Prologue

348 Words
Prologue “TRINA, KAMUSTA ANG BUSINESS MEETING?" tanong ni Kuya Franco. "Okay lang kuya," iritadong wika ko. That guy! Kahit na apat na taon na ang lumipas, hindi pa rin talaga siya nagbabago. Still selfish! Duwag pa rin siya sa loob ng apat na taon. Hindi niya pa rin ako mahanap. And I hate him! "Hindi mo naclose iyong deal?" Umigting ang panga ko. Makoclose ko naman na sana iyon kung hindi lang sinabi noong Marquez na 'yon na kinakailangang umuwi ako ng Metropolis para maclose ‘yon! "I'll close that deal no matter what happens,” pirming sagot ko kay kuya. "Need help? I could pull some strings." Umiling ako. Yes, kuya could pull some strings para maclose iyong deal. He’s a major investor at masasara agad ang deal na ‘yon without further questions but I didn’t want his help. Wala akong nakikitang dahilan para iwasan ang lalake na 'yon. Wala rin akong dahilan para mandaya. I want it to be on legal terms. Baka nga sila pa ang dapat umiwas dahil sa ginawa nila sa akin noon. "Hindi na Kuya, I can handle him." Kakayanin ko na makasama siya, maclose lang ang deal na 'yon. Wala naman na akong pakialam sa kanila. "Are you sure?" Tumango ulit ako. Umupo ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Nakakapagod ang business meeting na 'yon kahit na ang sekretarya niya lang naman ang kumausap sa akin dahil duwag pa rin siya. "Anong sabi ni Ms. Buenaventura about sa expansion ng Airlines?" Huminga ako ng malalim. "Ayaw nila pumayag. Gusto nila ako pauwiin ng Metropolis to close the deal that I want." Gusto niya ako pauwiin? Para ano? Para roon kami mismo magkaharap? Fine! As if aatras ako sa hamon niya! "As expected from him." Parang biglang nag-flashback lahat nang nangyari sa akin, apat na taon na ang nakakaraan. Mula sa mga nalaman ko hanggang dito. Lahat nang sakit na pilit kong kinalimutan para makapagsimula ulit ng bago. Para sa akin at para sa anak ko. "Trina…" Nilingon ko siya. Alam ko na roon pa lang sa titig niya ay alam ko na agad ang sasabihin nito sa akin. "Ready ka na ba umuwi sa Metropolis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD