NAPAHILOT sa sentido si Jasmine habang binabasa ang papel na hawak niya. It was the case of Noel delos Santos, ang dating gobernador ng Dansalan. Isa itong bayan sa Mindanao na pinag tataguan ng mga kriminal at madalas ang gyera sa bayang iyon. She took this case because it was their mission a few years ago, ito rin ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Kung hindi dahil kay Noel delos Santos ay hindi sana mangyayari sa kanya iyon. Delos Santos allegedly sold children ages 2-16 to foreigners. Sa misyon na nila ay nasa mahigit sampung bata lang ang narescue nila ngunit hindi lang pala ito ang unang pagkakataon na pinagbibili ang mga bata, may mga naunang batch ng mga bata at hindi niya alam kung may mga sumunod pa. Because they never ended it, napatay lang nila ang mga tauhan ni Delos Santos ngunit hindi naman ito nakulong.
He can do it again as long as he’s outside the bars. Napabuntong hininga siya dahil malakas ang kalaban nila, he’s powerful at kaya nitong gawan ng masama ang mga lulutang na witness. Ngunit desidido siyang maipanalo ang kasong ito, how can she avenge her unborn child kung patuloy nitong ginagawa ang dapat ay tinapos na nila noon? At isa pa ay ang Mayor ng Davao ang nagsampa ng kaso rito dahil na-kidnap din ang limang taong gulang na anak nito. The mayor’s child was recovered by a team from Luxe ngunit may mga bata pa raw na naiwan at hindi naisama sa rescue dahil ang priority daw ay ang anak nito. That is why she filed a complaint against Delos Santos. Matapang ang ginang kaya hanga siya rito, mahusay at malinis ang pamumuno nito sa Davao kung kaya’t marami rin ang nakasuporta rito.
Pasado alas cinco nang umalis siya sa opisina at nagtungo sa Luxe HQ, kailangan niya ang tulong ng mga kaibigan para sa kasong ito.
“What’s up?” tanong ni Clyde nang makapasok ito sa private room nila sa HQ.
“The ceiling is up!” sagot ni Kayden habang naka ngisi.
Napa-iling siya sa kakornihan ng lalaking ito.
“Alam mo, ang baduy mo.” sagot niya rito.
“Okay nang baduy kesa basted.” anito sa kanya sabay sulyap sa nasa harapan niya. Si Kurt.
“Sino bang basted?” tanong ni Jayden habang binubuksan ang hawak nitong lollipop.
“Hindi naman basted si Clyde. Ako walang lovelife, ikaw ba tol meron?” tanong nito kay Jayden
“Wala.” simpleng anito
“So sino ang natira sa ating lima?” tanong muli ni Kayden
“Si Kurt.” ngising sagot ni Jayden.
Natawa si Clyde sa tinuran ng dalawa hanggang sa may lumipad na tactical knife at dumiretso sa gitna ng magkapatid, dahil magkaharap ang mga ito sa mesa ay sa gitna tumama ang kutsilyo.
Tumawa si Jayden, “Chill ka lang, pre. Dapat hindi ka guilty.”
“Can we just start?” inis na anito sa kanila.
Napatayo siya nang sa kanya bumaling ang apat na pares ng mga mata, she took a deep breath and went in front of them.
“So. I need your help for my case.” deklara niya
“Which case?” tanong ni Clyde
“Noel Delos Santos’” sagot nya at bahagyang bumaling kay Kurt. She can’t read any emotions from his eyes, nanatili lang itong nakatingin sa kanya at bahagyang nag tiim bagang.
“Woah! You’re handling it? Akala ko ay firm niyo lang ang hahawak, but not you.” sagot ni Clyde sa kanya
“I just can’t give it to others. I have to make sure he will rot in jail.” sagot niya.
“Your lawyers can handle it, they won’t be employed in your firm if they can’t.” sabat ni Kurt na nakatingin lang sa kanya.
“I know. Pero Mayor Rosel personally asked for my help. Nabalitaan niyo na nadakip ang anak niya at mabuti na lang ay narescue ito, but the other kids weren’t rescued. Nasa mahigit limampu ang bata doon base sa team na humandle ng misyon na iyon.” she explained
“This case is too dangerous.” ani Kurt muli
“I know.” simpleng aniya
Tahimik lang ang mga ito, marahil ay nakikiramdam sa magiging reaksyon ni Kurt dahil alam naman nilang naging mabigat ang misyon nila noon sa Dansalan. At siguro ay ayaw lang din ng mga ito na alalahanin ang mga nangyari doon.
“How can we help?” sa wakas ay tanong ni Kurt.
She suppressed a smile and continued, “I got an info from an intel na may tumakas na tauhan si Delos Santos noon. He was a young surgeon at nagsisimula pa lamang noong naging tauhan nito, he was also blackmailed kaya naman napilitan itong magtrabaho para kay Noel.”
She gave them a stapled papers each, “Base dyan ay ito ang nagpeperform ng surgery sa mga bata upang alisin ang mga organs na ibebenta ng mga ito. Nang mangyari ang misyon natin noon ay doon ito nakahanap ng pagkakataon na tumakas. The problem is no one knows kung saan ito nagpunta.”
“Are we sure he is alive?” tanong ni Jay
“Yeah, there’s no point of finding him kung patay naman na pala siya.” segunda ni Kay
“Good question, actually it isn’t confirmed pero ang isa raw na dahilan kung bakit iniisip na buhay pa ito ay dahil may nagpapadala ng sustento sa mga magulang nito kada buwan. So my source concluded sa kanya galing ang mga natatanggap ng magulang niya dahil iisang anak lang naman siya. And his parents were now living here in the metro, umalis ang mga ito sa Mindanao upang tumakas kay Delos Santos.”
“What is his name?” tanong ni Kurt.
“Luke Olivar.” sagot niya.
MATAPOS ang meeting nila sa Luxe HQ ay nag desisyon silang mag dinner sa isang restaurant sa BGC, nandoon din si Aiyanna ang asawa ni Clyde at full term na ng pagbubuntis nito ngayon.
“Ang laki na niya! Kumusta, Aiyanna? Hindi ka ba nahihirapan?” bati niya rito habang marahang nakapatong ang palad sa malaking tyan nito nang makaupo ito.
“Naku, napaka-likot! Mukhang excited na siyang lumabas.” naka-ngiting anito sa kanya.
Natawa siya, “Naku, Clyde wag na wag mong iiwan si Aiyanna simula next month ha.” paalala niya kay Clyde
“Hindi na nga halos pumapasok sa opisina ‘yan eh.” lumapit ito sa kanya at bumulong, “Actually, mas kabado pa siya kesa sakin.” natatawang sabi nito na ikinatawa rin niya.
Ilang saglit pa at dumating na rin ang mga inorder nilang pagkain, patuloy ang usapan nila ni Aiyanna tungkol sa anak nito at sinabihan siyang ninang daw siya paglabas kaya tuwang tuwa siya. She also told her about the old room they renovated, ginawa raw ng mga ito iyong nursery room.
Ngumiti siya dahil natutuwa siya kina Clyde at Aiyanna, who would have thought that Clyde will be this sweet and caring? Caring naman ito dahil parang kuya na niya talaga ito, pero iba talaga kapag naiinlove. He’s head over heels.
Pinagpatuloy niya ang pagkain nang napansing humawak si Aiyanna sa tiyan nito at medyo ngumiwi. Clyde was busy talking to Kurt kaya bumulong siya sa kaibigan, “Are you okay?” nag aalalang tanong niya.
“Kumikirot lang ng kaunti.” anito sabay ngiti sa kanya. But even before she continued eating, mas sumakit yata ang tyan nito dahil nabitiwan nito ang hawak na kutsara na nakalikha ng tunog.
“What? Are you okay, love?” nag aalalang tanong ni Clyde sa kanya.
“Kumikirot ang tyan ko, Clyde.” mahinahong ani Aiyanna.
Nang tumingin siya kay Clyde ay para itong tinakasan ng kulay sa mukha dahil hindi agad ito nakareact. Naiiling siya na inalalayang tumayo si Aiyanna, “Let’s bring her to the hospital.”
“Clyde!!” pukaw niya rito nang makitang nakatulala lang ito sa asawa.
“Right, yes.” anito saka naglakad palayo ngunit naalala nito ang asawa kaya bago pa man makarating sa pintuan ay bumalik ito sa kanila at tinulungan siya sa pag alalay kay Aiyanna.
Hindi niya alam kung matatawa o maiinis dito dahil sa pagkataranda nito. Narinig naman niya ang pagtawa ng magkapatid kaya natawa na lang din siya rito.
“Ano ba yan, Clyde.” asar ni Kay dito.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Clyde
“Huhtdog.” naka-ngising sagot ni Kay.
Kinuha niya ang susi ng kotse ni Clyde na nakapatong sa mesa, kung hindi nya iyon nakita ay malaking abala para sa kanila dahil ipupusta niya ang condo nit Kurt, hindi maaalala ni Clyde kung saan nito inilagay ang susi.
She threw the keys to Jayden, “Paandarin mo na ang kotse ni Clyde nang may maitulong ka naman, Jay.”
Natatawang sinambot nito iyon at nagpatiuna na nang naglakad sa kanila. Napansin naman niya ang mga butil ng pawis sa noo ni Clyde, it was cold inside the restaurant but he’s still sweating, talagang kinakabahan ang gago.
“C’mon Clyde, parang mas mabilis pang lumakad sayo si Aiyanna eh.” asar niya rito.
Natawa si Aiyanna kahit napapangiwi dahil sa kirot ng tyan. Nang makarating sila sa unahan ng restaurant ay naka standby na doon ang kotse ni Clyde, si Jayden na raw ang magmamaneho dahil baka hindi sa ospital mapunta ang mag asawa dahil sa katarantahan ni Clyde.
“Clyde, yung gamit ko at ni baby nasa bahay.” ani Aiyanna habang papasok sa kotse.
“Ako na ang kukuha.” presinta niya.
“Thank you, Jaz! Nandoon lang yun sa nursery room! The house keys are in my bag.”
Saglit niyang kinuha ang susi sa bag nito saka isinarado ang pintuan ng kotse. Bago iyon humarurot palayo. Naiiling na napangisi siya kay Clyde.
“Susunod na ako sa ospital, baka hindi kayanin ni Jayden si Clyde.” natatawang sabi ni Kay sa kanila na tinanguan lang niya. It was too late when she realized she didn’t brought her car with her dahil sumabay lang siya kina Kayden kanina galing sa HQ.
“Hop in.” si Kurt iyon at nakasakay na pala sa kotse nito. Hindi na siya nagdalawang isip at pumasok na. She buckled up and they sped away.