Chapter 9 SA PAG-UWI KO, may nadatnan akong lalaki na nakatayo sa harap ng gate at tila may hinihintay. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil alam kong siya iyon. Hindi niya kinakailangan na humarap sa akin para mamukhaan ko siya dahil kahit simpleng galaw lang niya ay kilalang-kilala ko na ito agad. Hindi na ako naghintay ng ilang minuto pa at nagmadali na lamang tumakbo papalapit sa kanya at yinakap siya. Yinakap niya rin ako pabalik at saka inangat ang aking mukha para mas matignan niya ako ng maayos. "Kanina ka lang umuwi?" "Kaninang alas-dos ng umaga." "What? Bakit hindi kita nakita kanina?” “I stayed on hotel dahil may meeting kami kanina.” Meeting? Bakit naman ata parang grabe iyong meeting na ‘yon at sunod-sunod? Kakauwi lang nila tapos meeting agad ang bubungad sa ka