CIERRA knew she f****d up big time after the thirty days of pretending to be a wife of the crown prince. Why? There was already a thin line before she was fully in love with Loged Kr’Fura and it was making everything difficult. At least for her. She wanted to stretch the time to be with him and she sensed that he felt the same. Pero tatlumpong araw lang ang ibinigay ni Loged sa mga magulang na masolo siya. At wala siyang karapatang tumutol dahil unang-una, isa lamang siyang hamak na alipin.
Hindi napigilan ni Cierra ang sarili na kumirot ang puso. Simula nung mamatay si Tom, alam niyang walang makakahigit pa sa naramdaman niyang pagmamahal na naibigay at natanggap mula sa asawa. Alam rin niya ang mangyayari kapag nagpakasal siya sa mga aliens. Loveless unions. How could she know that the ‘honeymoon’ days would change her entirely. She felt some stirrings and tried to curb her emotions towards Loged before but the crown prince was really lovable.
“And the s*x was superb,” she whispered to herself as she sat at the corner in their room. Nakabalik na sila sa bahay ng prinsipe kaninang umaga at dumiretso ang lalaki sa office nito at buong araw na nakakulong habang naririnig niya ang boses nito at ni Evox na tila mainit ang pag-uusap.
“Huwag kang gumawa ng komosyon, Cierra,” mahinang bigkas niya habang kinuha ang datapad sa mesa at tiningnan ang mga pictures nilang dalawa. She zoomed his features and her heart spasmed as her fingertips traced the outline of his face. “I love my husband so much but I never thought you crept into the cracks of my broken heart.”
Napatili siya at muntikang mabitawan ang datapad ng biglang lumabas si Leki sa hologram at nakangiting bumati, “Kamusta, Cierra?”
“Pano ka nakalusot sa security?” Nakangiting tanong niya.
Tumawa ang Scragulea specie at tila glow in the dark ang asul na balat nito. “Hindi naman ako banned sa Terra Du, ano ka ba. But hey, you’re looking good. Sinubukan kong kontakin ka last month pero unavailable ka kaya swerte lang talagang nakita kong online ka.”
She snorted. “Kamusta ang ship? Saang planeta kayo ngayon?”
Gumalaw at nag-iba ang kulay ng tentacles ni Leki. “Nasa Terra Du kami ngayon. We’ve been here since yesterday preparing for the mating ritual.”
Napaatras si Cierra sa narinig. “Akala ko in two months’ time pa kayo babalik. How come ang bilis niyo?”
“May bagong ship ang kumpanya na pumupunta ng Earth para kunin ang mga babaeng tao. We just meet at the Thick-leg Station. May ibang kumpanya na rin kasing nagsisimulang mag-harvest sa Earth kaya inunahan na ng top management ang fast deliveries ng cargo.”
She snorted. “Harvest talaga ha?”
Tumawa ang lalaki. “Earth government ang nagbigay ng term niyan. Narinig kong may secret laboratory na ipinagawa ang government para sa planting of females. Such a pity for people like you pero kailangan kayo ng ibang lahi.”
Inihalahad niya ang kaniyang kamay sa ere. “Hold on. Hindi ko maintindihan.”
“Maraming galaxies na nangangailangan ng tao, Cierra. At sa lahat ng mga planeta o stations kung saan may nabubuhay, ang Earth lang ang hindi naapektuhan sa virus na pumatay sa mga babaeng bata at sa childbearing age women.” He sighed. “In demand kayo sa market at halos na harvest na ang mga nasa government list para ibenta sa ibang uri ng species sa kalawakan.”
“So they’re making babies in a laboratory?” Namilog ang kaniyang mga mata.
“Sa ibinalita ni Dalo, may mga babaeng ginagawang breeding cows. In that lab, bubuhayin ang babaeng bata at papatayin naman kung lalaki.”
“Earth government is getting f****d up by the day,” hindi niya mapigilang sabihin. “Pero eighteen ang legal age ng babaeng tao para makapag-asawa. How could they – f*****g s**t – don’t tell me they’re shipping babies too?”
“Kaya may bagong department na namamahala sa female babies. They’re being shipped to a station or planet owned by the company until they hit the marrying age. Top secret din kung saan sila ngayon lalo na’t napupukaw na ang interes ng mga pirata sa Earth women.”
Umiling si Cierra dahil hindi niya akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Kung tutuusin, maswerte na rin siya dahil lumaki siyang may sariling pamilya at naging masaya rin naman sa Earth bago siya ibinenta ng gobyerno sa mga aliens. Pero anong mangyayari sa mga babaeng magkakamuwang sa mga planeta o stations? They were groomed from conception to become alien brides.
Ang masakit nito, luha lang ang maiaalay niya dahil hindi nga niya alam kung paano makakawala sa pagiging alipin ng mga Fidrag. This was the Earth women’s reality right now.
“Let’s meet up tomorrow after the mating ritual.” Nakangiti si Leki. “Namiss ka na rin ni Tink at ng iba.”
Her heart warmed up thinking about the employees of the Lady’s Bride Ship. They really treated her like a family. Sayang at hindi siya puwedeng maging empleyado.
Tumango siya. “Sure and bring Tink with you.”
Nagsalute si Leki sa kaniya bago nawala.
Sumandal si Cierra sa sofa at napayuko. Her heart broke for the female babies and at the same time ached in apprehension for tomorrow night’s events.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Loged kasunod ni Evox. “Cierra, aalis tayo papuntang capital ngayon.”
Tumayo siya at inayos ang kaniyang saya. “Okay.”
He looked at her. “You’re not going to ask why?”
Pinilit niyang ngumiti. “I know.”
“Evox, ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa mga gamit ni Cierra.” Kinuha nito ang kaniyang kamay at lumabas sila sa kwarto. Dumiretso sila sa sasakyang naka-park sa labas.
“Master…”
He looked at her sideways.
Tumikhim siya. “Loged…kailangan ba nating magmadali?”
Hinila siya nito sa kandungan nang makaupo ito sa loob ng sasakyan. Bumuntong hininga ang lalaki. “To the capital. Please tell the guards to conceal themselves.”
“Affirmative,” sagot ng robot na boses.
Inilapat niya ang kaniyang pisngi sa dibdib at pinakinggan ang malakas na tambol nito. Hinimas ng kaniyang palad ang bandang puso ng prinsipe. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala ang mga masasayang sandali sa secret haven nitong mga nagdaang araw.
“Cierra…” his voice was so low that she almost did not hear him.
Tumingala siya ng konti.
“I’m so damn sorry.”
Her nose flared and her lips pursed. She ran her fingers through his horns, hair and placed it on his shoulder. “It’s fate.”
Nagtagis ang bagang ni Loged at tila napapaso siya sa kulay apoy na mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “If I could do anything…”
Cierra smiled. “You did and thank you.”
They sat there in the next couple of hours. The air was heavy and filled with a distinct type of silence – that kind that pierced through one’s soul. Cierra’s heart was so full with emotions that she almost told him about her apprehensions and her feelings for him. But she remembered the Beloved Queen’s advice and decided to curb her tongue.
The prince held her firmly as if he did not want to let her slip from his fingers. He caressed her head, hair and back as if trying to memorize her through touch. It was really a pity that they were in this situation.
Nakarating sila sa capital at laking gulat ni Cierra nang makita ang Beloved Queen sa entrance ng palasyo. Napakislot siya ng konti nang makita ang gintong damit at mga alahas mula sa ulo hanggang paa nito.
Sumunod siya kay Loged at nagbigay-galang silang dalawa sa reyna.
“Loged, you know where to go from here,” seryosong sabi ng Beloved Queen sa anak. Lumingon ito sa kaniya at nagpamalas ang babae ng isang napakagandang ngiti habang hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. “Darling Cierra, how are you? You look really pretty today.”
“Salamat po, Beloved Queen.”
Inangkla nito ang kamay sa kaniyang braso at pumasok sila sa loob ng palasyo. Tiningnan nito ang prinsipe at malamig na sinabing, “Sa’kin muna mananatili si Cierra ng ilang araw, Loged. No buts! This is final.”
Ramdam ni Cierra na nanigas ang mga kalamnan ni Loged kung titingnan ang hilatsa ng pagmumukha nito. Gusto man niyang amuin ang lalaki pero wala siyang magagawa at ayaw niyang kontrahin ang pinakamapangyarihang babae sa Northern Lands. Tahimik na nagtitigan lang sila ni Loged bago tumalikod ang lalaki at umalis.
“He’s going to prepare for the mating ritual,” the queen softly said.
Tumango lang si Cierra habang sumunod sa babae at pumasok sila sa Queen’s chambers. Sa totoo lang, nagdasal siya sa kaibuturan ng kaniyang puso na sana may magbago pero umiling na lang siya habang nakaupo sa gintong sofa.
“Darling Cierra, magpapaganda tayo ngayong buong araw in preparation sa mating ritual mamaya,” excited na balita ng reyna.
Namilog ang mga mata niya. “Pwede po akong manood?”
“Why not?”
“Akala ko po kasi…”
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kausap. “Cierra, I like you very much at ayokong nasa dilim ka habang naghihintay ng resulta ng mating ritual. Mas mainam na makita ng sarili mong mga mata kung ano ang mangyayari kay Loged mamaya.”
Napakagat-labi siya sa sinabi ng reyna.
Tumawag ito ng ibang mga katiwala upang ihanda ang kanilang beautification process. Namangha si Cierra habang pinanood ang mga katiwalang ibuhos sa isang napakalaking indoor swimming pool ang kulay gintong likido.
“I like to call it pool of gold,” excited na pahayag ng reyna. The queen really had such obsession with gold that she ordered the Fidrag experts to create a milk of gold which she used as her beauty secret.
“Ah…this really feels wonderful kung ikukumpara sa beautification units na ibinigay sa’kin. Minsan sa sobrang instant, wala ng sense of thrill.” The queen closed her eyes as she leaned on the edge of the pool. “Aside sa aking asawa, ikaw lang ang nakakasalamuha ko sa aking pool.”
“I am honored, Beloved Queen,” buong pagkumbabang pahayag ni Cierra. Hindi siya mayaman sa Earth at minimalist lang talaga ang kaniyang skin care routine kaya excited din siya kahit nahihiyang ilublob niya ang kaniyang katawan sa pool.
The queen’s one eye opened and looked at her. “We are friends, Darling Cierra. I would have wanted you to be my daughter dahil alam kong hindi kayo magkakatuluyan ni Loged pero wala kaming laws na pwedeng ampunin ang hindi namin kauri. Siguro sa future pero malaking deliberation pa ang mangyayari bago maipasa ‘yan. Knowing my husband…” Tahimik ang reyna habang nilalaro ng makinis na kamay nito ang gintong tubig.
Napa-isip si Cierra nang maalala ang pinakamakapangyarihang lalaki sa Nothern Lands. Malaking tao ang ama ni Loged at tila walang ekspresyong makikita sa pagmumukha nito. Mahirap talaga siguro ang maging hari lalo na’t nasa survival mode ang mga Fidrags ngayon. Pero sa nakikita niya sa reyna…
“Damn that man,” the queen muttered before she closed her eyes again and breathed slowly. “Have you ever felt frustrated with the person that you love the most?”
Ah, so may problema ba ang mag-asawa ngayon? Come to think of it, sa paulit-ulit na pagbisita ni Cierra sa quarters ng reyna, ito ang unang pagkakataong nabanggit nito ang asawa in a very personal tone. Hindi niya alam kung tama bang maki-usyoso siya pero sa tingin niya, bilang isang babae ang dahilan at hindi ang estado nito ang pagsiwalat ng reyna. Kaya tumango lang si Cierra at sumagot ng, “Yes. Ilang beses din akong frustrated kay Tom lao na nung bagong kasal kami.”
Halos tumalon ang reynang lumapit sa kaniya. “You’re mated?”
Inayos ni Cierra ang lumuluwag na tali sa kaniyang buhok. “He died ten years ago.”
Tila kuminang ang sungay na nasa gitna ng noo nito habang nakatingin sa kaniya. “Does Loged know?”
Tumango siya.
“He does?” Nasorpresa ang Beloved Queen pero naging somber ang facial expression nito. “So hindi nawawala ang isa sa human couples kung mamamatay ang isa?”
Naalala niya ang pagkamangha sa hitsura ni Travek noong malaman ng bata na biyuda siya. “Hindi po. Pero hindi ko alam kung ano ang resulta ng mating ng human beings at ibang species.”
“Did you love him?”
Tumango si Cierra. “I did, I do and I always will…” Hindi nga lang niya masabi rito na konti na rin at mahuhulog na talaga siya ng lubusan sa anak nito – kagaya ng pagmamahal na nadama niya kay Tom.
Napanganga ang reyna at kitang-kita ang matulis na ngipin nitong may palamuting gawa sa ginto. “Oh you poor thing. It must have been hard for you.”
Napasandal si Cierra sa gilid ng pool at napatingala sa ceiling na gawa rin sa ginto at diyamante. “It was as if my heart was ripped from my chest and torn into pieces very slowly. He was my air and my lungs at the same time. Tom was my life and he was taken from me in front of my very eyes. It’s a struggle after all these years. The pain might lessen but the void is still here.”
“Ilang taon kayong kasal?”
“Limang taon po,” garalgal na sagot niya. “He was full of life and so young. We dreamed to have a family but we were not given a chance. Sayang talaga, may testament sana sa pagmamahalan namin.” Nilublob niya ang kaniyang ulo sa gintong likido nang maramdaman niyang tumulo ang kaniyang mga luha.
“Nung namatay si Nirsa, my only daughter, hindi na rin tumibok ang isang puso ko.” Malungkot na nakatingin ang reyna sa gintong likido. “Pero kung si Onax…” Tumingala ang babae at nagbigay –utos. “Paki-connect ako sa private line ng Beloved King at paki-secure ng communication access dito sa loob.”
Pumidpid si Cierra sa gilid ng pool at nilublob niya ang kaniyang katawan hanggang sa kaniyag bibig nang makitang may lumabas na screen sa loob at nakita ang hari habang nasa loob ng opisina ang lalaki at nagbabasa ito ng isang scroll.
“Onax,” the queen softly called his name.
“Hmmm…” he muttered without even glancing at the person who called him. “Anong kailangan mo? Another set of gold things from other planets? Or baka gusto mong magpagawa ng hayop na gawa sa ginto rito sa Terra Du?”
“Onax…” The queen pouted.
Othonzis! Hindi maiwasan ni Cierra na mapamura sa isipan nang makitang nagpapa-cute ang regal na reyna sa asawa nito. This was so awkward that she wanted to either run from the room or drown herself. Pero wala sa dalawa ang pinili niya at ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata.
“Can’t you feel my other heart beats so fast?” tanong ng reyna.
“Hmmm…” Nakatuon pa rin sa scroll ang mga mata ng hari. “Yes and I know the reason. Nagtatampisaw ka na naman sa pool of gold mo. Ginto lang naman ang makakapagbigay sa’yo ng thrill aside from pestering me this couple of thousand years.”
She snorted. “We have not made love for one thousand years now, Onax.”
Napadilat si Cierra sa narinig. Mabuti na lang talaga at hindi siya showbiz reporter kung hindi isa itong napakalaking scoop sa iba’t-ibang galaxies.
“Hmmm…”
The queen gave a sad sigh. “Beloved King, thank you.”
Mas lalong tumigas ang mukha ng hari at tila namumula ang malaking peklat nito sa mukha. Sa unang pagkakataon simula nang lumabas ito sa screen, tumingin ito sa screen.
“Thank you for not being a human male,” she achingly whispered. “Hindi ko alam kung anong mangyayari sa’kin kapag una kang mawawala. Mabuti na lang at Fidrag tayo kasi sabay tayong uuwi sa Krenqix. I would not have survived being an Earth woman.”
Napakunot-noo ang hari. Kahit matigas ang anyo ng hari, halata namang lumambot ng konti ang boses nito. “What are you talking about?”
“I only have one heart now and – ” Yumugyog ang balikat ng reyna. “I’m sorry for blaming you for Nirsa’s death.”
Gusto na talagang umalis ni Cierra pero nahihiya siyang makita ng mga itong nakahubo’t-hubad. Tama pala hinala niya kanina na may problema ang mag-asawang ‘to. They might be the most powerful couple in the Northern Lands – and perhaps the whole of Terra Du – but these two were still sentient beings and they were also hurting from the viral destruction years ago. It must have been very hard for them to put on a strong façade in public when they also lost their only daughter.
“I love you and I will always love you, Onax.” Queen Shata humbled herself. “Bati na tayo, please.”
Wala pa ring ekspresyon sa mukha ng hari pero kitang-kita ni Cierra ang panginginig ng mga kamay ng lalaki habang nakahawak sa scroll. Magsasalita sana ang lalaki pero may tumawag sa pangalan nito kaya pinutol ng hari ang komunikasyon nila ng reyna.
Sa hapong ‘yon, nagluksa silang dalawa ng reyna habang kinukuwento nito ang tungkol sa unica hija at ibinahagi rin naman niya ang pangungulila niya sa kaniyang nawalang pamilya. Nalaman niya mula kay Loged noon na hindi lumuluha ang mga Fidrag pero ito ang unang pagkakataong nakita niya ang lahi nito kung paano umiyak. Biglang naging pilak ang kulay ng mga mata ng reyna, bumubuga ng usok ang ilong nito at nanginginig ang katawan nito.
They were two women from different species and yet they felt the same emotions especially when it came to loss of loved ones. Cierra understood then and there that the Beloved Queen really needed a friend and she found it in the Earth woman.
Matapos ang ma-emosyong hapon, lumabas sila ng Queen’s chambers na magaan ang damdamin. Because the queen was in high spirits, she pampered Cierra from with clothes, hairstyle and make up. Both of them weree glowing in gold as they went down the palace halls.
“You’re still here, Evox?” the queen asked when they saw Loged’s assistant came out from a room. “Akala ko pa namang masyado kang excited na sumali sa mating rituals.”
Yumuko ang lalaki at nagbigay galang. “Kumuha po ako ng pampakalma sa med bay.”
“Sumabay ka na sa’min ni Cierra,” utos nito. “Maaaliw kami sa pagiging matabil mo at para ma-relax mo rin ang sarili.”
Lumabas ang hari sa elevator at nakita niyang mas biglang naging matingkad ang kulay pilak na kaliskis sa mukha ng reyna. Napahinto rin ang hari at kahit na walang ekspresyon ang mukha nito, halata naman ng karamihan na umaliwalas ang aura ng lalaki nang makita ang asawa.
Yumuko silang lahat sa pinuno ng Northern Lands.
“Shata, pupunta na kayo sa venue?”
“Yes.”
“Sabay na tayo.”
Ramdam nilang lahat ang pagiging tahimik ng buong kapaligiran habang hinintay ang sagot ng Beloved Queen. Pero pagkatapos ng ilang mga sandali, lumingon ang reyna sa kanila. “Gamitin niyo ni Evox ang sasakyan ko. And Cierra, umupo ka sa likuran ko pagdating mo sa venue.”
Pinanood nila ang dalawa habang lumakad ang mga ito papalabas ng palasyo. They were the most powerful couple here but it seemed that they were both awkward with each other as they walked side by side. The first timer onlookers would not have believed that these two were married for more than eight thousand years and already had grown up children. Although they looked like they were in their forties, there was something warming about the way they acted as teenagers especially when the queen accidentally brushed the king’s arm. Queen Shata stilled as the King Onax took her hand and kissed it before they went inside the vehicle. Cierra gasped in surprise as they saw the king held the queen on his lap and kissed her ferociously on the lips before the doors closed on them.
Alam na niya kung saan nagmana si Loged.
“This calls for a celebration.” Napahawak si Evox sa dibdib nito. “Okay lang kahit hindi ako makakita ng bride ngayon basta maayos lang ang Beloved King and Queen. But I never thought that they would indulge in an hygienic fashion.”
Nagtataka rin si Cierra kasi unhygienic ang kissing sa mga Fidrags. Si Loged lang ang alam niyang nagugustuhan ang ganitong uri ng affection. Napahawak si Cierra sa magkabilang pisngi nang maisipang baka nakita ng Beloved King ang isa sa mga p**n movies nila ni Loged na may kasamang maraming mouth to mouth scenes.
Napapangiti lang talaga si Cierra dahil halatang uplifted ang mood ng mga Fidrags nang makarating sila sa arena. Though there were stirrings of sadness, she decided to pull it away from her system tonight. Nakita niya ang mga empleyado ng Lady’s Bride Ship at natawa pa siya nang nag-reklamo si Tink na unhygienic kuno ang pagyakap at paghalik niya rito. She felt elated as they gathered in a corner for a small reunion before the mating ritual started.
Pumuwesto siya sa likuran ng Beloved Queen at lihim na natutuwa sa small affections ng mag-asawa. She remembered herself with Tom when she was on Earth. And she thought of Loged and the thirty days…
“Welcome to the second mating ritual between human females and Fidrag males!” Malakas na bati ng announcer. “Alam kong excited ang lahat na makita ang eighty five Earth women ngayon.”
Hindi pa rin mapigilan ni Cierra ang matakot nang marinig ang sigaw ng mga Fidrags. Tila lumindol ang arena at napakapit siya sa kaniyang upuan. Noon, isa siyang prospect bride at natatakot na baka walang tatanggap sa kaniya at ibebenta siya sa slave market. Ngayon, medyo lumutang na naman ang apprehensions niya lalo na’t hindi niya alam kung makikita ni Loge dang bride nito.
“To make tonight’s exciting, two royal princes from the Kr’Fura family, three dukes and twenty five other noblemen are participating. Of course, warriors, scholars and businessmen from prominent families are here too.”
Napatili si Cierra nang biglang pumutok ang fireworks matapos ibalita ang importanteng tao sa lipunan na sasali sa mating ritual. Itinuon niya ang atensyon sa gitna ng arena na higit pa sa isan-daang mga cubicles na nakalagay. Hindi niya malaman kung saan nakapwesto si Loged.
Lumabas ang mga prospect brides pagkatapos ibigay ang mating ritual rules. Naghiyawan ang mga Fidrags nang makita ang tila mga beauty queens na rumampa. Bilang isang tagapagmasid ngayon, hindi maiwasan ni Cierra ang mamangha rin sa nakita. Ang gaganda ng mga bridal candidates ngayon at sa tingin niya mas matangkad na rin ang mga ito kung ikukumpara sa batch niya.
Feeling niya masisira na talaga ang arena sa lakas ng sigaw ng mga Fidrags nang umilaw ang cubicle at napag-alamang si Kirkal Kr’Fura, ang youngest royal prince at ang head ng security ministry ng Northern Lands, ang unang nakabingwit ng mapapangasawa.
“Congratulations, Beloved King and Queen,” mahina niyang bati sa mga ito.
Mas naging malapad ang ngiti ng reyna dahil good omen para rito ang nangyari. Wala namang reaksyon ang hari pero halatang masaya rin ito lalo na’t mas naging subtly affectionate ito sa reyna.
Her heart skipped a little bit every time a chalice would blaze. And she mentally sighed to know that it wasn’t Loged’s. She gripped her hands and scratched herself unconsciously as she saw the last bridal candidate. Cierra remembered her own experience and she could not help herself from feeling anxious.
Maganda ang babae kung ihahambing ito sa ibang mga Earth women. Halatang hindi ito galing sa Province 35C dahil sa tangkad nitong lampas anim na talampakan at puting buhok na tila kasing-kulay ng buhok ni Loged. She really looked like those models that she usually saw from TV ads and brochures. Kitang-kita ang defined facial features nito nang i-zoom ng screen ang mukha ng babae. There was sadness in her icy green eyes that made Cierra felt connection with that last woman.
“I hope she marries into the Fidrags,” she mumbled.
Napa-“aaah” ang audience nang dahan-dahang rumampa ang babae sa mga cubicles. Each unlit chalice made the Fidrags sighed in disappointment at the same time pity. Just like what happened to her before.
Then suddenly a huge fire floated around the chalice that she just touched. And the arena was wild with excitement especially that this graceful woman was going to be officially part of the Fidrag tribe.
“Well, well, well, this is a wonderful outcome of events!” pasigaw na anunsyo ng masters of the ceremony, gumiwang pa ang mga gintong hikaw sa sungay nito habang tumalon-talon sa stage. “Nakakuha ng groom ang lahat ng bridal candidates. Congratulations sa ating la – whoa – and I am very proud to announce that Crown Prince Loged from the Royal family of Kr’Fura is mated to this Earth woman!”
Dahan-dahang lumabas ang prinsipe mula sa cubicle at manghang nakatingin sa babaeng kaharap nito.