“YOU’VE been crying for two hours, three minutes and fifteen seconds. It is not good for you, Cierra.” Gumulong si Tink palapit sa kaniyang kama. Humaba ang dalawang metal na kamay nito at tinapik ang kaniyang likod.
“Hindi ba ako kagandahan, Tink?” Tumingala siya at tiningnan ang droid. Inalala niya ang nangyari kanina sa mating ritual. “Why do I always get rejected?”
Umilaw ang ulo ni Tink. “According sa nakalap ko, pumasa ka sa beauty standards ng Earth.”
Parang kurtinang natabunan ang mukha niya ng kaniyang buhok nang yumuko siya at humagulgol. “I’m already thirty five years old!”
“Thirty five in human standards,” paalala ng droid. “That is insignificant sa karamihang galaxies.”
“I was married at twenty and was widowed at twenty five.” Even after two hours of intense crying, she was surprised that she could still produce tears. “My parents died when I was seventeen. My brother was dead when I was thirty two. It f*****g hurts to be alone, Tink. I honestly would want to get married and have kids. Pero ngayon? Sa slave market na ako pupunta. Simple lang naman ang ambisyon ko pero ba’t tila mailap?”
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Leki. “Cierra, you’re still crying.”
Hindi sumagot si Cierra at nakayuko pa rin.
Lumiwanag ang kulay asul na balat ni Leki at gumalaw-galaw ang tentacles sa kaniyang ulo. “Bukas pa ng umaga aalis ang Lady’s Bride Ship. Hindi pa kasi kumpleto ang payments at may ipapadala pang mga regalo ang royal family sa successf – ahem ahem – transactions ng kumpanya at ng Terra Du. We are all going to explore the Northern Lands stations. Gusto mo bang sumama?”
Namumulang mata na tumingala siya. “M-may I?
Nag-iba ang kulay sa mga tentacles ni Leki bago tumango. “Magbihis ka na at lalabas tayo.”
Masakit man sa puso ni Cierra ang nangyari pero susubukan niya pa ring magpakatatag. As what she did when she was still at Earth. Habang nagbibihis siya, iniisip niyang takot siyang mapag-isa noon nung namatay ang asawa at mga magulang niya. Kaya she really tried her best to be a good citizen dahil ayaw niyang mawala ang kaniyang kaisa-isang kapatid but he still went away. Parang kinuha ang kalahati ng kaniyang puso at tinadyakan ito ng napakaraming beses. Pero ngayong alam niyang sa slave market ang bagsak niya? Pakiramdam niyang tila sinugatan ang puso niya ng sampung libong beses gamit ang mapurol na kutsilyo.
“You’re always brave, Cierra.” Nakangiti si Leki sa kaniya habang hinawakan nito ang kaniyang kamay palabas ng ship. “I would have married you if I were capable.”
Her heart softened by his words. Leki was a kind man. Actually, mababait naman talaga mga empleyado ng Lady’s Bride Ship. They even sent gifts hours ago to console her. And now, they’re still giving her kind glances and she knew that they were also pained by what happened to her in the mating ritual and what would happen to her in the slave market.
Umiling siya. “Hindi ako matapang, Leki.”
“You are,” he simply stated.
Pumasok sila sa bus na sinakyan ng mga prospect brides kanina at tahimik lang si Cierra habang nakikinig sa mga pag-uusap ng mga empleyado. Nakarating sila sa isang lokasyon na kung saan maraming stalls at gusali. Kung ikukumpara ‘to sa Earth, mukhang night market ang aura ng lugar.
“They’re f*****g giants,” Margolo, one of the employees hissed. He was from an Ulu specie that was why he was around four feet seven and looked like an Earth monkey with an elephant nose. “Hindi ba tayo matatapakan ng mga ‘to?”
“Stay close, guys,” Leki announced as they walked along the streets of the night market. “Huwag niyong aksayahin mga space credits niyo sa walang kabuluhang-bagay.”
Namangha si Cierra sa nakita. The vibes felt so much like Earth night markets but vastly different also. Muntik na rin siyang mapatili ng “Santilmo!” nang makita ang apoy na tila sumusunod sa kanila. Gusto sana niyang huminto at tingnan ang isang stall na nagbebenta ng diyamanteng sinlaki ng kaniyang ulo pero hinila siya ni Leki papasok sa isang bar.
Ilang bars na rin ang napuntahan ni Cierra kasama ang mga empleyado ng Lady’s Bride Ship sa iba’t-ibang planeta. Pero ‘di pa rin niya mapigilan ang mamangha sa laki at espasyo ng lugar. Pakiramdam niya para silang mga langgam sa loob ng bahay ng tao.
“Oh, visitors!” excited na bati sa kanila ng medyo may katandaang babaeng Fidrag. “I’m Breva, your hostess for tonight. Come, come, come!”
Tumahimik ang buong bar at lumingon sa kanila. May mga pagkakataong ganito talaga ang resepsyon ng mga citizen ng host planet kapag hindi masyadong nakakakita ng foreigners pero hindi parin maiiwasang kabahan si Cierra.
“Oh, I remember you are that last human female.” Umimbayog ang mga gintong hikaw sa sungay nito nang tumango si Breva sa kaniya nang nakaupo na sila sa isang malaking pwesto.
Uminit ang mga pisngi ni Cierra.
May pinindot ito sa mesa at lumabas ang hologram ng mga menus. “Itong Jaorban Fire with Vulcan Rice ang best seller namin. Dahil sa mga prospect brides kaya naghanda rin kami para sa human palette according sa Earth records kaya feel free to order.”
Naibsan ang pangungulila ni Cierra nang matikman ang mga lutong pagkain na parang galing talaga sa Earth. Nakita niya ring nasa mood ang mga kasamahan kasi may mga menus na galing din sa iba’t-ibang galaxies at sa mga home planets ng mga ito.
“Hindi pala ganon ka backward planet na ‘to,” bulong ni Ohoid habang ngumunguya at nangingislap ang apat na mga nito.
May lumapit kay Leki at bumulong. Tiningnan sila nito bago tumayo at umalis. Maya’t maya’y bumalik ito at walang prenong sinabing, “Cierra, I have good news for you. May bumili sa’yo.”
Napahinto silang lahat sa mesa at napatingin sa Scragulea specie. Dumilaw ang mga tentacles nito, hudyat na masaya talaga ito sa balita.
“As a bride?” tanong naman ng kasamahan niyang si Qax.
Tila sumasayaw ang mga tentacles ni Leki habang umiling ito. “Nope. Rejected siya sa mating ritual kaya hindi siya magiging bride. Binili siya as a personal maid.”
“Ohwww...” Tila naintindihan ng mga kasamahan ang ibig-sabihin ng sinabi ni Leki.
Pero nagtataka si Cierra kaya napatanong siya, “You mean to say, aatupagin ko lahat ng kaniyang pangangailangan pati na ang sekswal?”
Tumango si Leki.
“Pero ‘diba s*x slave din ako niyan?”
Tumikhim ang kausap. “Cierra, at least hindi ka sa slave market maibebenta.”
Gumalaw ang pakpak ni Qax sa mga braso nito. “At least magiging kampante kami na andito ka, Cierra. Makakasama mo rin ang ibang mga human females.”
“Plus at least alam mong isa lang ang gagamit sa’yo.” Halos lumapad ang tuka ni Strids. “Sa pagkakaalam ko, possessive ‘tong mga Fidrag. Unlike if magiging breeder ka sa slave market.”
Napatukod si Cierra sa mesa at napayuko. Tinimbang niya ang mga posibilidad. Tama sila, wala siyang ibang choice. Mas okay na rin sigurong makipag-s*x siya sa isang alien kumpara sa iba’t-ibang klase ng uri sa galaxies. She smirked. Iniwasan niyang maging babae ni Mang Ben o pumasok sa prostitusyon kahit naghihingalo ang kaniyang kapatid sa hospital. Pero ngayon, magiging babae pala siya ng isang alieng hindi man lang niya nakita.
“Kailan niya ako kukunin?” mahinang tanong niya.
Leki snorted. “Andiyan na ang service niya sa labas. Hinintay lang ang sagot mo.”
Napalunok siya. “Ngayon na?”
“May mga importanteng gamit ka ba sa Lady’s Bride Ship?”
Umiling siya. “I just didn’t realize na ora mismo.”
Tinapik siya ni Leki. “Don’t worry, we’ll be back in six months’ time. Masaya ang mga Fidragsa naging resulta ng mating ritual ngayong gabi kaya sa umorder na naman sila ng mga prospect brides.”
Maluha-luha ang kaniyang pamamaalam sa mga ito bago siya hinatid ni Leki sa isang maliit na shuttle. May kinuha itong isang maliit na instrumento at itinutok sa likod ng kaniyang tenga. “Tinanggal ko na ang tracker mo. I hope you can still find happiness in spite of the setbacks, Cierra.”
Kagat-labi siyang tumango at walang lingon-lingong pumasok sa shuttle. Walang ibang laman ang shuttle pero awtomatiko itong sumara nang maramdamang nakaupo na siya. Dahil siya lang ang mag-isa kaya hindi na niya pinigilan ang mga luhang dumaloy.
Thirty-nine human females were with their husbands tonight. And she, the fortieth candidate, would be with her master. And the truth bored a hole in her broken heart as she watched the shuttle went inside a tunnel.
Huminto ang kaniyang sinasakyan sa harap ng isang malaking metal na pinto. Bumukas ito at lumabas si Cierra habang nakatingala sa mataas na pintuan. Lumingon siya pero siya lang ang nasa paligid kaya wala siyang matanungan kung ano ang susunod na gagawin. Humakbang siya at dahan-dahang kumatok. May apat na scanners na lumabas sa gilid nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. May umilaw at mga letrang tumakbo sa kaniyang harapan pero hindi niya mabasa.
“Wala pa po akong implant para sa writing system ng mga Fidrag,” pahayag niya.
“Pakilagay ng dalawang kamay sa pinto para ma-record namin ang handprints mo,” anunsyo ng isang mababang boses.
Ginawa niya ‘to at bumukas ang pinto ilang segundo ang lumipas.
May lumabas na Fidrag mula sa isang silid. Itim ang suot niton mula ulo hanggang paa at tila gawa sa leather. Nakasapatos din ito pero napansin ni Cierra na may takong ang suot nito na siyang nakadagdag ng limang pulgada sa tangkad nito. Kulay itim ang buhok ng lalaki na may dalawang malalaking sungay na tila kasing lapad ng hita niya at may apat na malalaking hikaw na nakasabit.
“Hi, ako si Evox.” Iwinagayway nito ang hawak na datapad. “Mabuti at nakarating ka. Hinahanap ka na ng mahal na prinsipe kanina pa. Susunduin na sana kita sa bar pero tumawag si Leki at sinabing papunta ka na rito.”
“Prinsipe?” tanging tanong niya sa sinabi nito.
“Hindi sinabi ni Leki sa’yo na binili ka ng mahal na prinsipeng Loged Kr’Fura?”
Umiling siya.
“Halika, puntahan muna natin ang med bay para sa physical check-up mo.”
Sumunod siya sa lalaki papasok sa isang magarang silid. “Wow, akala ko backward planet kayo,” sambit niya nang makita ang facilities sa loob na nakikita niya noon sa mga advanced planets.
May tumawa at napalingon siya sa isang Frigad na dumungaw mula sa isang cubicle. “Maraming nag-aakala niyan. Hello, I’m the royal doctor, Oron. Upo ka muna rito.” Itinuro nito ang isang malaking silya.
Tumango siya. “Cierra.”
“Na-scan ka na kanina at okay naman ang resulta. Adjusted na rin pala ang katawan mo para Fidrag specie so wala na akong gagalawing iba maliban sa i-uupdate lang natin ang implant mo for languages.” May itinusok ito sa loob ng kaniyang tenga. “Don’t worry, painless ‘to. May tanong kaba tungkol sa’min?”
Tiningnan niya ang color gray na balat na lumalabas sa puting damit nito. “Doc, may possibility bang mabuntis ako kung makikipag-s*x ako sa isang Fidrag?”
Bumuntong-hininga si Oron. “Magiging prangka ako sa’yo, Cierra. Kailangan ng mga babaeng Fidrag ang hormones ng kanilang mga mates para maka-survive sa pregnancy. I think you will not survive if you’re going to get pregnant without a mate.”
Alam ni Cierra na imposibleng magkaanak siya sa estadong ‘to pero masakit din pala kung may ibang nilalang ang sumagot sa kinatatakutan niya She wanted to have a family of her own. And this situation really hit her heart so bad. But she was going to take this situation head on. She had little or no choice at all.
“C-can I have contraceptives then?”
Kuminang ang dulo ng sungay nitong natabunan ng pilak. “Fidrags did not think about contraceptives kasi importante kasi ang paramihan ng lahi especially after the virus wiped off the entire female kids and women who were childbearing age. Pero I got information from the Southern Lands about some plants that can serve as contraceptives.” Kumuha ito ng isang bote at ibinigay sa kaniya. “Hindi ko alam kung tatalab ba talaga ‘yan sa hindi Haf’a pero subukan lang natin, okay? One pill every three days.”
“Okay,” halos pabulong na sagot niya.
“Well, that’s good. And welcome to Terra Du.” Oron gave her a winsome smile before ushering her out the med bay.
Sinalubong siya ni Evox. “Okay ba ang lahat?”
Tumango siya, mahigpit na hinawakan ang bote ng contraceptives.
Pumasok sila sa isang elevator. “Pupunta na tayo sa wing ng mahal na prinsipe. Though may bahay din naman siya sa ibang sektor ng Northern Lands, pero sa east wing ang tirahan niya kapag andito siya sa capital.”
Tahimik lang siyang nakikinig sa matabil na Evox.
“Don’t worry, mabait na amo ang mahal na prinsipe. Tingnan mo na lang ako.” Inilahad nito ang mga palad mula ulo hanggang paa. “Sinong mag-aakalang magiging assistant niya ako. Okay ang sweldo, hindi ako overwork. Mayroon akong day off at may sick, vacation at emergency leaves pa.”
Noong nasa sa Earth pa siya, naririnig lang niya ang tinatawag na vacation leave. Six days a week siyang nagtatrabaho, no work and no pay at walang ibang benefits lalo na’t nasa mahirap siya na probinsya nakatira. Kailangang dumoble ang pagkayod para mabuhay.
May pinindot si Evox at may scanners na lumabas sa sahig at dingding. “Let’s get you cleaned up.”
Nahindik siya. “Huhubaran niyo ako?”
Tumawa ang lalaki. “You humans are too cute. Nabasa ko sa kultura niyo, naliligo kayo gamit ang tubig at naghuhubad ng mga damit, right? Well, ginagawa rin naman niyan ng mga Fidrag pero hindi na masyado. May scanners na kami for maintaining our cleanliness. And so exciting na kahit dito sa elevator, magiging malinis ka na, right?”
Namilog na talaga ang mga mata niya. Kahit sa Lady’s Bride Ship, nakahubad pa rin siya kapag nililinisan ng mga scanners. Hindi rin niya naranasan ‘to sa ibang mga advanced planets na napuntahan. “You’re not a backward planet after all.”
Yumugyog ang mga balikat nito. “May difference sa pagiging backward gaya ng Earth at sa pagiging simple lang ng mga Fidrag. We are updated with technology and we even have our own that could rival other adavanced planets. Pero mas nainis naming mamuhay na hindi naka-depende sa mga high tech gadgets. Mas maganda pa rin ang challenging na pamumuhay. And we Fidrags need to be in touched with our essences for survival.”
Tumango lang siya.
Pinindot ni Evox ang isang button at nawala ang mga scanners eksaktong pagdating nila sa west wing. Lumabas sila elevator at nakaharap nila ang malaking pinto. Kumatok si Evox at bumulong kay Cierra, “Pumasok ka na sa kwarto ng mahal na prinsipe.” Bumukas ang pinto at marahan siyang itinulak ng lalaki sa loob bago nito isara ang pinto.
Malaki ang silid – mas malaki pa sa bahay niya sa Earth – at gawa sa kakaibang metal na tingin niya’y hindi existing sa periodic table ng kaniyang kinalakihang mundo. May mga iba’t-ibang gamit na hindi niya rin mapangalanan sapagkat ngayon lang niya nakita ang mga ito. Humakbang pa siya at lumingon-lingon hanggang sa nakita niya ang napakalaking kama.
Parang jelly-ace na talaga ang mga tuhod niya nang mapagtantong may lalaking nakahubo’t hubad na nakasandal sa headboard at umiinom mula sa isang gintong kopa.
Tumingin ito sa kaniya. “Hello, human.”