Chapter 4

2038 Words
Lumipas ang halos dalawang buwan at pinipilit ko na umiwas kay Sir Grayson. Hindi ko kayang humarap o makipag usap sa kaniya nang matagal dahil natatakot ako sa bawat titig niya sa 'kin. Kung pinaglalaruan niya lang naman ako, sana ay tigilan niya na. Kasi hindi na ako natutuwa. Ang sabi ni Michelle sa 'kin ay ilang araw lang dito si Sir Grayson sa Pilipinas kapag umuuwi. Pero halos magdadalawang buwan na ay narito pa rin siya. "Mukhang maayos ka naman dito." Napatingin ako kay Michelle. Pumunta siya rito sa bahay ni Sir Grayson para kumustahin ako. Pumunta rin siya kanina sa mga kapatid ko para ihatid ang pera na pambayad sa renta ng apartment namin at pati na rin ng allowance ng dalawa kong kapatid. "O-oo, okay lang ako rito." Sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang pinanggagawa ng amo ko. Paano kapag sinabi ko kay Michelle at malaman iyon ni Sir Grayson? Tapos paaalisin niya ako rito dahil nagsumbong ako. Mabuti nga at may trabaho pa akong napasukan. Siguro sa ngayon at titiisin ko muna. Pero kung magtuloy tuloy pa 'yon ay magpapasya na akong aalis rito. "Mabuti naman. Mukhang matatagalan pa bago bumalik si Sir Grayson sa ibang bansa ulit." Sabi niya na ikinagulat ko. Ibig sabihin matagal pa siya rito? "Bakit daw?" Tanong ko. "Hindi sinabi ang dahilan. Pero iyon ang sabi niya sa mama niya." Sagot niya. Tiningnan ko lang siya at nanahimik na. "Uuwi ka ba bukas sa apartment niyo?" Tanong niya. "Oo. Sabado kasi bukas. Tapos babalik ako ng lunes." Sagot ko. "Sige. Pupunta ako bukas sa apartment mo. Sinabi rin pala ni Ralph na pupunta siya. Mag movie marathon tayo bukas sa apartment niyo." Masayang sabi niya. "Sino ang uuwi?" Napatingin kami sa pinto nang magsalita roon si Sir Grayson. Napatayo kami ni Michelle. "Hello, Sir Grayson." Bati ni Michelle sa kaniya. "Sino ang uuwi, Michelle?" Ulit niya sa tanong niya kanina. "Si Ronalyn, sir." Sagot ni Michelle. "Simula ngayon ayokong umuuwi ang kasambahay ko." Napatingin ako kay Sir Grayson dahil sa sinabi niya. "Pero, sir, iyon po ang napag usapan." Biglang sagot ko. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "Dati 'yon. Iniba ko na." Seryoso niyang sagot. "Pero, sir--" "I told you, Ronalyn. Sa ating dalawa, ako ang masusunod." Sabi niya kaya napatingin ako kay Michelle na ngayon ay takang taka rin sa sinabi ng amo ko. "Sir, bawal po talaga siya umuwi?" Mahinahong tanong ni Michelle sa kaniya. "Dito lang siya, Michelle. I don't want to let her go." Sabi niya at agad na umalis sa harapan namin. Napahilamos ako ng mukha dahil doon. "Ano 'yon, Ronalyn? Bakit ganon 'yon?" Naguguluhang tanong niya sa 'kin. "Hindi ko rin alam, Mich. Baka mainit lang talaga ang ulo niya. Pero hayaan mo na baka bukas okay na rin at payagan akong umuwi." Sagot ko. "Sige, sana nga. O siya, kailangan ko ng umalis. Bye, ingat ka rito." Paalam niya. Hinatid ko siya sa pinto at kumaway sa kaniya. Nang tuluyan na siyang umalis ay bumuntong hininga ako at pumunta sa kusina. Pero agad din akong napahinto nang makita ko roon si Sir Grayson na seryosong nakaupo habang nakatingin sa 'kin. "S-sir..." Gulat kong sabi. "Who is Ralph?" Tanong niya. Ibig sabihin narinig niya kanina ang pinag uusapan namin ni Michelle. "A-ano po 'yon, kaibigan ko po." Sagot ko. "Really? Nagsasabi ka ba nang totoo sa 'kin, Ronalyn?" Tanong niya sa seryosong boses. "Opo. Kaibigan ko po talaga 'yon. Uuwi nga po ako bukas kasi po matagal na rin na hindi kami nagkikita. May kaunting salo-salo lang po kami kasama si Michelle." Sabi ko. "What if I don't want to?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Pero, sir, kahit sabado at linggo lang po. Payagan mo na ako." Pagmamakaawa ko. "Fine. Pero uuwi ka rito ng linggo ng hapon." Pagpayag niya. Agad akong ngumiti sa sinabi niya. Ang akala ko ay hindi na magbabago ang isip niya. "Opo, sir. Salamat po." Nakangiti kong sagot. Pagkatapos nang pag uusap namin ay pumunta ako sa kwarto at agad na tinawagan si Michelle. Sinabi ko sa kanya na makakauwi ako bukas dahil pinayagan na ako ni Sir Grayson. Kinabukasan ay maaga akong gumising at nagluto ng pagkain ni Sir Grayson. Dahil mamayang tanghali ay aalis na ako at uuwi sa apartment. Siguro naman ay kakasya itong niluluto ko sa kanya hanggang mamayang gabi. Para hindi na siya magluto pa ng pagkain niya. Habang nagluluto ng sinigang na baboy ay biglang pumasok si Sir Grayson sa kusina. Magulo ang buhok at halatang kagigising lang. "Good morning po, sir. Nagluto po ako ng sinigang para may ulam po kayo ngayon hanggang mamayang gabi niyo po." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Dapat saktong four nang hapon bukas ay narito ka na." Sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko. "O-opo, sir." Sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagluluto. Ngunit nagulat ako nang maramdaman ko siya sa aking likod. Naramdaman ko ang malapad niyang dibdib sa likod ko. "I will miss you." Bulong niya. Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya at dahil na rin sa sobrang lapit niya sa 'kin. Agad kong tinapos ang pagluluto at pilit na lumayo sa kanya. "T-tapos na po ako sa pagluluto." Sabi ko at pilit na inaalis ang braso niyang nakaharang. "Bakit mo ako iniiwasan, Ronalyn?" Tanong niya. "S-sir, itigil niyo na po 'to. Hindi na po kasi nakakatuwa. Tulad po nang sinabi ko dati. Pumunta po ako rito para magtrabaho at magkapera. Iyon lang po." Sagot ko. "Paano kung tatanggalin kita bilang kasambahay ko?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Bakit po? Wala naman po akong nagawang mali. Maayos po akong nagtatrabaho, sir." Sagot ko. "Be my girlfriend, Ronalyn. Lahat nang gusto mo ibibigay ko." Sabi niya. "Sir, pasensya na po pero ayoko. Marami pong babae dyan na pwede niyo pong maging girlfriend. Yung mayaman katulad niyo po. Huwag niyo na po akong pag-aksayahan ng oras dahil wala po kayong mapapala sa 'kin. Excuse me po." Sabi ko at agad na umalis sa harapan niya. Mabilis ang bawat lakad ko papasok sa loob ng kwarto. At nang maisarado ko na ang pinto ay napasandal ako roon at bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng babae na pwede niyang magustuhan ay bakit ako pa. Pwede naman 'yong si Xiannara. Siguro dahil iniisip niya na madali lang akong makuha. Madali lang akong paglaruan. Ang mga mayayaman talaga nagsasayang lang ng oras at pera para lang sa kaligayahan nila. E kung pinamigay na lang nila sa mga mahihirap tulad ko, e 'di sana natuwa pa kami. Pagkaraan ay agad na akong nag ayos ng sarili ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang isang maliit na bag na dadalhin ko. Kailangan kong umalis nang maaga dahil dadaan pa ako sa palengke para bumili ng pasalubong sa mga kapatid ko. Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko sa salamin ay agad na akong lumabas ng kwarto. At nadatnan ko si Sir Grayson na nakaupo sa sala habang nakatingin sa 'kin. Nang makalapit ako sa kanya ay nagpaalam ako. "Alis na po ako, sir. Balik po ako sa linggo ng hapon." Paalam ko. "Hatid na kita." Sabi niya at biglang tumayo. "Huwag na po. Sasakay na lang po ako ng jeep. Isang sakay lang naman--" "Let's go." Sabi niya habang hila ako palabas ng bahay. At napayuko na lang ako nang makita kami ni Manong Gilbert. s**t, baka kung ano ang isipin ng driver sa amin. "Pumasok ka na." Utos niya nang buksan niya ang front seat ng kotse. Agad kong kinuha ang kamay ko na hawak niya. "Sir, hindi niyo na po kailangan akong ihatid. Kaya ko na po." Mahina kong sabi. Sapat lang para marinig niya. Tiningnan ko si Manong Gilbert na ngayon ay nakatingin pa rin sa amin. Siguradong nag-iisip na siya nang hindi maganda sa amin ng amo ko. "Sasakay ka o buhatin pa kita?" Sabi niya sa seryosong boses. Seryoso rin siyang nakatingin sa 'kin. "Sir, gusto niyo po ako na maghahatid kay Ronalyn." Singit ni Manong Gilbert na ngayon ay nakalapit na pala sa amin. "No need, Manong Gilbert. Ako ang maghahatid sa kanya." Sagot niya. "Sige po, sir. Sakay ka na, hija." Napatingin ako kay Manong Gilbert na ngayon ay nakatingin din sa 'kin. Halata sa mukha niya na naaawa siya sa 'kin. Pero bakit? "Sumakay ka na, Ronalyn. At baka hindi na kita payagan na umuwi." Nang sabihin 'yon ni Sir Grayson ay agad akong pumasok sa front seat. Baka totohanin niya nga na hindi ako pauwiin. Tiningnan ko ulit si Manong Gilbert. Naroon pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. Na para bang nag-aalala. Nang umandar na ang kotse na sinasakyan namin ay tahimik lang ako. 'Tsaka lang ako nagsasalita kapag ituturo ko ang daan papunta sa bahay. "Sa palengke na lang po ako bababa, sir. Bibili pa po kasi ako ng mga pasalubong sa dalawa kong kapatid." Sabi ko. "No. Sasamahan kitang bumili ng mga pasalubong." Sabi niya at biglang nag iba ng daan. "Sir, saan po tayo pupunta? Hindi po ito ang daan papunta sa bahay namin." Kinakabahan kong sabi. "Don't worry. Bibili lang tayo ng mga pasalubong." Sabi niya at huminto sa isang sikat na mall dito sa San Miguel. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng mall na 'to. Puro mayayaman lang ang pwedeng pumasok dahil na rin sa mga mamahaling mga bilihin sa loob. Imposible naman na rito kami bibili ng pasalubong. Kahit siguro ipunin ko lahat nang natitira kong pers ay hindi pa rin sapat 'yon para makabili ng tinitinda sa loob ng mall. "Sir, may bibilhin po ba kayo sa loob ng mall? Dito na lang po ako." Sabi ko. "No. Sasama ka sa 'kin sa loob. Bibili tayo ng mga pasalubong sa mga kapatid mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Teka, bakit dito? Wala akong pera para makabili ng mga tinitinda dyan sa loob. "Pero, sir, mamahalin po mga binebenta dyan sa loob. Di ko po kaya bilhin. Kaya nga po sa palengke na lang ako bibili e." Sagot ko. "Sino ba nagsabi na ikaw ang bibili? Sasamahan mo ako sa loob dahil ikaw ang pipili ng pwedeng pasalubong sa kanila. Let's go." Sabi niya at agad na lumabas ng kotse. Kaya ganon din ang ginawa ko. "Sir, sapat na po yung mga kakanin pang pasalubong sa kanila." Sabi ko nang makalabas akong sasakyan. Pero hindi na siya muli pang sumagot. Nauna siyang naglakad papunta sa entrance ng mall kaya hinabol ko siya. Dati sa tv ko lang ito nakikita. Pero ngayon ay papasok na ako sa loob. Maaamoy ko na ang aircon sa loob. Makikita ko na kung ano 'yong mga na sa loob. "Good morning po, ma'am and sir. Check lang po yung bag mo, ma'am." Sabi ng nagbabantay sa entrance ng mall. Agad kong binuksan ang bag ko at pinakita sa guard. Pagkaraan ay pinapasok din ako. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan na hindi mamangha. Kakaiba ang mall na 'to kay sa ibang mall. Halatang lahat ng mga materyales na ginamit ay mamahalin. Sobrang linis pa ng sahig at ng mga salamin. "Oh, look. Himala at bumisita ka sa mall ko, Pritzker. Ang akala ko ay bumalik ka na sa ibang bansa." Napahinto kami sa paglalakad nang may lumapit na isang lalaki. At teka, siya ba ang may-ari ng mall na 'to? Ang swerte ko naman ngayong araw na 'to. "Matagal pa bago ako makakabalik doon, Velasco." Sagot ng amo ko. Nakatingin lang ako sa lalaking kinakausap niya. At ngumiti ako sa kanya nang napatingin siya sa 'kin. "And who's this girl?" Nakangiting tanong niya. Pero nawala rin agad ang ngiti ko nang biglang pumulupot ang braso ni Sir Grayson sa baywang ko. "She's Ronalyn. My girlfriend." Nagulat ako sa huling sinabi niya. Girlfriend? "Damn, man. Kaya pala hindi ka na bumalik ng ibang bansa." Sabi ng kausap niya at tumawa. Pilit kong tinatanggal ang braso niya sa baywang ko. "Yeah. We need to go, Red. Marami pa kaming bibilhin." Paalam niya. "Okay. Nice to meet you, Ronalyn." Pahabol na sabi ng kaibigan niya kaya ngumiti ako sakanya. Pagkatapos ay agad na kaming naglakad habang ang braso niya ay na sa baywang ko pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD