Chapter 11

2995 Words
“MALAPIT na tayo sa kampo militar,” masiglang balita ni Kanapi. “At least makakatikim ako ng preskong putahe.”   “Ibigay mo na ang mga batang lalaki sa human females,” sagot ni Olinka habang seryoso siya sa embroidery.   Napangiti lang si Cierra habang nakatuon ang paningin sa labas. Apat na araw na silang nagbabyahe mula sa capital gamit ang tartanilya, isang “primitibong” sasakyan para sa mga Fidrag. Suhestyon ‘to ng mahal na reyna upang hindi basta-bastang nakikita sa radar.   Napahawak siya sa relong ibinigay ni Queen Shata. Alam niyang may tracker ‘to kaya hindi niya alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit tartanilya ang sinakyan nila. Well, at least nakapag-enjoy din naman siya sa mga tanawin ng Northern Lands. Namangha rin siya sa mga inns na tinutulugan nila. At higit sa lahat, hindi siya nababato lalo na’t kasama niya ang dalawa.   Mga companions ito ng mahal na reyna sa loob ng limang libong taon. Kaya naman nasorpresa siya nang ibigay nito ang dalawa para maging kasama niya sa paglalakbay.  Ngayon lang niya nalaman na may survivors pala sa virus attack – si Olinka at Kanapi ang ilan sa mga nabuhay sa planetang Terra Du. Based sa mga readings niya noon sa loob ng Lady’s Bride Ship, walang nabuhay sa mga mga bata at child-bearing age na mga aliens kaya halos mabaliw na ang mga planeta sa kahahanap ng match para sa future generations nila. Kunsabagay, hindi naman talaga lahat ng nangyayari sa bawat planeta ay nakalista sa Alliance of Universal Preservation.   Tiningnan niya ang dalawa at nasasayangan siya kasi hindi na ito makapanganak pa. Ito ang kabayaran ng kanilang pagkabuhay mula sa virus attack. Dahil mahilig ang mahal na reyna sa magagandang bagay kaya hindi nakakapagtakang gusto rin nito na mapalibutan ng mga magagandang at makikisig na Fidrag employees.   “They’re very special to me, Cierra.” Hinaplos ng gintong kuko nito ang kaniyang mukha. “But I see you as a friend if not a daughter that’s why ibibigay ko sila sa’yo.”   Tumungo siya at pormal na nagbigay galang. “Salamat, Beloved Queen.” Hinawakan ng mga gintong kamay nito ang kaniyang dalawang balikat. “I will look for a way na mawala ang bond ninyo ni Loged. You deserve to have your own happiness.”   Cierra’s face flushed and tears welled. This was the certain kindness that she did not really much experienced while on Earth. The irony of everything. Mas naramdaman pa niya ang pagmamahal ng mga aliens kumpara sa mga tao – maliban na lang sa kaibigan niyang si Miel.   “Oh, your eyes are watering again.” Pinahid ng mga mga daliri nito ang luha na tumulo sa kaniyang pisngi. “I am really sorry that you are experiencing this, Cierra. Pero wala talaga tayong laban kapag tadhana na ang kabangga.”   Tadhana.   Ito rin ang balakid sa pag-iibigan nila ng namayapang asawa na si Tom. Ngayon, ito rin ang dahilan kung bakit ‘di siya naging mate ni Loged. Ano nga ba ang magagawa niya kung iba na ang nakatadhana kay Loged?   “May asawa na siya, Cierra.” She softly tap her fingers on the window. “Stop it already.”   “Iniisip mo pa rin ba si Prinsipe Loged?” biglang tanong ni Kanapi. “Sabi ni Evox sa’kin na kapag may tubig sa mga mata ng humans, ibig sabihin niyan ay malungkot kayo.”   Napatuwid ang kaniyang pagkakaupo habang inayos niya ang tali sa kaniyang buhok. “Nababaguhan lang siguro ako sa lahat ng mga nangyari.”   “Huwag kang magmahal ng mga mated. Masasaktan ka lang, Cierra,” payo ni Olinka habang nakatuon pa rin ang mga mata nito sa ginagawang embroidery.   “Alam ko,” buntong hininga niya. “Naging mated din naman ako sa Earth.”   Napasigaw ang hindi matabil na Olinka nang halos tumalon si Kanapi at tumabi sa kaniya. Sa gulat, hinablot ni Olinka ang sungay ni Kanapi at naging dahilan ‘to sa isang girian. Tila mga aso ang dalawang babae na umuungol at makikita ang mga matutulis na mga ngipin.   “Calm down, girls,” mahinahon niyang sabi pero hindi pa rin nakinig ang dalawa. Umilaw ang kaniyang suot na relo at nagtatakang pinindot niya ito. Halos mapalundag siya sa upuan nang makitang lumabas sa hologram ang reyna at nakaupo sa kaniyang harapan. “Beloved Queen!”   Biglang napahinto ang nag-iirang kasama at nagbigay galang ang mga ‘to.   The Queen smirked. “Still fighting? Whatever for this time?”   “Sorry po,” mahinahong sagot ni Olinka, umindayog ang gintong mga hikaw na nakasabit sa itim niyang mga sungay.   Kinumusta ng reyna ang kanilang biyahe. Uminom ito ng gintong likido habang naaaliw na nakinig sa kanilang kuwento. Umupo ito ng matuwid, nagpunas ng bibig at tiningnan si Cierra sa mga mata. “May ipapadala akong dalawang sundalo sa inyo papunta sa Fomross. Something is brewing in the air kaya ayokong may mangyari sa inyo don. Teritoryo pa rin ‘yon ng mga Haf’a kahit papaano.”   Naririnig ni Cierra mula sa mga companions ang iba’t-ibang kuwento tungkol sa mga Haf’a pero hindi niya alam kung ano ang totoo at hindi. Isa siyang third party at minsan pakiramdam niyang hindi nangyayari ‘to sa kaniya rito sa Terra Du.   Nagpaalam ang mahal na reyna na hindi man lang nabanggit ang ibang kapamilya. Ngumiti siya ng konti kasi alam niyang pinoprotektahan din siya ng ina ni Loged. Pero hindi rin naman niya maikukubli na nasasaktan siya kapag nakikita niya o naririnig ang tungkol sa crown prince o sa anumang koneksyon dito.   “Andito na tayo sa wakas!” Malapad ang ngiti ni Kanapi at lalong nagpatingkad sa kulay puting mga ngipin nito. Hindi ito nagpaligoy-ligoy pang lumabas ng karwahe at nag-inat ng katawan.   Lumabas siya at tumingala sa langit upang mainitan ng araw. Napakunot-noo si Cierra nang maisipan na nasa dulo ng planetary system ang Terra Du pero bakit mas maliwanag pa rito ang araw kung ihahambing niya sa Earth? Hindi naman siya marunong sa agham kaya nagkibit-balikat na lang siya sa mga nagaganap.   Higit pa sa Great Wall of China ang haba at lapad ng gate sa kampo. Halos mag-creak ang kaniyang batok nang lumabas ang isang sundalo. Namamangha talaga si Cierra sa tangkad at pangangatawan ng mga Fidrag. Higit na mas matangkad at mas malapad ang pangangatawan nito kung ikukumpara kay Loged.   “Madam Cierra, welcome po sa Usand.” Yumuko ito at nagbigay galang na akma para sa isang Fidrag na may dugong-bughaw.   Nagulat si Cierra at napalingon sa mga companions pero ngumiti lang ang mga ito. Ibinaling niya ulit ang atensyon sa nakayuko pa ring sundalo at tumikhim. “Salamat, mister…sir…general…?”   Tumayo ang lalaki pero hindi pa rin naka-focus sa kaniya ang mga mata. “Vulcut, madam.” Inilahad nito ang kanang kamay, hudyat na pwede silang pumasok sa loob ng gate. “Hininhintay po kayo ni ginang Trisha, ang asawa ng heneral.”   “Si Trisha?” Namilog ang kaniyang mga matang sumunod sa lalaki. At bago paman nakasagot ang sundalo, may isang babaeng sumisigaw sa kaniyang pangalan at tumatakbo papunta sa kanila.   “Anlakas ng boses,” manghang pahayag ni Kanapi habang nakatingin sa maliit na human female.   “Oh my God, Cierra!” Niyakap siya ng kaibigan.   Hindi niya mapigilang mapaluha nang maramdaman ang higpit ng mga yakap nito. Antagal na niyang hindi nakasalamuha ang kagaya niya.   “Hindi ka kumontak sa’kin.” Kinurot nito ang kaniyang pisngi. “Medyo nangangayayat ka ngayon.” Bumulong ito sa kaniya. “Nabalitaan ko ang nangyari. Okay ka lang ba?”   Tumango siya. “Ikaw, kamusta ang buhay may asawa?”   “Well, heto nag-aadjust sa pamumuhay dito.” Namula ang mukha ng kaibigan. “At sa s*x life.”   Napasinghot siya kasi naalala niya ang kapalpakang pinagagawa ni Trisha noon sa mating rituals sa iba’t-ibang lahi sa galaxies. Tiningnan niya ang kaibigan at lumambot ang puso niya kasi halatang blooming ito masyado.   “Ilang araw kayo rito?” Inangkla ng kaibigan ang kamay nito sa kaniyang braso. “Ikaw lang ang nakita kong tao pagkatapos ng ilang buwan. Okay din naman pakisamahan ang mga Fidrag pero minsan napupuno na ako sa atensyon ni Troga.”   “Aalis din kami bukas ng maaga, Trish,” bulong niya.   Umiling ang babae at hinawi ang buhok mula sa kaniyang noo. “Sayang talaga at ‘di kayo nagkatuluyan ng prinisipe. Sinabi sa’kin ni Troga kung bakit kailanga mong lumayo. Nakakatakot ba talaga ang hitsura nila sa basal form nila?”   Napahinto siya at naalala ang nangyari sa silid ng prinsipe. Nanginig ang kaniyang kalamnan nang maisipan ang apoy na ibinuga ng lalaki. “Ayokong mangyari ulit ‘yon.”   Naglibot sila sa kampo at naaaliw din naman siyang tingnan ang naglalakihang tents na gawa sa bato. Mukhang ‘uncivilized’ tingnan ang lugar  sa mga nilalang na hindi kilala ang mga Fidrag. Alam niyang state of the art ang technology ng mga ito kahi pa tila cavemen ang hitsura ng tirahan ng mga sundalo. Napangiti siya nang maalala ulit ang secret haven ni Loged. Akala niya isang simpleng bundok lang kung titingnan sa labas ngunit isang magandang tirahan o pasyalan naman kapag nakapasok sa loob.   May itatanong sana siya nang biglang lumindol ng napakalakas. Napaupo siya sa lupa at awtomatikong tinakpan ang ulo gamit ang kaniyang mga kamay. Halos luluwa na ang kaniyang puso mula sa kaniyang dibdib kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili. Sumigaw siya ng napakalakas para lamunin ng kaniyang boses ang maingay na pulso ng kaniyang katawan.   Biglang huminto ang indayog ng lupa at lumingon siya sa kaibigan at nakita niya itong nakadapa sa lupa. “Are you okay?”   Tumawa ng mahina si Trisha kaniyang tabi. “Don’t worry, Cierra, mas grabe pa ang reaksyon ko nung first time ko.” Lumuhod ito at inayos ang damit.   “Okay lang kayo?” tawag niya sa mga companionsi. Laking gulat niya nang nakatayo lang ito kasama si Vulcut na nagtatakang nakatingin sa kanilang dalawa. “Palagi bang lumilindol dito?”   “Lindol?” nagtatakang tanong Vulcut.   “Mahina talaga siguro ang mga humans.” Hindi nagpaligoy-ligoy si Kanapi.   “Walang lindol, Cie.” Inayos ni Trisha ang kaniyang narumihan na damit. “Nag-jogging lang ang mga Fidrag sa semi-basal forms nila.”   Namilog ang mga mata ni Cierra nang makita sa malapitan ang higit isan-libong sundalong Fidrag na naka-formation paharap sa kanila. Biglang may sumigaw ng instruction at nagsitakbuhan na naman ang mga ito palabas ng gate. Napaupo na naman si Cierra sa lupa at niyakap ang sarili dahil nahihilo siya galaw ng lupa. Nasa ganong posisyon siya nang halos dalawmpung minuto bago naging matiwasay ang paligid.   “Cie, okay ka lang ba talaga?” Lumuhod ang kaibigan at hinaplos ang mukha niya. “Namumutla ka.”   At bigla siyang sumuka sa harapan ng mga kasamahan. Sa totoo lang, hindi siya good sailor noong nasa Earth pa siya. Tinatawan nga siya palagi ni Tom kasi mahina ang sikmura niya kapag nagbibiyahe sila. Na-correct lang ‘to nung nasa Lady’s Bride Ship siya dahil may mga apparatus at mga medisinang itinurok sa kaniya para ma-stable kung ano man ang kaniyang deperensya. Pero andito na siya sa Terra Du at hindi niya akalaing katulad sa Earth ang kaniyang sasapitin.   “O-okay lang…” Ang asim at pait ng ng kaniyang bibig.   “Daks, kargahin mo muna si Cierra papunta sa bahay.” Tumayo ito at hinaplos ang braso ng isang napakalaking Fidrag.   Lumingon ang lalaki kay Trisha at halatang hindi ito kumportable sa sinabi ng babae. Mas malaki at mas matangkad ‘to kay Loged. Hindi masyadong mahaba ang brown na buhok at hindi gaano kataas ang dalawang sungay.  Hindi niya gaano nakikita ang hitsura nito dahil nakayuko ito at may ibinulong sa kaibigan.   Umatras si Trisha at napasinghot. “Daks, it’s okay. She’s my friend.” Pinisil nito ang kamay ng lalaki. “Hindi ako magseselos.” Tiningnan siya ng kaibigan. “Cie, husband ko si Troga.” Tumingala ito sa asawa. “Sige na, kargahin mo na si Cierra.”   Medyo ilag ang lalaking lumapit kay Cierra. Nagbigay galang din ito na akma para sa isang royalty. “Madam, ipagpaumanhin niyo po.” At walang kiyemeng binuhat siya nitong parang isang sako.   Napalingon siya kay Trisha pero ngumisi lang ang kaibigan. “Don’t worry, kahit gentle giant ‘yang si Daks.”   “Daks?” Taas-kilay niyang tanong.   Tumawa ang babae. “Dako! Dako ug…”   Napaungol si Cierra dahil naalala niya ang paboritong kanta nito sa Earth. “Naiintindihan niya ba ang dayalekto natin?”   “Daks, naintindihan mo ba ang sinabi ko?”   Umiling ang lalaki. “Hindi pa gaano ka updated ang languages na naka-download sa chips.”   “See? Don’t worry.” Sagot niya sa dayalekto namin.   Pumasok kami sa isang bahay bato at napangiti ako. Just like what I expected, mas maganda ang nasa loob ng bahay kaysa labas. Maluwag ang espasyo at akma talaga sa laki ng asawa ni Trisha.   “Dito lang sa guest room, Daks,” mahinang utos nito sa lalaki. Lumapit ito sa kaniya nang mailapag siya ni Troga. “Gusto mo ng tsaa o kape? May food processor kami rito.”   “Tsaa na lang, please.”   Inayos ng mga companions ang kaniyang pagkakahiga. Kinausap din ni Troga si Vulcut sa isang sulok habang lumabas muna si Trisha sa kuwarto. Bigla siyang dumuwal nang maramdam na naman ang tremor ng paligid. Dali-daling lumapit si Trisha sa kaniya upang hayaan siyang sumuka. “Daks, kausapin mo ang mga doktor o scientist ba tawag ninyo? Gumawa sila ng solusyon para rito. Sa future, maraming mga human females ang mag-aasawa sa mga tauhan mo. I’m sure may katulad sa’kin na madaling makapag-adjust, may katulad ni Cierra at may mas worse pa sa kaniya.”  Pinunasan nito ang kaniyang mukha ng basang bimpo at inayos ang kaniyang mahabang buhok.     “Sinabihan ko na rin ang capital ukol dito, Trish.” Mababa pa sa height niya ang boses ng lalaki. “Salamat pa rin sa suhestyon.”   Lumapit ang higante at may ibinulong kay Trisha. Lumambot ang mukha ng kaibigan. Tumayo ito at biglang lumundag at yumapos sa leeg ni Troga. Hinalikan nito ang lalaki sa labi. Nahindik ang mga companions sa nakita at napaubo rin si Vulcut.   Kahit hindi nakangiti, kitang-kita naman sa mga mata ng lalaki na naaaliw ito sa ginawa ng asawa. Pinitik nito ang ilong ni Trisha at dahan-dahang hinalikan ang noo at ilong. Tumayo ito ng matuwid bago lumingon sa kaniya at nagbigay galang. “Madam, babalik na ulit ako sa kampo. Sana maging matiwasay ang pananaliti niyo rito ngayong gabi.” At lumabas ito kasama si Vulcut.   Malalim ang buntong-hininga ni Trisha bago nilingon ang dalawang companions. “Ladies, pwede kayong mag-explore sa kabahayan. Ako muna ang bahala kay Cierra.”   “Gusto kong makipag-s*x ngayong gabi. May available ba kayong mga brothel banda rito?” walang prenong tanong ni Kanapi.   “Kanapi!”   “What?” Pinandilatan niya si Olinka. “Pupunta na tayo ng Southern Lands bukas. Hindi natin alam kung kailan tayo babalik o kung may Fidrag ba tayong makakatalik don. Hindi ko nga alam kung compatible ang anatomy natin sa mga Cxuvhag o sa mga Haf’a!”   Lumapad ang ngiti ni Trisha. “Well, walang brothels dito pero may isang bar sa labas ng kampo at isang beer house sa village. Malapit lang dito. Gusto mong may samahan ka ng isang gwardya?”   Lumiwanag ang mga mata ni Kanapi. “Salamat.”   Tinabihan siya ni Trisha sa kama nang sila na lang dalawa ang naiwan sa kwarto. “Cie, sana dito ka na lang sa Usand. Sa totoo lang, ayokong pumunta ka ng Southern Lands.”   “Bakit?”   “Naririnig ko sa mga usap-usapan dito na hindi stable ang Southern Lands. Nasa bingit ng kamatayan ang kanilang hari at hindi pa siya nag-atala ng tagapagmana.”   Hinaplos niya ang kamay ng kaibigan. “Sa boundary lang naman ako ng Southern Lands, Trish. Siguro malayo ‘yan sa capital.”   Hinubad nito ang isang kwintas na ginto at may pendant na perlas. “Humingi na ako ng permiso kay Daks na ibibigay ko ‘to sa’yo. Kapag kailangan mo ng tulong don, ipakita mo lang ‘to sa mga Cxuvhag na nakatira malapit sa  Southern Lands. Alam na nila kung ano ang gagawin.”   Kinuha niya ang kwintas. “May tracker ba ‘to sa loob?”   Nagkibit-balikat ang kaibigan. “Wala. Sana naman hindi dumating ang panahong magagamit mo talaga ‘yan.”   “Huwag kang mag-alala, Trish. Magiging okay ako.” Pinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ng babae. “Kuwentuhan mo ako kung ano ang nangyari sa’yo pagkatapos ng mating ritual.”   Sa totoo lang, kinakabahan si Cierra sa kung ano ang mangyayari simula kinabukasan. Wala siyang karapatang magreklamo kasi kung tutuusin, isa lamang siyang alipin. Masuwerte na nga lang siya dahil kahit papaano mabait ang mahal na reyna sa kaniya.   Takot siya lalo na sa balita ni Trisha ukol sa estado ng Southern Lands. Pero wala siyang magagawa kung hindi ang panatagin ang sarili. Katulad sa Earth, wala siyang aasahan kung hindi ang sarili niya upang mabuhay.   Pero ang bukas ay bukas.   Sa ngayon, hahayaan niya munang maging maligaya para sa iba. Hahayaan niya munang punan ang kakulangan sa puso niya sa pamamagitan ng pakikinig sa love stories ng iba. Malambot na ngiti ang ibinigay niya sa kaibigan habang nakinig sa kuwento nito hanggang sa nakatulog siya.     A/N: Anlaki na talaga ng utang ko ba. Sorry talaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD