Chapter 2

1826 Words
"Hoy, Ronalyn lumabas ka riyan! Magbayad ka na. Kung hindi ay umalis na kayo rito." Napamulat ako ng mata ko dahil sa sigaw. Nagising din ang dalawa kong kapatid. Agad kong inayos ang sarili ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa pinto. At bumungad sa 'kin ang mataray na mukha ni Aling Delia. "Good morning po---" "Magbayad ka na. Kailangan ko rin ng pera." Putol niya sa sasabihin ko. Agad akong kumuha ng pera sa bulsa ng shorts ko at binigay iyon sa kanya. Agad niya namang tinanggap at binilang 'yon. "Kulang. Isang buwan lang ito. Dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta." Masungit niya pa ring sabi. "E, Aling Delia, 'yan lang po muna ang maibibigay ko. Hayaan niyo po at pag iipunan ko pa ulit 'yong isang buwan." Sagot ko. "Pasalamat ka, Ronalyn at may awa pa ako sa inyong magkakapatid." Sabi niya at umalis na. Bumuntong hininga ako bago isinarado ang pinto. "Ate, may pera ka pa ba?" Biglang tanong sa 'kin ni Geraldine. "Bakit?" Tanong ko. "Baka po kasi wala ka ng pera. Hindi po muna ako papasok." Sabi niya. "Meron pa akong pera. Ito, baon niyo ni Charles. Sige na, mag asikaso na kayo para hindi kayo ma late sa pagpasok." Sabi ko at binigay sa kanila ang natitira kong pera. Agad niya namang kinuha iyon at umalis na sa harapan ko. Ang iisipin ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng pera pambili ng bigas at ulam namin mamaya. Nang makaalis na ang dalawa kong kapatid ay agad kong tinawagan si Michelle. Siya lang ang tanging mahihingian ko nang tulong ngayon. "Hello?" "Hello, Mich?" Sagot ko. "Bakit? Kumusta?" Tanong niya. "Okay lang naman kami. Mangungutang sana ako sa 'yo." Sagot ko. "Sure. Magkita tayo mamaya dahil may irerekomenda akong trabaho sa 'yo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Sige. Text mo sa 'kin kung saan tayo magkikita." Sabi ko. "Sige. Mamaya na lang tayo mag-usap. May kailangan pa akong gawin. Bye, see you later." Paalam niya at agad na tinapos ang tawag. Bigla akong na excite sa sinabi ni Michelle. Sana ay tuloy-tuloy na ang trabaho kong ito. Nagkita kami ni Michelle sa isang fast food. Pagdating ko roon ay agad ko siyang nakita kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan. "Bakit dito? Wala akong pera pambayad sa mga pagkain." Sabi ko. "Ano ka ba. Syempre, libre kita. Ito na ang hiniram mong pera at huwag mo ng bayaran." Sabi niya at binigay sa 'kin ang pera na hiniram ko. "Hindi. Babayaran ko 'to, Mich. Ililibre mo na nga ako rito tapos hindi ko pa babayaran 'to," sabi ko. "Huwag na, Ronalyn. Bigay ko na 'yan sa inyo ng mga kapatid mo. Nga pala, yung tungkol sa trabaho na inaalok ko sa 'yo. Magiging kasambahay ka. Sabi ni Mrs. Pritzker ay kung pwede raw bukas ka na magsimula." Nagulat ako sa huling sinabi niya. Bakit parang ang bilis? "Agad-agad? Wala pa nga akong resume na pinapasa." Gulat kong sabi. "Syempre, ako na ang gumawa no'n. Pero lilinawin ko lang sa 'yo na ro'n ka titira. Ikaw ang maaglilinis ng bahay, magdidilig ng mga halaman at lahat-lahat. Minsan lang naman umuuwi ang anak ni Mrs. Pritzker dahil abala 'yon sa ibang bansa." Paliwanag niya. "Ibig sabihin iiwan ko ang dalawa kong kapatid sa bahay? Parang ayoko, Mich." Sagot ko. "Ronalyn, malaki na rin si Geraldine. Kaya niya ng alagaan si Charles. Para din naman sa kanila iyon kung bakit ka lalayo. 'Tsaka, hindi naman sa ibang bansa ang punta mo. Pwede ka namang umuwi tuwing sabado at linggo." Paliwanag niya. "Pag-iisipan ko pa, Mich. Tatawagan kita mamayang gabi sa magiging desisyon ko." Sagot ko. "Sige. Pag isipan mo nang mabuti 'to, Ronalyn. Malaki ang sahod dito. Kahit huwag ka na magtrabaho sa iba." Sabi niya at agad na nag order ng makakain namin. Pagkatapos nang pag-uusap at pagkain namin ay agad na kaming nagpaalam sa isa't isa. At pagdating ko sa bahay ay tulala na naman ako. Pinag-iisipan ko nang mabuti ang alok ni Michelle. Hindi ko kayang iwan ang mga kapatid ko rito. Pero sayang din ang trabahong 'yon. Sigurado ako na magiging maayos ang buhay namin kapag tinanggap ko 'yon. "Ate, may problema ka ba?" Napatingin ako kay Geraldine. "Geraldine, kaya mo bang alagaan si Charles na ikaw lang mag-isa?" Tanong ko sa kanya. "Bakit, ate? Saan ka ba pupunta?" Tanong niya. "May nahanap kasing trabaho si ate. Kaso ang uwi ko ay sabado at linggo lang." Paliwanag ko sa kanya. "Kaya ko naman alagaan si Charles, ate. Huwag mo na kaming alalahanin. Ako na ang bahala." Sagot niya. "Sigurado ka ba, Geraldine?" Tanong ko. "Oo, ate. Ako na po ang bahala rito." Sagot niya. --- Kinabukasan ay agad na akong nag ayos nang mga gamit ko. Nakalagay 'yon sa isang malaking bag. Pagkatapos ay nilagay ko 'yon sa may sala para kapag dumating na si Michelle ay madali ko na lang 'yon na mabubuhat palabas ng bahay. Tinext ko kagabi si Michelle na tinanggap ko ang alok niyang trabaho. "Ate, mag iingat ka ro'n, huh." Sabi ni Geraldine habang katabi ang bunso naming kapatid na si Charles. "Kayo ang mag iingat dito. Huwag kayong magpapapasok ng hindi niyo kakilala. School at bahay lang kayo, maliwanag?" Sabi ko. Tumango naman silang dalawa. "Payakap nga si ate." Sabi ko at niyakap silang dalawa. "Si ate naman, hindi ka naman pupuntang ibang bansa. Dito ka rin lang naman sa San Miguel. Medyo malayo nga lang." Pang-aasar ni Geraldine. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Naputol lang ang sasabihin namin nang may kumatok kaya agad kong binuksan ang pinto. "Good morning, Rona." Nakangiting bati ni Michelle. Mayroon siyang kasama na isang lalaki. "Manong Lando, pakikuha na lang po 'yong gamit nito." Utos niya sa kanyang kasama. Agad namang sinunod 'yon ng lalaki at kinuha ang malaki kong bag. Sumunod naman kami palabas ng bahay kasama ang dalawa kong kapatid. "Bye, ate." Paalam nilang dalawa. Kumaway lang ako sa kanila. Agad namang binuksan ng driver ang back seat para sa amin ni Michelle kaya pumasok na kami. Halos kalahating oras ang naging byahe namin bago huminto ang sinasakyan naming kotse sa harap ng isang malaking bahay. Nang bumusina ang sinasakyan kong kotse ay agad na bumukas ang malaking gate kaya agad na pumasok ang kotse. Pagkaraan ay agad kaming lumabas ni Michelle. Maganda ang disenyo ng labas ng bahay. Halatang yamanin ang may-ari. Yung tipong makikita mo pa lang ang labas ng bahay ay halatang ginastusan nang malaki. Napatingin ako sa driver nang buhat-buhat niya na ang malaki kong bag papasok sa loob. "Pasok na tayo." Sabi ni Michelle at naunang naglakad kaya sumunod ako. Agad na kinuha ni Michelle ang susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto. Sa sala pa lang ay napahanga na ako. Balawang araw, magpapatayo rin ako ng sarili kong bahay. Katulad din nito. "Salamat po, Manong Lando." Sabi ni Michelle sa driver. Tumango naman ang lalaki at lumabas na. "Ang ganda naman ng bahay, Mich." Sabi ko. "Syempre, ang may-ari lang naman ng bahay na ito ay ang may-ari ng sikat na bar at airport dito sa San Miguel." Sagot niya na ikinagulat ko. "Ibig sabihin, sobrang yaman talaga ng magiging amo ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes. At minsan lang siya umuuwi rito sa bahay niya. Madalas kasi na sa ibang bansa siya." Sagot niya. "Minsan lang? Ibig sabihin, ako at 'yong driver lang ang titira dito?" Tanong ko. "Oo. Ikaw ang maglilinis ng buong bahay, pati sa labas. At yung swimming pool sa likod ng bahay ay may pumupunta naman para maglinis kaya bawas sa gawain mo." Paliwanag niya. "Sige. Napaka easy naman pala." Nakangiti kong sagot. "At kapag umuwi si Mr. Grayson ay ikaw rin ang magluluto ng mga pagkain niya. Alam kong masarap kang magluto." Nakangiti niyang sabi. "Sige. Walang problema sa 'kin." Sagot ko. May kinuha siya sa kanyang bag at inilabas 'yon. Isang puting sobre. Binigay niya 'yon sa 'kin. "Ano 'to?" Tanong ko. "Advance p*****t mo rito. Galing kay Mr. Grayson." Sagot niya. "Salamat. Ang bait naman ng mga amo mo, Mich." Nakangiti kong sabi. "Hindi ka sure, Rona. Halika, ipapakita ko sa 'yo ang magiging kwarto mo." Sabi niya at naunang naglakad. Sumunod ako sa kanya at huminto kami sa isang pinto dito lang din sa ibaba. Mabuti naman at hindi na ako akyat-baba sa malaking bahay na 'to. "Okay na ba ang kwartong 'to sa 'yo?" Tanong niya. "Oo naman. Malaki na nga 'to para sa 'kin." Sagot ko. "Basta, ikaw na ang bahala rito. May naghahatid naman ng mga kailangan mo tuwing linggo. Kailangan ko ng umalis. May lakad pa kami ni Mrs. Grayson." Paalam niya at lumabas kami ng kwarto. "Salamat ulit, Mich. Ingat ka." Sabi ko at kumaway sa kanya bago siyang pumasok sa loob nang kotse. Nang tuluyan nang umalis ang kotse ay agad akong pumasok sa loob ng bahay. Inilibot ko ang aking pingingin sa loob ng bahay. Hindi ko akalain na magiging kasambahay ako rito sa malaking bahay na 'to. Napaka suwerte ko dahil nakapasok ako bilang kasambahay rito. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at agad na inayos ang mga gamit ko. At na sa kalagitnaan na ako nang pag-aayos nang may narinig akong sigaw mula sa labas. Agad akong tumayo at lumabas nang kwarto. Sigaw ng isang babae na para bang galit. Mabilis ang bawat lakad ko papunta sa pintuan at agad kong binuksan. "Hello---" "Who are you? Isa ka ba sa mga babae ni Grayson?" Mataray na tanong ng isang babae. Halatang mayaman din base sa kanyang pananamit. At ano raw? Ako? Isa sa mga babae ni Sir Grayson? "H-hindi po, ma'am. Kasambahay lang po ako rito." Sagot ko. "Nandito ba si Grayson?" Seryoso niyang tanong. "Wala po, ma'am. Hindi pa po nakakauwi si sir." Sagot ko. "Okay, thanks." Sagot niya at agad na umalis. Agad namang lumapit ang driver sa 'kin. "Pasensya ka na, hija. Ilang beses nang pabalik balik si Ma'am Xiannara dito at hinahanap si Sir Grayson." Sabi niya. "Kaano ano po ba 'yon ni sir, manong?" Tanong ko. "Isa sa mga babae ni sir 'yon. Marami talagang humahabol na mga babae kay sir. Tapos si Sir Grayson naman ay walang pakialam sa kanila. Parang tatandang binata nga yata si sir." Sabi niya. Maganda naman 'yong babae kanina. Mayaman. Makinis ang balat. Mabango. Ano pa ba ang kulang doon? Bakit hindi pa siya nagustuhan ni Sir Grayson? "Gano'n po ba? Ang dami niyo na po pa lang alam tungkol kay sir." Sagot ko. "Oo naman. Ilang taon na akong driver niya e. Nga pala ako si Gilbert. Tawagin mo na lang akong Manong Gilbert. Kung may kailangan ka ay nandoon lang ang kubo ko sa gilid nang garahe." Sabi pa niya. "Sige po, Manong Gilbert." Sagot ko. Agad naman siyang umalis kaya pumasok na ako sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD