Author's note:
Just making sure na hindi kayo malilito sa names nila.
Kurt - Chief
Jasmine - Croft
Clyde - King
Jayden - Eye
Kayden - Light
--
“Are you done yet?”
Jaz rolled her eyes while clipping her earring on her ears. Pang ilang beses nang kumatok si Kurt sa pintuan ng tinutuluyan niyang silid sa malaking yacht na sinasakyan nila patungo sa Palawan. Ilang minuto na lang at makakarating na sila sa pribadong island kung saan gaganapin ang black market auction na siyang Misyon nilang apat ngayong gabi.
She sighed as she took a glance at her reflection. Naka-suot sya ng isang black velvet evening gown, may mahabang slit iyon sa kanang binti along with her black Christian Louboutin pumps. Suot na rin niya ang pekeng Imperial Blue Diamond engagement ring na ibinigay ni Victoria, she matched it with her blue sapphire teardrop pierce dangle earrings. Then she put her hair in a messy bun, may ilang strands ng buhok ang nakabagsak mula sa pagkakatali niyon.
Nang satisfied na siya sa hitsura niya ay lumabas na siya ng pintuan at natagpuang nakatayo sa harap ng pintuan si Kurt at akmang kakatok muli habang nakakunot ang noo nito. Kailan ba natuwid ang noo nito?
Ilang segundong hindi nagsalita si Kurt at nakatingin lang sa kanya kaya inis na bumaling siya rito, “Ano na? Kanina ka pa kumakatok diyan.” aniya saka niya ito nilampasan. Lumabas siya sa deck at tinanaw ang mga ilaw sa papalapit na isla. Ilang minuto na lang at dadaong na sila roon. She unconsciously tapped her right thigh, nakasuot sya ng thigh garter belt at doon nakasuksok ang isang tactical knife, lady gun at isang ekstrang magazine ng baril.
Iniisip pa lang niya ang mangyayari mamayang pagpapanggap ay kinikilabutan na siya, but she don’t have any choice. Kailangan maging maayos ang misyong ito ngayong gabi. Naramdaman niyang sumunod si Kurt sa kanya at tahimik lang itong nakamasid sa isla.
“Ang tahimik naman nung mag-jowa diyan, buhay pa ba kayo?” Pambubulabog ni Eye sa kanila. Nauna na ito kasama ang kapatid nito upang mag-set up ng mga gamit samantalang ang Bravo team naman ang bahala sa pagdating ng totoong Genevieve and Simone.
“Baka busy, tol.” segunda ni Light sa kapatid.
Napapapikit siya ng mariin dahil sa magkapatid na iyon. Wala talagang matinong salita ang nanggagaling sa mga bunganga ng dalawang iyon.
“Just shut up and secure the perimeter. I have to go home before sunrise.” basag naman ni Clyde sa magkapatid.
“Pangit mo kabonding, Clyde.”
“Just get to work, dumbass.” seryosong wika ni Kurt.
“Sungit mo Kurt, kaya ka iniiwan eh.” ani Light sabay tawa.
“Fucker.” mahinang sambit ni Kurt na ikinatawa ng tatlong kolokoy.
Hindi rin nagtagal at dumaong na rin sila sa pantalan ng pribadong islang iyon. Doon pa lang ay may mga staff na nagwe-welcome sa mga bagong dating na guest. A man wearing a black polo and black slacks came over to them and welcomed them.
"Bonsoir! Mademoiselle, Monsieur.” he bowed a little as he greeted them.
She smiled at him and greeted him, “Bonn soirée.”
“This way.” anito at nagpatiuna ng paglalakad.
‘Okay, showtime Jaz. Keep it cool.’ pag-kumbinsi niya sa sarili nang hawakan ni Kurt ang bewang niya habang sinusundan nila ang lalaki patungo sa naghihintay na golf cart.
They rode the cart together, napansin niyang maintained forest ang isla. They arrived at the entrance of the mansion in a few minutes. Malaki iyon at may karamihan na rin ang tao.
“Good Evening Miss Genevieve, Sir Simone.” bati sa kanila ng receptionist nang pumasok sila sa entrance. They gave them a glass of champagne as they entered the place.
Her eyes began to roam around the entire venue. “We’re in.” She announced on their private line.
“Good. Light, 3 o’ clock. Bilisan niyo, kailangang mapalitan natin lahat before the event starts.” ani King sa kanila.
Obviously, the three are in action now, they have to replace all the auction items with fake replica items before the event starts. But that’s just a bonus on their mission. They have to secure the crown and sceptre before they leave the place. And that’s it, they have to stay quiet and vigilant as much as they can. Mahirap nang matunugan dahil lahat ng taong dadalo sa event na iyon ay mga kriminal, in short, they all have their ways to kill the team.
“Stock room secured.” Anunsyo ni Light sa kanila.
“Hoy gago may tao.” ani Eye
“Huwag kang maingay, pre.” sagot ni Light dito.
Saglit na tumahimik sa linya bago sila nakarinig ng crack ng buto. “Gago muntik pa ako kagatin.” reklamo ni Eye.
Napapailing na lang siya sa ingay ng mga ito habang nagta-trabaho. Mabuti na lang at kahit puro kalokohan ang mga iyon ay maayos ang trabaho at walang ginagawa kapalpakan. Lalo siguro silang nagkakagulo kung kasama roon si Kurt. Natawa siya dahil naalala niya ang mga kalokohan ng apat na iyon noong High school pa lamang sila.
“Why are you smiling?” tanong ni Kurt sa kanya
Natauhan siya sa sinabi nito. “Nothing.” sagot niya.
“Miss Dubois?” Jaz straightened before turning around and greeted by a guy smiling at him.
“Hello, Mister?” bati niya rito at nilagyan iyon ng kaunting accent dahil Frances si Genevieve.
“Oh sorry, my bad. I’m Peter Dobronte. I am a fan of your works.” anito at inilahad ang palad sa kanya.
She smiled at him, “Pleasure to meet you Mr. Dobronte. I’m surprised you knew me, I’ve been hiding behind my pen name.” aniya rito.
Mabuti na lang at pinag-aralan niya ang identity ni Genevieve. She is a french fictional writer, sikat ito sa France at lalo itong sumikat nang macurious ang tao sa totoong identity ng writer. No one knows her, ang hula ng mga fans ay lalaki ang writer dahil pang-lalaki ang pen name nito. Siguradong may dahilan kung bakit sya nagtatago sa seudo name niya.
“I just heard that from my Grandfather, he’s a good friend of your Dad.” he explained.
Tumango tango siya rito, “I see, that is so good to hear.” aniya. “Please keep it a secret. I don’t want anyone to know my true identity.” pakiusap niya rito.
“Of course! You don’t have to worry.” napa-tingin ito sa hawak niyang baso saka ngumiti ulit sa kanya, “Do you want another drink?”
“Oh! Ye--” bago pa siya naka-oo rito ay sumingit si Kurt at hinapit ang bewang niya palapit dito.
“We can manage, Mister Dobronte.” seryosong anito sa kausap nila.
Nagulat siya kaya napatingin siya sa mukha ni Kurt, lalo talagang gumu-gwapo ito kapag seryoso ang mukha. Bagay din dito ang suot nitong black tuxedo, mas lalo itong kumisig dahil doon.
‘You’re praising him, Jaz!’ saway niya sa sarili.
“Goodness me, Mr. Laurant. I did not expect to see you here. I’m sorry, I was mesmerized by your fiance.” diretsang saad ni Peter.
Kurt shook his hand with the guy habang umiigting ang mga bagang. “Surely she is mesmerizing.” simpleng anito.
Naka-ngiti lang si Peter sa kanila habang seryoso naman ang mukha ni Kurt, “How’s your ankle, Mr. Laurant?”
Nagulat siya sa tanong nito, personal bang kilala nito si Simone? Mukhang sinusuri sila nito kanina pa. Alam ba nitong hindi sila ang totoong Genevieve at Simone? It wasn’t on his profile na naaksidente ito at nagkaroon ng ankle injury. Tahimik lang si Kurt habang nakatingin dito. She’s about to step in nang magsalita si Kurt.
“It’s fascinating that you have a lot of information about us, Mr. Dobronte. My ankle is fine as my fiancee was the one who had a horseback riding accident a couple of weeks ago. She’s totally fine, thank you for your concern.” diretsa at kalmadong sagot ni Kurt dito.
Nagtitgan ang dalawa bago ngumiti si Peter. “Great! Well everyone here hasn't seen both of you in person and we are very curious about you. Congratulations on your engagement and I’m looking forward to doing some business with you soon, when the Dubois and Laurant clan merges.” anito saka naglakad palayo.
Saka lang siya naka-hinga ng maluwag nang umalis ito sa harapan nila. “Are you not reading the report?” Kurt asked him with his stern voice.
“I did. I might’ve missed that info.” sagot niya.
He sighed, “Let’s just wrap this up. Stay close to me.” anito saka siya hinapit muli sa bewang.
“How are you guys doing?” tanong nito sa tatlo.
“We’re almost done! We’ll give you the signal.”
“You better finish that in the next 3 minutes. The event is starting.” sagot muli ni Kurt.