Chapter 3

2906 Words
Chapter 3 “NO! I WON’T LET YOU!” naiinis na sabi niya sa akin. Nakakunot na ang noo niya ngayon habang magkasalubong ang mga kilay. "Zeus Marquez, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi naman maiiwasan na magkasama kami ni Gio. At isa pa estudyante rin siya sa IA. Anong gusto mong gawin ko?" Hindi ko na matandaan kung ilang oras na kami nagtatalo ng lalaking 'to dahil sa internship ko ngayong summer. Iyon na lang ang kailangan ko para makagraduate pero ang walanghiya, hindi makaintindi dahil makakasama ko raw si Gio sa Internship na 'yon kaya hindi niya ako payagan. Maghanap raw ako nang ibang kumpanya na papasukan. Nagpasa kasi ako ng resume sa isang kumpaniya kung saan naghahanap sila ng intern na Mass Communication ang course. Matagal-tagal ko rin itong pinag-isipan bago nagpasa ng resume. I can apply naman in our own company kung gugustuhin ko but I wanted to try a different environment.  I want to meet new people. Ayokong ikulong ang sarili ko sa iisang lugr lang at sala hindi ko naman alam na ang kumpanya na ‘yon ay pagmamay-ari nang step father ni Gio at doon din ito balak kumpletuhin ang internship. Nalaman 'yon ni Zeus nang may dumating sa akin na sulat galing sa Trinidad Group of Companies na pupwede na ako magsimula sa darating na lunes pero panira lang talaga itong si Zeus dahil nagsisimula na naman siyang topakin. "Kahit na! Hindi ako papayag! That's final!" naiinis pa rin na sabi niya. Hindi ko na naman mapigilan mainis dahil ano ba ang akala niyang gagawin ko roon? Yes. Gio is my first love pero hello? Grade ang pinag-uusapan dito at mas mahalaga iyon ngayon kesa ang makasama siya. "Nakakasama mo minsan si Elise sa trabaho, pero nagreklamo ba ako? That's unfair Zeus." Napangiti siya ng malapad. "Jealous?" Napairap na naman tuloy ako. Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking ‘to! Ako magseselos?  Do I like him? Of course not! Tapos kung makapagsabi na nagseselos ako, akala mo totoo eh!       "Huwag mo baliktarin ang sitwasyon nating dalawa dahil hindi ako kagaya mo! At saka ang kapal ng mukha mo na sabihin sa'kin na nagseselos ako!" mariing sigaw ko sa kanya. Totoo naman na talagang ang kapal ng mukha niya para isipin na nagseselos ako. Inirapan ko siyang muli at binato ng unan dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa. "You're too obvious." "I'm not!" Sagot ko na hindi nagpapatalo. "Umamin ka na kasi." "At bakit naman ako magseselos ha?" Humawak na ako sa aking beywang habang nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung saan siya kumukuha ng mga impormasyon na sinasabi niya ngayon sa akin. Ako? Magseselos? No Way! Lumawak ang ngiti niya. Iyong tipong pati mata niya ay naniningkit na dahil sa pagkakangiti nito ng malawak. "Because you're in love with me." Napatitig ako sa kanya ng diretso habang abala ang aking puso sa pagkabog nang mabilis. Ininda ko iyon at hindi pinansin. Mas pinagtuunan ko nang pansin ang kakapalan ng mukha niya at kung tama pa ba ako sa naririnig ko sa kanya. Ako? Inlove? Pinapatawa niya talaga ako eh! “Huwag ka ngang nagpapatawa. Ako? May gusto sa’yo?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Inangat niya ang aking mukha dahilan para lalong kumabog ang puso ko na wala na atang pag-asa na kumalma. Parang bulkan na ito ngayon na malapit na sumabog dahil sa pinaghalo-halong emosyon at kaba. "Bakit? Hindi ba totoo?" seryosong wika niya. Umawang ang labi ko sa pag-uulit na tanong niya sa akin. Bago pa niya ako mahalata ay lumayo na ako sa kanya at hinampas siya. Lihim kong pinakalma ang puso ko at saka muling tumingin sa kanya. Napalunok na lamang ako dahil nakatitig na pala siya sa akin bago pa man ako tumingin sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay nababasa niya ang mga nasa isip ko. “Syempre hindi!” gigil na sagot ko sa kanya. “Tingin mo ba talaga ay papahirapan ko ang sarili ko?” dire-diretsong tanong ko sa kanya. Hinahigh-blood talaga ako nitong lalaki na ‘to eh. Sa internship lang ang usapan namin kanina pero napunta na sa ganitong usapan.   “Bakit papahirapan? Dahil ba maraming babaeng nagkakagusto sa’kin?” tanong niya. Parang gusto ko tuloy kalmutin ang mukha niya para mabawasan ang kayabangan. Akala ba niya gwapo siya? Pwes, hindi no!  Kumunot ang aking noo at saka siya inirapan bago magsalita. “Napakakapal talaga ng mukha mo! Syempre unrequited love ‘yon! Bakit ko papahirapan ang sarili ko kung pwede naman akong mainlove sa taong may gusto sa akin?” Napatitig siya ng seryoso sa akin na para bang may mali na naman sa sinabi ko. Kita ko pa nga ang gulat sa kanyang mukha bago umiling sa akin. "Promise me to stay away from him." Nanlaki ang mata ko. He just gave me a small smile na nagpangiti sa akin ng tuluyan dahil sa wakas ay pinapayagan na niya ako magintern sa kumpanya ng step-father ni Gio.   “PINAYAGAN KA NI ZEUS NA MAGING INTERN DOON SA KUMPANYA NILA GIO?” tanong ni Roma. Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain ng meryenda. Tumango ako at saka kumagat sa sandwich na binili ko. Sa kasamaang palad ay hindi ko makakasama si Roma sa kumpanya nila Gio dahil bukod sa magkaiba kami ng course ay sa iba raw siyang kumpanya mag-aapply ng internship. Computer Engineering kasi ang course na kinuha niya pero magkaklase naman kami sa iilang minor subjects. Sa katunayan nga ay tanggap na ito sa internship na pinag-applayan niya at pupwede na raw magsimula next week. "Really huh?" "Ganyan na ganyan ang reaksyon ko noong pinayagan niya ako but I think he's okay now." "How about you? He's with Elise. Hindi ka man lang ba tumutol sa kanya?" Elise is the one and only heiress of De Guzman kaya hindi na ako magtataka kung pinapadala siya ng kanyang mga magulang sa mga business meeting, dahil kasyosyo na naman talaga namin ang pamilyang De Guzman bago pa si Zeus ang naghandle ng mga ibang properties lalo na ang kumpanya. Kilala sila bilang pagkakaroon nang hindi mabilang na properties sa Metropolis. Kung ang Dela Vega ay airlines, at ZM naman ay port and shipping lines, kilala naman ang De Guzman sa pagkakaroon ng housing real estate agency along the country. Tinignan ko si Roma at mabilis na umiling sa kanyang tanong "Bakit naman ako tututol sa kanya?" She raised her eyebrow. "Kasi nga asawa mo siya." Hindi ako nagkumento sa sinagot ni Roma sa akin. Hindi ko pa rin makuha ang point kung bakit kailangan ko tumutol sa kanila. Wala naman akong pakialam kung may relasyon pa sila hanggang ngayon. Si Zeus lang naman ang mahilig na umepal sa mga gusto kong gawin sa buhay. Lalo na sa pakikipag-usap sa mga classmates ko at sa mga naging kaibigan ko at kabilang na roon si Gio. Mabilis na natapos ang break namin. Pinauna ko na rin muna si Roma na bumalik sa classroom at hintayin na lamang ako roon dahil kinakailangan ko dumaan sa library saglit para magsaoli ng libro. Pagkabalik ko ng libro ay doon ako nagmadaling bumalik pero sa pagmamadali ko ay hindi ko sinasadyang makita si Zeus at Elise na nag-uusap sa quadrangle at tila seryoso ang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para makuhang magtago sa likod ng puno. I might be really stupid because eavesdropping isn’t my thing. At dahil narito na rin naman ako, papanoorin ko na lang sila nang palihim. Wala naman na talaga akong pakialam kung may relasyon pa sila dahil balak ko rin naman makipaghiwalay kay Zeus pagkatapos ng isang taon. Maya-maya pa ay nakita ko kung paano hinawakan ni Elise ang kamay ni Zeus. May sinabi si Zeus kay Elise na hindi ko narinig pero alam kong hindi ito pumayag dahil umiling ito bago yakapin. Parang may kumirot na kung ano sa aking puso. Ininda ko iyon at ipinagsawalang bahala ang bigat na nararamdaman na may kasamang pagtulo nang aking luha na mabilis ko rin pinunasan at malungkot na umiling. Mukhang nakuha ko na ang sagot na gumugulo sa isipan ko nitong mga nakaraang araw. Hinintay ko muna na makaalis silang dalawa bago ako tuluyan lumabas. Binilisan ko ang lakad ko at nagtungo muli sa library. Nakakatawang isipin na dahil lamang sa nakita ko ay bumigat na ang pakiramdam ko. There’s really something wrong with me, right? Kasi kung wala, hindi ako magkakaganito. I didn't even like him! Bakit kinakailangan ko malungkot sa nakita ko kanina? Huminga ako ng malalim at naghanap nang restroom saglit. Sumakto naman na nakita ko si Elise sa aking ginawang pagpasok na tila hinihintay ako. "Can we talk?" seryosong sabi niya habang nakakrus ang magkabilang braso at nakaarko ang isang kilay. Hindi na ako umangal sa kanya at hinarap siya. "Gusto mo ba si Zeus? I know you are married to him pero gusto mo ba siya?" maarteng tanong niya. Kinunotan ko siya ng noo at saka sinimangutan. Matapos ng mga nakita ko? Tingin niya ba ay magugustuhan ko pa ang lalaking ‘yon? I won't risk my heart to that fvcker. "Are you threatened?" pabalik kong tanong sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang aking sagot dahil nakikita ko iyon sa mukha niya pero ayaw niya lang aminin. Kilala si Elise sa pagiging kalmado at tahimik sa isang tabi pero minsan ay parang hindi kapani-paniwala iyon. I can feel the daggers look that she’s been throwing at me since that day. Ayoko lamang magsalita dahil tiyak na walang kakampi sa akin maliban kay Roma dahil nararamdaman niya rin iyon. Noong una ay naiintindihan ko pa pero wala naman akong ginawa para mathreatened siya at ngayon ay umabot pa sa punto na kinakailangan niya ako kausapin ng ganito. Para ano? Para sabihin sa akin na natatakot siya na magkakagusto ako sa kasintahan niya? No way! Oo nga at nalinawan ako kung bakit ako malungkot kanina nang makita ko sila pero hindi pa ako kumbinsido na iyon ang tamang salita para roon. "Hindi ko alam kung bakit kinakailangan mo pa ako kausapin dito. It’s not like I'm going to destroy what you have with my husband. Alam ko kung saan ako lulugar." "Pero hindi mo pa rin sinasagot ang aking tanong. Do you like him?" "Bakit? Ano ba ang gagawin mo kung gusto ko nga siya? I'm sure that you won't give him up.” "I'm just saying this para alam mo kung sino ang kakalabanin mo kung sakaling magkagusto ka sa lalaking pagmamay-ari na ng iba. At tama ka. Hindi ko nga siya isusuko. You might be his wife but I'm his lover,” seryosong saad niya sa akin.  Hindi ko na dapat papansinin ang sinabi niya pero sadyang makulit ang maldita na 'to dahil nakuha pa niya hablutin ang aking braso at ibinaon ang kuko niya rito na tila nanggigil sa akin. Hindi niya ako pupwede eskandaluhin dahil pag-uusapan siya kaya sa ganitong bagay siya bumabawi. "If you are threatened that much, why don't you ask your lover for assurance. I'm sure you can ask him that. Ang sweet niyo eh,” sarkastiko kong sabi sa kanya bago tanggalin ang kanyang kamay at mabilis na umalis sa kanyang harapan. Tinignan ko naman ang braso kong namumula at nagdudugo na dahil sa kanyang mahahabang kuko. That b***h. Magbabayad siya sa akin! Umuwi na lang ako sa bahay. Hindi na ako sumunod sa klase dahil nawalan na ako nang gana. Nakailang text at tawag pa nga sa akin si Roma pero hindi ko iyon sinagot. Ang isa pang dahilan kung bakit hindi na rin ako pumasok kanina ay dahil nagmarka ang pagkakahawak sa akin ni Elise kanina. Sigurado ako na susugurin niya si Elise kapag nakita niya ‘to. Masakit pa nga rin ang buong braso ko. Hindi na nga rin ako nag-abala na pumunta pa ng clinic dahil ako na lang ang nagpasya na gagamot sa sarili ko. "Where is Trina?" rinig kong tanong ni Zeus kay Manang Lourdes sa ibaba. Bukas kasi ng bahagya ang pinto ng aking kwarto kaya hanggang dito ay dinig na dinig ko ang kanyang baritonong boses na may halong pag-aalala. Tiyak na alam niya na ngayong hindi ako sumabay kay Kuya Eddie at nag-commute mag-isa. Wala sa sariling napatingin ako sa aking orasan. Bahagya akong napakunot ang noo dahil ngayon lamang siya dumating samantalang ala-singco na ng hapon. Hindi ko siya nakitang nag-overtime simula ng hawakan niya ang kumpanya. Bakit tila ata ginabi siya? Ayoko man pakinggan ang inuusig ng aking utak ay iyon na ang napakinggan ko, na nakuha pa niya makipagdate sa babaeng ‘yon. Malaman ko lang talaga na ganoon nga ang ginawa niya ay talagang sasampalin ko siya ng libo-libong beses! "Nasa itaas na." Wala pang ilang minuto ay may nagbukas na ng pinto. Kunyare ay nagbabasa ako ng lecture notes ko. Ayoko siya kausapin dahil baka lalo lang sumama ang loob ko. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking utak ang nakita ko roon sa quadrangle kanina. Ayoko siya tanungin dahil baka sabihan niya lamang ako ng nagseselos kahit hindi naman. Wala na akong lakas ngayon para makipag-asaran pa sa kanya. "Are you sick? Maaga ka raw umuwi sabi ni Manang Lourdes." "Hindi,” matipid kong sagot sa kanya. "Bakit ka umuwi ng maaga?" "Masama na ba umuwi ng maaga ngayon? Saka bakit ka ba tanong ng tanong. Nag-aaral ako. Lumabas ka na nga." "Bakit hindi ka makatingin sa akin?" Nagsimula na ako mainis. Bakit kailangan niya ako pakialaman? Hindi ba pupwedeng dumeretso na lang siya sa kanyang kwarto at umakto na wala ako sa bahay? Hindi rin ba pupwedeng wala na lang siyang pakialam sa akin? Dahil sa totoo lang, hindi ko na nagugustuhan ang unti-unti niyang pangingialam sa buhay ko. Noong una ay akala ko okay lang dahil hindi rin naman kami magtatagal pero ngayon ay narealize ko na pangit na. Sobrang pangit at naiinis ako! "May dahilan ba para tumingin ako sa’yo?" sikmat ko sa kanya. Alam ko na hindi niya ako titigilan kaya tumingin ako sa kanya na walang emosyon na ikinaawang ng labi niya. "What?" "Did I do something wrong?" Gusto ko matawa. Gusto ko magwala dahil kanina pa ako ganito. Wala siyang ginagawang masama pero naiinis ako. I know that deep inside of his heart that he still in love with Elise but why does it feel like he's cheating on me? Wala naman kaming relasyon ni Zeus. Natrap lang kami pareho sa arranged marriage na ganito pero bakit pakiramdam ko, niloloko niya ako? Bakit parang kulang na lang ay kasuklaman ko siya dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Fvck. "Wala." Tumayo ako at inilagay ang libro sa aking lamesa. Hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sa akin at hinawakan ang aking braso. Napaaray ako ng hindi sinasadya dahil nahawakan niya iyong galos na natamo ko kanina. Agad niya iyon hinanap at tumingin sa akin na puno ng pag-aalala nang makita niya iyon. "Ano ang nangyari sa braso mo?” Hindi ako sumagot at hinila ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak. Padabog akong naglakad palabas nang kwarto. Mabilis naman siyang sumunod sa akin na tila ba wala akong balak lubayan hangga’t hindi ko sinasagot ang tanong niya sa akin. "Trina. I'm asking you. What happened to your arm?" Inis akong lumingon sa kanya. Gusto ko sana sabihin na dahil sa kabit mo pero ako nga pala iyong sumabit kaya wala akong karapatan na sabihin iyon dahil kung tutuusin, ako pala ang kabit at si Elise ang tunay. Tsk. "Ano ba ang pakialam mo?" Umigting ang kanyang panga sa naging sagot ko. "I'm your husband, Trina. I have the right to know." I hate him. I fvcking hate him for making me feel like this but I hate myself even more. Tumawa ako ng pagak at umiling bago siya tignan nang diretso sa mata, "Oh really? Husband huh? Eh ‘di maghiwalay na lang tayo! I know gusto mo rin 'yon!" "What the hell are you saying?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko mapigilan na mapairap dahil ang kapal nang mukha niya para itanong sa akin kung ano ba iyong sinasabi ko samantalang dapat alam na niya ‘yon! I’m giving him a choice! A chance that he should take to be happy! If he wanted Elise, I will set him free! Sasabihin ko na kahit ilang taon pa ata kami magsama, hindi magbabago ang relasyon namin. "Wala! Just leave me alone!" Bumalik na lamang ako sa aking kuwarto dahil ayokong makita kami ni Manang Lourdes na nag-aaway. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi na pinansin si Zeus. Hinintay ko siya umalis ng kwarto ko. Pagkaalis niya ay agad kong nilock ang pinto at bumalik na sa kama pero hindi pa nakakailang minuto ay muling may kumatok na naman sa pintuan ko. Inis akong bumangon at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa akin si Zeus na may dalang isang gallon ng ice cream. "Para saan 'yan?" "For peace offering? Hindi ko alam kung anong ginawa ko to make you mad but I hope this will help you to calm,"mahabang paliwanag niya. Umawang ang labi ko. Pistachio ice cream pa na favorite ko ang dala niya. Kaya pala biglang tumahimik kanina at walang nangulit na buksan ko ang pintuan maliban sa pagkatok. Parang may humaplos sa puso ko na dahilan kung bakit natunaw lahat ng nararamdaman ko ngayon at wala sa sariling nakipagtitigan sa kanya. Muli na naman akong nilalamon ng kaba at wala akong marinig maliban sa malakas na pagtibok ng puso ko. Damn. Bago pa ako tuluyan magpalamon sa nakakainis na nararamdaman ko, tinanggap ko na ang ice cream na dala niya na kanina pa nakalahad sa akin at saka natatarantang nagsabi ng salitang thank you sa kanya bago ko isinarado ang pinto at ilock 'yon. Ugh! Zeus. What will I do to you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD