Chapter 6 AYOKO PUMASOK. Iyon agad ang unang pumasok sa aking utak nang sumapit ang umaga ng lunes. Hindi pa rin bumabalik si Zeus mula noong gabing ‘yon. Nakailang tanong na sa akin si Manang Lourdes kung ano ang nangyari pero tanging iling ang isinasagot ko sa kanya. Ayaw ko magkuwento dahil masama pa rin ang loob ko. Hindi ko mapigilan na manghinayang at madismaya sa nangyari sa amin noong sabado. Alam kong mas dapat niya unahin ang trabaho kesa sa akin at pumayag ako kahit na alam kong nagdadalawang-isip siya pero nandoon pa rin ang sobra-sobrang pagkadismaya. "Trina!" Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung kanino ang boses na 'yon. Ilang beses na rin ako napapaisip kung paano ko siya kakamustahin sa mga sugat na natamo niya noong huling beses kaming nagkita o mas pipiliin