Chapter 9

2105 Words
Rylee I'M SO INIS kay oldie! Pinadala na nga sa akin 'yong paper bag na may condom tapos bubusitin pa ako. I felt so embarrassed after I opened the paper bag. Mabuti na lang at walang nakatingin sa akin. I quickly closed it and entered the lift. Tapos pagkarating ko rito nakakairita pa ang face niya. He is really pissing me off. Dami ko asar sa kanya. Tapos… I lost because I couldn't fight back after he said that I forgot to put the word 'joke' in my message. I decided to tie up my hair because it's so hot. Kahit todo lakas naman ng aircon, akala ko nga nilalamig siya kanina. Sayang effort ko to get the remote at hinaan ang aircon. Mukha kasi siyang ewan kanina. I stopped midway by tying my hair when I felt his stare. Kami lang naman dalawa rito. Kaya naman lumingon ako sa kanya and I caught her looking at my… back. "Ano titingin-tingin mo, oldie?" I asked in my ruffled voice. I saw him blinked twice tapos nilingon ang hawak na telephone na nasa tainga. "Good morning," bati niya. "I'm sorry about it," patuloy niya. Mukhang kanina pa yata sinagot ang tawag pero busy siya na tingnan ang likuran ko. Ano ba meron sa likod ko? Ibinalik ko na ang tingin ko sa aking signature notebook at tinapos ang aking pagtali na papusod sa aking buhok. I accidentally touched my nape. Then, I realized now why he was looking at me. I know he saw my birthmark. Sabi ni Daddy I got it from my mom. Parehas na parehas daw kami. Ngayon lang ba siya nakakita ng balat? Kung makapag-react akala mo naman first time. Umirap ako sa hangin saka muling kinuha ang ballpen. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya. Pagkatapos niya puriin ang kagandahan ko ay kukutyain naman niya ang sulat ko. Napatitig ako sa sulat kamay ko. Oo na, I admit that I don't have a pretty handwriting but it is still readable. Maarte lang ang oldie na 'yon. "Oldie, may I borrow your laptop?" I asked him while my eyes were still on my notebook. Narinig ko naman na nagpaalam na siya sa kausap niya kaya nagsalita na ako. "I didn't bring it." Umangat ang tingin ko nang maramdaman na nasa harapan ko na siya. I watched him until he positioned himself back in his place. He was looking at his phone. "What are you doing?" I'm annoyed. I'm with him dapat lang na nasa akin ang focus niya. Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang aming mga mata. Kakaiba talaga ang pagka-black ng mga mata niya. Maitim 'yon pero parang may liwanag na nagbibigay ng buhay rito kahit na hindi naman siya nakangiti. "Why are you asking? Focus on your mission and stop disturbing me, Minx." "How dare you call me Minx!" Ibinato ko sa kanya ang ballpen na hawak at tumama sa dibdib niya. Umiling lang siya saka kinuha ang ballpen at inilapag sa harapan ko. "Finish that drama of yours. After we eat, we will discuss it, okay." Magsasalita pa sana ako nang may kumatok. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya nang tumayo siya saka nagtungo sa pinto. Manyak talaga. Malandi pa! I didn't know that I was frowning until he noticed it. "Why are you frowning?" Agad akong napalingon sa kanya. May tulak-tulak siyang trolley where our foods are there. Naalala ko na naman ang malanding pagtawa ng babae na naghatid ng pagkain namin at ang pakikisabay pa ni oldie. Akala niya yata ay ikinagwapo niya 'yon. "Nothing." Inirapan ko siya saka iniligpit ang gamit ko. Ibaba ko na sana nang magsalita siya. "We will eat in the kitchen not here, young lady." After he said that he pushed the trolley on the right side of the room. Doon ko lang napansin na malaki nga ang silid na 'yon at may dalawang pintuan pa. A room and toilet maybe. Muli kong inilapag ang gamit ko saka tumayo at sumunod sa kanya. Naabutan ko siya na inaayos na sa saktong laki na pabilog na lamesa ang aming pagkain. I roamed my eyes to the whole kitchen. Hotel pa ba pinasukan namin? Para kasi pwede ng gawin condo 'to. "I did not know that it is possible to put a kitchen in a hotel room," I commented after examining the kitchen area. Malinis at maayos ang mga gamit at talagang kumpleto talaga ang gamit sa kusina. "That's why it's called the VIP room," he answered, then pointed his index finger at the chair on his right side. Lumapit ako roon at umupo. "Are you not going to wash your hands?" "Tinuro mo na maupo na ako, 'di ba? And we have utensils." I rolled my eyeballs. "Stand up and wash your hands," maawtoridad niyang utos. I ignored him and planned to get my food when he slapped my hand. Hinawakan niya ang kamay ko saka pilit na pinatayo. At dahil mas malakas siya sa akin ay nagpatangay na lang ako hanggang sa lababo. He opened the faucet and placed my hands there. I gulped when he started to wash my hands. Hindi ko napigilan tumingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya pero ang kanyang noo ay kumukunot at ang kilay ay bumabaluktot habang nakatingin sa kamay ko. Hindi ko nga napansin na tapos na niyang hugasan ang kamay ko kung hindi niya pa ako tinulak nang mahina sa balikat. Binigyan niya ako ng isang white small towel at iniwan. See. Bastos talaga! Walang manners! Akala ko pa man din may sumapi ng kabaitan sa katawan niya. Nakasimangot akong bumalik sa upuan ko at inilapag sa table ang towel. "Do you know how to pray? Nevermind. Bowed your head and closed your eyes." Sasagutin ko sana siya kaso lang ay pumikit na siya kaya wala na ako nagawa kundi pumikit na rin at yumuko. Maikli lang ang prayer na ginawa niya at nang marinig ko ang amen ay nagmulat na ako ng mga mata. Nasundan ko siya ng tingin nang lagyan niya ako ng rice sa plato. "I hope you're eating rice. I still remember your bill when you were caught for running to it." Napangiwi ako nang ipaalala niya ang isa sa mga ginawa kong kalokohan. "What do you want here?" Nagtataka man ako sa inaasal niya ay sumagot pa rin ako. "Fried chicken. What soup is that?" "This is tinola soup." I watched him scoop some soup in a small bowl. "Watch out, it's hot." Kumuha siya ng 1 piece of chicken leg part and put on my plate. "Do you want ketchup?" I don't know why I lost my voice. I only nodded. "This is also good. Pork barbecue, it's tender and juicy. One of my favorites," sabi niya habang hinihiwa ang karne at nagulat ako ng ilagay niya sa plato ko. "Masyado ba marami ang nailagay ko?" Napalunok ako dahil sa baritono niyang boses pero ramdam ko ang lambing doon. What's happening? I clear my throat and pick up the spoon and fork. "Ganito ka ba ka-sweet sa mga ka-date mo," I joke to dismiss the unwanted idea in my mind. Nang sulyapan ko siya ay nakita kong natigilan siya at mukhang na-realize ang kanyang ginawa. I wait for his response. Pero nagkibit-balikat lang siya saka nagsandok na para sa kanya. "Stop thinking too much. Kumain ka na para masimulan na natin ang misyon mo," sabi niya at nagsimula na siyang kumain. At dahil natatakam na ako sa nakahain na pagkain na mukhang masarap kahit simpleng putahe lang naman ay nagsimula na rin akong kumain. Kumunot ang noo ko nang makitang ginagamit niya ang kamay to eat. Napansin niya yata titig ko kaya nilingon niya ako. "What? Do you need anything?" Umiling ako pero nakatitig pa rin sa kamay niya. Those long fingers look so strong. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kung ano-ano pumapasok sa isip ko. "Don't tell me you never try to use your hand for eating?" When I didn't answer he took that as a yes. Napakislot ako noong iusog niya ang upuan sa tabi ko pati ang plato niya. "Alam mo dapat ito ang mga bagay na inilalagay mo sa wishlist mo at hindi kung ano mga kalokohan. Let me teach you. Malinis naman ang kamay mo kaya you are good to go." Binitiwan ko ang spoon and fork. Hinawakan niya ang right-hand ko at dinala sa plato ko. "Look at me. I'll show you first how you will do it, okay." Tumango naman ako saka siya tinitigan. Gamit ang kamay niya kumurot siya ng chicken tapos ay kumuha siya ng kanin saka niya isinubo. "As simple as that. Ganya dapat ang pag-aralan mo. Paano kung walang available na spoon and fork, hindi ka kakain? Now, it's your turn." Naririnig ko yata ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dinaig pa noong mga panahon na nag-take ako ng exam. Simpleng pagkakamay lang naman ito. Nakaramdam ako ng challenge kaya naman ginawa ko ang sinabi niya. I pinched a small part of chicken and rice. Narinig ko siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko kung bakit dahil ang braso ko ay o.a sa pagtaas. Isusubo ko na sana nang malaglag ang kanin. "Try again." I gritted my teeth but I did try it… again and again and again. "Gosh! Why is it so hard?" I complained after failing numerous times. I glared at him at hindi nakaligtas sa akin ang multong ngiti niya sa labi. Habang siya sarap na sarap sa pagkain ako naman ay nagdurusa dahil lang sa gusto niyang matutunan ko kung paano kumain gamit lamang ang kamay. "I give up." Dadamputin ko na sana ang kutsara nang hawakan niya ang kamay ko at muling iginiya sa may plato ko. "Let me guide you." I gulped when his breath fanned into my cheeks. Sobrang lapit niya. "This is the right way. Kuha ka ulam tapos kanin. Itong thumb finger mo ang gagamitin mong pantulak papasok sa bibig ko at siguraduhin mo na nakatapat na sa bibig mo bago mo itulak." Itinapat niya ang kamay ko sa bibig ko na kusa naman bumuka. "Now, push it." Pakiramdam ko ay nagliwanag ang buong paligid nang pumasok nga sa bibig ko ang pagkain. Sa tuwa ko ay napayakap ako kay oldie pero mabilis din ako nakabawi. "How's the feeling?" nakangiti niyang tanong. Kahit naninibago ako sa ikinikilos niya ay nginitian ko rin siya. Papakabait muna ako ngayon. "Awesome." Muli kong ginawa ang sinabi niya at sa pangalawang pagkakataon ay nagtagumpay ako. Ganito pala ang pakiramdam na may nagagawa kang isang bagay na walang kinalaman sa kalokohan. "You see that? I can eat na with my hand." Proud na proud kong sabi sa kanya. We continue eating without noticing how close we are. Hindi kasi siya umalis na sa tabi ko. "You're right. Masarap itong pork barbecue nila, so juicy and tender," komento ko. Sa totoo lang lahat masarap kahit ang kanin. Pero wala na mas sasarap pa habang kumakain gamit ang kamay mo. I can't explain my feelings, basta… masarap sa pakiramdam. This is the first time that we ate together. Dahil sa mga nakaraang pagkakataon ay isasalba niya lang naman ako tapos maghihiwalay na kami ng landas. About sa coffee, madalas din siya dumaan sa drive thru para lang sa kape. He said it was good. Kaya naman sinubukan ko. Hindi naman pala masama uminom at nakatulog naman ako. Kaya pala marami ang naadik sa kape. Pasimple ko siyang sinisilip na abala sa pagkain. Napatingin pa ako sa kanyang braso na nag-flex sa tuwing ginagalaw niya 'yon para kumuha ng pagkain at isusubo. Hindi ko napigilan na sundan ang pagkuha niya ng pagkain hanggang sa isubo niya 'yon. I gulped. Bakit ang sarap niyang tingnan lalo na nang gumalaw ang jaw niya dahil sa pagnguya. "Staring is rude, young lady. Finish your food." Ang bilis kong binawi ang tingin mula sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Paubos na ang pagkain ko sa plato nang hindi ko mapigilan lingunin siya ulit nang ilapit niya sa plato ko ang isang muffins. Sakto naman nakatingin din siya kaya nagsalubong ang mga mata namin. Hindi ko ikakaila na sobrang gwapo niya. Kung rarampa siya bilang isa sa mga modelo nila ay matatalbugan niya pa ang mga batang modelo. Nagtaka ako nang dumako ang tingin niya sa labi ko. "You have ketchup," sabi niya saka inilapit ang mukha sa mukha ko. Akala ko ay pupunasan niya pero laking gulat ko nang ilabas niya ang dila saka dinilaan ang gilid ng labi ko. At hindi pa siya nakuntento dahil tuluyan niya na akong hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD