Kinabukasan ay napasarap ang tulog ko dahil ang lambot talaga nang higaan ko. Parang ayoko na bumangon. Iyong sa apartment kasi namin ay parang banig na lang.
Kahit gusto ko pang matulog at namnamin ang malambot na kama ay kailangan kong bumangon. Agad akong nagmulat ng mata at agad na napakurap nang may nakita akong lalaki na seryosong nakatingin sa 'kin. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatitig sa 'kin.
Teka, sino ba 'to? Hindi naman 'to mapagkamalang magnanakaw dahil base sa suot at mukha ay para siyang mayaman. Agad akong bumangon at tumayo. Napatayo rin siya.
"Finally, you're awake." Seryoso niyang sabi.
"S-sino po kayo? A-at b-bakit po kayo pumasok dito?" Nauutal kong tanong sa kanya. Baka kaibigan 'to ni Sir Grayson. O 'di kaya ay kamag-anak.
"I'm the owner of this house. I'm Grayson Pritzker. And you, what is your name?" Tanong niya. Ibig sabihin ay siya ang amo ko! At naabutan niya akong tulog pa nang ganitong oras. Nakakahiya!
"A-ako po si Ronalyn. Ronalyn Tuazon po, sir. Pasensya na po kayo at late na ako nagising. Sorry po. Mag aayos lang po ako at pupunta na sa kusina." Taranta kong sabi at agad na sinuklay ang aking buhok. At paglingon ko ay naroon pa rin siya at seryosong nakatingin sa 'kin. Sana lang ay huwag niya akong paalisin.
"I'll wait in the kitchen." Sabi niya at agad na naglakad palabas ng kwarto. At doon lang ako nakahinga nang maluwag. Paaalisin niya kaya ako? Huwag naman sana. Malay ko ba na ngayon siya uuwi. Ang sabi kasi ni Michelle ay minsan lang siya umuuwi rito sa Pilipinas. At hindi ko alam na ngayon 'yon.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay dali-dali ako lumabas ng kwarto at mabilis na naglakad papunta sa kusina. At nadatnan ko siya roon na nakaupo sa lamesa. Nakatingin siya sa 'kin habang naglalakad ako. Ano ba naman 'to. Ang hilig niyang tumitig.
"A-ano pong gusto niyong almusal, sir?" Tanong ko.
"No need. I already ate my breakfast." Seryoso niyang sagot habang nakatitig sa 'kin.
"Maiinom po, sir? Kape? Juice?" Tanong ko.
"Give me a cup of coffee." Sagot niya. Agad akong kumuha ng tea cup at nagtimpla ng kape.
Pagkaraan ay naglakad ako papunta sa kanya at binigay ang kanyang kape.
"Thank you." Sabi niya at uminom ng kape. Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya sa ginawa kong kape. Kinakabahan pa rin ako dahil baka wala pang isang linggo ay tanggal na ako sa trabaho dahil sa kapalpakan ko.
"May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" Tanong ko.
"Magluto ka. May bisita akong darating at dito sila kakain ng tanghalian." Utos niya.
"Okay po, sir." Sagot ko.
Pagkatapos niyang uminom ng kape ay lumabas na siya sa kusina. Kaya agad kong hinanda ang mga kakailanganin ko sa pagluluto.
Napangiti ako nang tikman ko ang niluto kong pagkain. Sana ay magustuhan ng mga bisita ni Sir Grayson.
Pagkatapos kong magluto ay agad kong hinanda ang mga pinggan, kutsara at tinidor. Nakalagay na iyon sa lamesa kasama ang mga baso. Naroon na rin ang mga pagkain.
Napatingin ako kay Sir Grayson nang pumasok siya sa kusina.
"Sir, okay na po." Nakangiti kong sabi.
"Good. Nasa labas na ang mga bisita ko." Sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Ninong Grayson!" Rinig kong sigaw ng isang batang lalaki. Agad siyang tumakbo at yumakap kay Sir Grayson.
"Hey, buddy! How are you?" Tanong niya sa bata.
"I'm okay, ninong. I miss you po." Magalang na sagot ng bata.
"I miss you too, buddy. I have a gift for you. But first, we need to eat our lunch. Is that okay?" Tanong niya sa bata.
"Yes po, ninong." Sagot ng inaanak niya.
"It's nice to see you again, Pritzker." Napatingin ako sa nagsalita. At nagulat ako nang makita ko si Governor Callanta habang nakahawak sa baywang ng kanyang asawa. Teka, magkakilala sila ng amo ko? At 'yong bata ay anak ni Gov Harley!
"Yeah, nice to see you too, Callanta." Sagot ni Sir Grayson at ngumiti.
"Pasensya ka na, Grayson sa inaanak mo. Namiss ka lang dahil ilang buwan ka ng hindi nagpapakita sa kanya." Sabi naman ng asawa ni Gov.
"It's okay, Jane. Mabuti na lang at nakabili ako ng regalo niya." Sagot ni Sir Grayson.
"Naku, kaya nasasanay dahil nabibili ang gusto. Ito kasing ama niya sinusunod din ang gusto ni Larius." Hindi ko napigilan na hindi kiligin sa kanilang dalawa. Halatang mahal nila ang isa't isa. At kung makahawak itong si Gov Harley sa baywang ng asawa niya ay parang ayaw niyang lumayo kahit konti lang.
"Mommy, look I got this flower." Napatingin ako sa cute na boses ng isang batang babae na tumatakbo papunta sa mommy niya habang hinahabol ng isang babae na siguro ay yaya ng bata.
"Hey, Yassie. Hindi mo ba yayakapin si Tito Grayson?" Napatingin naman ang batang babae sa kanya.
"Hello, Tito Grayson. I miss you po." Napangiti ako dahil sobrang cute niya talaga. Sarap pisilin ng pisngi.
Pagkatapos siyang yakapin ni Sir Grayson ay napatingin naman siya sa 'kin.
"Hi. Are you my Tito's girlfriend?" Tanong niya sa 'kin na ikinagulat ko.
"Nako, hindi. Kasambahay lang ako dito." Agad na sagot ko.
"I'm sorry. Medyo madaldal lang talaga si Yassie. Don't mind her." Nakangiting sabi ng asawa ni Gov.
"Okay lang po. Cute niya nga po e." Sagot ko at ngumiti.
"So, let's eat our lunch first?" Pag-iiba ni Sir Grayson.
"Yeah. 'Tsaka na tayo mag-usap." Sabi ni Gov.
Agad silang umupo at nagsimula nang kumuha ng kanin at ulam. Lihim akong napangiti dahil napaka suwerte ni Gov Harley sa kanyang asawa. Kahit sa pagkain ay asikasong asikaso siya. Habang ang dalawa nilang anak ay inaasikaso rin ng kasama nilang yaya.
Napaiwas lang ako nang tingin nang lumingon ang asawa ni Gov sa kinatatayuan ko.
"Kumain ka na rin dito. Sumabay ka na sa amin." Sabi niya. Napatingin ako kay Sir Grayson na ngayon ay nakatingin din sa 'kin.
"Huwag na po, ma'am. Mamaya na lang po ako kakain pagkatapos niyo." Sagot ko.
"No. Halika kumain ka na rito. Sabay-sabay na tayong kumain." Sabi niya at tumayo pa at hinila ako at pinaupo sa bakanteng upuan. Binigyan niya rin ako ng plato.
"Salamat po." Nahihiya kong sabi. Ngumiti lang siya at bumalik na sa tabi ni Gov.
Habang kumakain ay panay ang pag-uusap nila. Wala naman akong naintindihan sa pinag uusapan nila. Kahit ang asawa ni Gov ay nananahimik din. Siguro ay hindi niya rin alam ang pinag uusapan ng dalawa.
Naunang natapos ang dalawang bata sa pagkain at ganon rin ang yaya nila. Kaya nauna silang umalis sa kusina at pumunta sa sala. Sunod ay si Sir Grayson at si Gov.
Agad silang nagpaalam at lumabas ng kusina kaya dalawa na lang kami ng asawa ni Gov ang natira. Binilisan ko ang pagsubo ng kanin at pagkatapos ay tumayo na at uminom ng tubig. Ilang sandali lang ay tapos na rin siya. Agad niyang niligpit ang mga plato.
"Ma'am ako na po ang bahala rito." Sabi ko at inagaw sa kanya ang mga plato.
"No, it's okay. Tulungan na kita. Ako nga pala si Jane." Pagpapakilala niya.
"Ronalyn po ang pangalan ko. Nakakahiya naman po na tutulong ka pa rito sa kusina. Baka po pagalitan ako ni Sir Grayson at ni Gov." Nahihiya kong sabi.
"Hindi 'yan. Akong bahala sa kanila." Sagot niya at dinala sa lababo ang mga pinggan. Habang ako ay dala rin ang mga baso.
"Gaano ka na katagal na kasambahay rito?" Tanong niya. Sinimulan kong maghugas ng mga pinagkainan namin. Samantalang siya ay nakatayo sa tabi ng lamesa habang nakatingin sa 'kin.
"Kahapon lang po ako nagsimula." Sagot ko.
"What? Pero bakit ganon?" Napalingon ako dahil sa sinabi niya. Bakit parang gulat na gulat siya? Hindi ko maintindihan.
"Bakit po parang gulat na gulat po kayo, ma'am?" Tanong ko.
"W-wala, nagulat lang ako. Good luck na lang sa 'yo. Puntahan ko lang ang mga anak ko." Paalam niya. Kunot noo ko siyang sinundan palabas ng kusina. Ang weird ng asawa ni Gov. Hindi ko maintindihan kong ano ang ibig niyang sabihin.
Ilang oras din pag-uusap ni Sir Grayson at ni Gov. Samantalang si Ma'am Jane ay inaantok na sa kahihintay sa asawa niya. Nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Grayson ay napaayos ako ng tayo.
Tumingin ako sa kanila at hindi ko alam na nakatingin din pala silang dalawa sa 'kin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Tandaan mo ang sinabi ko, Pritzker. If you want it, do what you want." Sabi ni Gov bago sila nag paalam na umalis.
"Yeah. Thanks, Callanta." Sagot niya.
Nang tuluyan nang makaalis ang mag-asawa ay agad akong naglakad pabalik sa kusina. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni Sir Grayson.
"Ronalyn." Tawag niya. Lumingon ako sa kanya.
"Yes po, sir?" Tanong ko.
"Can you clean my room?" Sabi niya.
"Sige po, sir." Sagot ko. Kaya imbis na tumuloy sa kusina ay kumuha ako ng walis tambo at iba pang gamit pang linis.
Nauna siyang naglakad papunta sa kwarto niya. Samantalang ako ay nakasunod sa kanya habang dala ang mga gamit pang linis. Hindi ko pa nakikita ang kwarto niya. Ngayon pa lang. At hindi ko pa nalilibot ang buong bahay niya. Sa sobrang laki ba naman nito siguradong mapapagod ako.
Nang binuksan niya ang pinto ng kwarto niya ay pinauna niya akong pumasok at sumunod siya. Hindi naman makalat at wala ring dumi. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kanyang kwarto. Puti at itim lang ang kulay ng kanyang kwarto. Ano ba ang lilinisin ko rito? Parang wala naman.
Dumaan siya sa gilid ko at umupo sa kama niya. Nakatingin siya sa 'kin.
"A-alin po ang lilinisin ko, sir?" Nauutal kong tanong.
"Ilang taon ka na, Ronalyn?" Tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko.
"Twenty four po, sir." Sagot ko.
"Do you have a boyfriend?" Tanong niya ulit. Ano ba 'to? Interview?
"Wala po." Agad na sagot ko.
"Good."
"Po?" Tanong ko.
"Nothing." Sagot niya.
"Ano na po yung lilinisin ko, sir?" Tanong ko. Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay bigla siyang tumayo at lumapit sa 'kin. Napahigpit ang hawak ko sa walis tambo dahil do'n.
"Tama si Harley. If I want it, I should do it now." Mahina niyang sabi. Sobrang lapit na ng katawan niya sa katawan ko. Ganon din ang mga mukha namin. Kaunting tulak na lang ay didikit na ang katawan niya sa 'kin.
"P-po?" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ano ba ang sinabi ni Gov Harley sa kanya? Tungkol saan?
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa 'kin. At ang mas ikinagulat ko pa nang biglang lumapat ang labi niya sa labi ko. At ang kanyang mga braso ay nakayakap sa aking baywang.
Dahil sa gulat ay pilit ko siyang tinutulak palayo sa 'kin ngunit ayaw bumitiw ng kanyang mga braso sa aking baywang.
Nagtagal nang ilang segundo ang halik na 'yon. Nang tuluyan nang humiwalay ang labi niya sa 'kin ay parang ramdam ko pa rin.
"I like you, Ronalyn. Be mine." Pabulong niyang sabi. Imbis na sagutin ang sinabi niya ay mabilis akong naglakad palabas ng kwarto niya.
Patakbo akong bumaba nang hagdan papunta sa kusina. Kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig at uminom. Ang bilis nang t***k nang puso ko. Bumuntong hininga ako bago inubos ang laman ng baso at ipinatong 'yon sa lamesa.
Hindi ko alam kung paano ko siya ngayon haharapin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng ito. Baka nananaginip lang ako. Mahina kong sinampal ang pisngi ko at kinurot pa ang braso ko.
"Hindi ka nananaginip. Totoo 'yon." Napaayos ako nang tayo nang magsalita siya.
"S-sir, 'di ba joke lang naman 'yon?" Tanong ko at kunwari na natawa.
"No. That's true, Ronalyn. I like you and I will do everything just to make you mine." Sagot niya.
Okay pa naman 'to kanina. Pero bakit ngayon ay hindi na?
"S-sir, lilinawin ko lang po. Pumunta po ako rito para maging kasambahay niyo. Iyon lang po. Nangangailangan po ako ng pera at hindi jowa." Paliwanag ko.
"Magkano ba ang kailangan mong pera? I will give it to you." Tanong niya. Diyos ko, baliw na yata itong amo ko. Wala sa plano ko ang magkaroon ng boyfriend. Dahil ang gusto ko lang ay pera para may pang gastos kami ng mga kapatid ko sa araw-araw.
"Hindi na po kailangan, sir. Okay na po ako sa sahod ko." Sagot ko. Tiningnan niya lang ako. Pagkaraan ay lumapit siya sa 'kin kaya nataranta na naman ako. Akmang aalis na ako nang masagi ko ang baso na ipinatong ko sa lamesa kaya nahulog 'yon at nabasag.
"f**k, Ronalyn." Biglang sabi niya at hinila ako palapit sa kanya. Ngunit huli na ang lahat dahil ramdam ko ang hapdi nang pagkatusok ng bubog sa aking talampakan.
"S-sir pakibitiwan po ako." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa baywang ko.
"Sit here. Gagamutin ko ang sugat mo." Sabi niya at pinaupo ako sa upuan. Agad siyang pumunta sa isang kabinet at may kinuha roon.
Nang lumapit siya sa 'kin ay agad niyang binuksan ang isang puting box.
"S-sir, ako na po ang maggagamot ng sugat ko." Sabi ko at inilayo ang paa ko sa kanya. Ngunit agad niya ring hinawakan 'yon at nilinisan.
"Huwag nang matigas ang ulo mo. Sa ating dalawa, dapat ako ang masusunod." Sabi niya na ikinagulat ko. Ano raw? Ano bang pinagsasabi ng amo kong 'to? Siguro ay nabaliw na 'to sa trabaho niya.