Chapter 2

1521 Words
“Are you okay now?” bumungad kay Jasmine ang nag-aalalang mukha ni Diane, ang kliyente niya. They are inside a coffee shop to talk about her business, hindi niya inaasahan ang biglaang pag-spaceout. It became more frequent since she saw Aiyanna in the rooftop, mabuti na lamang at nandoon si Clyde dahil kung may nangyaring masama kay Aiyanna dahil sa hindi siya nakagalaw sa mga oras na iyon ay baka hindi niya mapatawad ang sarili.  She managed to smile at her, “Yes. I’m sorry for that, may bigla lang pumasok sa isip ko.” paliwanag niya. “Where were we?” She stirred her coffee and drank it, dagdag pampanerbiyos para sa iba ngunit pinapakalma siya niyon.  “A newly revised contract for onboarding team members.” anito “Ah, yes. I will revise the contract, ano ba ang mga gusto mong baguhin?”  Diane is a friend from high school, isa ito sa mga naging kaibigan niyang babae. Dahil bukod naman sa apat na kulugo ay may iba pa siyang naging kaibigan. Diane’s a chef and she owns a chain of restaurants in Luzon. Balak nitong mag-expand sa Visayas kaya may meeting silang dalawa ngayon.  “Anyway, enough of that. Kumusta kayo ni Kurt?”  Itinigil niya ang pagsusulat at tinapunan ito ng tingin, “Who?”  Natawa ito sa sagot niya na ikina-iling lamang niya, “Ewan ko ba kung bakit bitter ka pa rin sa ex mong iyon. Balikan mo na kasi, ang yummy kaya.” “Hindi ako bitter. Siya ang bitter.” “Ows? Paano mo naman nasabi?” tukso nito sa kanya “He can’t even find a woman to date! Bakla yata iyon.”  “Eh bakla nga ba? Sa tingin ko, hindi bakla. Nasiyahan ka sa performance eh.”  “Hoy, idedemanda na kita. Oral defamation iyan.” sabat niya rito habang inaayos ang mga gamit niya at ibinabalik sa loob ng dala niyang attaché case.  “Ito naman, hindi na mabiro. Sige na, umalis ka na nga. Baka lumala lang ang wrinkles ko dahil sa’yo.”  Napa-ngisi siya nang i-massage ni Diane ang mukha nito habang nakasandal sa kinauupuang couch. Matapos ang meeting niya kay Diane ay may ilang meeting pa siya sa ibang kliyente para sa araw na iyon. At sa susunod na linggo naman ay dalawang magkaibang kaso naman ang dapat niyang paghandaan.  Their family owns a chain of Law Firms all over Asia, the US and Europe. Lahat halos ng abogado ng firm nila ay mga top-notch lawyers, including her. And aside from being a lawyer, she is a field secret agent of Luxe. Mahirap pagsabayin ngunit sanay na siya, wala pa ngang sinabi ang propesyon niya kumpara sa apat na kulugong team mates niya na sina Clyde, Jayden, Kayden at Kurt. The four of them are running their own empires, given na mayayaman ang pamilya ng mga ito pero nagawa pa rin nilang gumawa ng sariling pangalan without hanging with their family’s name. Kaya proud siya sa apat na iyon kahit puro kalokohan lang ang alam, they are monsters in terms of business. Walang sinasanto, katwiran nila ay trabaho lang walang personalan.  Jasmine removed her coat leaving just her black tank top, ibinaba din niya ang buhok niyang kanina ay nakatali lamang. She applied a red lipstick to compliment her hair before getting off the car, naka-park siya sa tapat ng gusali ng Club Deluxe. It is a luxurious bar owned by the five of them, there lies a secret behind that certain bar at mabuting huwag na lang munang pag-usapan.  “Good evening, Ma’am Jazz.”  “Hello, Tommy.” bati niya sa isang bouncer nilang nagbukas ng pintuan para sa kanila.  “Favoritism ka yata boss. Bakit nauna siya sa amin?” reklamo ng isa na nakapila sa harapan.  Nilingon niya ito at napansing mahaba haba na rin pala ang pila upang makapasok sa club. She smiled at him and walked towards him, “It’s either you own this club or reserve a table so you walk in without standing on the line.” sabi niya saka tinapik ang ulo nito.  “Pasensya na ma’am. Pagsasabihan na lang ho namin.”  “It’s okay. Ganyan talaga ang mga ‘yan, pasaway.” ngiting sagot niya sa tauhan. Isa pang gusto niya sa mga tauhan nila ay responsable ang mga ito sa lahat ng bagay. Wala pang napapabalita na may nag-away sa loob ng bar nila dahil bantay sarado ng mga bouncers nila ang buong lugar. Kapag may naamoy silang kakaiba ay inaaawat kaagad nila.  Nang makapasok sa loob ay marami na rin ang tao doon, it was just 10 pm at palaging jam-packed ang club lalo na pagsapit ng alas dose. She went up on the second floor straight to their vip room, iyon ang kwartong nakalaan sa kanilang lima. Naabutan niya doon ang magkapatid na sina Jayden at Kayden. Magkamukhang magkamukha ang dalawang iyon, at aakalaing magkakambal. Jayden is a year older that Kayden ngunit nasa parehong level ang mga ito noong highschool at college kaya marami talaga ang nag-aakala na kambal ang dalawang iyon.  “Yo, Jazz.” bati ni Kayden na tinanguan lang niya.  “Mahangin ba sa labas?” ngising tanong ni Jayden. “Tigilan mo ang buhok ko, punyeta ka.” sagot niya saka kumuha ng sariling baso at nagsalin ng alak doon.  They chuckled at her while looking at the tinted window in front of them, sa harapan nila ay makikita ang buong dance floor ng club. Tinted iyon mula sa labas pero sa loob ng kwarto nila ay isa iyong clear window. The night is young but these people are in hype, kahit miyerkules pa lamang ay marami pa rin ang tao doon, what more on Fridays and weekend nights.  “Hinahanap ka ni Kurt kanina.” sambit ni Kayden “Bakit?” nakataas ang kilay na tanong niya. Kayden glanced at her while smirking, “I meant Jay, hinahanap ka ni Kurt kanina.”  Kung hindi lang niya napigil ay baka naibato na niya rito ang hawak na baso. But she remained cool, dahil mas aasarin lang siya ng mga ito kapag ipinakita niyang asar na nga siya. Assholes.  She stood up and refilled her glass, initsa lang niya sa kung saan ang dalang handbag saka dumiretso sa pintuan. “Saan ka pupunta?”  “Sa impyerno!” sigaw niya na ikinatawa lang ng dalawa.  Dumiretso siya sa ibaba at naghanap ng mapapaglibangan. Ito ang madalas nangyayari sa kanila, simula nang maghiwalay sila ni Kurt ay hindi siya tinantanan ng dalawang iyon sa pang-aasar. Kaya ang ending ay mag-isa siyang magba-bonding, what the heck? Clyde and Kurt are obviously bestfriends, lalo namang ang dalawang magkapatid, parehong hinugot sa tadyang ni Ninang Jert, ang ina ng dalawa. “Hey, alone?” bati sa kanya ng isang lalaki na may hawak na bote ng beer.  She smiled at him, “I have my friends somewhere. You?”  “Same. Would you like to dance?” yaya nito sa kanya na tinanguan niya.  Kung nasa normal na araw lang siya ay baka naibalibang na niya ang lalaking iyon, ngunit dahil naghahanap siya ng mapapaglibangan ay pinatulan na lang niya ang trip nito. Besides, he’s not that bad. Hindi ito kasing tangkad ni Kurt ngunit masasabi niyang malakas ang s*x appeal nito sa mga babae. Pero bakit ba niya ikinukumpara ang lalaking ito kay Kurt? Scratch that, Jaz. The guy became too clingy after a few minutes, he’s a typical f**k boy. Napapatikwas ang kilay niya kapag hinahawakan siya nito sa bewang. “What’s your name again?”  “Jaz.” nakakailang tanong na rin ito kung anong pangalan niya. Lasing na yata, masyado nang makulit. Isang tanong pa, iiwan na niya ito doon. She doesn’t have any problem with big guys, kaya niyang ibalibang ang mga iyon in just a split of second.  “Have I mentioned that you’re hot?” bulong nito sa kanya.  She rolled her eyes, thrice already dumbass. “Thanks! You too.” sagot niya.  Nagbilang siya ng tatlo bago iwan ito, ngunit sa pang-tatlo ay nahagip ng mga mata niya si Kurt na papalapit sa kanila. Saan galing ang isang iyon? She just shrugged and danced with this guy, kaysa magmukha siyang tanga sa harapan ni Kurt.  “Jasmine, umuwi ka na.”  Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasayaw habang umiinom ng alak.  “Jasmine.” ulit nito na medyo mataas na ang tono. Malakas ang tugtog sa loob ng bar kaya pasigaw iyon ngunit kilala niya ito, iba ang sigaw nito kapag naiinis na ito sa kanya. “Oh, hi Kurt! What’s up?” Kunwa’y ngayon lang niya ito napansin.  “Time to go home now.” he said.  “Hey, are you talking to her?”  Hindi ito pinansin ni Kurt at sa kanya lang nakatingin, “Dude, I was asking you.”  “I am talking to her. Can you shut up?”  “Nauna ako sa kanya, pare. Humanap ka na lang ng iba.”  “What if I don’t?” mapang-asar nitong sagot.  Napikon na yata ang lalaking kasayaw niya kaya umamba ito ng suntok na mabilis namang naiwasan ni Kurt. Tahimik lang siyang nanonood sa mga ito, knowing Kurt, hindi naman nito papatulan ang lalaking iyon. The guy threw a punch in the air once again saka ito bumagsak dahil sa kalasingan. Tumawag ng bouncer si Kurt at sinabihang hintaying mahimasmasan ang lalaki saka pauwiin na.  “Hay, ang KJ.” aniya saka naglakad palayo at pabalik sa kwarto.  “Are you saying something?” tanong nito na nakasunod na pala.  She mimicked him silently, “No.”  “Umuwi ka na.”  Nagpanting ang tenga niya dahil doon, “Bakit mo ba ako gustong pauwiin? Wala ba akong karapatang mag-enjoy after a long day? Please lang Kurt, huwag mo nang pakialaman ang mga desisyon ko sa buhay.”  Natigilan ito, “Right. Go on, nasa loob pa sina Jayden at Kayden. I’ll go now.” Pati siya ay natigilan sa nangyari. She sighed, masyado na siguro siyang stressed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD