Napapangiti si Alpheus habang inaalala ang ekspresyon ng mukha ni Isla nang sabihin niya ritong mukha itong nakipagtalik buong gabi. Hindi tuloy rumerehistro sa utak niya ang presentation sa meeting. Tikhim ang nagpabalik sa naglalayag niyang diwa. “Sir, everyone’s done with the presentation,” anang sekretarya niya. Nang tignan niya ang mga taong naroroon sa board room ay nakita niyang sa kanya nakatingin ang mga ito. Pagkamangha at pagtataka ang nakasungaw sa mukha ng mga ito. Sumeryoso siya at pilit na inalis ang ngiti sa labi. Napahugot siya ng hangin. His mind drifted away in the middle of an important meeting. Hindi pa iyon nangyari sa kanya noon. Unang beses ang ngayon. “Thank you, Isla, for showing us the current progress of—” “Sir, uhm, hindi po ako si Isla,” anang babae na pi