Chapter 2
"BAKIT BA ANG KULIT MO?" Iyan agad ang bungad niya sa akin nang dalhin niya ako rito sa library sa bahay para mag-usap. Kakauwi lang namin galing Venus at iyan agad ang kauna-unahang salita na lumabas sa kanyang bibig.
He just pulled me away from Gio at dire-deretso niya na akong hinila papasok ng sasakyan na hindi nagsasalita. Nakaigting ang kanyang panga na parang kulang na lang ay papatay nang tao, idagdag pa na nakayukom ang kanyang palad kanina.
Nakatitig lang siya sa akin ngayon at nakakunot ang noo at nanatiling nakaigting ang kanyang panga habang hinihintay ang paliwanag ko. The dark expression stayed on his face. I can see that he's really mad. I just pushed him to his limit at sa totoo lang ay hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at paano sasabihin sa kanya na kaya ko lang nagawa 'yon ay dahil hindi niya ako pinagbigyan sa gusto ko.
"Answer me!" I almost flinched when I heard him shout. He's really mad.
"Sorry na," I said in defeat. Tumahimik siya saglit sa sinabi ko pero alam ko na hindi pa siya tapos dahil nakikita ko pa rin ang galit sa kanyang mata na halatang hindi gusto ang ginawa kong pagtakas kanina. Hindi ko alam kung saan ba siya nagagalit, sa pagtakas ko o sa ginawa kong pakikipag-usap kay Gio na nadatnan niya kanina but somehow, it makes me feel guilty dahil hindi ko ginawa ang gusto niya.
"Hindi ba sabi ko huwag kang pupunta? Ano ba sa salitang hindi pwede ang hindi mo maintdihan, Trina? Tumakas ka pa kay Kuya Eddie kanina!” Napapikit na lang ako dahil sumigaw ulit siya. Nakita niya 'yon kaya napapikit na lang ito nang mariin at inis na hinilamos ang kanyang mukha at ginulo ang buhok.
"Sorry na nga…"
"Tapos tignan mo nga ang iyong suot? Kung hindi pa ako dumating doon ay baka nabosohan ka na!"
"Hindi mamboboso si Gio. Ikaw kaya 'yon," bulong ko. Agad naman niya akong pinanliitan nang mata na ikinangiwi ko na lang. Ang talas talaga ng pandinig nito kahit kailan.
"Tss."
"Bakit mo ba ako sinusuway? Do you like him that much na kailangan mo suwayin ang sinabi mo? Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa’yo tapos malalaman ko na kasama ang lalakeng 'yon? Paano na lang ang sasabihin ng iba na makakakita sa inyo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Saan ba mapupunta ang usapan na 'to?
"Wait. I don't get you.” Lakas loob akong tumingin nang diretso sa blankong mata niya na nagpapahina palagi sa aking tuhod.
"Pinapalabas mo ba na malandi ako?" I asked without breaking our eye contact. Umiwas siya nang tingin at hindi sumagot kung kaya’t napatawa ako nang mapakla.
"Gusto mo malaman ang totoo? Yes. I like him. Ano naman ngayon? You like Elise pero nagreklamo ba ako?"
"You are my wife,” mariing sabi niya na lalong nagpatawa sa akin. Hindi nakaligtas sa aking mata ang pag-igting ng kanyang panga sa sinabi ko.
"So ano? Iyong apelyido ba ang problema rito? The status? Masisira ko ba ang pangalan mo kung didikit ako kay Gio? Is that it?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya, "Asawa lang kita sa papel, Zeus. Don't act like you owe me because you fvcking don't. Kung ang problema mo ay iyong iisipin nang iba tungkol sa akin sa pagsama ko sa iba, pwes ako pa mismo ang kukuha nang divorce papers para sa’yo," seryosong sabi ko sa kanya.
Ilang mahihinang mura ang narinig ko sa kanya bago ako padabog na pumunta sa pinto para buksan iyon at lumabas nang library pero mabilis nitong hinawakan ang kamay ko. Galit akong tumingin sa kanya bago hinawi ang kamay nitong nakakapit sa akin.
"Trina...” Umiling ako at muling hinawi ang kamay nitong pinanghawak na naman sa akin. Pumikit siya ng mariin at saka huminga ng malalim.
"Fine! I'm sorry, baby…I'm just protecting what's mine," seryosong sabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at muling nagsalita.
"Hindi nga ako sa’yo!"
"You're mine the moment you agreed to marry me, Trina." Sa pagsabi niya no’n ay bigla ko na lamang naalala ang lahat nang nangyari noong gabing 'yon.
"Remember, you're the one who proposed to me,” sabi niya sa nanunudyong boses na naging dahilan ng aking pag-irap. Nakakainis talaga siya! Kailangan pa talaga ipaalala sa'kin 'yon?
"Pero laseng ako no'n!" maagap na wika ko.
"Nagkunwari kang lasing." Mas lalong nanlaki ang mata ko. P-Paano niya nalaman ang bagay na 'yon? Wala akong pinagsabihan bukod kay Roma dahil siya ang nagplano no’n!
"H-Hoy! P-Paano mo nalaman 'yon?"
"I just knew." Nagkibit-balikat ang mokong at saka ngumiti sa akin. Umirap na naman ako. Pakiramdam ko ay pilit niya inalam ang bagay na ‘yon kay Roma. At itong si Roma lamang ang bumigay!
"Bahala ka nga sa buhay mo," naiinis na turan ko sa kanya. Umiling siya at mabilis naman akong yinakap na nagpatigil sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang umangal sa ginawa niya na 'yon.
"I don't know how to say this… But I really didn't like it when guys are talking to you lalo na kung si Gio na 'yon ang kakausap sa’yo." Hindi ako nagsalita. Selos naman agad ang una kong naisip na nagpakiliti sa aking puso. Sobrang pagpipigil ang aking ginawa, huwag lang niya makita ang aking pag-ngiti sa kanyang sinabi.
"I'm a guy, Trina. Alam ko kapag may gusto ang isang lalaki sa pag-aari ko,” seryosong paliwanag niya sa akin. Iniangat niya ang aking mukha. Nakikita ko na kalmado na siya at hindi na galit sa akin. Mukhang nakalimutan niya na rin ang nangyari sa club kanina.
"I'm a possessive guy, wife. I didn't want to share something that's so precious to me. So when I said that you are mine, you are literally mine.”
***
“WHAT’S WITH THE EYE BAGS?” tanong ni Roma sa nagtatakang wika. Umiling ako at nanatili lamang na tahimik. Ayoko sabihin na ang lalaking 'yon na naman ang laman nang utak ko buong gabi.
Kakatapos lang ng klase namin sa Journalism kaya agad kong iniligpit ang gamit ko. Hinintay ko si Roma na ligpitin ang gamit niya bago kami lumabas nang classroom. I didn’t really know why dad let me take the course that I want. Ang sabi niya kasi sa akin ay papatakbuhin ko rin iyong business na itinayo nila mommy pagkagraduate ko. I guess, daddy didn’t want to pressure me unlike kuya. Kung sabagay, sa oras na ginusto ko pag-aralan ang business, pwede naman akong mag-aral ulit.
Paglabas ko ay agad naman bumungad sa amin ang nakasuot ng black na basic jumper at bleach pants na tinernuhan ng kanyang magulong buhok na ngayon ay kasalukuyang pinagkakaguluhan nang mga babae rito sa Building namin.
"Hi baby." Umirap ako sa ginawa niyang pagtawag habang si Roma naman ay sinisiko pa ako at malapad ang ngiti. She probably thinking something on her head right now. Lalong nagkagulo ang mga babae sa hallway.
"Problema mong Zeus ka?" tanong ko sa kanya habang nakaarko ang isang kilay. Umiling naman siya at hinapit lang naman ang aking bewang papalapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? Wala kang trabaho?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"I'm just visiting my wife. Masama ba 'yon?" sagot niya sa tanong ko na ikinalundag na naman nang puso ko. Muli na naman niya akong tinitigan na para akong isang bagay na dapat suriin.
“Mukha ba akong may sakit para bisitahin ako?” pamimilosopong tanong ko sa kanya bago umirap. Dumeretso na lamang ako sa cafeteria para kumain. Kasama ko dapat si Roma pero bigla na lamang ito naglaho na parang bula sa hallway kanina noong nagkakagulo dahil sa lalaking nakasunod sa akin ngayon. Alumni rito si Zeus kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit siya nakakapasok sa campus kahit kailan niya gustuhin. Hindi rin naman siya nagtagal at umalis pagkatapos namin mananghalian. Inihatid niya rin pala muna ako sa classroom bago tuluyan umalis.
Ibinaba ko naman saglit ang bag ko at saka pumunta sa library para isaoli ang libro na hiniram ko noong nakaraan. Nalaman ko naman na wala pala iyong professor ko sa last subject ko sa isa kong klase kaya pupwede na raw umuwi. Tinext ko agad si Kuya Eddie na kung pupwede ay sunduin na niya ako dahil walang klase. Hindi kasi ako pinapayagan ni Zeus na magcommute dahil delikado raw. Pagkatapos ko isaoli ang libro ay bumalik na ako sa classroom para kunin ang bag kong naiwan nang makita ko naman si Gio sa hallway. Agad na kumabog ang puso ko nang ngitian niya ako at nakuhang lapitan. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na magagawa niya pa akong ngitian at lapitan pagkatapos ng ginawa ni Zeus. He probably thinks that Zeus is a crazy jerk. Kung ganoon man ang iniisip niya ay tiyak na sasang-ayon ako.
“Christina.”
“G-Gio…” Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya papatunguhan matapos ang ginawang gulo ni Zeus doon sa Venus.
“Did he go home already?” Tumango ako.
“Sorry nga pala sa nangyari sa Venus. Hindi ko alam na darating siya,” nahihiyang paliwanag ko. Tumango lang siya sa akin at binigyan ako ng matipid na ngiti. Kagaya ni Zeus at may pagkatangkad din si Gio, singkit din ang mata pero hindi bilugan katulad ng kay Zeus habang ang mga labi niya naman ay manipis at mapula.
“Shall we go home? Ihahatid na kita.” Hahawakan niya sana ang kamay ko nang may tumakip sa aking mata.
“Don’t touch my wife, Trinidad.” Mabilis kong inalis ang kamay nito sa mukha ko at humarap sa kanya. Itim ang mukha nito at parang galit dahil nakita niya na naman kaming magkasama.
“Ipapa-alala ko lang sa’yo. She's my wife so back off, asshole," maangas na sabi ni Zeus. Kailan pa siya nandyan? Hindi ba mamaya pa dapat ang balik niya? Ngumisi naman si Gio pero bago pa siya makapagsalita ay hinila ko na si Zeus palayo sa kanya para hindi na lumala ang away at baka magkagulo pa.
Noong una pa nga ay ayaw niya magpaawat dahil nakatitig pa rin siya kay Gio. Nagpapalitan sila nang masasamang tingin na para bang kapag hinayaan ko sila na magsama saglit ay magpapatayan na sila.
"Binabalaan kita, Trinidad. Subukan mo pa ulit hawakan o lapitan ang asawa ko, ipapakita ko sa’yo kung anong kalalagyan mo," seryosong sabi niya bago tuluyang magpahila sa akin. Nang makalayo na kami kay Gio ay mabilis akong iniharap ni Zeus sa kanya nang mapansin niya na nakatingin lamang ako sa kawalan. Magkasalubong na kilay at nakakunot na noo ang sumalubong sa akin nang tignan ko siya.
"Ba't ba ang dami kong kaagaw sa’yo? Tss.” naiinis na sabi niya sa akin sabay hawak sa aking kamay.
Eh ba't ang possessive?