Chapter 1

1771 Words
THREE YEARS LATER   “BAKA may iba pang paraan, Leki.” PINILIT ni Cierra na huwag magpakita ng emosyon nang ibalita sa kaniya ng handler ng mga tao sa loob ng Lady’s Bride Ship.   Lumiwanag ang asul na balat ng Scragulea specie sa kaniyang harapan. Umiba ang kulay ng tentacles nito sa ulo, hudyat na nag-iisip ito. “Alam mo namang overstaying ka na rito sa ship. Tatlong taon kang nakasakay dito at wala man lang prospects para sa’yo.”   “I think, hindi niya kasalanan ‘yan,” sagot ni Dalo. “Maraming mga rituals ang iba’t-ibang uri ng lahi kapag mating ang pag-uusapan. Hindi nga lang siya napili.”   Tiningnan niya ang mukha na nakikita sa malaking screen at napatango. Ito ang estrangherong kumausap sa kaniya noong nasa Earth pa siya. Ito rin ang kumidnap sa kaniya at nagdala sa kaniya sa spaceship. Napag-alaman niyang ang shifter na ‘to ang recruiter ng mga human females.   “True. The fact na sinusunod ko naman ang protocols sa mating rituals ay baka pwede pa ako rito. Hindi kayo nagkaproblema sa ibang mga babae lalo na’t tumutulong ako sa orientation nila. ” Sumandal si Cierra sa upuan at nilagay ang mga kamay sa glass table. Pinilit niyang kalmahin ang sarili simula nang ipatawag siya sa office ni Leki para sa isang private meeting.   “Tumawag sa’kin ang head ng kumpanya at nalaman niyang may overstaying na tao rito.” Gumalaw-galaw ang kaniyang tentacles sa ulo habang nagsasalita. “He’s not happy. In fact, sinabihan akong ibebenta ka sa slave market kung wala pang kukuha sa’yo sa Terra Du.”   “That’s totally f****d up, Leki!” Biglang umiba ang histura ni Dalo mula sa pagiging tao ay nagkaroon ito ng mukhang butiki na may malalaking pangil. “If I had known ganiyan ang mangyayari, I would not have kidnapped her from Earth.”   “Wala tayong magagawa, Dalo.” Umiling si Leki. “Kung hindi nga lang tayo binigyan ng gamot para maging impotent, baka ako na ang nagvolunteer na pakakasalan ko ‘to si Cierra.”   Uminit ang mga pisngi niya sa narinig. Hindi niya akalaing sa tatlong taong paglalakbay sa kalawakan upang makahanap ng mapapangasawa ay napunta siya sa ganitong klaseng sitwasyon. Nagsakripisyo rin ang ibang mga lahi upang mabuhay din. Ang pagkakaalam niya, galing sa mga mahihirap na planeta ang uri ni Dalo at Leki at pumayag ang mga ito na maging impotent para maka-handle ng mga human females. Sakop ng Alliance of Universal Preservation (AUP) ang kumpanya ng Lady’s Bride Ship kaya metikuloso sila sa mga empleyado nila lalo na’t kritikal ang laman ng spaceship – ang mga babaeng mula sa Earth. Ang sagot sa kulang na populasyon ng iba’t-ibang planeta.   “Baka pwede pa nating itago si Cierra.” Bumalik na naman sa mukhang tao si Dalo.   “Nilagyan na siya ng tracker ng mga meds,” simpleng sagot ni Leki. "At kukunin lang 'yon kapag settled na naibenta siya either as a bride or as a slave."   “Othonzis!” Tumaas ang boses ng lalaki sa screen.   Sa tatlong taon niyang paglalakbay, alam ni Cierra na mura ang binitawan ni Dalo. Hindi pa rin niya mapigilan na ma touched sa dalawa. Hindi siya minaltrato ng mga empleyado ng Lady’s Bride Ship. In fact, naging kaibigan niya ang ilan sa mga ito lalo na’t siya na lang ang naiwan sa first batch ng mga prospect brides.   “Baka okay din naman siguro sa slave market,” wala sa sariling nabigkas niya para maibsan ang tensyon sa opisina.   “Othonzis, Cierra!” Si Leki naman ang nahindik, naging pula ang tentacles nito at naging itim ang puting mata. “Don’t ever wish to be sold in a slave market. May mga kakilala akong namatay dahil sa overwork. Kung mapupunta ka ron? Baka gawin kang s*x slave or breeder lalo na’t human species ka. And if you're going to be a s*x slave?” He shuddered, making his tentacles quiver violently. "Mahihirapan kang i-rescue ng AUP. Nakasalalay buhay mo sa amo mo at walang health regulations diyan, Cierra.Nai-imagine mo na ba ang mga masakiting uri na gagamit sa'yo?"   “Sorry.” Ngayon, nakaramdam din ng kaba si Cierra nang ilatag sa kaniya ang posibleng mangyari sa slave market. And s**t, she did not like it.   “Magdasal ka sa diyos mo o kung meron ka mang pinaniniwalaan gaya ng ibang mga babae rito. Sana maiwan ka sa Terra Du kahit na napakalayo sa mala-modernong kalawakan nakapwesto ang planetang ‘yan.” Sumandal si Leki sa upuan at pumikit.   Natapos ang kanilang meeting at lumabas siyang hindi malaman ang pakiramdam. Ngumiti lang siya sa ibang mga babaeng busy sa make-over at dumiretso siya sa sariling silid. Napangiti siya ng konti kasi sa binigyan talaga siya ng sariling kuwarto pagkatapos ng isang taon niya rito.   “Hello, Tink,” bati niya sa maliit droid na sumalubong sa kaniya. “Andito ka pala.”   Umilaw ito. “Nilinisan ko ang kwarto mo. Kinumpuni ko na rin ang food processor mo at na-update ko na rin ang menu mula sa records ng Earth.”   Niyakap niya ang bilog na metal. “Salamat talaga, Tink. The best ka talaga.”   Uminit ang metal, tila nag-blush ang droid. “Unhygienic ‘yang ginagawa mo Cierra.”   Tumawa siyang kumalas. “Ligo na muna ako.”   Tink snorted before going out.   Pumasok siya sa maliit na silid, naghubad at inilagay ito sa bin para awtomatikong malinisan ng machine. Inilugay niya ang buhok lalo na’t gusto niyang maging malinis din ito ngayon. Pinindot niya ang isang button sa pader at lumabas ang tatlong tila scanner sa bubong at sahig. Pumikit siyang nakinig sa humming sounds ng mga ito habang nililinisan siya. Iba pa rin talaga ang maligo sa tubig pero nasanay na rin siyang gamitin ‘to.   Lumabas siya ng matapos magbihis at nakitang nakahiga si Trisha sa kaniyang kama habang iniba nito ang settings sa screen sa ceiling niya.   “Huwag alien p**n, please!” singhal niya rito nang marinig ang mga kakaibang ungol sa kaniyang buong kwarto. Binibiro siya ng ganito ni Trisha paminsan-minsan.   “Ha! Para naman ‘di tayo maging ignorante sa mga parte ng katawan ng mga aliens. Dito tayo naka-survive sa iba’t-ibang ritwales, Cierra.” Nakangising humiga ito at tumingala sa ceiling upang panoorin ang dalawang Xra’ard na nagtatalik sa pamamagitan ng kanilang berdeng paa.   Umupo siya sa kama at tumingala. “Do you think kaya ng mga babaeng tao ang ganiyang klaseng s*x?”   Nagkibit-balikat ang kaibigan. “Mabuti naman at ‘di tayo napunta sa planetang ‘yan. Ayokong dilaan ang paa ng mga alien na ‘yan. Tingnan mo nga, mukhang semento na ang kalyo pero may lumalabas na - eww parang plema.”   Tumawa si Cierra. Anim na buwan pa lang si Trish sa Lady’s Bride Ship at naka-limang bisita na rin ito sa iba’t-ibang planeta. “Mind you, tatlong taon akong nakatira rito, Trish and I’ve seen some things na mas nakakadiri pa diyan during mating rituals.”   “Naka all the way ka ba?” Napukaw ang interes ng kausap.   “Hindi puwede ang s****l i*********e,” sagot niya. Pinag-isipan niya ang nangyari sa kaniya sa tatlong taong paglalakbay. “Pero hindi rin bawal ang gamitin ang mga kamay at minsan bibig.”   Namilog ang mga mata ni Trisha. “f*****g s**t! Akala ko nakakahindik na ‘yong nakipag-French kiss ako sa Taqreol. Limang dila, my god! 'Di ako mahinga sa laway nilang maalat!” "Wala naman kasing sinabing magpalitan kayo ng laway. Lips to lips lang naman ang nakasaad sa rules." Tawa niya. "Hindi ka kasi nakikinig sa orientation tungkol sa mga mating rituals sa pupuntahan nating planeta. And it's not all about s*x, ano ka ba kaya hindi effective 'yang panonood mo ng alien porn." "m**********g is alright than French kissing them," siwalat nito. Sa limang planetang napuntahan ni Trisha, ang French kiss lang ang pinaka-ultimate na nagawa nito. 'Yong iba'y tinitingnan lang sila ng mga prospect grooms at alam na ng mga ito na mated na sila sa mga females.    Kaya inalala niya sa memorya ang mga iba’t-ibang uri ng tentacles at ari na nahawakan niya. “It was not really that bad. Para akong humawak ng buntot ng aso o pusa o kaya nama’y ilong ng elepante. It was sort of testing kung compatible ba ang balat mo sa kanila.”   Trisha smirked. “Sa ari talaga nila?”   “Nakita ko nga sa iba na pinapakain talaga ang…” Pinigilan niya ang sarili kasi baka magtanong si Trisha kung bakit hindi siya umabot sa puntong ‘yon. It was because Leki and other employees, even Tink, protected her and gave tips to avoid such circumstances.   “Ang?”   “Ang ano ulit tanong mo?” Patay malisya siya habang nakatingin sa alien p**n. Oo, nakita talaga niyang minsan ‘di nakakapigil ang mga prospect grooms na lumabag sa mating rituals at inabuso ang ibang mga babae.  Minsan umabot pa talaga sa pinuno ng Alliance of Universal Preservation (AUP) ang mga pangyayari.   “Ewan ko sa’yo.” Tumawa ang kaibigan at inilipat ng channel ang pinanood. “Oy, royal wedding ng isang babaeng tao at isang Ugmuth. In fairness ha, gwapo ang lalaki kahit parang mukhang ahas. I wonder kung mangingitlog ang babaeng 'yan.”   Swerte ang ibang mga kababaihan at nakatagpo ng mga mabubuting asawa. Nabalitaan niya sa mga empleyado ng bride ship na successful ang marriages ng lahat ng mga babaeng nakapag-asawa – kasama na ‘yong mga naabuso sa mating rituals. Kaya number one ang kumpanya ng Lady’s Bride Ship sa pagtransport ng mga kababaihan sa iba’t-ibang planetary systems sa Ursa Vela Galaxy.   Except her.   Unlucky na nga siya sa Earth sa larangan ng pamilya at unlucky pa rin siya kahit nasa ibang kalawakan na siya.   “I heard na medyo backwards ang planetang Terra Du,” pahayag ni Trisha. “Isa raw sa mga orihinal na planetang pinuntahan ng mga settlers. Sayang naman kung ganon, nag-enjoy pa naman ako sa instant-lahat-buttons.”   Napatawa siya. Minsan nabisita nila ang isang planetary system na masyadong advanced kung ihahambing sa Earth at napanganga siya sa halos lahat ay instant – mapapasayo na lahat sa pamamagitan lang ng isang pindot ng switch mula pagkain, transportasyon at kahit s*x. Namangha at na-excite siya sa pero kinalauna’y nakakabagot kasi hindi na challenging.   “Duda ko mas advanced pa rin ‘yan sa Earth,” sagot niya.   Trisha rolled her eyes. “Sana may instant buttons.”   She ruffled the young woman’s short hair. “Sana makahanap ka ng partner na maibigay ang luho mo, Trish.”   Tiningnan siya ng babae. “Sana rin makahanap ka na ng mapapangasawa mo, Cie. Sana magkasama pa rin tayo ng planeta. Nakakalungkot kayang mag-adjsut mag-isa.”   True.   Kasama siya sa first batch ng prospect brides ng Lady’s Bride Ship pero siya na lang ang natira. Nangako  pa sila sa isa’t-isa na magkakaroon ng komunikasyon pero well... Walang kaibahan nung nasa Earth pa siya. Naranasan niyang mamatayan ng mahal sa buhay at naiwan siyang mag-isa. Nasasaktan pa rin siya kapag iniisip ang mga nawalang pamilya pero ito na ang bagong yugto sa buhay niya.   Terra Du. She did not want to get her hopes up but she was also scared that she would end up with no one and nothing. Her imaginations ran wild and her heart palpitated that she felt her throat tightened. She mentally cried, ‘Lord, tatanggapin ko lahat ng hamon basta huwag lang akong ibenta sa slave market.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD