Chapter 7

1990 Words
Kakatapos lang ng court hearing ni Jasmine nang araw na iyon at naipanalo niya ang kaso. “Tandaan mo itong araw na ito, attorney. Magsisisi ka!” sabi ni Joaquin Salvador, habang nakaposas at ine-escortan ng mga pulis papunta sa sasakyan upang makulong na sa presinto. Guilty ito sa pagnanakaw ng lupa ng mga magsasaka, sapilitan nitong pinaaalis ang mga tao doon at pinapapirma sa kontrata, ang pangako nito ay palalaguin nito ang palayan ng mga magsasaka upang lumaki ang kinikita nila araw-araw. At dahil karamihan sa mga magsasaka ay salat sa kaalaman, pumayag sila. Mabuti na lang din at may isang mag-asawang magsasaka ang may anak sa kolehiyo na kumukuha ng kursong economics kaya nalaman nitong niloloko lang sila ni Salvador nang mabasa nito ang kontrata.  “Surprise me, Mr. Salvador.” aniya rito. Sanay na siyang makatanggap ng mga death threats mula sa mga taong natatalo niya sa korte. Wala naman kasing totoo sa mga iyon.  “Attorney! Salamat po ulit sa inyo. Tuwang tuwa po sina Nanay nang malaman na nanalo tayo sa kaso.” pasasalamat sa kanya ni Tina sa kanya, ito ang batang kumukuha ng kursong ekonomiks sa UP.  “You’re welcome, Tina. Bibisitahin ko na lang kamo sila sa mga susunod na araw.” aniya rito habang naka-ngiti.  “Sige po, atty. Sasabihan ko po sila. Oo nga pala, attorney. Balak ko pong pumasok sa law school pagka-graduate ko next year.” nahihiyang anito sa kanya.  Natuwa siya rito dahil halatang matalinong bata ito at gusto nitong iahon sa hirap ang mga magulang. “You’re doing a great job, Tina! Before entering law school, dapat desidido ka ha? You know, lawyers’ jobs are hard.”  “Opo, attorney. Pangarap ko din po talaga iyon. Kaya natuwa ako kasi pumayag kayo na maging abugado namin dito sa kaso.”  “Of course, I wanted to help people. Especially yung mga kailangan talaga ng tulong.” sambit niya. “Next year, puntahan mo ako sa opisina ko. The company can give you a scholarship for law school.” Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi niya, “Talaga po, attorney?!” tanong nito habang medyo naluluha na. Natawa siya rito, “Huwag kang umiyak. Galingan mo sa pag-aaral para sa scholarship mo. I can also offer you a part-time job sa firm kapag maluwag ang schedule mo. Para na rin sa exposure mo sa ganitong trabaho.” “Maraming salamat po, attorney. Thank you po!” naluluhang sabi nito sa kanya.  “Just study hard, Tina. I’ll see you soon. Kailangan ko nang umalis.” aniya “Opo. Ingat po kayo!” paalam nito sa kanya. She waved back at her saka sumakay sa kotse niya. She glanced at her watch, it’s almost lunch time. Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura niya. She just had a cup of coffee earlier for breakfast, hindi na rin siya naka-kain bago magsimula ang trial dahil inabot siya ng traffic sa edsa.  She’s thinking of where to eat lunch when her phone rang. “Hello, yes ‘ma?” bati niya pagkasagot sa telepono. “Hija! Are you busy?” tanong ng mama ni Kurt. She’s always been so close to her since they were kids.  “I’m actually about to have lunch somewhere, ‘ma. Bakit po?”  “That’s good! Let’s grab lunch together! Magpapasama rin ako sa’yo sa pagbili ng regalo para sa kaibigan ko.”  “Sure, ‘ma! Text me the location na lang po. I’ll see you there!” She went to The Cellar at Grand Hyatt BGC, isa iyon sa paboritong restaurant ng mama ni Kurt. She was greeted by the hostess and escorted her to their table.  “There you are, hija! Looking gorgeous as always!” naka-ngiting bati ni Mama Celestine sa kanya. She smiled and kissed her on the cheek, “How are you, ‘ma?” tanong niya nang maka-upo sa upuan kaharap nito.  “I’m good. Ikaw ang kumusta dahil ang alam ko ay wala kayong tigil sa pagta-trabaho. The five of you were really workaholics!” naiiling na anito  “Kanino pa ba kami magmamana, ‘ma? Our parents are workaholics just like us.”  “Okay, I’m guilty of that.” natatawang sabi nito. “Oh! I already ordered, akala ko kasi ay male-late ka. I wanted the food to be ready para makakain ka kaagad pagdating mo.” Ito ang gusto niya sa nanay ni Kurt, kahit naman ang mga magulang nina Clyde, Jayden at Kayden ay close sa kanya pero si Mama Celestine talaga ang tumuring sa kanya na para siyang anak. Kulang na lang ay pagsamahin sila ni Kurt sa bahay noong nalaman nilang sila na. Their parents didn’t know about the miscarriege she had. Dapat ay ia-announce palang nila sa pamilya nila ang pag dadalang tao niya kapag 4 months na ang tiyan niya, but the tragedy happened and they weren’t able to let them know about it.  Mama Celestine excused herself to go to the powder room, inabala na lang niya ang sarili sa ipad at chineck kung ano ang susunod niya schedule. Mabuti na lang at free siya hanggang alas tres ng hapon bago ang sunod niyang meeting sa kliyente.  Nang makabalik si mama ay saktong dating din ng mga pagkain nila. “Ma, ang dami mo na naman pong in-order.” sabi niya nang mai-serve ang foods. “Okay lang yan. You have to eat dahil puro trabaho ka.” anito sa kanya.  “Sorry, I’m late.” anang baritonong boses sa gilid niya.  Her jaw almost dropped when she realized it’s Kurt. Mukhang nagulat din itong makita siya dahil natigilan pa ito sa paglalakad.  “Good, nandito na ang mga pagkain kaya kumain na tayo.” simpleng sabi ng mama ni Kurt.  Parang may naka-barang kung ano sa lalamunan niya nang umupo si Kurt sa upuan sa tabi niya. Palagi naman silang nagkikita pero hindi pa rin siya nasanay sa presensya nito. Lalo ngayon na kasama nila ang ina nito. Their family can’t move on with their break up kaya kahit hiwalay na sila ay parang sila pa rin kung umasta ang mga ito.  “How’s work, anak?” panimulang tanong ni mama habang kumakain. “All good, ‘ma. Wala namang bago.” simpleng tugon ni Kurt. Tahimik lang siyang kumakain habang nakikinig sa mga ito.  “How about dating, son? Puro trabaho ka lang ba talaga?” curious na tanong nito. Kahit siya ay na-curious, may dine-date ba ito ngayon?  “You know I don’t have time for that, ‘ma. Masyado akong busy sa kumpanya.” sabi ni Kurt habang hinihiwa ang steak nito.  Bahagya namang sumimangot si Mama saka sumulyap sa kanya, “Just get back together!” masayang sabi nito. Dahil ngumunguya siya ng steak ay dinahak siya ng ubo at muntik pang mabulunan dahil sa sinabi nito. Kurt handed him a glass, kaya inisang lagok niya lang iyon pero mas lalo siyang inubo dahil hindi tubig ang laman niyon kundi whiskey. Sinong matinong tao ang magbibigay sayo ng whiskey kapag nabulunan ka?!  Kurt slightly chuckled and handed him a real water, nang umayos ang pakiramdam ay sinipa niya ito sa binti sa ilalim ng mesa. “Aw!” daing nito at tiningnan siya ng masama saka binale wala na lang ulit siya. Nang matapos silang kumain ay nag-insist siyang siya na lang ang magbabayad ngunit naunahan siya ni Kurt sa pagbibigay ng card sa waitress.  Matapos iyon ay nagtungo sila sa Central square upang bumili raw ng regalo sa kaibigan ng Mama ni Kurt. Ang akala pa niya ay hindi na sila sasamahan ni Kurt sa mall dahil ayaw naman nito ng pumupunta sa mga shopping mall, ngunit nakabuntot pa rin ito sa kanila hanggang makapasok sila sa shop ng mga bag.  Nagtingin tingin na rin siya ng bagong bag dahil medyo luma na ang attache case na dinadala niya sa trabaho. It was a luxury brand kaya naman may napili kaagad siyang pasok sa panlasa niya. It was a black alligator skin briefcase bag. Doon niya inilalagay lahat ng papeles o di kaya’y ipad o laptop kapag kailangan niya para sa isang meeting o court hearing.  Si kurt ang nagbitbit ng mga paperbags ng mga pinamili ng nanay nito. “Hija, ipadala mo na rin kay Kurt iyan.” anito sa kanya “Okay lang po, ‘ma. Isa lang naman po ito.” aniya habang naka-ngiti.  “Okay then. One last thing! Regalo na lang sa apo ng kaibigan ko, I have to attend the christening of the child!” sabi nito saka naglakad patungo sa isang shop ng mga gamit pang bata.  Napa-tigil siya sa may entrance ng shop dahil bumabalik sa ala-ala niya ang nangyari noon. “Come inside, Jaz! Look at these! So cute!”  Nanginginig ang mga kamay niya habang pumapasok sa shop na iyon. Her eyes roamed inside that store, marami rami ring tao doon. Some are husbands and wives, pregnant women, iyong iba ay mag-anak na ang baby ay naka sakay sa stroller. Lahat ay excited at naka-ngiti habang pumipili ng mga gamit na bibilhin.  Inikom niya ang palad upang mabawasan ang panginginig niyon. 5 years ago, she was that excited to buy things for her child. May naisip pa syang design ng nursery room para sa anak niya. Those cute little clothes for the baby. Nagsimulang lumabo ang mga mata niya dahil sa nagbabantang mga luha. She breathed harshly and looked away, pero dahil sa pag iwas niya ng tingin sa mga gamit pambata ay napatingin naman siya kay Kurt na naka-tingin din pala sa kanya.  Umiwas siya ng tingin at tumalikod na lang. She looked up to let her eyes dry a bit. Akala niya ay okay na siya, masakit pa rin pala. Their child should be 4 years old now. Kasal na rin siguro sila ni Kurt at masayang nakatira sa isang bahay. But no, all her dreams were shattered because of that tragedy.  “Haaay! Kailan kaya ako magkaka-apo sa inyo? Ang cute!” masayang sambit ng mama ni Kurt habang pumipili ng mga gamit.  “Ma!” sambit ni Kurt sa ina upang pigilan siguro sa mga kumento nito. They only knew that they broke up and not the miscarriage. Kaya hindi niya masisisi ito sa mga wishful thinking na ganoon.  Mapait siyang ngumiti sa sarili at lumabas ng shop at naglakad papunta sa parking. Nang makarating ay doon na umagos ang mga luha niya. Napahawak siya sa sasakyan upang masuportahan ang sarili. She bit her lower lip to refrain from sobbing, napahawak din siya sa dibdib dahil kumikirot iyon. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang may humawak sa braso niya, napatingin siya sa braso niya bago kay Kurt. She can’t read his eyes kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito.  “Go back there. Paki-sabi kay mama, may meeting ako… with a client.” nahihirapang sambit niya habang tumutulo pa rin ang luha.  Tinitigan lang siya nito at nang hindi ito naglakad palayo ay sinubukan niyang alisin ang hawak nito sa kamay niya ngunit nanghihina siya dahil sa emosyong nararamdaman, “Are you okay?” tanong nito sa kanya.  Napatawa siya ng mapait dahil sa tanong nito saka sinalubong ang mga titig nito, “I was never okay, Kurt.” “You should’ve tell me, Jasmine.” seryosong anito habang nakatingin lang sa kanya.  “Tell you what? You decided to leave me when I was mourning, Kurt.” she breathed heavily, “You were the one I expected to be by my side. But where were you?” “You pushed me to leave you.” sabi ni Kurt  Umiling siya rito, “It was your choice.” patuloy siya sa pag iyak habang naglalakad patungo sa kotse niya. Hindi na siya sinundan ni Kurt ngunit nanatili lang itong nakatayo at nakatingin sa kanya hanggang sa pinatakbo na niya ang sasakyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD