Chapter 5

1942 Words

Chapter 5  “SAAN BA TALAGA TAYO PUPUNTA?” tanong ko ulit sa kanya na ikinatawa niya lamang. Nakakailang tanong na kasi ako kung saan ba kami pupunta ngayon dahil ilang araw na lang ay exams na. Nakakainis nga dahil sumabay itong exams ko sa internship ko kaya halos wala akong naaaral at lalo akong nagagahol sa oras tapos nakuha pa ng mokong na ‘to na magyaya sa kung saang parte ng Metropolis. "It's a secret, wife." Tuluyan ng rumolyo ang mata ko sa kanyang sagot dahil iyan din ang unang sagot niya sa akin kanina noong tinanong ko siya. Ibig sabihin ay wala talaga siyang balak na sabihin sa akin kung saan kami pupunta. Hindi na naman magkandamayaw ang puso ko sa kakatibok nang mabilis dahil sa pag-ngiti niya sa akin matapos akong sulyapan saglit bago itutok ang atensyon sa unahan namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD