“Sir, baka kung ano na ang isipin ng mga tao tungkol sa atin kapag hindi mo pa ako pinalabas dito. Palabasin mo na po ako,” apila ni Isla. Alpheus only glared at her. Ano ba ang meron ang babaeng ito at nauubusan siya ng kontrol sa kanyang sarili? He was always calm and composed… cold even. Hinawi ni Isla ang kamay niyang nakahawak pa rin sa baba nito at mabilis na tumalilis palayo. Hindi na niya ito hinabol at tinanaw na lang ang papalayong pigura ng babae. Napaungol siya at sinapo ang ulo. Isla was driving him nuts. Makaraan lang ang ilang saglit ay tumunog ang phone niya. Mom calling… “Yes, Ma?” “Umuwi na si Kinsley. We can finally start preparing for the engagement party.” Tumango siya. Good to know that his wife-to-be was finally home. Ang totoo ay alam na niyang uuwi ang bab