Chapter 9

1673 Words
Nagising si Jasmine dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanya, hindi na naman niya siguro naibaba ang blinds ng kwarto niya kaya pumapasok ang sinag ng araw sa loob. Nakapikit siyang bumangon sa pagkakahiga at umupo sa kama ngunit doon niya naramdaman ang tila may pumupukpok na martilyo sa ulo niya. Naalala niyang naparami ang inom niya kagabi kaya heto siya ngayon at sobra sobrang ang hangover. Napa-sapo siya sa ulo dahil sa kirot niyon, at lalo iyong kumirot nang subukan niyang imulat ang mga mata. Maliwanag sa kwarto kaya napapikit siya ng mariin ngunit wala pang isang segundo syang naka pikit ay napamulat ulit siya dahil napansin niyang wala nag-iba ang interior ng kwarto kung nasaan siya. It wasn’t her room!! Pamilyar din ang amoy doon, the sheets, the furniture inside the room. Lahat iyon ay pamilyar sa kanya dahil nasa condo siya ni Kurt!! Papaano siya napunta doon?! Agad na napatingin siya sa sariling katawan at napansin niyang naka-bra at panty na lang siya. What the heck? “How did I end up here?!” napa-sabunot siya sa buhok habang pilit na inaalala ang nangyari ng nakaraang gabi. Malinaw sa alaala niya ang mga pangyayari kagabi hanggang doon sa bumalik siya sa chamber. The last thing she remembers is Jayden talking to her. Matapos iyon ay wala na siyang maalala. “Kiss me, Kurt.” bungad ni Jasmine dito nang bumalik ito sa chamber. “What?” takang tanong ni Kurt sa kanya “Kiss me.” ulit niya Ramdam naman niya ang tahimik na pag-labas ng magkapatid mula sa chamber upang hayaan silang mag usap. “Jasmine, you’re obviously drunk.” “I am not f*****g drunk, Kurt! O mas gusto mong humalik ang Caroline na iyon?” matapang na tanong niya habang nakatitig sa mga mata nitong nagtatanong. Kahit na umiikot na ang paningin niya ay pilit pa rin siyang tumayo ng tuwid at tumitig sa mga mata nito. “Jasmine.” bumuga ito ng hangin saka ibinalik ang tingin sa kanya, she can’t read his emotions dahil napaka-hirap naman talagang basahin ng utak ni Kurt. “What?! Okay, I’ll find someone who can give me a mindblowing kiss!!” aniya saka tangkang magmamartsa palabas ng chamber nang hilahin siya nito pabalik at saka siniil ng halik. His hand held her waist to support her weight as he deepens the kiss, unti unti siyang napapikit at sinagot ang halik nito. Her arms automatically wrapped around his neck while closing her eyes. She missed his scent, his touch, his kiss. Nalalasahan niya ang pinaghalong alak na ininom nila and it tastes sweet. His kiss was full of longing, as if he waited for a long time for this kiss. Masuyo, marahan at hindi pinipilit. It is as if he loves her and is afraid to break her again. Matapos iyon ay wala na siyang maalala. Kahit anong pag sabunot niya sa buhok ay wala siyang maalala. ‘What the f**k, Jasmine. Hindi ka na nahiya.’ aniya sa sarili. Tumayo na siya at hinanap ang mga damit na suot kagabi ngunit bigo syang mahanap iyon kaya kumuha na lang siya ng isang shirt ni Kurt mula sa closet nito saka isinuot iyon. She silently opened the door and the aroma of coffee greeted her. She tiptoed to the kitchen, kung saan nandoon si Kurt, Nakaharap ito sa stove habang may kausap sa telepono, he wasn’t wearing any top at naka sweatpants lang ito na pambaba. Tumikhim siya rito kaya nakuha niya ang atensyon nito, “Yes, I will call back tomorrow to finalize the schedule. Thank you.” Ibinaba nito ang telepono saka humarap sa kanya. Hindi naman siya makatingin ng diretso rito kaya iniiwasan niya ang mga mata nito. Imbes na kape ang ibigay nito sa kanya ay isang baso ng tubig ang ipinatong nito sa counter top sa harap niya kaya napatingin naman siya rito ng medyo naka nguso. “Hydrate first. Dehydrated ka dahil sa mga ininom mo kagabi kaya ka may hangover. Tapos gusto mo pa ng caffeine ngayon?” anito sakanya Bahagya siyang tinamaan ng hiya kaya kinuha niya ang baso at inubos ang laman niyon. Yeah, she’s thirsty. She cleared her throat before looking up at him, “W-Where are my clothes?” tanong niya. “I have them cleaned. Nasa washer pa.” casual na sagot nito Bahagya naman siyang napa-tango sa sinabi nito at uminom na lang ulit ng bagong refill na tubig. Nasamid pa siya dahil matamang nakatitig pala si Kurt sa kanya. Mukhang tinitingnan nito kung may naalala ba siya sa mga nangyari kagabi. Ngunit di siya bibigay, kailangan ay hindi nito malaman na may naaalala sya at talagang lasing lang siya. “What?” she asked “Nothing.” sagot nito habang nakatitig sa kanya. “D-Did I mess up last night?” she dared to ask. He smirked at her, “Did you mess up last night?” ulit nito sa tanong niya. “I-I don’t remember anything. I’m sorry if I made a scene.” aniya. “That’s fine. The scene was private. Wala namang ibang nakakita.” simpleng sagot nito sa kanya, her eyes widened by his response. Halatang hinuhuli siya nito. Tumikhim ulit siya at tiningnan ito, “Can I take a shower?” tanong niya rito. “Go on. Sanay ka naman dito sa bahay ko.” sambit nito saka nagpunta sa living area at umupo sa puting couch nito. She heaved a sigh saka nag martsa pabalik sa kwarto nito. * Matapos ang huling meeting ni Kurt kahapon ay dumiretso siya sa club upang uminom mag-isa ngunit nadatnan niya roon si Jasmine na nauna nang umiinom. Mag-isa ito at halatang malalim ang iniisip dahil hindi nito napansin ang pagdating niya. Nakatingin lang ito sa harapan at pinapanood ang mga tao sa club. He helped himself get a bottle of whiskey and pour himself. Ilang minuto ang lumipas na tahimik lang sila pareho nang marinig niya ang pag hikbi ni Jasmine. He was about to go to her but he chose not to. Baka magalit na naman ito at umalis na lang bigla kaya naman hinayaan niya na lang muna ito doon. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na hanggang ngayon ay may hinanakit pa rin ito sa kanya. Na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ito sa anak nila. And she was thinking na wala siyang pakialam pero hindi iyon totoo. He had to be strong for them. Hindi niya pwedeng ipakita na nasasaktan siya dahil siya lamang ang makakapitan ni Jasmine noon. He wanted to let her know na nandoon siya, na mahal na mahal niya ang dalaga. Gumuho rin ang mundo niya nang makunan ang kasintahan, they planned a lot for their future. Pina-plano na nga nila ang kasal nila na sana ay sa susunod na buwan bago ang insidente ngunit nagbago ang lahat sa isang iglap lamang. He understands her. Ngunit sa tuwing lalapit siya rito ay parang kasalanan niya ang lahat kung bakit nawala ang anak nila. Kung bakit nasasaktan silang dalawa ngayon. She pushed him away kahit pa anong pilit niya na alagaan ito. Sa tuwing nakikita siya nito ay bumabalik sa alaala nito ang nangyari kaya lalong nadedepress ang dalaga, that is why he gave her a little space. Hindi siya nagpapakita rito ngunit nakasubaybay sya sa malayo. He knows everything. Her pain. Her mourning. Lahat nang iyon dinamayan niya si Jasmine nang malayo. It pains him. Ngunit para sa ikagagaan ng loob nito, kaya siya lumayo. She went to Europe to heal. At doon niya ni-request na alisin na muna sa team si Jasmine upang hindi makasama sa mga misyon nila. She became a tech agent for a while na hindi nito nagustuhan dahilan nang lalong pag usbong ng galit sa kanya ng dating kasintahan. He heaved a sigh, hindi niya alam kung magkaka ayos pa silang dalawa. Napatayo siya at inalalayan si Jasmine nang muntik na itong matumba nang tumayo ito mula sa matagal na pagkaka upo sa couch ng chamber. Hinayaan na lang niya itong uminom mag isa at tahimik hanggang dumating ang magkapatid. Maya-maya ay lumabas siya upang lumanghap sana ng sariwang hangin sa labas nang makita naman siya ni Caroline, she is a cabin crew in his airline and her dad is one of the stockholder of the company kaya naman pinapaki-samahan niya ng maayos ang babae. Alam niyang may gusto ito sa kanya at sobra sobrang pagfi-flirt ang ginagawa nito upang mapansin niya but she’s just not her type. Caroline was about to kiss her pero umiwas siya kaya sa pisngi lang dumapo ang halik nito. Akma naman siyang aalis na nang makita niyang may kausap si Jasmine sa harap ng pintuan ng chamber. A guy taller than her. Kumuyom ang kamao niya halikan nito si Jasmine sa pisngi bago umalis. Umalis na rin siya bago pa lumingon si Jasmine sa pwesto niya. He needed some air. Nang bumalik naman siya sa chamber ay parang nagsusumbong ang tingin ng magkapatid sa kanya. He figured out why dahil sunod sunod ang inom ni Jaz ng alak and when she looked up at him, doon na nangyari ang sinabi nitong halikan niya ito. So stubborn. She passed out after the kiss. Talagang lasing na lasing ito kaya binuhat na niya ito at iniuwi na niya ito. Nang makarating sila sa condo niya ay nagising si Jasmine at pinagtatanggal ang suot na damit dahil naiinit daw ito. He managed to stop her from removing her underwear dahil baka magwala ito paggising kinabukasan kapag wala itong suot na kahit na ano. Inayos niya ang higa nito sa kama at inalis na rin ang makeup nito gamit ang bulak at makeup remover na hindi niya alam kung bakit meron siya sa kwarto, marahil ay gamit pa rin iyon ni Jasmine na naiwan nito sa condo niya noon pa. Napabuga siya ng hangin habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga. Tulog na tulog ito. He bent down and kissed her forehead. “Good night, baby.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD