Chapter 8 “CAN WE TALK?” tanong niya sa akin. Tinignan ko ang buong kabuoan niya. Nakasandal siya sa pintuan ng classroom namin habang nakatitig sa akin. Hindi rin nakaligtaan ng aking mata ang maliit na ngisi na naglalaro sa kanyang labi. Alam kong kakausapin niya ako pagkatapos ng gulo namin ni Zeus. Maraming pagbabago ang nangyari sa relasyon namin ni Zeus, at hindi ko inakala na aabot kami sa ganito. Sigurado akong inabangan niya na walang tao sa classroom bukod sa akin upang makausap niya ako ng masinsinan. Kung may makakarinig man sa mga pinagsasabi niya ngayon ay sigurado akong masisira ang inaalagaan niyang image sa mga estudyante rito sa campus. Hindi ako sumagot. "It's about Zeus,” dagdag niya pa. Naningkit ang mga mata ko. An evil smile plastered on her face. Ayoko marini