Chapter 10 MAAGA AKONG PUMASOK SA CAMPUS kahit na alas-diyes pa naman ng umaga ang pasok ko. Hindi ko naabutan si Zeus kanina sa bahay dahil maaga raw itong umalis sa bahay. Hindi ko na nakuhang magtanong pa kay Manang Lourdes kung ano ang mayroon at umalis si Zeus ng maaga. Kung ano man iyon ay nagkakaroon ako ng hindi magandang kutob, kasi sino ba naman ang maniniwala sa dahilan na ganoon kung ala-singco ito umalis? At saka, nagtext ako sa secretary niya kanina pero wala pa raw ito roon sa office. Hindi pa raw ito dumadating. Si Zeus. He's lying. Ayoko mag-isip ng masama sa pagsisinungaling pero ayoko naman na nililihiman ako. Kasi bakit kailangan maglihim sa taong mahal mo? Dahil ayaw mo siya masaktan? Ano ang pagkakaiba no'n sa pagsabi ng totoo at hindi? Huminga ako ng malalim, ayo