Chaprer 4
“I TOLD YOU TO STAY AWAY FROM HIM! Bakit ba ang kulit mo?” Ilang beses niya na sa akin ngayon tinatanong 'yan at kanina pa siya hindi tumitigil sa kakabunganga sa akin! Tss. Ang kulit din nitong bwiset na 'to e! Buti na lang gwapo siya!
Hindi naman maiiwasan na makita ko si Gio! Duh! Nasa iisang kumpanya kaya kami? Anong gusto niya? Ipikit ko mata ko sa tuwing makikita ko si Gio? Hindi pa nga tapos ang lunch break pero hinila na ako ng mokong na 'to pagkakita niya sa amin ni Gio na magkausap. I was asking him about work pero itong mokong na 'to, hinila ako palabas at nagsisimula na naman ngumawa! Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ng peste na 'to rito e!
"Eh ba't ang kitid ng utak mo?" pabalik na tanong ko sabay bukas ng pintuan ng sasakyan.
"Trina!" sigaw niya. Dinala niya ako sa isang restaurant na hindi ko alam kung saan. Basta ang alam ko ay wala na kami sa kumpanya.
"What?" tanong ko pagkababa ko nang sasakyan. Kanina pa kaming ganito. Nagsisigawan at hindi nag-uusap nang matino dahil hindi talaga mapawi ang inis ko sa ginawa niya! Buti na nga lang, hindi nakita ng step-father ni Gio ang ginawa ni Zeus kanina kundi nakakahiya!
"Answer me!" Inis akong bumaling ng tingin sa kanya na may kasamang pang-iirap.
“Mukha bang hindi ako sumasagot? Sumasagot ako pero ikaw itong ayaw makinig!” naiinis na singhal sa kanya. Inis naman itong napasabunot sa kanyang buhok at tinignan ako na parang kaonti na lang ay mapuputol na ang lubid ng kanyang pasensya dahil sa akin.
"Nag-uusap lang kami ni Gio, Zeus! It's only a fvcking business! And for pete's sake, nakita mo bang magkahawak kami ng kamay o nagyayakapan?" sunod-sunod na tanong ko. May gusto pa nga sana ako idagdag sa sinasabi ko pero mas pinili ko na lamang na itikom ang aking bibig at huwag na sabihin ang sinisigaw ng aking utak. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan na ‘to at lalo lamang lumala ang argumento namin dalawa.
"He touched you!" naiinis na singhal niya sa akin. Umarko ang kilay ko at tinignan siya ng hindi makapaniwala, "What the hell? Pati ba naman ang simpleng abot nang papel sa'kin, ibubulyaw mo pa? It's just a fvcking paper!"
"But he s--"Alam mo nakakarindi ka na! Ano ba talagang ikinapuputok ng butsi mong lalaki ka?" Napatahimik siya sa sinabi ko pero nanatili naman siyang nakatitig sa akin. Nakaawang ang mga labi na tila nagulat pa sa tinanong ko. May nakakagulat ba sa tanong ko? Wala naman ah? As far as I know, tinanong ko lang kung ano ang ikinapuputok nang butsi niya para matapos na dahil mukha na kaming tanga rito sa harap ng restaurant na nag-aaway at nagsisigawan. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao rito. Bakit ba kasi rito pa napili ni Zeus na mag-usap?
“Are you really asking me that?” seryosong tanong niya. Tila dumagundong ang boses niya na ‘yon sa puso ko.
“Duh? Kaya nga ako nagtatanong hindi ba? Magtatanong ba ako kung alam ko?” pamimilosopong tanong ko sa kanya bago tuluyang umirap.
"I'm jealous! Masaya ka na?" Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Ako naman ngayon ang napatahimik at walang masabi! Pakiramdam ko ay napipilan ako sa kanyang sinabi at tuluyan nang nabingi dahil wala na akong naririnig ngayon kundi ang malakas na pagkabog nang aking puso. Bumuntong-hininga siya nang wala akong masabi bukod sa ginawang pagtitig sa kanya na puno ng pagkagulat.
Lumipat ang tingin ko sa ibang direksyon bago muling ibinalik sa kanya ang pagkakatitig sa akin. Kumabog ulit ang puso ko ng malakas nang malaman ko na hindi nito inalis ang mainit na tingin sa akin.
“B-Bakit ka magseselos?" nauutal kong tanong sa kanya. I really don’t understand! Bakit siya magseselos? Unang-una, wala siyang karapatan na magselos! It’s not like we have the same feelings for each other para magselos siya ng ganoon! Pangalawa, I like Gio but I’m not a risk taker!
"You're my wife. And I don't share what's mine. You know that."
Simpleng salita lang naman 'yon at kung iisipin, wala naman talagang nakakakilig sa sinabi niya pero ang laki na agad ng epekto nito sa buong sistema ko. At naging mas magulo pa lalo nang isumping niya ang ilang buhok na napunta sa aking mukha sa tenga. Napasinghap ako at hindi magawang makakilos nang ilapit niya ang mukha sa akin. Wala akong nagawa kundi ang titigan siya at manatili sa ganoong pwesto habang pilit na hinahabol ang aking paghinga. Nakita ko pa nga ang pag-iling niya pero nanatili pa rin akong tulala hanggang sa pinitik na niya ang noo ko.
"Let's eat lunch. Babalik ka pa sa office."
Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Gusto kong mainis kasi hindi naman talaga ako dapat natutuwa sa mga ganitong paandar ng mokong na ‘to pero hindi ko mapigilan! Napapangiti niya pa rin ako kahit nakakabadtrip siya! At kahit na alam kong ganitong-ganito iyong mga eksena na nakikita ko sa mga movies na pinapanood ko ay hindi ko maiwasan na hindi kiligin pero eto rin ang mga ayaw kong eksena, dahil ang mga ganitong lalake sa mga movies ay iyong mga pafall-type at wala akong balak na mapabilang sa mga babaeng nahulog dahil sa simpleng gestures.
Maraming nagsasabi na napakasarap magmahal at naniniwala ako roon pero minsan ay nakakatakot din. Nakakatakot magmahal lalo na kapag hindi magagawang suklian iyong pagmamahal na ibinigay mo para sa taong ‘yon.
Pumasok kami sa restaurant at umorder. Habang hinihintay ang pagkain na inorder namin ay hindi pa rin tumitigil ang aking utak sa kakaisip nang kung ano-ano. Buti na lamang ay tanong siya ng tanong nga mga bagay na mabilis ko rin nasasagot.
"Something's wrong?" Umiling ako kahit na alam kong pilit niya binabasa ang nasa isip ko. Hindi ko nga alam kung sadyang transparent lang ba ako pagdating sa kanya o nababasa niya talaga ang tumatakbo sa aking utak. At saka bakit ko ba naiisip ang mga bagay na ganito ngayon? Ang weird na nagagawa ko pang isipin ang mga ganitong bagay samantalang eto ako at kasama si Zeus para kumain.
“Wala nga,” naiiritang ulit ko sa kanya nang mapansin ko na hindi pa rin siya tumitigil sa pagtingin sa akin bago tuluyang umirap sa kanya.
“Stop acting like you have the ability to read someone’s mind.”
Napahalakhak ito ng mahina at saka muling nagsalita. Nakita ko na naman ang malalalim nitong dimples dahil sa pagkakangiti habang ang mga singkit niyang mata naman ay lalo pang naningkit. Nang matapos kami kumain sa restaurant na iyon ay hinatid na ulit ako ni Zeus pabalik sa kumpanya.
"Susunduin kita mamaya. Huwag ka sasama sa kahit na sino lalo na sa Trinidad na 'yon. Okay?"
"Yes, sir." Tumawa siya at saka hinigit ang kamay ko para makaharap ako ng mas maayos sa kanya. Gulat akong tumingin dahil doon. Bahagya pang kumunot ang noo ko. Akala ko ba ay aalis na siya?
"May nakalimutan ka." Umarko ang aking kilay at nag-isip. Tuluyan na akong napasimangot dahil narealize ko na wala naman pala akong nakalimutan at niloloko lamang ako nito. Magsasalita sana ako pero tuluyang nakulong ang mga salita sa aking bibig nang maramdaman ko ang ginawa niyang paghalik sa aking noo at pagkatapos ay saka ako iniwan habang nakatulala.
Wala sa sariling napalunok ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa malakas na kabog nito. Para itong sasabog dahil ramdam na ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko.
Inis kong ginulo ang aking buhok. May mali talaga rito eh! Bakit ba panay ang t***k ng puso ko sa lalakeng ‘yon? At mas lalong hindi ako dapat nagkakaroon ng thoughts na ‘falling in love’ kapag kasama ko siya dahil ipapahamak ko lang ang sarili ko! Nababaliw na ba talaga ako? O baka dahil kulang lang ako sa tulog kaya ganito kaweird ang takbo nang sistema ko kapag kaharap ko siya? Hindi naman kasi ganito dati eh! Buti sana kung hindi lang kabog ang nararamdaman ko? Eh halos mamatay na ako sa kaba kapag siya ang kaharap ko lalo na kapag ang lapit-lapit ng mukha sa akin noong kupal na ‘yon!
“TRINA, BAKIT NANDITO KA PA? Akala ko ay sumabay ka na sa kanila?” ttanong ni Gio na ngayo’y kakalabas lang. Ala-sais na kasi ng hapon ngayon at kakatapos lang ng shift namin kaya nagsiuwian na kami. Nagtext na ako kay Zeus na tapos na ako kaso wala pa siya. Siguro ay naabutan na naman ito ng trapik. Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya nANg tipid. Nasa lobby kasi ako at naghihintay kay Zeus dahil sabi niya ay susunduin daw niya ako pero hanggang ngayon, ay wala pa rin siya.
"Naghihintay ako kay Zeus eh." Sumeryoso ang mukha niya sa akin.
"Anong oras na? Gabi na ah? Ihahatid na lang kita."
Umiling ako. Kahit naman may nararamdaman ako kay Zeus o wala, nirerespeto ko siya dahil siya pa rin naman ang asawa ko sa harap ni Papa God. Ayoko naman na magkaroon pa kami ng problema kasi alam ko naman na nirerespeto niya rin ako kahit na arranged marriage ang nangyari sa amin.
"Sige na. Ihahatid na kita.” Muli akong umiling dahil alam ko na parating na ‘yon. At saka sinadya ko rin talaga hindi makisabay sa mga kapwa ko interns dahil nga susunduin ako ni Zeus.
"Hindi na Gio. Maghihintay na lang ako sa kanya. Parating na rin 'yon. Baka natraffic lang sa daan at saka nagtext na rin naman ako sa kanya."
At saka gustuhin ko man sumabay sa kanya, hindi pupwede. Alam ko na magagalit si Zeus sa akin at kakainin ako ng konsensya. Hindi kakayanin ng konsensya ko na magalit si Zeus sa akin kahit na parati na lang kaming nag-aaway sa mga maliliit na bagay na para bang aso’t pusa.
May limitasyon sa kung paano ka pagpapasensiyahan ng mga taong nakakasalamuha mo at kahit kailan ay wala akong balak na sagarin ang pasensiya ni Zeus. Sa ilang taon na magkasama kami, natuto rin naman kaming timbangin ang ugali ng bawat isa kaya nga nakatagal kami ng dalawang taon bilang mag-asawa.
"Trina. Loo--"I said stay away from my wife!" Hinila niya ako palayo kay Gio at mabilis na inambahan ito ng suntok. Napatili ako nang wala sa oras. Humingi ako ng tulong para awatin sila dahil alam ko na hindi ko mapapatigil si Zeus an ako lamang.
"Zeus! Tama na!"
Napahiga si Gio sa sahig nang wala sa oras. Walang tigil ang pagsuntok ni Zeus sa kanya kaya pilit ko siyang itinulak palayo kay Gio at hinarang ang sarili ko sa pagitan nilang dalawa. Doon lang napatigil si Zeus sa pagsuntok.
"Z-Zeus, tama na. Tara na…" nanghihina at naiiyak na sabi ko. Dumating naman iyong guard at tinulungan si Gio at mabilis na hinila si Zeus palayo sa kanya.
Iniwan namin si Gio kasama iyong guard. Mabilis na pinaharurot ni Zeus ang sasakyan habang ako ay nanatiling walang imik hanggang sa makarating kami sa bahay. Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan ng sasakyan nang hinawakan ni Zeus ang kamay ko. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ganoon na lang siya sa tuwing kinakausap ako ni Gio? Walang ginagawang masama iyong tao! Hindi ko tuloy mapigilan ang mainis. Paano kung hindi ako nakahingi ng tulong? Paano kung walang guard na dumating? Hindi ba niya naisip na maaari niyang mapatay si Gio sa dami nang suntok na ibinigay niya?
“Trina…” mahinang tawag niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” malamig na tanong ko sa kanya. Hindi ko maiintindihan ang bagay na ‘yon kung hindi niya ipapaliwanag sa akin! Noong una ay akala ko puro salita lang siya pero ngayong nagawa niyang suntukin si Gio na wala naman masamang ginagawa sa akin ay hindi ko maiwasan matakot.
“He’s touching you!” giit niya sa akin. Ayan na naman siya sa dahilan na hinahawakan ako ni Gio! Ano ba kung hawakan ako ni Gio? Wala namang malisiya ‘yon! I considered him as a friend! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang katindi ang galit ni Zeus sa kanya!
“Sapat na ba ‘yon para manakit ka ng tao?” seryosong tanong ko sa kanya.
“Trina… ginawa ko lang naman ‘yon kasi hindi siya makaintindi. Asawa kita at hindi ka dapat— “Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil nagsisimula na naman ako mainis sa mga sagot niya sa akin.
“Dahil lang hindi siya makaintindi? Papatayin mo na iyong tao? Dadambahan mo nang maraming suntok? Paano kung napahamak siya? Hindi mo ba naisip ‘yon?”
“Bakit mo ba siya ipinagtatanggol?” Napatawa ako ng mahina at umiling.
“I’m not defending him, okay? Ang sinasabi ko lang, sana umakto ka ng naaayon sa edad mo! You’re not a child anymore!”
“Okay, fine! Mali na ang ginawa kong pagsuntok sa kanya kanina but it doesn’t mean that he could touch you!”
“He’s not touching me! Kinakausap niya lang ako! Kinakausap niya ako dahil nagtataka siya kung bakit hindi ako sumabay sa mga co-interns ko! Ipinaliwanag ko lang sa kanya na hinihintay kita but you are late kaya naisipan niya na ihatid ako!” Nakaawang lang ang labi niya habang nagsasalita ako. Hindi galit ang nararamdaman ko ngayon kundi inis dahil sa inaakto niya! Kung makapag-akusa kasi siya, wala sa tamang lugar! Gusto ko si Gio pero wala kaming relasyon! Ilang beses ko ba dapat iyon sabihin sa kanya? At wala akong balak makipagrelasyon kay Gio o sa kahit na sinong lalaki dahil may respeto ako sa sarili ko at sa kanya!
“Wala kaming ginagawang masama ni Gio! Kaya huwag mo masamain ang paghatid niya sa akin dahil walang malisya ‘yon! Sige nga? Paano kung hindi ka dumating? Ano ang gusto mong gawin ko roon? Ang tumunganga hanggang sa mamuti na ang aking mata ko sa kakahintay sa iyo?” naiinis na sabi ko sa kanya. Iniwan ko siya sa sasakyan at padabog na isinarado ang pinto. Wala na akong pakialam kung maririnig kami ng kapit-bahay o ni Manang Lourdes na nag-aaway dahil sa lakas nang boses naming dalawa. Nakakapagod na! Lahat na lang ng maliliit na bagay sa pagitan naming dalawa ni Gio ay binibigyan niya ng malisya!
Mabilis kong naramdaman ang pagsunod niya sa akin at ang pagtangkang hawak nito sa kamay ko na agad kong inilayo sa kanya bago tuluyang humarap at tinignan siya na puno ng inis.
“Sa susunod, sana ginagamit mo muna ‘yang utak mo bago ang bibig mo!” Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa kwarto at nagsabi na walang gana kumain ng hapunan dahil sa pagod ko at sa nangyari ngayong araw. Tinignan pa nga ako ni Manang na may pag-aalala sa kanyang mukha pero hindi na ako nagsalita.
Dumating ang umaga at hindi pa rin kami nag-uusap na dalawa. Kapansin-pansin sa bahay ang cold treatment na ginagawa ko kay Zeus. Alam kong naghihintay siya na magsalita ako at pansinin siya pero asa pa siya! Matapos ng ginawa niya kay Gio? Hindi ko nga alam kung kamusta na ba iyong tao pagkatapos niya paulanan ng suntok kagabi!
Nagpahatid na lang tuloy ako kay Kuya Eddie sa opisina. Desesido ako makahingi ng tawad kay Gio dahil pangalawang beses na ito nangyari. Pero pagdating ko ng opisina ay nabigo ako dahil hindi raw ito pumasok ngayon. Sino nga ba naman ang makakapasok pa pagkatapos paulanan ng maraming suntok? Napailing na lang ako at napahinga ng malalim. I should check him kaya mabilis akong nagtipa ng mensahe kay Gio na nanghihingi ng tawad sa ginawa ni Zeus.
Ako: I’m really sorry, Gio. Pinapangako kong hindi na mauulit iyong ginawa ni Zeus kahapon. Sorry talaga, sana okay ka lang.
Gumagawa ako ng paper works na kakabigay lang sa akin kanina nang sumapit na ang tanghalian. Yinaya ako ng mga co-interns ko na kumain sa cafeteria kasama sila. Pumayag naman agad ako kaya bumaba kami para pumunta roon nang makita ko si Zeus na nasa dulo ng escalator at naghihintay sa akin habang may hawak na bulaklak.
“Hindi ba boyfriend mo ‘yon?” tanong ni Joana. Siniko-siko nila ako na parang kinikilig dahil diretso ang tingin sa akin ni Zeus. Hindi ko tuloy masabi na hindi ko siya boyfriend.
Lumapit ako sa kanya pagkababa namin sa escalator. Hindi ko inaasahan na pupunta pa siya rito. Buong akala ko ay ban na siya sa opisina sa ginawa niya kagabi. “Anong ginagawa mo rito?”
“I know you’re mad at me. You have all the right to be angry at me. But…please, forgive me?”