SA isang korean restaurant niya dinala si Jillian. She suddenly craved for korean food after a long day at work. Palabas na siya ng Cashmere Events nang makita niya si Jillian na bumaba sa sasakyan ni Donya Divina. Alam niyang kinausap ito ng matandang Dominguez at sigurado siyang tungkol iyon sa relasyon nito kay Niko – kapatid ni Juan Miguel. Updated siya sa pa rin siya sa buhay ng mga ito kahit na matagal na niyang pinutol ang ugnayan niya kay Juan Miguel. After their confrontation two days ago, ngayon lang siya ulit pumasok at pulos meeting pa sa labas ang inatupag niya. Isa na nga doon ang meeting niya sa Cashmere Event na siyang may hawak sa concert ni Juan Miguel na gaganapin sa susunod na buwan. Inasikaso niya lahat ng promotional materials para sa concert. Kahit naman nagkasaguta