“Good morning.” mahinang bati ni Aiyanna kay Clyde nang makarating siya sa shooting range ng Luxe, may practice target shooting kasi sila ngayon at masakit pa ang ulo niya dahil sa pag-inom nang nagdaang gabi.
“You are late, Attorney.” puna nito.
“Nanakmal ako ng tao kapag ganitong masakit ang ulo ko.” sagot niya na ikinatawa lang nito.
Naupo na rin ito sa tabi katabing upuan niya at nagsimulang i-assemble ang baril nito. “What happened this time?”
“What happened to what?”
“To you and Kurt.”
Ibinaba niya ang suot na sunglasses at pinagtaasan ito ng kilay, “Kailan ka pa naging chismoso, Clyde?”
“Nahawa ako sa asawa ko.” natatawang sagot nito.
“How is Aiyanna, by the way?” umayos na rin siya ng upo at inassemble na rin ang gagamiting baril para sa target shooting.
“She's doing great! Hindi ko mapigilang pumasok sa opisina.”
“Ano namang gagawin niya sa bahay niyo kung hindi siya papasok sa opisina?”
He shrugged, “Relax, sleep and eat.”
“Ano naman tingin mo sa asawa mo? Patabaing baboy?” mataray na sagot niya. Kakaiba din talaga mag-isip ang isang ito, akala ng mga lalaki ay gusto lang nilang mga babae na humilata maghapon sa kama.
“Yo! We’re here.” bati ni Jayden, kasunod nito si Kayden na naka-ngisi sa kanila. Pinakahuli si Kurt na as usual ay nakakunot na naman ang noo. Nangati tuloy ang kamay niya, ang sarap sapakin ng isang iyon.
“You’re drooling.” puna nito sa kanya na automatikong chineck ng kamay niya ang nguso niya dahil sa sinabi nito.
‘Wala naman.’ naka-simangot na sambit niya sa sarili.
“Have you heard the news?” simula nito nang makaupo sa upuan.
“Yes, Governor Delos Santos.” sagot ni Clyde.
Noel Delos Santos was a Governor in Basilan. He was allegedly responsible for a village m******e and also sold children to different races years ago. Iyon ang naging misyon ng team nila apat na taon na ang nakalilipas. They don’t have any information about the culprit at the time, at ngayon lamang lumabas sa publiko. Ang alam din nila ay nailigtas nila ang mga bata mula sa kamay nito ngunit ang mga batang nailigtas pala nila ay hindi unang batch ng mga batang nakidnap. May mga nauna pang bata ang naibenta na at hindi na nila nailigtas pa.
“Who’s handling the case?”
“My firm.” sabat niya na nakapagpa-lingon sa apat.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ni Kurt.
“Dahil ngayon lang ibinalita.” sagot niya.
Bumuntong hininga lang si Kurt at hindi na nagsalita pa, he stood up with his gun and went to his shooting cubicle. Tumayo na rin silang apat at pumwesto sa kanya-kanyang pwesto. They heard the shooter’s timer’s beep and they started firing the targets. Nagtagal sila ng dalawang minuto saka natigil ang pagpapaputok ng baril. Naging tradisyon na sa kanilang lima na kung sino ay may pinaka-maraming missed shots ay siyang sasagot sa lunch para sa araw na iyon. The only person who hadn't treated them to lunch yet was Jayden. Dahil ito ang sniper nila ay matalas talaga ang mata nito.
“Ayos! Minsan lang matalo ‘tong si Kurt. Saan tayo?” ngising tanong ni Jayden sa kanila.
“Sa mahal.” sagot ni Kayden.
“Sana all mahal.” bulong niya. But obviously, they heard it. Kaya kanya-kanya ng reaksyon ang mga kulugo.
“Heard that Kurt? Sana all daw, mahal.” tawang tawang sabi ni Jayden.
“Miss mo na ba, Jaz?”
She raised her middle finger at them that made them laugh.
*
Napasandal si Jasmine sa swivel chair matapos ang buong maghapon na pag-aaral ng kasong hahawakan niya sa biyernes. It wasn’t that big trial but she wanted to keep herself busy kaya lahat na yata ng ilegal na transaction ng kabilang partido ay alam niya. She has lots of bullets to fire on Friday then.
Ipinikit niya ang mga mata upang maipahinga iyon sandali. Nang imulat niya ang mga mata ay madilim na sa labas, nakatulog na pala siya. She was about to stand up when she noticed a shadow beside her table, mabilis niyang kinuha ang tactical knife na nasa leg strap niya at inatake ang lalaki. He grabbed her hand and got the knife from her, only to realize that the man was Kurt. Seryoso ang mukha nito nang ibaba nito ang patalim sa mesa niya.
“What are you doing here?”
“Pinapunta nila ako rito. You weren’t answering your phone. May meeting tayo ngayon sa HQ.” simpleng anito.
“Shocks, I forgot about that.” natatarantang sagot niya saka tiningnan ang orasan, seven in the evening. Tatlong oras siyang natulog?!
“Hindi ka ba natutulog sa gabi?” takang tanong nito. “I was here for two hours bago ka pa nagising.”
Ganito ito katagal doon?! “Why didn’t you just wake me up?” inis na tanong niya, naglalakad na sila ngayon patungo sa elevator.
“Baka sakmalin mo ako kapag ginising kita.”
“Ano ako, tigre?” gigil na tanong niya.
“Sort of.”
“Aba’t..” sisikmuraan sana niya ito nang may pumasok sa elevator, mga empleyada niya.
“Good evening po ma’am.” bati ng mga ito na nginitian niya.
“Girl, ang hot nung guy.” bulong ng isa niyang empleyada sa dalawang kasama nito.
“Oo girl, tanungin mo ang pangalan dali.”
Pasimpleng lumingon siya kay Kurt dahil sa usapan ng tatlong babae sa unahan niya. Naka sandal lamang ito sa likurang bahagi ng elevator at pa-cool. Ngayon lang niya napansin ang hitsura nito, he was still wearing his suit and tie. He’s obviously just got off from the office. Mas lalo itong gumwapo sa paningin niya kahit hindi shaved ang balbas nito, his stubbles looks amazing. Mas lalo itong nagmukhang manly.
“Excuse me, you look familiar.” sabi ng isa.
Kurt looked at the woman and smiled. Kailan pa ito natutong ngumiti?! “Really?”
“Yeah, have we met? Do you mind if I ask for your name?”
“Not at all. I’m Kurt Morris.” he casually said.
“OMG! You’re that guy who owns an Aviation Company!” sambit ng babae.
“Uhm, yeah.” now he looks uncomfortable. Sa kanilang lima ay itong si Kurt na yata ang pinaka humble. He’s not comfortable with talking about his achievements, na hindi naman halata dahil mukha pa rin itong confident at kayang kayang dalhina ng sarili. It’s just that she knows him too well, kaya nasabi niyang hindi ito kumportable ng sandaling iyon.
“What brings you here, Kurt?” usisa ng babae. Sino ba ito? Anong department? Masyadong chismosa.
She caught him glanced at her, “I just dropped by.”
Sakto namang tumunog na ang elevator dahil nasa basement na sila. “Excuse me ladies, coming through!” masungit na aniya saka dumaan sa gitna ng mga ito.
“Ingat po, ma’am!” nauna lang siyang maglakad ngunit kasunod din naman niya ang mga ito saka si Kurt.
Pinilit niyang bilisan ang paglalakad upang hindi marinig ang kung ano pa mang pag-uusapan ng mga iyon.
“Hey, sumabay ka na sa akin.” habol ni Kurt sa kanya.
“Ang bait mo yata ngayon. You even know how to smile. Good for you.”
Unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Did she say anything wrong? Heto na naman sila sa hulaan, nakakapagod na.
“I’ll see you in the HQ.” aniya habang inaayos ang helmet sa ulo saka sumakay sa kanyang Black Ducati monster 1200 saka pinaharurot iyon.