Chapter 7 INABOT KAMI NG APAT NA ORAS bago mapalabas sa bodega at ganoon din ang pagkakaroon ng ilaw sa buong building. Bakit ba sa dinami-dami ng oras na pwede mawalan ng kuryente ay tanghaling tapat pa? Buti na lang ay mabilis naibalik ang kuryente at hindi kami inabot ng gabi dahil tiyak na mananagot ako kay Zeus. Ngayong sinabi niya sa akin ang totoong nararamdaman niya ay mas naging bukas ito sa pagsabi sa akin na mag-ingat daw lahat ng mga lalaking napapalapit sa akin dahil paniguradong hindi lang suntok ang aabutin nila. Napailing na lamang ako at medyo kinabahan din lalo pa at nangyari ang bagay na katulad nito. Sana lang ay hindi ito makaabot sa magaling kong asawa dahil mananagot talaga ako kapag nangyari iyon. Walang masyadong nangyari noong nasa bodega kami pareho ni Gio. Pa