ko. Nang matapos ang boring na Philosophy subject ay agad akong dumiretso sa likod ng Chem Lab building at umupo sa upuan na nandoon. Kinuha ko ang cellphone ko at nagumpisang magdial. "Hi Harvey! " bungad ko nang sagutin nito ang tawag. Napangiti ako nang agad ko siyang matanaw sa gilid ng puno, ilang kilometro ang layo mula sakin. "Miss me already?