After Four years… KAKABABA KO LANG NG EROPLANO. Wala pa rin ipinagbago ang Metropolis pagkatapos ng apat na taon na pagkawala ko. Gano'n na gano'n pa rin. Mausok pa rin, ang pinagkaiba lang sa noon at ngayon ay mas lalong dumami ang mga buildings dito. Lumabas ako sa airport at naghintay nang taxi na masasakyan. Nang may pumara sa tapat ko ay agad akong sumakay kasama ng mga bagahe ko. "Sa Heir's Condominium." I removed my shades and closed my eyes. Nakakapagod bumyahe lalo na kung alam mo na dalawang eroplano ang sasakyan mo bago ka makarating ng Metropolis. I never expect that this ride is going to be long. Mas madali talaga ang papunta kesa sa pabalik. Gusto ko pa sana manatili kasama ni Kuya Franco at ni daddy but Kuya Franco forced me to go home early. Hindi ko alam kung bakit