bc

THE CEO'S SUBSTITUTE FIANCEE (COMPLETE)

book_age18+
27.7K
FOLLOW
160.9K
READ
billionaire
revenge
possessive
sex
dominant
CEO
boss
bxg
rejected
prostitute
like
intro-logo
Blurb

"The CEO is willing to pay 5 million in cold cash... for a one-night stand with the Substitute Fiancee."

Alpheus San Madrid, CEO of Sandrid Ventures Inc., had always been brutally elusive. He wasn't the type to be easily seduced.

But it took only one kiss from a complete stranger to make him lose his cool. Inangkin niya ang babae kapalit ang limang milyon. He devoured her and took her virginity.

The cold and mysterious Alpheus San Madrid was already set to marry another woman. Kailangan ay kalimutan na niya ang babaeng nakaniig nang isang gabi.

He would not let her come near him again! Pero kakayanin ba niya, lalo na at tuwing maghuhugpong ang kanilang mga mata ay nahahatak pa rin siya palapit dito at malinaw pa rin sa utak niya ang init ng katawan nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
A/N: Book 1 of the Sinful CEO Series: THE CEO's SECRET WIFE--also available here on Dreame. You can use coins to read the full story.❤ _______________ Alpheus San Madrid. Filthy rich. His father was one of the most influential businessmen of his time. In their hometown, people respected and feared them at the same time. The old San Madrid was no saint. Ang ina niya ay nagpakasal lang sa kanyang ama dala ng labis na takot. Tahimik ang kanyang ina at hindi palakibo. Ang abuelo niya ay purong espanyol na nakapag-asawa ng Filipina na galing din sa isang buena-familia. Kaya istrikto ang pamilyang pinagmulan niya at humubog sa kanya. Their ancestral home in Silay City was the biggest Spanish-influenced mansion built during the height of the Philippine sugar industry’s success. Dahil sa malakas na impluwensya ng kaugaliang espanyol sa pamilya nila, lumaki siyang di numero ang bawat galaw. Especially that his father was never passionate or loving. His family wasn’t hostile, but cold. Kaya hindi na nakapagtatakang siya man ay hindi palasalita. Madalas ay tahimik lang siya. People didn’t know much about him. They didn’t know that he used to be part of the special forces and the best in combat operation. Napilitan siyang lumabas sa utos na rin ng kanyang ama. He suffered from PTSD after his most traumatic operation when he was still part of the force. Now, he’s the CEO of Sandrid Ventures, Inc. Founded in the 90s by his late grandfather. Sandrid Ventures has business interests in power, banking and financial services, food manufacturing, infrastructure, and real estate development. Sa kabila ng kanyang pinagmulan na maimpluwensyang angkan ay mas pinipili niyang mamuhay nang maayos at tahimik. Of course, the reporters were always running after him but his bodyguards had kept them at a safe distance away from him. He’s living in Manila now and aside from being the CEO of Sandrid Ventures, pinatayo rin nila ng kaibigan at kapwa businessman na si Nazaron Altieri ang Club Axis, one of the most exclusive and luxurious club in the world. If truth be told, he didn’t know how he became part-owner of the club. Wala kasi sa personalidad niya ang magpupupunta sa ganoong lugar. Kalaunan ay naging den na niya ang VIP room ng Club Axis kapag gusto niyang huminga. Naging unwritten order na ng Club Axis na iwasang pag-usapan ang negosyo kapag nasa loob ng club. Mga kilalang tao sa lipunan ang nagpupunta roon. Ang ibang CEOs ay kilalang-kilala niya. Anim ang permanenteng miyembro ng club: Siya, si Nazaron Altieri, Angus Brixton Jr., Zyxen Falcon III, Hendrikus Lavrenti, at Doukas Damarcus. Now that Nazaron was busy with his wife, Alpheus was forced to come by the club often than usual. Nazaron said that he used to feel so much hate for his wife. Na umabot sa puntong itinago nito ang totoong estado at hindi itinuring na asawa kailanman ang babaeng pinakasalan nito. Oh well, that’s not the case now. Lumingap sa paligid si Alpheus. Kahit anong oras ay tila hindi nababawasan ang mga tao sa loob ng club. All glam and stunning in the dim light. With his towering height at 6-feet-4-inches, with physical features that always attract the opposite s*x, it was hard for him to keep a low profile. Kaya madalas kapag nag-iisa siya sa Club Axis, ay paborito niyang puwesto ang isang madilim na sulok. Nagsusuot din siya ng hooded sweater para maitago ang kanyang mukha. That way, he can silently drink his beer, undisturbed. Napakunot noo siya nang mapansin sa katabing table ang babaeng tila ginawa nang tubig ang beer. Her hair was tied back in a high ponytail, putting her high cheekbones on display. She had the finest nose—thin and just the perfect size for her small face. Her lips looked soft and naturally red. Kahit nakaupo ito ay madaling tukuyin ang suot nitong damit. Bloody red, figure hugging tube dress. Halos sumubsob na ito sa table, dala ng kalasingan. Napailing na lang siya. Some women just don’t care getting drunk anywhere. Sayang dahil maganda pa naman ang babae ngunit tila patapon ito. He wasn’t the kind to judge but… the woman looked like a mess. May lumapit ditong lalaki at may ibinulong sa tainga nito. The woman just smiled in the most flirtatious way. Saglit na nag-usap ang dalawa bago tumalikod ang lalaki. Siguro ay nagkasundo na ang dalawa kung saan magkikita mamaya. And he was disgusted. Lalo na dahil itinanim sa utak ng kanyang pamilya na ang babaeng nararapat lang niyang pagtuunan ng pansin ay malinis at nanggaling sa respetadong pamilya. Kaya kahit na kabi-kabila ang mga babaeng nakakapit sa malalapit niyang kaibigang sina Nazaron, Cazcoe at Zeki ay madalas siya ang walang bitbit na babae. Women who offer casual s*x will never be his type. As a matter of fact, he was never into casual s*x. Nang muli niyang tignan ang direksyon ng babae ay nagulat siya nang makitang titig na titig ito sa kanya. The woman was gorgeous, no doubt, breathtaking even. Matiim ito kung tumitig. And curse all hell for he couldn’t avert his gaze no matter how hard he tried. Tumayo ang babae at tiyak ang mga hakbang palapit sa kanya. Her legs were long, goodness, and his brain was already producing images of her legs wrapped around his waist. Lihim niyang kinastigo ang sarili. “Hi, there! Kanina ka pa nakatingin sa akin. Gusto mo ba ako?” walang preno nitong tanong. Hindi siya nagsalita. He maintained that cold expression on his face. Akala niya ay aalis na ang babae pero sumapo ang kamay nito sa baba niya. She bent over the table, leaned closer, and her mouth came down to his for a carnal kiss! Ramdam niya ang mainit nitong dila sa loob ng bibig niya. Never had he kissed a stranger before. And her kind of kiss was demanding, wanting him to respond. When she finally pulled away, her gaze lingered on his face. “Are you rich? You can have s*x with me if you have 5 mil.” _____ 1 HOUR AGO. Mahapding-mahapdi na ang lalamunan ni Isla. Maraming nangyari sa loob lang ng isang buwan. Ikakasal na dapat sila ng boyfriend niyang si Marcus. Sampung taon silang magkasintahan. Now, she’s twenty-eight and just got engaged last month. Sa kanya nag-propose si Marcus pero kanina lang nalaman na lang niyang ikinasal na ito sa matalik niyang kaibigang si Frida. Frida was her best friend! Her best friend! Since grade school! Mahirap lang si Isla. Buhay pa ang nanay niya noon pero umaasa lang sila sa paglalako nito ng gulay at prutas. Minsan dyaryo rin. Madalas wala siyang baon sa eskuwelahan na pribado pa man din dahil paaral siya ni Mayor kaya wala silang babayaran sa tuition. May inaabot namang allowance si Mayor pero imbes na ipambili ng snacks sa school ay mas pipiliin pa niyang ipambili na lang ng bigas at ulam. Nakilala niya si Frida dahil transfer student ito. Maarte, mataas ang tingin sa sarili, kaya walang gustong makipagkaibigan dito. Naawa siya kay Frida kaya nagkusa talaga siyang makilaglapit dito. Nahirapan siyang pakibagayan ang ugali nito pero kalaunan ay nasanay na rin siya. Binibigyan din siya nito ng pera kapag may project at gusto nitong ipagawa iyon sa kanya. Wala siyang reklamo. May pera si Frida, siya naman ay wala pero matalino siya kaya handa siyang gawin ang projects nito kung ang kapalit niyon ay makakakain sila nang maayos ng nanay niya. Pero kahit kapos sila at hindi nabiyayaan ng maalwang buhay ay hindi siya minsan man nainggit sa kaibigan. Sapat na sa kanya ang kung ano’ng mayroon siya. Higit lalo nang siya ang ligawan ni Marcus. Pakiramdam niya ay naka-jackpot siya sa lotto. Mayaman si Marcus, guwapo, makisig, at matalino. Nang magtapos sila ng kolehiyo ay nakapasok agad sa malaki at prestihiyosong kompanya ang nobyo, sa Sandrid Ventures. Just a few years after, na-promote na itong supervisor. Marcus was so proud of his achievements and she was so proud of him. Their relationship was smooth sailing. Hanggang nga noong nakaraang buwan ay nag-propose na sa kanya si Marcus. Masayang-masaya siya hanggang sa nalaman niyang ang best friend niya ang pinakasalan nito. He said Frida was the better life partner for him. Sabi nito sa isang kagaya nitong may mataas na estado sa sociedad ay kailangang ganoon din ang magiging maybahay nito. P*tang-ina namang dahilan iyan! Kasalanan ba niya kung ipinanganak siyang mahirap at ni hindi niya nakilala ang ama niya? Ang nagpapasakit pa sa loob niya ay dahil wala pang anim na buwang namamatay ang nanay niya. Sobrang lungkot niya at ang tanging nagpasaya lang sa kanyang muli ay ang proposal ni Marcus. Pero malupit ito. She was alone now. P*tang-inang pera na iyan! Kung walang pera hindi na ba puwedeng maging masaya? Hindi na ba puwedeng piliin? So, she decided to wear her most provocative dress and went to the famous Club Axis. Gusto niyang makita kung paano ba magliwaliw ang mayayaman. Lalo lang sumakit ang dibdib niya hanggang sa naparami na ang kanyang nainom na alak. Matagal-tagal na siyang nakaupo at umiinom mag-isa nang may lumapit sa kanyang lalaki. Inside, she was frowning. Pero imbes na simangutan ang lalaki ay matamis niya itong nginitian. “You’re really hot and exactly my type. You want to have s*x with me?” bulong nito sa tainga niya. G*go, gusto niya itong murahin. “Only if you have 5 mil,” sambit niya, ang plano ay inisin ito. Who would spend 5 mil for a woman you just met in a club? G*go kasi, eh. “B*tch,” sabi ng lalaki. “F*ck you,” she said, her voice was sexy. A little bit hoarse from all the drinking. And then she flashed him her most seductive smile. Mabuti naman at tumalikod agad ang lalaki dahil nangangati na siyang tuhurin talaga ito. Inubos niya ang natitirang laman sa hawak na bote ng alak. Nang mag-angat siya ng mukha ay napansin niya ang lalaki sa katabing table. Kanina pa niya napapansing patingin-tingin ito sa kanya. Now, he wasn’t looking. Pero hindi naglipat segundo ay tumingin uli ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila na bahagya niya lang nakikita dahil sa suot nitong hoodie. Isa pang g*go, anang isipan niya. Sample-an ko nga. Tumayo siya at lumapit sa lalaki. “Hi, there! Kanina ka pa nakatingin sa akin. Gusto mo ba ako?” walang preno niyang tanong. Hindi nagsalita ang lalaki kaya sinapo niya ang baba nito. Dahil sa ginawa niya ay namasdan niyang maigi ang mukha ng lalaki. She was mesmerized. No words can describe the face of this man. He was more than handsome. More than arresting. Di hamak na mas guwapo ito kaysa sa ex-boyfriend niya. Natagpuan na lang niya ang sariling mainit itong hinahalikan. When she pulled away, she saw the look of disgust in his eyes. Na-offend siya. Akala siguro nito ay cheap siya dahil sa ginawa niyang paghalik dito. Pahiyang-pahiya siya. “Are you rich? You can have s*x with me if you have 5 mil,” she said mockingly. Sinabi niya iyon para pagtakpan ang pagkapahiya. Iyon na dapat ang closing script niya. Papatalikod na siya nang agapan siya nito sa kamay. His grip on her wrist was too tight. Nag-iigtingan din ang panga nito. At may kakaibang talim sa mga mata ng lalaki. “B-bitiwan mo ako…” aniya. His eyes glittered dangerously. “I have 5 mil.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook