Chapter 5

1731 Words
Nang makalayo na kami sa kaibigan niya ay pilit kong lumayo sa kanya. Ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa baywang ko. "Sir, pakitanggal po yung braso mo sa baywang ko." Mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya. Ngunit hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at ganon din ako. Na para bang wala siyang narinig. Huminto kami sa nagbebenta ng mga damit. Sabay kaming pumasok sa loob. Ang gaganda ng mga binebenta nilang damit. Halatang pang mayaman talaga. At sigurado ako na mahal din ang mga presyo nito. "Maghanap ka na ng mga damit na ibibigay mo sa mga kapatid mo." Utos niya. "Good morning, ma'am and sir." Bati nang isang babae na lumapit sa amin. "Please, assist her." Utos ng amo ko sa babae. Napatingin naman sa 'kin ang babae at ngumiti. "Huwag na lang po rito. Sobrang mahal po ng mga damit." Sabi ko at akmang lalabas na ako ng humarang siya sa dinaraanan ko. "Please, get the clothes you like. I'll take care of the price." Mahina niyang sabi. Tumingin siya sa babae na mag aassist sa 'kin at tumango. "Ma'am, dito po tayo." Sabi ng babae at tinuro ang daan papunta sa mga damit. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa babae. Una naming pinuntahan ay ang damit pang babae. Agad kong hinanap ang presyo ng damit na nagustuhan ko para kay Geraldine. At agad kong binalik sa kinalalagyan ang damit na kinuha ko. Bakit ganito kamahal ang presyo ng mga damit dito? Saan ba gawa ang mga ito? "Ayaw niyo po niyan, ma'am?" Tanong ng babae. Gusto. Gustong gusto. "Wala ba kayong murang damit dito? Iyong mga na sa two hundred lang ang presyo?" Nahihiya kong tanong. Napangiti naman ang babae sa 'kin. "Wala po, ma'am. Ang pinaka mura lang po dito na damit mga na sa one thousand five hundred po." Sagot niya. What? E sa amin, 'yon na yung pinaka mahal na damit e. Wala akong choice kundi ang kunin ang damit na ibinalik ko. At sunod kong pinuntahan ay sa damit pang lalaki naman. Naghanap ako ng damit na babagay kay Charles. Siguro naman tama na ang tig isang damit sa kanila. Baka kasi ibawas pa 'to ni Sir Grayson sa sahod ko. Mahirap na. Nang makahanap ako ng damit ni Charles ay agad nang kinuha ng babae sa 'kin ang dalawang damit. "Ito lang po ba, ma'am?" Tanong niya. Tumango lang ako sa ngumiti sa kanya. Agad na lumapit sa amin si Sir Grayson habang nakakunot ang noo. "Dalawa lang? Really, Ronalyn?" Seryoso niyang tanong. Bakit? Alangan naman damihan ko. "Opo, sir. Ang mamahal po kasi ng mga damit." Sagot ko. "Miss, meron pa bang ibang mga ganyang size?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Yes, sir. Meron pa po." Sagot ng babae. "Pwede bang kumuha ka pa ng mga ganyang size? Gawin mong tig-apat na damit." Utos niya. "Sir, okay na po 'yan. Huwag na po." Agad kong sabi. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ako ang masusunod dito, Ronalyn." Sagot niya. Naghintay kami ng ilang minuto. At pagbalik ng babae ay meron na siyang dalang mga damit. Jusme, mga magkano na kaya lahat nang 'yan? Baka isang buwang sahod ko na 'yan lahat. "Sir, twenty thousand po lahat." Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa narinig kong presyo ng lahat ng pinamili ko. Pero yung amo ko parang wala lang sa kanya. Syempre, barya lang para sa kanya 'yong twenty thousand. Agad niyang binigay ang isang card. Ilang saglit lang bayad na agad ang mga damit. Ang sosyal naman ng pasalubong ko sa dalawa kong kapatid. "Won't you buy for yourself?" Tanong pa niya. "Nako, huwag na po. Marami pa akong damit. Miss, pakibilisan na lang ang pagbalot." Utos ko sa babae at baka madagdagan pa iyon kapag hindi pa kami umalis rito sa loob. Nang matapos na ay agad na kaming lumabas doon. Nauuna ako sa paglalakad. Mali pala na pumasok kami rito. Totoo nga na mamahalin ang mga binebenta rito sa loob. Nang makalabas na kami ng mall ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nang makalapit na kami sasakyan niya ay binuksan niya ang backseat at doon inilagay ang mga bag na may lamang mga damit. Nang makapasok na kami sa loob ng kotse ay agad niya akong tinanong. "Sigurado ka na ba na ayaw mong bumili ng damit mo?" Agad akong umiling. Mas mabuti nang sa gilid-gilid na lang ako bumili. "Hindi na po. Okay na po sa 'kin 'tong mga biniling damit para sa mga kapatid ko." Sagot ko. Hindi na siya sumagot at agad na pinaandar ang sasakyan. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela. Inilalayo ko ang kamay ko sa kanya ngunit pilit niya ring inilalapit sa kanya. "Please, Rona." Mahina niyang sabi at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. At ngayon ay tinawag niya na ako sa palayaw ko. Close na ba kami? Hindi ko alam pero gusto ko rin ang ginagawa niya ngayon. Pero minsan naiisip ko rin na hindi kami pwede. Alam kong maraming tututol kapag ipinagpatuloy pa ito. "What are you thinking?" Biglang tanong niya. "W-wala po." Sagot ko. Bago kami dumating sa bahay ay huminto pa kami sa palengke para bumili ng mga pasalubong na kakanin. At ako na mismo ang nagbayad dahil sobra-sobra na ang mga binili niya para sa mga kapatid ko. Paghinto ng sasakyan sa harap ng apartment kung saan ako nakatira ay parang ayoko na lang lumabas ng kotse. Dahil maraming mata ang nakatingin na para bang manghang mangha sa kanilang nakikita. At mas lalo pa akong nahiya nang lumabas si Sir Grayson at pinagbuksan ako ng pinto. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas habang nakayuko. Akmang bubuksan na sana ni Sir Grayson ang backseat para kuhanin ang mga pinamili namin nang unahan ko na siya. "Ako na po, sir. Okay na po ako rito. Maraming salamat po sa paghatid at pagbili ng mga damit ng mga kapatid ko. Ibawas mo na lang po sa sahod ko." Dire-diretso kong sabi habang buhat-buhat ang mga paper bag at 'yong mga kakanin. "No need. Bigay ko na 'yon sa mga kapatid mo. I will help you." Sabi niya at kukuhanin sana ang kakanin sa 'kin nang inilayo ko 'yon sa kanya. "Huwag na po, sir. Masyado na po akong nakaabala sa 'yo." Sagot ko. Masamang tingin lang ang naging sagot niya at biglang kinuha sa 'kin ang kakanin at 'yong ibang paper bag namay laman na mga damit. "Let's go. Masyadong matigas ang ulo mo." Sabi niya at hinawakan ako sa baywang na mas lalo kong ikinahiya. Halatang gulat na gulat ang mga taong nakakakita sa 'min. Na para bang hindi sila makapaniwala na may kasama akong gwapo, maputi, matangkad at mayaman na lalaki rito sa apartment. Kalmahan niyo lang. Amo ko lang 'yan. Pagdating sa pinto ng apartment ko ay agad ko 'yong binuksan. At bumungad sa amin ang dalawa kong kapatid na abala sa kanilang mga selpon. Teka, selpon? Paano sila nagkaroon ng selpon? Nagnakaw ba sila? O 'yong pinadala kong pera ay pinambili nila ng selpon? "Ate!" Sabay nilang sabi at tumayo. "Kuya Grayson!" At nagulat ako nang kilala nila ang amo ko. Paano nangyari 'yon? "Paano niyo nakilala ang amo ko? At paano kayo nagkaroon ng selpon?" Takang tanong ko. "I bought it last week." Sagot ni Sir Grayson. "Po? Paano mo nakilala ang mga kapatid ko?" Tanong ko. "Because of Michelle. I asked her where you live and she accompanied me to come here and I met these two. Paliwanag niya. "Ginawa niyo po 'yon? Para po saan?" Tanong ko ulit. "Why? Masama bang malaman kung saan ka nakatira, Rona?" Seryoso niyang tanong. "Hindi naman po. Pero sana hindi niyo na po binilhan ng selpon ang mga kapatid ko." Sagot ko. "Please, pati ba naman 'yan pag aawayan natin?" Tanong niya. "Wow, ate ang gaganda naman nitong mga damit." Tuwang tuwa na sabi ni Geraldine habang hawak-hawak ang mga damit na pinamili namin ni Sir Grayson. Gano'n din si Charles. "Hindi ako ang bumili niyan. Si Sir Grayson." Sagot ko. "Thank you po, Kuya Grayson. Ang gaganda po nito." Nakangiting sabi ni Geraldine. "You're welcome." Sagot ng amo ko at ngumiti sa kanila. Pagkatapos ay agad na silang umalis at pumunta sa kwarto. Kaya kami na lang dalawa ni Sir Grayson ang niwan sa maliit na sala. "Sir, baka po may pupuntahan pa kayo. Salamat po sa paghatid---" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap. "I will miss you." Bulong niya habang nakayakap sa 'kin. "Rona, I'm here---" mablis akong lumayo kay Sir Grayson nang pumasok si Michelle. Nakita kong napatakip siya ng bibig nang makita niya kami sa ganoong pwesto. "H-hello po, Sir Grayson." Bati niya sa amo ko at halata pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. "I need to go. Susunduin kita bukas ng hapon." Sabi niya bago tuluyang umalis. Agad na sinarado ni Michelle ang pinto at umupo sa tabi ko. "Gaga, ano 'yon?" Agad niyang tanong sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya lahat. Kung paano nangyari 'yon. Kasi kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit ako nagustuhan ng amo ko. "Mich, baliw na yata 'yong anak ng amo mo." Sagot ko. "Ha? Bakit? Mukha ngang may gusto sa 'yo si Sir Grayson." Sabi niya sa seryosong boses. "Kaya nga. Sa dami ng babaeng babagay sa kanya, bakit ako pa?" Sagot ko. "Kung ako sa 'yo, Rona, umiwas ka na kay Sir Grayson. Kawawa ka lang kay Xiannara." Seryoso niyang sabi. Bigla kong naalala ang babae na pumunta noon sa bahay ni Sir Grayson. At hinahanap siya. "Paano ko iiwasan 'yon, Mich? Nagtatrabaho ako sa kanya. Kung umalis na lang kaya ako?" Iyon lang ang tanging paraan para makaiwas at makalayo ako sa kanya. "Saan ka naman magtatrabaho? Babalik ka sa dati mong ginagawa?" Tanong niya. Iyon din ang iniisip ko kapag umalis ako bilang kasambahay. 'Di hamak na mas malaki ang kinikita ko roon kaysa dati kong mga trabaho. At hindi ko kayang maghirap muli ang mga kapatid ko. Gusto ko silang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko maging maayos ang buhay nila balang araw. Kaya kahit ano pang trabaho ay tatanggapin ko, makapagtapos lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD