Chapter 6

2242 Words
Nang hapon din na 'yon ay sinundo ni Michelle si Ralph. Sabay silang pumunta sa apartment kung saan ako nakatira. Meron din silang dalang mga pagkain na kakainin namin habang nanunuod ng movie. "Hi, Rona." Bati ni Ralph nang makapasok na sila sa loob ng bahay. Nakita ko naman si Michelle na todo ngiti sa gilid. Ngiting nang-aasar. "Hello, Ralph. Upo kayo." Sabi ko at itinuro ang lumang sofa. Agad naman siyang umupo at ganon din si Michelle. "Teka lang at kukunin ko 'yong tinimpla kong juice." Paalam ko at agad na kinuha ang tinimpla kong juice at mga baso. Pagkaraan ay nagsimula na kaming manuod. Horror ang palabas at minsan ay nagugulat ako at napapasigaw. Baka nga rinig na sa labas ng apartment ang boses ko. "Takot ka ba? Pwede mong hawakan ang braso ko." Napatingin ako kay Ralph na ngayon ay nakatingin sa 'kin. "O-okay lang. Nakakagulat lang." Sagot ko at napatingin ako sa tv nang sumigaw si Michelle dahil biglang lumabas ang isang pangit na mukha. Sa gitna nang katahimikan namin habang nanunuod pa rin ng palabas ay biglang tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag. Nagulat pa kaming tatlo sa pag tunog. Hindi ko kilala ang tumatawag. Number lang ang nakalagay. Pero agad ko namang kinuha ang selpon ko na sa sa lamesa. "Sandali lang. Sasagutin ko lang 'to." Paalam ko sa kanila at pumunta sa kusina. "Hello?" Sagot ko sa tumatawag. "Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko?" Boses pa lang ay alam ko ng si Sir Grayson 'to. "Pasensya na po, sir. Hindi ko po napansin dahil nanunuod po kami ng palabas sa tv." Sagot ko. "Sino ang mga kasama mo?" Tanong niya. "Si Michelle po 'tsaka si Ralph. Mga kaibigan ko lang po." Sagot ko. "So, you're with Ralph right now? Nanliligaw ba siya sa 'yo, Rona?" Nagulat ako sa tanong niya. "Po? Nanliligaw po siya dati pero hindi na po ngayon." Sagot ko. Hindi ako sure. Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Susunduin kita bukas ng hapon. Sabay tayong uuwi." Sabi niya. "Sige po." Maikling sagot ko. Pagkatapos nang pag-uusap namin ay bumalik na ako sa sala at patuloy pa rin sina Michelle at Ralph sa panunood. "Sino 'yon?" Tanong ni Michelle nang tumabi ako sa kanya. "Si Sir Grayson." Sagot ko. "Ano raw sabi?" Tanong niya. "Wala. Tinanong lang kung bakit daw hindi ako nagre-reply sa mga text niya. At susunduin niya raw ako bukas nang hapon." Sagot ko. "Good luck." Iyon lang ang tanging sinabi niya at nagpatuloy sa panunood. Tiningnan ko naman ang selpon na ko na maraming text mula kay Sir Grayson. —— Kinabukasan, ay maaga akong gumising at naglinis ng bahay. Pagkatapos kong malinis ang loob ay lumabas ako para magwalis sa harap ng apartment namin. Nakita ko rin si Aling Delia na nagdidilig ng kanyang mga halaman. "Good morning, Ronalyn." Bati niya sa 'kin habang nakangiti. Mukhang maganda ang umaga niya. "Good morning din po, Aling Delia. Mukhang maganda po ang umaga niyo ah." Nakangiti kong sabi. "Ah oo. Nga pala, Rona. Huwag ka na magbayad ng upa ng apartment niyo sa loob ng isang taon. Bayad ka na." Nagulat ako sa sinabi niya. Isang taon? Paano nangyari 'yon? "Po? Bakit po? E hindi pa naman ako nagbabayad sa 'yo." Gulat kong sabi. Wala akong ganong pera para magbayad sa kanya ng upa nang isang taon. "E kasi may nagbayad na. 'Yong kasama mo kahapon? Siya 'yong nagbayad. Nako, mukhang naka bingwit ka ng mayaman, Rona. Balato naman dyan." Sabi niya at tinusok pa ang tagiliran ko ng daliri niya. Ibig sabihin si Sir Grayson ang nagbayad ng renta ng apartment namin nang isang taon. Mas lalo akong natatakot sa maaaring mangyari kapag nagtuloy tuloy pa ang ginagawa niya. "Dapat po, Aling Delia hindi niyo po tinanggap. Nakakahiya naman po sa kanya." Sabi ko. "Nako, hayaan mo na, Rona. Ayaw mo no'n hindi ka na mag-iisip kung saan ka kukuha ng pambayad sa 'kin. Sagot na ng boyfriend mo." Nakangiti niya pa ring sabi. "Hindi ko po boyfriend 'yon. Amo ko po 'yon." Sagot ko. "Ay huwag mo ng ipagkaila. Halata namang may gusto sa 'yo 'yon." Sabi niya at nagpatuloy sa pagdidilig ng kanyang halaman. Pagkatapos kong magwalis sa labas ay pumasok na ako. Nakita ko si Geraldine na abala sa paghahanda ng umagahan namin. "Ate, tara na at kumain." Sabi niya. Naroon na rin si Charles at nakaupo. Umupo na rin ako sa tabi nila at nag umpisa ng kumain. "Ate, kailan po ulit babalik dito si Kuya Grayson?" Biglang tanong ni Charles. "Hindi na siya babalik dito. At kung babalik man ay huwag niyo ng kausapin o tatanggapin dito. Huwag niyo na rin tanggapin ang mga ibibigay niya sa inyo. Maliwang ba, Geraldine at Charles?" Tanong ko sa kanila. "Bakit, ate?" Tanong ni Geraldine. "Basta. Nakakahiya." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay agad akong pumunta sa malapit na grocery store para bumili ng mga kakailanganin ng nga kapatid ko bago ako umalis. Mas okay ng kompleto sila ng mga kakailanganin bago ako umalis. Halos isang oras din akong nag grocery. Pagkaraan ay umuwi na rin ako. Ayoko ng hintayin pa at sumabay sa pag-uwi kay Sir Grayson. Hanggat maaga pa ay kailangan ko ng umiwas. Malayo ang agwat ng pamumuhay ko sa pamumuhay niya. Alam kong maraming tutol. Hindi rin naman kasing maitatanggi na gwapo siya. Na sa kanya na ang lahat. At mas makabubuti kung kasing yaman niya ang magugustuhan niya. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Gusto ko lang magkaroon ng pera para may panggastos kami ng mga kapatid ko sa araw-araw. Tanghali pa lang ay nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Biglang pumasok si Geraldine sa kwarto at nakita niya akong nag-aayos. "Akala ko mamayang hapon ka pa aalis, ate?" Tanong niya. Akala ko rin. "May pupuntahan pa ako kaya kailangan kong umalis nang maaga. Baka kasi gabihin pa ako." Pagsisinungaling ko. "Ganoon po ba. Sige, ingat ka, ate." Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at sinukbit ang maliit kong bag. "Mag-iingat kayo rito ni Charles. Huwag kayong magpapapasok ng kung sino-sino. Tutal ay may selpon naman na kayo ay tumawag ka sa 'kin kapag may problema rito." Sabi ko sa kanya. "Opo, ate." Sagot niya. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita ko si Charles na nakaupo sa sofa habang abala sa kanyang selpon. Napatingin siya sa 'kin. "Aalis ka na, ate?" Tanong niya. "Oo. May pupuntahan pa si ate. Mag-ingat kayo rito ng Ate Geraldine mo. Mag-aral kayo nang mabuti. Huwag puro selpon." Sabi ko sa kanya. Halatang na-aadik na sa selpon itong isa na 'to. "Opo, ate." Tanging sagot niya. "Sige na, bye na." Paalam ko at niyakap silang dalawa. "Ingat, ate." Pahabol na sabi ni Geraldine. Kumaway lang ako sa kanya at lumabas ng pinto. Tanghaling tapat ay naglalakad ako palabas ng kanto namin. Hindi naman ganoon kalayo ang kanto at may dala naman akong payong. Nang makarating ako sa kanto ay ilang minuto pa akong naghintay na may dadaang jeep. At napatingin ako sa isang itim na kotse na huminto sa harap ko. Medyo lumayo ako nang kaunti at baka bigla na lang akong higitin nito papasok sa loob ng kotse. Hinintay kong bumaba ang bintana nang kung sino man ang na sa loob. Nagulat pa ako nang makita ko si Ma'am Jane at ang nagda-drive ay si Governor Harley. "M-magandang tanghali po, Ma'am Jane at Gov. Harley." Bati ko sa kanila. "Magandang tanghali rin, Ronalyn, right?" Nakangiting tanong ng asawa ni Gov. "Opo." Sagot ko. "May pupuntahan ka ba? Sumabay ka na sa amin." Nakangiti niyang sabi. "Nako, huwag na po. Nakakahiya po sa inyo at nakaabala pa po ako." Sagot ko. "No, it's okay. Saan ka ba pupunta?" Tanong niya. "Doon po sa bahay ni Sir Grayson. Umuwi po kasi ako kahapon dahil day off ko po." Sagot ko. "Ganon ba? Sakay ka na. Ihahatid ka namin. Tutal ay madaraanan naman namin 'yong subdivision. Huwag ka ng tumanggi." Sabi niya at ngumiti. "Sige po." Tanging sagot ko at agad na binuksan ang pinto ng backseat. Ang swerte ko naman para makasakay sa kotse ng dalawang 'to. Akalain mo, nakasakay ako sa kotse ni Governor Harley tapos kasama pa 'tong maganda niyang asawa. Parang hindi kumukupas ang ganda niya. Parang hindi tumatanda. "Kumusta naman ang pagtatrabaho mo kay Pritzker?" Biglang tanong ni Governor Harley habang nagda-drive. "O-okay naman po. Mabait naman po si Sir Grayson." Sagot ko. Nakita kong nakatingin siya sa 'kin na para bang tinitingnan niya ako kung nagsisinungaling ba ako o hindi. "Are you sure?" Tanong niya. "O-opo." Sagot ko. Nakita kong mahina siyang hinampas ng asawa niya sa braso. "Huwag mo ng pansinin 'tong asawa ko. Ganon lang talaga siya." Sabi ni Ma'am Jane at ngumiti sa 'kin. Halos isang oras din ang naging byahe namin bago nakarating sa subdivision. Kilala na rin sila ng guard kaya pinapasok na rin sila. Huminto ang kotse sa harap mismo ng gate ng bahay ni Sir Grayson. "Thank you po, Gov at Ma'am Jane." Nahihiya kong sabi. "You're welcome, Rona." Sagot ni Ma'am Jane at ngumiti sa 'kin. "Good luck." Iyon lang ang narinig ko kay Governor Harley bago ako lumabas ng kotse. Hinintay ko makalayo ang kotse nila bago ako nag door bell sa gate. Ilang sandali lang ay bumukas 'yon at bumungad sa 'kin si Manong Gilbert. Halatang nagulat pa siya nang makita ako. "Hello po, Manong Gilbert." Bati ko sa kanya at ngumiti. "Pasok ka, hija." Sabi niya at mas nilakihan ang pagbukas ng gate. "Salamat po." Sabi ko at pumasok sa loob. "Ang akala ko ay sabay kayo ni Sir Grayson na uuwi mamaya? Bakit ka nauna?" Tanong niya. "Sabi niya nga rin po. Pero nauna na akong pumunta rito dahil nakakahiya po sa kanya kapag sinundo pa niya ako sa bahay." Sagot ko. "Ganon ba? Alam ba ni Sir Grayson na nauna kang umuwi?" Tanong niya. "Hindi po." Sagot ko. "Nako, baka magalit 'yon sa 'yo. Ipaalam mo sa kanya para hindi na siya pumunta sa bahay mo." Sabi pa niya. "Sige po. Tatawagan ko na lang po siya." Sagot ko. "Sige na, pumasok ka na sa loob ng bahay. Masyado pang mainit." Sabi niya. "Sige po. Salamat po." Sabi ko at agad nang naglakad papasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa maid's quarter kung saan naroon ang kwarto ko. Umupo ako sa malambot na kama at kinuha ang selpon ko sa bulsa ng aking pantalon. Agad kong hinanap ang number ni Sir Grayson at tinawagan 'yon. Ilang ring lang ay agad niyang sinagot. "Hello, sir?" "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya. "N-nauna na po akong umuwi dito sa bahay mo po. Huwag niyo na po akong sunduin." Diretso kong sabi. "What? Why? Akala ko ba mamaya ka pang hapon uuwi?" Takang tanong niya. "E kasi po nakakahiya kapag sinundo niyo pa ako roon sa apartment--" "I told you, baby. Bakit ang tigas ng ulo mo?" Halatang pinipilit niyang ikalma ang boses niya. s**t, mukhang nagalit ko pa yata si Sir Grayson. "Sir, sorry po. Nahihiya lang talaga--" "I'm going home right now. We will talk later, baby." Sabi niya at agad na tinapos ang tawag. Mas lalo akong kinabahan. Bakit ganito? Bakit ako kinakabahan? May mali ba sa ginawa ko? Mas makakaabala pa ako kapag sinundo niya ako roon sa apartment ko. At saka gusto ko nga umiwas. Tumayo ako at agad na nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. Meron ding mga hugasin sa lababo. Naalala ko hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian. Naghanap ako ng pwedeng makain. Pwede na siguro itong cup noodles na nakita ko sa kabinet. Agad akong nag init ng tubig sa heater at hinintay na kumulo 'yon. Kaunti lang naman na tubig kaya mabilis lang kumulo. Habang hinihintay ko na maluto ang cup noodles ay naghugas muna ako ng mga plato. At nagulat pa ako nang tumunog ang pinto hudyat na may tao. "Yeah. Thanks, Manong Gilbert." Rinig kong sabi ni Sir Grayson mula sa pinto. Bakit ang bilis niyang makauwi? Ilang minuto pa lang pero narito na siya. Agad kong tinapos ang paghuhugas ng mga plato. "Damn, baby." Rinig kong sabi niya at nagulat pa ako nang yakapin niya ako mula sa likod. "S-sir..." "Sa susunod hintayin mo akong sunduin ka. Paano kung napahamak ka sa daan? Naisip mo ba 'yon?" Seryoso niyang tanong. "Sir, hindi niyo naman po responsibilidad na sunduin po ako. Kaya ko pong umuwi mag-isa. Kaya ko pong pumunta kung saan ko man gusto." Sabi ko at kumawala sa pagkakayakap niya. "Mawalang galang na po pero ipaalala ko lang na kasambahay niyo po ako rito at hanggang doon lang po 'yon." Buong lakas kong sabi. "Hindi mo ba talaga ako gusto? Ano ba ang gusto mo? Pera? Ibibigay ko 'yon sa 'yo. Bahay at lupa? Pwede ko rin 'yon ibigay sa 'yo. Sabihin mo lang." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nahihibang na ba siya? "Alam kong gusto mo rin ako, Ronalyn. Huwag na nating lokohin ang mga sarili natin." Sabi niya at hinila ako palapit sa kanya at naramdaman ko ang labi niya na lumapat sa labi ko. Kahit sino namang babae ay magugustuhan siya. Pero natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari. Wala sa isip ko na pumasok pa sa isang relasyon gayong naghihirap na kami ng mga kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD