Chapter 1

1770 Words
Chapter 1 “TRINA.” Napatingin ako sa aking likuran at saka tinapunan nang tingin ang tumawag sa akin. He's now wearing the office attire that I’ve prepared for him. Sigurado ako na pagkakaguluhan na naman siya sa opisina niya. Inilapag ko ang pagkain sa lamesa. Kakatapos ko lang magluto nang breakfast dahil namalengke si Manang Lourdes kanina at hanggang ngayon ay wala pa. Hindi pa ako nagsusuot nang aking uniporme dahil kampante ako na hindi ako malilate dahil ala-siete pa lang naman ng umaga. "Anong oras ang pasok mo?" "Alas-diyes," maikling sagot ko. Maya-maya pa ay tumingin ako sa kanya. Sumandok siya sa rice cooker at saka kumuha nang ulam na hinanda ko sa lamesa. Umupo ako sa kanyang harapan at saka siya tinawag. "Zeus." Nilingon niya ako at tinignan nang diretso na tila naghihintay ng susunod kong sasabihin sa kanya. "Gagabihin ako ng uwi mamaya." Agad niya akong tinaasan ng kilay kagaya ng inaasahan ko. Dahan-dahan akong napakagat sa aking labi dahil sumeryoso na naman ang mukha nito sa akin. "Bakit?" balik na tanong niya. "Sasama ako kela Roma mamaya," pagdadahilan ko. "Saan?" Is he really a business man or a police? Tsk. "Manonood ng gig ni Gio,” nakangiti ko pang sabi sa kanya. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin na may kasamang pang-iirap. Nakaigting na naman ang kanyang panga bago sabihin ang salitang paulit-ulit ko naririnig sa kanya kapag ayaw niya ako payagan. "No." "Zeus naman!" I whined. "I said No. Baka lang nakakalimutan mo, Christina Dela Vega Marquez, may asawa ka na," mariin niyang sabi sa akin. Tumingin ako nang hindi makapaniwala sa kanya habang nakaawang ang labi. Talagang diniinan pa niya ang salitang asawa! Tsk! Parang hindi ko naman alam yon? Dala-dala ko ang apelyido niya dahil iyon ang gusto niyang kapalit sa hiling ni daddy. "Pero gig lang naman 'yon nila Gio!" mariing giit ko. Bakit ba kasi ayaw niya ako payagan? It’s not like I'm gonna hurt myself or put my life in danger. And I just turned 18, two weeks ago! "I said no and that's final," mariing wika niya. Umalis na siya sa harapan ko pagkatapos ulit nang parehong sagot niya sa akin. Napapadyak na lang tuloy ako sa inis. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi niya ako pinapayagan! Crush na crush ko kaya si Gio! Hayaan mo na nga! Gagawa na lang ako ng paraan. "Trina," mahinang tawag ulit nang mokong sa akin kaya napapoker face na lang ako. Talagang bumalik pa siya matapos niya ako inisin? Naiinis akong tumingin sa kanya habang nakasimangot. "What?" He raised his one eyebrow na parang nagtataka kung bakit ganoon pa ang inasta ko pero sa huli ay ngumisi siya. "I know what you are thinking.” Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko gets ang sinasabi niya. "Kaya huwag mo na subukan ang iniisip mo. Hindi ka aatend nang gig ni Gio and that's final. Understand?" mariing sabi niya na ikinanlaki nang aking mata at ikinainis ko lalo. So he's now a fvcking mind reader? Tsk! "Ewan!" naiinis kong sigaw na naging dahilan para tumawa siya. Gustong-gusto niya talaga akong naiinis, ano? Si Zeus Marquez na kausap ko kanina ay walang iba kundi ang asawa ko. Arranged marriage? Yes. Typical arrangement. We got married because of the arranged marriage that was prepared by my father. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ni daddy para gawin ‘yon. Ang alam ko lang ay para raw iyon sa kabutihan ko na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan banda ako napabuti sa pagpapakasal sa kanya. Si daddy ay nasa ibang bansa na ngayon at doon nagtatrabaho. He's handling our other business na pinaghirapan nila mommy itayo, ang iba naman ay binigay niya sa kapatid kong si Kuya Franco at iyong iba ay kay Zeus niya ipinahawak noong kinasal na kami. Meron din naman akong mamanahin pero saka ko na makukuha kapag nakagraduate na ako.   Kuya Franco is with our dad, with his wife of course. May katandaan na rin kasi si daddy at kailangan na rin alagaan. We usually had our talks on face time kaya kahit paano ay nakakamusta ko si daddy. Kung pupwede nga lang na ako na lang ang mag-alaga sa kanya ay pupunta talaga ako sa ibang bansa para sa kanya, pero ang kabilin-bilinan niya ay hayaan ko na si Kuya Franco ang mag-alaga sa kanya. Our mom died when I was still a child. Malabo sa memorya ko ang mukha ni mommy pero may picture niya ako na nakalagay sa wallet ko na palagi ko rin dala. Kung tatanungin niyo kung nagkakasundo ba kami ni Zeus? Actually hindi.  Hindi talaga dahil lahat na lang nang desisyon ko, tutol siya. Hindi ko nga alam kung may galit ba siya sa akin o wala eh! Samantalang kapag desisyon niya, hindi ako tumututol dahil gustuhin ko man tumutol, tinititigan niya ako nang masama kaya wala rin! Katulad nga nang sinabi ko, Zeus is a business man. He’s the CEO of ZM Port and Shipping Lines. He’s also one of the famous handsome bachelor in whole Metropolis pero agad din nawala ang titulo niyang ‘yon dahil nagpakasal siya sa akin. Laman din siya nang iba’t ibang magazine at nakakainis man sabihin ito pero totoo na sa tuwing siya ang iniinterview para ilagay o icover sa magazine ay sold-out palagi ‘yon. He’s famous on using his charms against people. Maraming nagsasabi na sobrang lakas ng appeal niya lalo na sa personal samantalang ako ay hindi ko makita ‘yon. Napatigil ako sa pag-iisip ng kulbitin ulit ako ni Zeus. I really wanted to punch his face right now. Tinitigan niya lang ako na tila binabasa ang nasa aking isipan. Pinisil niya ng pagkariin-riin ang pisngi ko nang walang pakundangan. Babatukan ko sana siya pero nahawakan niya agad ng mabilis ang magkabila kong kamay. Ngumisi siya kaya agad akong kinabahan. Ayoko pa naman na ganito siya kalapit sa akin, pakiramdam ko kakawala ang puso ko sa katawan ko nang wala sa oras na hindi nalalaman ang totoong dahilan. Nanlaki ang aking mata sa ginawa niyang paglapit lalo nang kanyang mukha sa akin! Gusto ko magsalita pero alam kong magkakandautal ako at aasarin niya na naman ako! Kaya imbes na magsalita ay hindi ko na sinubukan at mas piniling manahimik na lamang kahit na parang kakapusin na ako ng hininga sa kanyang ginagawa. "You're blushing." Lalong nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Mabilis akong umiling at pinalo nang bahagya ang kanyang braso. "T-Tse! T-Tumigil ka nga!" malakas na tanggi ko kahit na ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Sana lang ay hindi niya mahalata na ang bilis bilis nang t***k ng puso ko sa kanya. Mas lalo akong nataranta nang yakapin niya ako at hinalikan sa may noo, "Bye wife." Muli akong napahawak sa may noo ko at natulala habang nararamdaman ang walang humpay na pagtibok nang aking puso. Nanatili sa ganoong estado ang puso ko kahit na nakaalis na si Zeus kanina pa. Ang weird talaga noong Zeus na ‘yon! Ang sweet niya ngayon kaya hula ko magsusungit na 'yon mamaya! Tss! "Trina! Anong ginagawa mo riyan? Bakit ka tulala at namumula?" kuryosong tanong ni Manang Lourdes. Hindi naman ako makatingin sa kanya nang diresto na ngayo’y kakauwi lang galing sa pamamalengke. Umiling na lang ako nang mabilis sa kanya at tinulungan siya sa pagbuhat ng pinamili. Damn that guy.   “OKAY KA LANG BA, TRINA?” tanong ni Roma. My one and only bestfriend. Tahimik akong tumango. Ayoko sabihin sa kanya ang nangyari kanina dahil magsasabi lamang siya ng mga weirdong bagay katulad ng may gusto raw sa akin si Zeus. Paano naman magkakagusto sa akin ang lalaking ‘yon, eh may gusto pa ‘yon kay Elise na ex niya. "Makakapunta ka?" Nalukot na naman ang mukha ko ng maalala ko na hindi pala ako makakapunta sa gig ni Gio mamaya a Venus. Bwiset talaga ang lalakeng 'yon. Tsk! "Hindi eh." Bumaba ang aking balikat habang may kasamang pag-iling. Baka kasi ito na ang huling beses na maririnig ko ang boses niya na kumakanta. Balita ko kasi ay magsisimula na siya mag-training sa kumpanya ng pamilya niya dahil siya ang inaasahang hahawak nang kumpanya pagkatapos niya grumaduate ngayong taon. Nakakalungkot na baka nga ito na ang huli tapos hindi pa ako makakapunta dahil sa mokong na ‘yon. "Sayang," nanghihinayang na sabi niya. Maya-maya ay tumingin ulit siya sa akin. And the moment I saw her smile, alam ko na ang sasabihin niya. "Takas you want?" Umiling ako. "Hindi ako makakatakas. Alam mo naman ang lalaking 'yon!" naiinis kong sabi. Maraming connections ang lalakeng 'yon dito. Kahit nga alumni 'yon, alam ko na marami siyang mapapagtanungan. Isang pitik niya lang, alam ko na malalaman niya na agad kung saan ako pupunta. "Ako bahala, may naisip ako." Napangiti ako nang malawak at tumawa na lang ng mag-apir kami. Mabilis na natapos ang klase. Naging successful ang pagtakas namin kay Kuya Eddie dahil sa isang school gate kami dumaan ni Roma at doon pumara nang jeep na masasakyan. Agad kaming dumeretso sa mall para magpalit ng damit. Ala-sais naman ng hapon nang makarating kami sa Venus. The highest payable club in town na mahigit sa limang-daan na katao ang kaya i-accomodate. Maraming tao at malalakas na tugtugan ang sumalubong samin pagkapasok sa loob. Tama nga lang ang dating namin dahil hindi pa nagsisimula. Doon kami umupo sa dulo sa kanan para malapit kami sa kanya. Pagkaraan nang ilang minuto ay umakyat na siya sa stage. He’s wearing a black crew neck sweat and bleach pants. Hawak-hawak niya ang gitara niya na palagi kong nakikitang dala niya since first year college. Madaming naghihiyawan nang simulant niya mag-strum ng gitara. kaya nakisali na rin ako. "Gioo!" sigaw ko. Para namang huminto ang mundo ko dahil tumingin siya sa akin at nginitian ako. Mabilis na natapos ang gig kaya agaran akong tinulak ni Roma papuntang backstage dahil nandoon daw si Gio. Agad ko naman siyang nakita na nakangiti at nakikipag-usap sa manager niya. Bahagya niya akong nakita at pagkatapos ay ngumiti na agad nagdala ng milyong boltahe sa aking puso. "Trina." Kumaway ako nang bahagya at nahihiyang lumapit sa kanya. Shuks. Kalma lang heart. "Hindi ko inaasahan na pupunta ka,” mahinang sabi niya habang nagkakamot pa nang ulo at parang nahihiya pa. Nakita ko pa ang pamumula nang kanyang pisngi. Sht. Ang gwapo namang vocalista nito. Nag-uusap pa rin kaming dalawa ni Gio. Halos nga ipakilala na niya ako lahat sa mga tao na nandito sa Club mula sa staffs at maging sa mga kabandmates niya. Madalas pala na rito siya kumakanta dahil maraming tao at malaki ang bayad sa kanila at higit sa lahat, kilala niya ang may-ari ng Venus. Napatigil lamang kami sa masayang pag-uusap ng may humila nang aking kamay inilayo ako kay Gio. "Stay away from my wife or else I'll show you where you belong to." Paktay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD