Chapter 10

3150 Words
MASAKIT din pala. Hindi inasahan ni Cierra na tila hiniwa ang puso niya sa sandaling lumabas si Loged sa cubicle at harapin ang babaeng para rito. Umasa rin naman kasi siguro siya sa pinakasulok na bahagi ng kaniyang dibdib na sana hindi matatagpuan ng prinsipe ang mate sa gabing ito.   Kasi gusto pa niyang masolo ang lalaki sa ilang buwan o kaya ilang taon pa. Pero mapagkait ang tadhana.   Napakagat-labi si Cierra nang masaksihan ang paglapat ng mga kamay nito. Pinilit niyang kurutin ang sarili para magising sa reyalidad nang makitang inakay ng prinsipe ang babae palabas ng stadium.   Inalo niya ang sarili na lilipas din ang kaniyang nararamdaman. Ano pa bang sakit ang hindi niya naranasan? Ano pa bang mga bagay na tila ipinagkait sa kaniya ng kalangitan? She was used to painful experiences naman at hindi naman ‘to iba, ‘diba?   Wala siyang ibang masasandalan kundi ang sarili kaya doble ang ginawang niyang pagtulak sa sarili upang hindi matumba sa harapan ng marami. Ngumiti, pumalakpak at pagiging masaya ang kaniyang ipinakita sa buong proseso ng mating ritual hanggang sa matapos ang programa.   “Darling Cierra, sasama ako sa Beloved King ngayon,” mahinang sabi ng reyna. “Kung gusto mong sumali sa selebrasyon, magbibigay ako ng dalawang guards para samahan ka. Pero kung ayaw mo, dumiretso ka sa quarters ko at don ka na magpahinga.”   She stared at the queen with glassy eyes, trying to penetrate what the other woman was telling her.   The Beloved Queen touched Cierra’s face with her golden fingernails. “You can go back to my son’s quarters tomorrow morning to get your things.”   Tumango siya at pinilit ang sarili na ngumiti. “Salamat, Beloved Queen.”   “We’ll think of what to do with your status tomorrow.” The queen clucked her tongue. “Festive mood pa ang lahat kaya huwag muna ngayon.”   Sumama siya kay Evox papauwi ng palasyo at tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan habang tinitingnan ang mga ilaw sa labas.   “Ganito ba ang feeling ng rejection, Cierra?” biglang nagtanong si Evox. “Akala kong makikita ko ang mate ko ngayong gabi.”   Lumingon siya sa kausap. “Ano bang nararamdaman mo ngayon?”   Tiempong natapat sila sa maailaw na lugar at naaninagan si Evox. Biglang naging pilak ang buong mga mata nito na sing kinang ng mga hikaw ng lalaki. May usok na tila lumalabas sa ilong at halatang nanginginig ang katawan nito.   “Are you alright?” nababahalang tanong niya. Nakita na niya ang reynang umiyak pero hindi pa rin niya alam kung paano amuin ang mga Fidrag sa ganitong sitwasyon.   “This is how we do it when we feel sad,” sagot ng lalaki. “I heard you humans have water in your eyes, right?”   “Yes.” Tumango siya.   “It’s been a while since I’ve done this,” hinihingal na pahayag ni Evox. “Pasensya na kung nakakatakot ang hitsura ko.”   She just smiled.   “Pero masakit din pa ang naramdaman mo noong na reject ka?” garalgal na tanong ng lalaki.   Cierra’s heart was clenched as she watched him. Kinikilala niyang kaibigan si Evox kaya naaawa rin siya sa lalaki. Ilang libong taon din ‘tong naghintay na makita ang kapareha nito at masyadong excited ito ngayong gabi na pumasa sa mating ritual. At ito rin ang unang rejection na natanggap ng kaibigan.   “You’ll get used to it somehow,” mahinang sabi niya.   She wanted to comfort him but she did not know how. Kaya pinanood niyang yumuko ang lalaki at humagulgol ng iyak. Sumasayaw ang mga hikaw sa sungay nito habang yumugyog ang balikat ng lalaki.   Nakarating na sila sa palasyo at pinilit muna ni Evox na ikalma ang sarili bago silang dalawa lumabas ng sasakyan. Masaya ang buong palasyo sa balitang nakapasa ang dalawang Kr’Fura princes sa mating ritual.   Sa tuwa ng hari, inanunsyo niya ang dalawang araw na holidays simula ngayon upang ipagbunyi ang matagumpay na mating ritual. Fireworks were lit in the skies, boozes were freely flowing and foods were given to everyone.   Hindi na siya sumama sa selebrasyon ng mga ito at dumiretso siya sa quarters ng reyna. Nahagip niya ang hitsura sa salamin at napabuntong-hininga. Hindi man lang siya nakita ng prinsipe ngayong gabi.   “Where do I go from here?”   “Mistress, Leki is trying to contact you,” Miel’s voice echoed in the room.   Napatingala siya. “Okay lang bang tanggapin ko ang tawag dito sa loob ng quarters ng Beloved Queen?”   The moment she said the words, the room changed into a garden. Miel’s melodic voice boomed across the room, “Don’t worry, secured ang kwarto ng Beloved Queen. Please be informed that the calls will be recorded.”   “Thank you.”   Lumabas bigla si Leki sa hologram. “Cierra, akala ko bonding moments natin ngayon.”   Umiling siya. “Nakaka-suffocate pala ang selebrasyon. I needed to rest for a while. Ilang araw ba kayo rito?”   “Hanggang bukas lang,” sagot ng kausap. Tiningnan siya nito ng maigi. “So, may mate na pala ang crown prince. Anong plano mo ngayon?”   Umiling si Cierra. “Hindi ko rin alam eh.”   “To be honest, I never expected that he’d have a mate tonight.” The Scragulea specie snorted. “The crews really wished that he would make you his wife if not his mate.”   Parang piniga ang puso ni Cierra sa narinig. “Leki, hindi pa ba ako pwedeng sumama sa inyo? Baka may bakante kayong posisyon sa ship.”   He sighed. “We really like you to be with us, Cierra. Pero as of the moment, bawal kaming kumupkop ng human females for at least one hundred years.”   Namilog ang kaniyang mga mata. “One hundered years! Hindi na ako buhay sa mga panahong ‘yan.”   Napa-‘ow’ ang hitsura ng lalaki. “I forgot that you humans have limited life span.”   “Baka pwede pang magbago ang isip ng kumpanya,” bulong niya.   “Ah, sorry pero banned ka talaga sa ship.” Gumalaw ang mga tentacles nito sa ulo. “At pag-aari ka pa rin ng crown prince. Baka pwede pa ‘yang magbago at makahanap ka ng mate sa planetang ‘to pero sa ibang species.”   Naisip ni Cierra ang mga Cxuvhags at ang proposal ni Travek sa kaniya noong mga nakalipas na buwan. Pwede pa bang tanggapin ang alok niya? Pero naalala niyang may ginawa si Loged para mapagtibay ang bond nilang dalawa at ang lalaki lang ang makakaputol nito.   “Bibisitahin ka pa rin namin dito, Cierra.” Lumiwanag na naman ang kulay asul na balat nito. “Baka may mate ka na sa susunod naming pagbalik sa Terra Du.”   Cierra just smiled as both of them bid their farewells. The room turned into the queen’s quarters and she plopped on one of the golden sofas. She made herself comfortable as she stared at the golden ceiling, thinking how to break the contract that she had with the prince.   Kinaumagahan, nagising si Cierra nang pumasok ang reyna. Maaliwalas ang mukha nito at halatang masaya sa kaganapan sa nakaraang gabi.   “Darling Cierra, good morning!” Umupo ito sa tabi niya at sumandal sa sofa. “Why did you sleep here? Don ka sana sa kama.”   “Nakatulog po ako, Beloved Queen,” bulong niya. Nahihiya rin naman siyang humiga sa kama nito at ayaw din naman niyang abusuhin ang pagiging mabuti nito sa kaniya.   May kinuha ito sa bulsa ng roba nito at ibinigay sa kaniya. “Here’s my gift to you. Pasasalamat sa pag-alalay mo kay Loged.”   Binuksan niya ang munting kahon at napasinghap nang makita ang isang maliit na relo.   “You like it?” Nakangiti ang reyna. “Of course it’s made of gold.”   “Sa-salamat po, Beloved Queen.” Isinuot niya ang relo.   “You can call me with that anytime,” pahayag nito.   Napatingin siya sa reyna at napalingon ulit sa relong suot.   Tumawa ang babae. “You press the button on the side and you can call me if you need me.”   May konting ligaya ang humaplos sa puso ni Cierra. Hindi nga siya sinuwerte sa larangan ng pag-ibig ngunit marami naman siyang naging mabuting kaibigan.   She spent her breakfast with the queen before she slowly went to her master’s quarters. Ibinalita ng reyna na nasa ‘love nest’ ang mga bagong couples at babalik ito sa ‘society’ matapos ang isang linggo.   Cierra thought of the thirty days she had with Loged. One week lang pala ang honeymoon stage ng Fidrag couples at hindi sinasadyang mapangiti siya nang malamang hinila ni Loged ang mga araw para maglaro silang dalawa ng bahay-bahayan.   Pumasok siya sa quarters ng amo at napaupo sa kama. Hinaplos niya ang unan at kumot, iniisip na simula sa gabing ‘to, iba na ang makakaniig ni Loged. Ang tunay nitong asawa.   Ganito pala ang pakiramdam ng mga side characters sa mga romance novels na nababasa niya noong nasa Earth pa siya. Minsan naka-sentro ang plot sa pag-iibigan ng main characters at ‘di na i-expand ang totoong damdamin ng mga ex o mga taong umibig at inibig minsan ng mga heroes at heroines.   “Pero ako ang heroine sa kwento ko,” bulong niya sa unan ni Loged.   Biglang bumukas ang pinto at napatalon si Cierra sa kama nang tingnan ang hindi niya inaasahang makita sa mga sandaling ‘yon.   Crown prince Loged Kr’Fura.   Natigilan sila sa isa’t-isa at parang tuod si Cierrang nakaupo pa rin sa kama habang yakap-yakap ang unan ng prinsipe. Pakiramdam niyang biglang uminit ang temperatura ng kwarto.   Nahimasmasan si Cierra at naalala ang estado niyang alipin kaya dali-dali siyang tumayo at nagbigay galang sa lalaki. Pero walang tinig na lumabas sa bibig nito habang nakatingin sa kaniya.   Tumikhim siya. “Master...congratulations po sa kasal niyo.” s**t! Ba’t parang garalgal ang boses niya? Ba’t parang nakita niya ang bubog ng wasak niyang puso sa mga mata ng lalaking kaharap?   Tumuwid siya ng tayo at napakamot ng konti sa kaniyang leeg. “Ahm, ano po...may plano po ba kayong ipagpatuloy na gawin akong alipin? Baka pwede pong mawalang bisa ang bond natin? Baka kasi maging iba ang interpretasyon ng mate niyo ang samahan nating dalawa...”   He seemed to perk up when he heard the word. “Mate...” His voice was so hoarse that it did not sound like he was in his normal state.   Umatras si Cierra nang makita ang mas umaapoy na reddish eyes nito. Parang sinusunog siya ng apoy sa mga titig ng prinsipe at ‘di niya mapigilang mapaluhod sa harapan nito.   Fire!   Naalala niya ang apoy na kumitil sa buhay ng kaniyang mga magulang. Naalala niya ang init at hapding dulot nito sa kaniya noon.   “Protect...” His features changed. “...mate”   Namilog ang mga mata ni Cierra nang umiba ang anyo ni Loged. Hindi nag-shift si Loged sa thirty days na kapiling niya ang lalaki kaya nagugulat pa rin siya nang makita ang ibang anyo nito.   “Master.” Nanginginig na siya sa takot. “I’m not a threat. Please, you’re scaring me.”   “Protect mate.” Nanlilisik na talaga ang mga mata nito at may usok na lumabas sa ilong nito. Tumayo ito sa full height at halos umabot ang mga sungay nito sa chandelier ng kuwarto.   Parang napako ang mga tuhod ni Cierra sa sahig sa takot. Akala niya ito na ang full shift ng prinsipe pero nagtataka siya kasi lalo itong umiiba ng anyo.   “Master!” sumigaw siya nang patuloy pa ring lumalaki si Loged sa kaniyang harapan. “Ako si Cierra, ang human slave mo. If you love your mate then set me free!”   “Protect mate,” Loged ferociously roared before he shifted into his full form.   He was not a humanoid anymore but Cierra was still torn because the crown prince looked like a cross breed of dragon and a bird. His body was plated metal like what she saw in the books and movies back on earth. He had large silver claws and the tip of his tail had claws too. He had two large horns and ten small ones around his head. His wings were so massive that it seemed to envelope the entire room. His eyes were blazing red and his beak was so large that it scared the hell out of her.   “Miel, tulong!” Pinindot niya rin ang kaniyang relo at sumigaw, “Beloved Queen si Loged!”   In an instant, nabasag ang mga bintanang gawa sa salamin sa kwarto ng prinsipe at may mga bakal na lumabas sa iba’t-ibang bahagi ng kwarto upang maging kulungan ng prinsipe. Pero tila hindi ito epektibo lalo na’t tila isang mabangis na hayop ang lalaki at pilit nitong sirain ang kulungan. Nayuyupi na ang cage sa bawat galaw nito kaya nakaluhod pa ring umatras si Cierra hanggang sa maramdaman ng kaniyang likod ang paa ng kama.   Loged then let out a terrifying roar that shook the whole room. Then he breathed out a huge flame that almost hit her.   Fire!   Cierra’s body froze as she saw the flames landed on the floor, a few feet away from her. Her life seemed to flash before her very eyes and her spirit seemed to soar unto the skies above.   Then she passed out.   “Human Cierra, how are you feeling?” A gentle voice came out from nowhere.   Napadilat siya at nakita ang sarili sa loob ng med bay habang nakatingin ang doktor sa kaniya.   “Fire! He breathed fire!” Cierra gasped as she sat.   Oron looked at her with kindness. “Sorry if you were surprised about that.”   “Is he normal?” She choked back her tears.   Kitang-kita sa mga mata ng doktor ang halong pagkahabag at aliw sa sinabi niya. Tumuwid ito ng upo at marahang sinabing, “That’s actually our basal form.”   “What?” Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Akala ko...” Umiling si Cierra. “Parang ‘di niya ako kilala.”   He sighed. “May batas ang Northern Lands na once a year lang kaming mag-transform sa ganoong anyo to be in touched with our innermost beings. We call it ‘The Sporting’ kasi we are able to legally chase our preys all around the planet for two days.”   “What do you mean? Ba’t ‘di ‘to kasama sa mga information na nakalap namin sa Lady’s Bride Ship?” Nalilitong tanong niya.   “Secretive ang Terra Du,” he chuckled. “Nasa amin na ‘yon kung ano ang impormasyong dapat naming i-release sa ibang planeta. Kaya ‘di kami pinag-iinteresan ng ibang uri dahil akala nila masyado kaming backwards. The more they think we are primitive, the better.”   “What the f**k is your breed?” Hindi niya mapigilang mapamura sa nakita kanina.   Kumuha ng datapad ang doktor at may ipinakita sa kaniya. “Ang haka-haka ng mga historians namin ay galing kami sa offsprings ng phoenix at dragon breeds.”   Napanganga siya kasi nakikita niya lang ang dalawang breeds na ‘to sa mga mythologies at iba pang fantasy genre na pinapanood at binabasa niya noon. How could she deny their claim when in fact alien nga ‘tong kaharap niya ngayon.   Napailing siya ng konti. “You said once a year lang ang ‘The Sporting’ so basically illegal ang ginawa ng crown prince kanina?”   “Exactly.”   Bumukas ang pinto at pumasok ang reyna. “Darling Cierra, how are you feeling? I badly need to talk to you right now.” Lumingon siya sa doktor. “Is she okay to get out from med bay, Oron?”   Nakayuko pa rin ang doktor. “Opo, Beloved Queen.”   Inakay siya ng reyna palabas ng silid. “I’m sorry you have to witness that. I did not expect that Loged would come home. If I had known, hindi na sana kita pinayagang bumalik sa quarters niyo.”   Pumasok sila sa elevator at susunod sana ang mga alalay nito pero pinigilan ng reyna. “I need to have a privacy with Cierra.” May pinindot itong buttons sa dingding bago nagsira ang pinto.   Lumingon ang reyna sa kaniya. “We are going to a secret place in the palace, Cierra.”   Tahimik lang siyang tumango.   Lumabas sila at nahahalata ni Cierra na bato ang ceiling at dingding at medyo may kadiliman ang paligid. “Nasa kweba po ba tayo?”   Hindi sumagot ang reyna at dumiretso itong lumakad. Hindi na rin siya umimik habang nakasunod sa mabilis na paglalakad nito. Nakarating sila sa isang malaking area. Doon niya napansing nasa itaas silang bahagi at nakikita ang aktibidades sa ibaba.   Napakapit siya sa railings nang makita ang basal form ni Loged na tila nanghihinang gumagalaw. Walang cage sa area pero nakagapos ang mga paa at buntot nito ng naglalakihang kadena. Sa tuwing gagalaw ito, may spark na lumalabas mula sa mga kadena at tila nakukuryente ito.   “That’s my beloved son,” the queen breathed achingly. She looked at Cierra with concerning eyes. “Ito ang pinakakatakutan kong mangyari kaya ayokong ipagpatuloy ang intimate relationship ninyong dalawa. He would be ultimately loyal to his mate, Cierra.”   Napakagat-labi si Cierra sa mga sinabi ng reyna. “Kasalanan ko po ba?”   Umiling ang babae. “Kung nakinig lang siya sa’min ng ama niya. Sometimes his stubbornness really brought him troubles.”   Nakatingin ako kay Loged at tila ako ang kinukuryente sa sinapit niya. “Babalik po ba siya sa tunay niyang anyo, Beloved Queen?”   “The Beloved King notified Loged’s mate.” Her voice was so soft that made Cierra shiver. “Wala sa tamang huwisyo si Loged ngayon. He saw you as a threat to his mate and seeing his wife safely would calm him.”   “A-ano p-po ba ang ga-gawin ko p–po?” Nauutal na tanong niya.   The queen held her hands. “I give you your freedom, Cierra.”   Nanlaki ang mga mata niya. “Akala ko ang crown prince lang ang makakaputol sa bond namin.”   Napahigpit ng hawak ang reyna sa kaniya. “He did something to you?”   Nagkibit-balikat siya. “Sabi niya nagawa niyang iselyo ang bond namin at siya lang ang makakatanggal nito.”   The queen groaned. “Siya lang talaga ang makakatanggal niyan. Pero hindi muna sa ngayon lalo na’t over protective pa siya masyado sa kaniyang mate. Threat ka pa sa paningin niya.”   Cierra sighed.   “I don’t want to lose another child...” Queen Shata’s voice shook a little as her eyes settled on her son.   Napatingin si Cierra sa reyna.   The other woman answered her voiceless questions, “He’ll be a threat to everyone if he sees you as a threat. The Beloved King would give orders to sacrifice his own son for the benefit of many.”   Napaluhod si Cierra nang marinig ang sagot ng Fidrag queen. Hindi niya inakalang luluhod ang reyna sa kaniyang harapan.   “I know this is going to be unfair to you, Cierra, but I really love my son.” Nagsimulang manginig ang katawan nito. “We will look for ways to break the bond between you and Loged. You cannot even go out from Terra Du because of it. Pero in the meantime, ilalagay muna kita sa isang safe na lugar.”   “Po?”   “May kaibigan ako sa boundary ng Southern Lands,” sabi nito. “Doon ka muna mientras hahanapan natin ng paraan kung paano ka maging malaya sa koneksyon niyong dalawa. Ayokong manatili ka sa capital o sa Northern Lands kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Loged kapag nalaman niyang nasa malapitan ka.”   Hindi alam ni Cierra kung ba’t biglang tumulo ang mga luha niya. Nung hapong nag-iyakan silang dalawa ni Queen Shata, ipinaliwanag niya rito kung para saan ang tubig na dumaloy sa kaniyang mga mata. Kaya malungkot na hinaplos ng reyna ang kaniyang mga pisngi. “You’re showing tears, darling Cierra. Your feelings are that deep towards my son?”   Napakagat-labi lang si Cierra at hindi umimik.   Tinapik ng reyna ang kaniyang mga pisngi. “This will be settled soon.”   Tumango lang siya at hinayaang humupa ang bagyo sa kaniyang dibdib.   Narinig nilang may dumating sa ibaba kaya tumayo silang dalawa at tiningnan kung anong meron. Dumating pala ang asawa ni Loged na graceful na lumapit sa lalaki.   Kitang-kita ni Cierra ang transformation mula sa basal form nito hanggang sa maging humanoid ulit ito. Niyakap ng lalaki ang bago nitong mate, tila takot na mawala sa piling ng babae.   Cierra tearfully smiled as she whispered, “At least he found his true mate.” Then she looked at the queen. “I will go.”   At sa desisyong ‘yon nagsimula ang paglalakbay ng human female na si Cierra sa Southern Lands ng Terra Du.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD