“f*****g s**t!” napamura si Trisha ng malakas nang tingnan sa labas ang planetang Terra du. “Ba’t katulad sa Earth?”
Dumungaw siya sa bintana at napasinghap. Totoong parang planetang Earth ang hitsura. Napasapo siya dibdib. Baka bumalik sila sa Solar Sytem. Baka pinapauwi na sila sa Earth. Baka –
“Terra Du aka Earth 2.0, isang backward planet na nakapwesto sa pinakadulong planetary system ng Ursa Vela Galaxy.” Biglang narinig ang boses ni Tink na gumulong papalapit sa kanila.
Snippet lang ang narinig niya sa orientation ukol sa planetang ‘to. Busy siya sa pag-research ukol sa slave markets sa iba’t-ibang planeta, buwan at space stations sa Ursa Vela Galaxy. Nawindang siya sa mga nakitang pictures at ‘di na niya kayang mag-research pa ukol sa slaves sa ibang galaxies. Kaya naman hindi siya makapag-concentrate sa mga importanteng impormasyon sa susunod na planetang pupuntahan.
“Akala ko nakabalik tayo. Natakot ako bigla.” Bumuntong-hininga si Trisha.
Sa pagkakaalam ni Cierra, isang kriminal si Trisha sa Earth at hinatulan ito ng death sentence. Pero dahil sa in demand ang mga babae sa iba’t-ibang kalawakan, nabalitaan niya mula sa ibang sources na nagpa-bidding ang mga Earth government officials sa mga babaeng kriminal. Double win para sa kanila kasi mawawala ang mga babaeng kriminal at magkakapera pa sila. Hindi rin mapili ang mga aliens lalo na’t mas importante ang pagpapalaganap ng populasyon nila. Hindi nga alam ng mga babae na imbes kamatayan ang kanilang haharapin, sa bride spaceships sila napupunta.
“Tink, one government din ba sila katulad sa Earth?” tanong niya habang pinapanood ang planeta.
Umilaw ang droid at tila naghahanap ng impormasyon. “Hindi. Ayon sa nakalap ko, pinamumunuan ng tatlong lahi ang Terra Du at shifters silang lahat.”
“Shifters?” taas kilay na tanong niya. “Katulad ni Dalo?”
“Information classified,” sagot ni Tink.
“Classified?” bato ni Trisha. “Baka mga tentacled monsters ‘yan, Cierra. Eww, wala akong planong matulad sa mga p**n na napanood ko.”
Cierra snorted. “Anong uri sila, Tink?”
“Processing...Northern Territory, mga Fidrag ang mga namumuno. Southern lands, mga Haf’a. In between or underneath, mga Cxuvhag.”
“Chu – what?” Trisha flipped her short hair. “Chuvanes or Churvabels?”
“No information,” sagot ni Tink.
Napatawa si Cierra. One reason kung bakit napalapit sa kaniya si Trisha kasi pareho sila ng pinanggalingan sa Earth. According sa history na itinuro sa kanila, watak-watak ang pamamahala at may iba’t-ibang klase ng gobyerno ang mundo at nahahati ang mga lupain sa tinatawag na bansa. Ang mga kanunununuan nila ay nasa bansang Pilipinas kung tawagin. Pero lumipas ang ilang siglo at nagkamalay na sila sa one world government. Ngayon nahati na sa Regions ang mga continent noon at Provinces na ang nasasakupan nito. Kagaya nilang dalawa ni Trish, Asian region under Province 35C. Hindi nila alam kung bakit ito ang napiling ipangalan sa lugar pero minsan binibiro nila na baka 35C ang cup size sa unang nakapag-suggest ng bagong pangalan.
Come to think of it, virus ang dahilan kung bakit nagkaisa ang mga bansa noon na gawing centralized ang government ng buong mundo. Naisip ito ng mga iba’t-ibang pinuno ng mga bansa upang maprotektahan, makontrol at survival na rin ng human species. Nagtayo ang Earth government ng bagong fortress at gumawa ng isang malaking isla sa Pacific ocean at hanggang ngayon, andon pa rin ang sentro ng pang-gobyerno ng mundo. May rebolusyong nagtagal ng isang siglo dahil tumutol ang karamihan. Pero nakontrol pa rin ang iba’t-ibang lahi nung tumagal ang panahon.
At ngayon, virus pa rin ang dahilan kung bakit ibinibenta ng Earth government ang ilang kababaihan sa mga aliens. The sad thing was, until now, walang alam ang nakakaraming tao ukol sa mga pangyayari sa labas ng mundo. Sinabi sa kaniya ni Dalo na usually mga Earth government secret agents ang gumagawa ng transactions kasi ayaw ng mga opisyales ng mundo na malaman ng mga tao ang ukol sa mga aliens. Baka raw kasi magkaroon ng muwang ang iba at humingi ng tulong sa mga aliens at hindi na buo ang tiwala ng mga tao sa gobyerno. Basically, once you get out from Earth, you can never go back unless you’re an Earth government agent or worker in some special fields.
Sinabi sa kaniya ni Dalo at Leki na may lista ang Earth government sa mga single ladies at widows na childbearing age, lalo na ‘yong nasa poverty ,below poverty lines and waiting for death sentences. Okay lang kung mawawala sila sa mundo kasi hindi raw sila kawalan.
And Cierra Jhazmine Fonacier was on the list.
Minsan napapaisip siya kung plano ba ng Earth government ang pagkamatay ng kapatid niya. Plano ba ng mga opisyales na hindi siya pinapa-loan sa bangko at kahit sa mga maliliit na credit centers o kaya hindi siya qualified sa special grants ng mga underprivileged kahit tama naman ang mga pinasa niyang mga papeles. Pero ayaw na niyang isipin kasi masasaktan lang siyang trinaydor siya ng sariling lahi para sa pera.
“Tatlong kaharian? May conflicts ba ang mga ito?” tanong niya.
“Processing... may territorial conflicts ang Northern and Southern tribes. I can’t access the files of Cxuvhag.”
Hinaplos niya ang ulo ni Tink. “Salamat.”
Umilaw ang droid. “Very unhygienic, Cierra, pero you’re welcome. Gusto niyo ba ng masahe or total make-over gaya ng ibang prospect brides? We still have two Terra Du rotations bago makarating sa planeta.
Trishe smiled. “Ah, I like to try long hair. May Brazilian wax ba kayo, Tink?”
“Processing...No information of Brazilian wax pero may permanent hair removal.”
“Non-permanent hair removal nalang sa pubic area, please,” ani Trisha. “I love my balbon pero gusto ko lang talagang subukan ang mga ‘yan. Ikaw, Cie?”
“Sige,” tipid lang ang sagot niya. Nasubukan na niya halos lahat ng enhancing equipments sa bride ship at gusto niyang i-avail ulit ang mga ito kasi alam niyang panghuling biyahe na niya ito bilang isang prospect bride.
Hinayaan niya ang sariling mag-enjoy kasama ang tatlumpo’t siyam na prospect brides. Hinayaan niyang makapag-bonding din sa iba’t-ibang empleyado ng Lady’s Bride Ship lalo na kay Leki. Tumawag din si Dalo sa kaniya at binigyan siya ng positibong mga mensahe.
Kumakabog ang puso ni Cierra nang ibalita ng kapitan na nasa station na sila ng Northen Lands ng Terra Du at maaari na silang lumabas. Nakita niya ang samu’t saring emosyon sa mukha ng mga kasama, lalo na ang mga first timers. Ah, the first feeling of hope and then the crush of emotions after being rejected. It really sucked.
Pinasakay sila sa isang napakalaking bus na kinakalawang at tila masisira na sa hitsura.
“Advanced than Earth, right?” Kumindat si Trisha sa kaniya. “Wow, so advance at tila liliparin na ako patungo kay kamatayan sa takbo ng bus. May driver ba ‘to?” Tiningnan nito ang partition ng driver at pasahero pero hindi klaro ang driver’s section sa unahan.
Cierra just smiled as she looked at the surroundings. Unlike Earth, mas puro ang hangin dito at mas maraming puno. Freaking huge trees na tila isang bundok ang taas ng mga ito. Wala pa siyang nakitang mga bahay o gusali kaya hindi niya alam kung anong klaseng pamumuhay ang mga taga-rito.
“Ladies and gentlemen! Our first batch of prospect human brides are here!”
Napatili ang iba nang marinig ang tila isan-libong kulog na boses ang umalingawngaw. Napalingon ang karamihan sa labas at napasinghap sa sumayaw-sayaw na apoy sa kalangitan. May mga letrang binuo pero hindi pa nila mabasa. Chip lang kasi para sa audio ng mga languages sa halos karamihang planetary systems ng Ursa Vela Galaxy ang na-implant at hindi pa nakasali ang writing systems ng mga aliens. Sabi ni Leki na ang host planet na ang bahala sa paglagay ng panibagong implant.
“f*****g s**t! Ano ‘yan?” Tila platong laki ang mga mata ni Trisha nang ituro ang napakalaking dome.
Nakakita na si Cierra ng ganitong klaseng stadiums sa iba’t-ibang planetang napuntahan. “Dito gagawin ang mating ritual. Parang pambansang selebrasyon ‘to.” Ang napuntahan kasi ni Trisha na mga ritwales ay sa palasyo o ‘di naman kaya’y sa isang magarang hotel o resort. Ito ang unang pagkakataong mararanasan ng kasama ang ganitong uri ng mating ritual.
“Or pambansang kahihiyan.” Dumila si Trisha. “Pero my goodness! Ang laki naman ng stadium. Don’t tell me mga higante ang mga taga rito?” Lumingon siya kay Leki pero busy ang lalaki sa pagtitipa ng datapad nito.
Katulad ng ingay na maririnig sa loob ng stadium, ganoon din ang pakiramdam ni Cierra. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang hita at nagdasal sa diyos na pinaniniwalaan niya mula pagkabata na sana man lang makuha siya ngayong gabi. Ayaw niyang mabenta sa slave market.
“Girls, don’t forget the protocols during the mating ritual,” paalala ni Leki sa kanilang lahat nang huminto ang bus. “Make your faces neutral, kahit na nandidiri kayo sa klase ng ritwales na gagawin sa isang planeta. Carry yourself with dignity kapag hindi kayo napili.” Una itong bumbaba at nakipag-usap sa isa sa mga organizers.
“They’re huge!” singhap ng isa sa mga babae.
Dumungaw si Trisha bago lumingon sa kaniya. “f*****g s**t! Anlalaki nila, Cie. May sungay pa sila and oh my god! Anlalaki...”
Tumawa si Cierra. “At least dalawang kamay at paa lang sila, Trish. At mukhang tao talaga except sa sungay.”
“Mas matangkad pa buntot nila kesa sa’kin, Cie!” Halatang nanginig na si Trisha. “I’m just flat five feet. And these guys are probably seven or more. f*****g s**t!”
Hindi nagpahalata si Cierra na nagulat din siya sa tangkad ng mga ito. Hindi pa siya nakakita ng ganitong uri sa tatlong taong paglalakbay.
Sumenyas si Leki sa kanila at isa-isang bumaba ang mga kababaihan.
“Do I look alright, Trish?” Kinausap niya ang babae nang biglang naging tahimik ito at tila nalula sa mga malalaking species sa harapan.
Siniko niya ito at naisara nito ang nakabukas na bibig. Tiningnan nsiya nito mula ulo hanggang paa. “You’re very beautiful, Cierra. Maganda ka naman talaga. Pero mas glowing ang skin mo ngayon at bumagay ang brown highlights sa buhok mo.”
Ngumiti siya. “Ikaw din, you look extremely pretty tonight. Bagay pala sa’yo ang long hair, Trish.”
Hinaplos nito ang flowing na damit, na uniform ng mga prospect brides. “Iniisip ko kasing pwede gawing foreplay ang mataas kong buhok. Pero…” Tumingin ito sa mga nilalang na Fidrag sa may entrada ng stadium. “Parang ayokong makasiping ang lahi nila. Mawawasak ang p**e ko nito.”
Uminit ang pisngi niya sa sinabi ng babae. Sasagot sana siya ng biro pero hinila siya ni Leki.
“Pinakahuli ka.” Lumapit ang mukha nito, gumalaw palayo ang tentacles, at bumulong. “Para na rin ma obserbahan mo muna ang mga pangyayari. ‘Di natin alam kung may mag-aamok ba o gagawa ng kagaguhan.”
Tinapik niya ang kulay asul na balat nito at napangiti. “Salamat. You’re really a friend.”
He snorted. “Kung hindi nga lang...”
Tumango siya. “I know. I understand.”
Maingay ang bumati sa kanila nang makapasok sila sa loob ng stadium. Muntik nang mahulog ang panga niya nang makita ang iba’t-ibang uri ng Fidrag . Gray ang common na color ng balat ng mga ito pero iba’t-ibang klase ng shades of gray. Malalaki talaga ang mga Fidrag at tila hindi nakatulong sa fierce aura ang mga sungay sa ulo ng mga ito. Aside sa buhok, pansin niya ring tila vanity ng mga ito ang mga sungay kasi may iba’t-ibang disenyong metal na nakasabit sa mga ‘to na tila mga hikaw.
“Welcome to Northen Lands of Terra Du!” bati ng isang lalaking announcer. “Sa mga brides natin, nakikita niyo ba ang nakahilyerang cubicles sa gitna ng stadium? Nasa loob ng mga cubicles ang mga candidates. I have to say though na one way mirror lang ang pagitan niyo sa kanila but unfortunately sila lang ang makakakita sa inyo.”
Napangisi si Cierra. Bakit parang bangko sa Earth? Parang magta-transact lang siya ng pera sa bangko ah.
“May mga kopa na nakalagay sa labas ng bawat cubicle. Simple lang naman ang mating rules ng mga Fidrag. Hahawakan mo lang ang kopa at kapag iilaw? Congratulations may bagong mag-asawa na! Kapag hindi? Move on to the next cubicle. Don’t worry, one hundred ang eligible bachelors natin.”
Naging masigla ang mga Fidrag at tila lumindol ang loob ng stadium sa ingay nila. Excited naman ang announcer sa resepsyon ng mga kalahi at lumingon ito sa isang area at tumango. “Ah, para mas exciting ang pinakaunang mating ritual ng mga Fidrag at human females, ang bonus natin ngayong gabi ay….? Kasali ang crown prince, His royal highness Prince Loged, sa mga kandidato.”
Feeling ni Cierra na magkaka-tsunami talaga kung ganito kalakas ang impact ng ingay ng mga Fidrag . Well, exciting talaga kung makakasali ang mga royal bloods sa mga mating rituals. At swerte ng kumpanya kung makakuha ito ng bride mula sa kanila.
“To our prospect brides and grooms, please prepare yourselves...”
Nakatayo si Cierra kasama si Leki at pinanood ang isa sa mga nakakaaliw na mating rituals na nakita nila. Lumapit ang unang kandidata na sinamahan ng isang empleyado ng Lady’s Bride Ship. Maingay ang stadium nang lumapit si Erin sa unang cubile at hawakan ang kopa. Pero maririnig ang ‘ahhh’ nung hindi umilaw ang kopa. Lumapit siya sa ikalawa, ikatlo at ikaapat pero wala pa rin. Kaya tila nayanig ang buong stadium nang biglang umapoy ang kopa sa ikalimang cubicle.
“This is very good. Congratulations.” Masaya rin ang announcer at least hindi bokya ang unang kandidata.
Mas na-excite ang mga Fidrag nang umapoy ang mga kopa sa mga sumunod na kandidata. At sa bawat pagpasa ng mga kasamahan ay siyang kaba naman ang naramdaman ni Cierra. She’s experienced this many times before – ang makapasa ang mga kasamahan niya at siya lang ang naiwan.
Lumapit si Trisha sa kaniya nang sila na lang dalawa ang natira. “Sana magkasama tayo rito sa Terra Du o kahit saan mang planeta, Cie.”
Tango lang ang ibinigay niya rito at pinanood niya ang kaibigang lumapit sa mga natitirang cubicles. Dahan-dahan itong humawak sa isang kopa pero walang nangyari. Pumunta ito sa sunod na cubicle at wala pa rin. Kitang-kita ang pagkayamot sa mukha ni Trisha nang hawakan nito ang isang kopa. Tila sinindihan ang isang kwitis sa loob ng kopa at lumipad ang apoy nito at pumutok sa itaas. Nagsigawan an ang mga Fidrag sa nakita. Napaatras si Trisha at napasandal sa empleyado ng Lady’s Bride Ship. Nainis si Trisha sa gulat kaya kinuha nito ang kopa at itinapon sa salamin sa cubicle. Sumabog ang salamin at lumabas ang isang napakalaking Fidrag .
“Ano na namang ginawa ng batang ‘yan?” Mapait ang tinig ni Leki.
“f*****g s**t!” tanging sigaw ni Trisha.
Seryosong nakatingin ang bagong-asawa ni Trisha rito. Tumayo ito at napidpid na talaga ang kaibigan sa empleyado. Her husband was freaking huge and very tall. Trisha’s head was just below the chest area of this gigantic Fidrag . Walang sabi-sabing kinarga ang babae na parang sako ng harina.
“Troga! Ibaba mo muna ang asawa mo!” sumigaw ang announcer na nagdulot ng saya sa audience.
Pero hindi na nakinig ang lalaki at dali-dali nitong dinala si Trisha palabas ng stadium.
“At least naman at nakapag-asawa na ‘yang si Trisha,” ani Leki. “Natakot ako sa mga pinagagawa niya at baka umabot sa puntong magpapatulong tayo sa AUP.”
“I’m happy for her,” Cierra simply stated.
“Your turn.” Kinuha ni Leki ang kamay niya at ginabayan siya sa bawat cubicle.
Maingay ang stadium sa simula pero pababa ng pababa ang lebel ng mga boses nito nung walang nangyari sa ika fifty-seven na kopa. Naging tahimik at nagmamasid na lang ang mga Fidrag nung humawak siya sa ika fifty-eighth cup. Then it became death silence when it was on the fifty-ninth.
Basa na ang mga palad ni Cierra, nanlalamig na rin siya at tila ayaw humakbang ng kaniyang mga paa. Tila hinahatak ng kabog ng puso niya ang kaniyang katawan pabagal ng pabagal.
“Othonzis, sana naman ito na ‘yon,” bulong ni Leki. Biglang pumula ang mga tentacles nito at halos umitim na ang buong mata. Stressed na talaga ito para sa kaniya.
Humarap siya sa huling kopa na hahawakan. Tiningnan niya ang salamin pero repleksyon niya lang ang nakita. Tama nga si Trisha kanina. Maganda siya ngayon. In fact, nagpaganda siya ng todo ngayon kasi gusto niyang maka-attract ng swerte.
Uminit ang pisngi niya nang mapagtantong nakatunganga siya ng ilang segundo sa harap ng one-way mirror. Yumuko siya at bumulong, “Please naman. Ayokong maibenta sa slave market. Kahit na personal maid mo lang ako, okay na sa’kin. Please...umilaw ka please...”
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ng mariin ang kopa na tila ito lang ang sasagip sa kaniya sa walang kasiguraduhang bukas.
Walang nangyari.
Tiningnan niya ang pulang likido sa loob at hinigpitan pa ang pagkakahawak nito.
Wala pa ring nangyari.
“Cierra, tama na.” Tinapik siya sa braso ni Leki. “Wala na tayong magagawa. I'm deeply sorry to say that it's going to be slave market for you next time.”
Dalawang kamay ang kinapit niya sa kopa, nagbabakasakali pa ring baka nagkamali lang ‘to.
Wala pa rin.
Magkahalong galit at takot ang sumibol sa puso ni Cierra. Bakit ganito? Bakit minamalas talaga siya? Sumusunod naman siya protocols kahit nung nasa Earth pa rin siya. Sumusunod naman siya sa mating rituals ng iba’t-ibang aliens. Pero bakit tila siya ang kulang?
Tiningnan niya ulit ang kopa at walang imik na nilunok niya ang laman nito. Napasinghap ang mga Fidrag sa ginawa niya pero wala na siyang pakialam. This was the last mating ritual that she attended and she got rejected. So might as well as put on a show.
“Cierra!” Pilit hablutin ni Leki ang kopa pero tinulak niya ang kamay nito.
Inubos niya ang laman nito at kinulob ang kopa sa cubicle. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at pinilit na patahanin ang rumaragasang damdamin. She gave a quivering smile and bowed.
It was time to surrender. It was time to accept the next chapter of her life. As a slave.