Matapos ang nangyaring breakdown kay Jasmine nang hapong iyon ay hindi na siya nakapag-trabaho ng maayos. Hanggang alas-sais na yata ng gabi siya nakatitig sa mga dokumento sa ibabaw ng mesa niya ngunit hindi naman niya nababasa ang mga iyon. She sighed and started to fix her table, maayos niyang isinalansan ang mga papeles sa mesa upang bukas balikan ang mga iyon. Hindi niya inaasahan ang pangyayari kanina, nadala siya ng emosyon at hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang dibdib niya kapag naiisip iyon. She tried to talk to a doctor about her condition, hindi kasi niya kaya ang nararamdaman noon. She was craving for Kurt’s attention and care ngunit kapag nandyan naman ito ay itinutulak niya palayo. Even her friends, and tatlong mamalapit na kaibigan sa puso niya ay itinutulak niya palayo. It was like she didn't want them to see how painful it is for her. Sobrang gulong gulo siya kaya na-depress siya talaga, she took a break from work at namalagi sa London kasama ng pinsan niyang si Drew na doon nakadestino.
She wanted to move on at akala nga niya ay maayos na siya ngunit hindi pala. It was both from her miscarriage and Kurt leaving her at the most painful time of her life. Ilang ulit pa siyang bumuntong hininga habang inaayos ang mga gamit niya. Kinuha niya ang compact mirror sa isang drawer ng mesa niya at sinilip ang mukha, medyo namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak buong maghapon kaya nagpunta siya sa restroom upang maghilamos, she have to be strong and has to move on. It’s been years.
Matapos tuyuin ang mukha ay naglagay siya ng pulang lipstick sa labi and nag-apply ng mascara sa kanyang pilik mata. She have a natural long and curly lashes na lalong nakakapagpa ganda ng mga mata niya. Inalis niya ang tali ng buhok at inayos lang ang pagkakalugay niyon bago inalis ang suot na blazer at itinira ang puting tube top niya saka pinatay ang mga ilaw ng opisina bago lumabas mula roon.
“Let’s just drink tonight.” aniya sa sarili habang nakasakay sa elevator papuntang basement parking ng building niya. She rode her white BMW 5 series saka pinatakbo iyon patungo sa Club Deluxe.
Maaga pa nang makarating siya doon kaya inaasahan na niyang wala pang ibang tao kundi ang mga staff pa lamang nila, nag aayos na ang mga ito para sa gabing iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay may guest DJ sila mula New York kaya siguradong puno na naman ang club mamaya.
“Good Evening, Ma’am Jasmine. Aga niyo po ngayon ah?” bati sa kanya ng isa sa mga barista nila.
She smiled at him bago naupo sa high stool, “Kakagaling ko lang sa opisina. Can you make me a martini, please?”
Naka-ngiti itong tumango at nagsimulang i-mix ang request niya. Nang matapos ay isinerve nito iyon sa harap niya. She smiled and took a sip from it.
“Thank you. Please bring a bottle of tanqueray at the chamber (iyon ang bansag nila sa VIP room na para lamang sa kanilang lima). At saka tonic water.” aniya bago nalapag ng dalawang libong papel na tip niya rito at tumayo na upang lumipat sa VIP room sa ikalawang palapag ng club.
Nang makarating sa pribadong kwarto ng club ay umupo siya sa couch na nakaharap sa malaking glass panel na kita ang buong club. Maririnig na ang malakas na tugtog doon kaya sigurado siyang maya maya ay magdadatingan na ang mga tao.
Maya maya pa’y hindi na niya namalayang dalawang bote na pala ng Tanqueray ang naiinom niya at ang mga walang lamang lata ng tonic water ay nagkalat na sa sahig. Hindi naman niya naramdaman ang hilo dahil nakaupo lang siya habang nakatingin sa harap, she just realized that her head was spinning when she tried to stand up. Muntik pa siyang matumba mabuti na lang at may umalalay sa kanya at laking gulat niya nang makita niya si Kurt habang inaalalayan siya.
Napatuwid siya ng tayo at inalis ang hawak nito sa bewang niya “W-What are you doing here?”
He looks serious but his eyes are full of emotions. Emotions she couldn’t distinguish. “Maybe it’s my club as well?”
“I know. Let’s mind our own business here.” sabi na lang niya bago naupong muli at pinindot ang telepono sa maliit na mesa sa tabi ng couch na kinauupuan niya.
“Can you get me a bucket of ice cold beer please. Thank you.” iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Sinundan naman niya ng tingin si Kurt na naupo sa isang bar stool di kalayuan sa kanya at nag salin ng sarili nitong inumin. Napansin niyang nangangalahati na ang bote ng whiskey nito kaya nagtaka siya kung kanina pa ba ang lalaki roon. Ipinilig niya ang ulo bago ibinalik ang tingin sa harapan niya. Unti unti nang napupuno ang club at nagsisimula na rin ang guest DJ na tumugtog sa gabing iyon.
May ilang minuto rin silang hindi nag iimikan nang bumukas ang pinto ng chamber, pumasok doon ang magkapatid na nagtatawanan pa, nagulat ang mga ito nang makita sila ni Kurt na hindi nag iimikan.
“Ayos ah, solo tagay pala ngayong gabi.” ngising sambit ni Jayden sa kapatid
“Anong trip niyong dalawa at magka hiwalay pa kayong umiinom? Parang hindi friends.” segunda naman ni Kayden
“f**k off, you two.” sagot ni Kurt saka nilagok ang alak sa baso nito.
Humalakhak ang dalawa bago nagtungo sa likod ng bar counter sa loob ng kwartong iyon at kumuha ng alak mula sa fridge sa ilalim niyon. They have their own private bar counter in the room as well, hindi lang talaga niya trip gumalaw sa mga oras na iyon kaya tumatawag siya sa baba upang doon kumuha ng inumin niya. Wala namang reklamo ang mga tauhan nila dahil nagbibigay talaga siya ng malaking tip sa mga ito.
“Ang pangit niyo talaga ka-bonding na dalawa. Hindi na sumaya ang pamilyang ito eh.” reklamo ni Kay habang hawak ang bote ng beer at nakatingin din sa glass panel sa harap nila.
“Ganyan talga kapag bitter, tol.”
“Ano kayo, kape? Just make- up! Para kayong mga bata.” ani Kay sa kanilang dalawa
“Or make-out, pwede rin. Kung alin ang trip niyo.” tatawa tawang sabat naman ni Jay sa kapatid.
“Alam niyo, huwag kayong mando dahil hindi ako nangingialam sa mga flings niyo.” sagot niya sa dalawa.
“Kahit mangialam ka, Jaz. Okay lang. Wala naman kasing hard feelings sa amin.” anito saka sumulyap kay Kurt na tahimik na lang ngayon.
“Alam mo kasi Jaz, iba yung fling sa mag-ex. Kapag fling, alam namin na no strings attached. Companion lang.” paliwanag ni Jay sa kanya.
Ang dalawang ito ang pinaka matinik sa babae. Kahit yata ang nilakaran ng mga ito ay sasambahin ng mga babae upang mapalapit lang sa mag-kapatid at parang bale wala naman sa dalawa ang pagpapapansin ng mga babae.
Nagsawa na yata ang dalawa sa kanila ni Kurt kaya ang magkapatid na lang ang nag uusap ngayon patungkol sa babaeng itinuturo ni Jayden sa kapatid mula sa glass panel sa harap nila. May kung ano itong sinasabi na hindi niya maintindihan samantalang ang kapatid nitong si Kay ay tahimik lang na nakamasid sa itinituturo ni Jay.
Namalayan naman niyang tumayo si Kurt at lumabas mula sa chamber. Nakakaramdam na rin siya ng pag-ihi kaya nilagok na niya ang natitirang beer sa bote niya bago tumayo, bahagyang umikot ang paningin niya pero nang makaraan naman ang ilang segundo ay naging tuwid na ulit ang paningin niya. She stood straight and composed herself before walking out of the room and heading to the nearest restroom. Dapat pala ay may sarili din silang restroom sa chamber dahil napupuno ang restroom doon sa second floor. Akmang babalik na siya sa chamber nang marinig ang impit na tili ng isang babae di kalayuan sa kanya.
“Kurt!! Hey, how are you? Have you seen my messages?” nakita niya ang babaeng naka suot ng bralette and high waisted skirt na bumati kay Kurt habang ngiting ngiti. Maputi ang babae at medyo mas maliit sa kanya, ang tantya niya ay nasa 5’5 ang height ng babae. Maganda naman ito kung hindi lang putok na putok ang eyeshadow nito ganun din ang blush on. She’s thinking na mas maganda ang babae kung simple lang ang make up nito. Oh well, who is she to judge? Lahat ay may karapatan na gawin ang gusto nito sa katawan o mukha.
“Caroline.” bati ni Kurt pabalik dito
“Nakakatampo ka na ha, have you seen my messages? You’re not answering my calls either.” ngiting anito sakay yumakap sa leeg ni Kurt. Bigla ay gusto niyang patirin ang babae, binabawi na niyang maganda ang babae dahil naiinis siya rito.
Lalo siyang nainis nang ilapit ng babae ang mukha nito kay Kurt. Her eyebrow automatically raised as she noticed Kurt’s hand on the girl’s waist, hawak nito iyon habang nakikipag usap sa babae. Ikinuyom niya ang palad nang makita hinalikan ng babae si Kurt, she don’t want to witness if he will respond to the kiss kaya tumalikod na siya mula sa mga ito ngunit may nabunggo siya dahil doon.
“I am so sorry.” hinging paumanhin ng nabunggo niya.
Her eyes automatically drifted to the man. Kumunot ang noo niya nang titigan ito. “Do I know you?” tanong niya rito. He seemed familiar to her. He had undercut with long side hair na medyo basa dahil siguro sa pawis, his eyes were the same color as his hair, dark chocolate. Mas matangkad din ito sa kanya kaya nakatingala siya rito.
“Jasmine.” ngiting usal nito sa kanya saka hinawi ang buhok paitaas kaya mas nagmukhang hot ito dahil sa messy na hitsura ng buhok.
“Kevin.” ngiting wika niya nang makilala ito. He was her ex boyfriend, her first boyfriend way back in high school.
“It’s been so long! How are you?” ngunit bago pa siya maka sagot ay tinawag na ito ng mga kasamahan niya. Too bad, dahil curious siya rito ngayon. Matagal na siyang walang balita rito kaya nagulat siya nang bigla na lang itong makita doon.
“I have to go but I’ll definitely see you soon, rosy.” he said and kissed her cheek, saka ito umalis.
Bumalik ang tingin niya sa pwesto ni Kurt and ng babaeng tinawag nitong Caroline ngunit wala na ang dalawa doon. Marahil ay dinala na ni Kurt iyon sa kung saan doing their own business. She just went back to the chamber and closed the door saka dumiretso sa likod ng bar counter. She became sober because of what she witnessed kaya iinom ulit siya.
“Galit na galit, Jaz? Muntik na masira yung pinto.” sabi ni Kay habang tintingnan ang pobreng pintuan ng chamber.
“Edi papalitan ko.” aniya habang nagsasalin ng alak sa baso.
“Hey easy, pang ilan mo na yan. Hindi ka pa ba lasing?” tanong naman ni Jay nang mapansin nitong sunod sunod ang inom niya ng alak. Nagka tinginan ang magkapatid at nag kibit balikat na lang.