Chapter 10

2033 Words
Roux KUMUNOT ang noo ko nang hindi kumukurap si Rylee habang nakatingin sa akin. Para siyang nawala sa sarili. Napailing na lang ako saka kinuha ang tissue at pinunasan ang ketchup na naiwan sa gilid ng labi niya. Bigla siyang kumurap ng ilang beses at hinawakan pa ang kanyang labi habang kunot ang noo. Umiling na lang ako saka tuluyan inilayo ang katawan ko sa kanya. Itinapon ko sa plato ang tissue na ginamit kong pamunas sa gilid ng labi niya saka nagpasyang tumayo para maghugas ng kamay. Habang naghuhugas ay naalala ko ang ginawa ko kanina kay Rylee. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba siyang ginigising sa aking pagkatao. Ramdam ko rin ang napakalambot niyang kamay. Halatang isang prinsesa nga ang kasama ko. Huminga ako nang malalim. Ayokong i-entertain kung ano man kabulastugan ang nasa isip ko. She was too young. What we have is just a…. Ano nga bang mayroon kami? Yeah, 'one call away, buddy' according to her. Napahawak ako sa lababo nang matapos akong maghugas at maalala ang mapula niyang labi at kung paano dumikit ang ketchup sa gilid no'n. May pwersa na bumubulong sa akin na dilaan 'yon at halikan siya pero ang self-control ko ay mas malakas kaya naman napigilan kong gawin ang bagay na 'yon. I don't want to tarnish my name because of the indecent move. Masyado lang siguro ako nadala. This is the first time that we dine together. First time being too close. And it was wrong. I'm not a teenager para hindi malaman kung saan patungo ang binubuhay niya sa kaloob-looban ko. I need to stop it before it ruins me. Napakislot ako nang tabigin niya ako gamit ang braso niya dahilan para mabalik ako sa sarili. "Wash my hand," utos niya saka inilagay ang kamay sa tapat ng faucet. Napahinga na lang ako saka binuksan ang faucet. Pero hindi ko hinawakan ang kamay niya bagkus tinalikuran ko siya saka sinimulan iligpit ang aming pinagkainan. Nang tingnan ko ang plato niya ay hindi ko napigilan mapangiti. Matakaw nga. At nang maalala ko kung paano niya ginamit ang kamay sa pagkain ay nailing na lang ako. At least, she learned simple things. Matapos kong maisaayos ang mga pinagkainan namin at ilalagay sa lababo ay natigilan ako nang makita siyang nakatayo pa rin doon at nakatutok pa rin ang kamay sa gripong nakabukas habang ang isang kamay ay nasa ilalim ng kanyang dibdib. "Hindi ka pa tapos maghugas?" tanong ko saka inilapag ang mga plato sa lababo. "Hindi mo pa hinugasan ang kamay ko… kaya hindi pa." Napapikit na lang ako. "I told you to wash my hand," she insisted. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinuhugasan na ang kamay ni little brat. Nang matapos ay bumalik ako sa lamesa para kunin ang maliit na tuwalya saka ibinigay sa kanya. Kinuha niya 'yon at nagpunas. Tinalikuran ko na siya at nag-umpisa na hugasan ang aming pinagkainan. Kahit na nararamdaman ko ang presensiya niya ay hindi ko siya nilingon. "Bakit hindi mo ako inutusan na maghugas ng pinagkainan natin?" tanong niya makalipas ang ilang sandali. Itinigil ko ang pagsabon sa plato saka siya nilingon nang walang emosyon. "Paghugas nga sa kamay mo hindi mo magawa… maghugas pa kaya ng plato," puno ng sarkasmo kong sabi saka ibinalik ang atensyon sa mga plato. Nahagip ko pa ang pagsimangot niya. "Are you mocking me? I do know how… how…" Napailing ako at lihim na natawa dahil wala na siyang maidugtong na katunayan na wala naman talaga siyang alam. Muli ko itinigil ang ginagawa saka siya nilingon. "You know how to?" tanong ko sa naghahamong tono. Isang matalim na irap ang isinagot niya sa akin. "I do know how to water the plants," she said proudly while her eyes lit up. "Let me guess… nalunod ang mga halaman noong ikaw ang nagdilig." Nanlaki ang mga mata niya saka niya ako tiningnan habang nakaawang ang bibig. Napadako ang tingin ko sa nakaawang niyang labi. Napatiim ang bagang ko saka mabilis na iniwas ang tingin sa kanya. "I hate you, oldie!" Tili niya saka nagdadabog na iniwan ako. "Bilisan mo maghugas diyan para matapos na tayo. Ayoko na dito!" habol pa niyang sigaw. Marahas akong napabuga ng hangin. Saka pasimpleng nilingon ang tinahak niya. Hindi na talaga maganda ang epekto niya sa akin. Mukhang kailangan kong mag-release at matagal-tagal na rin mula nang pagbigyan ko ang sarili. "Faster, oldie. I'm waiting!" Itinuloy ko na ang paghuhugas at may nagwawala ng pusa. Nang matapos ako mag-ayos sa kusina ay pinuntahan ko na siya sa sala. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba sa edad niya o sadyang nasunod lahat ng luho. Sabi niya twenty-one na siya pero kung umakto parang fifteen. Sumandal ako sa hamba ng pintuan sa may kusina at pinagkrus ang aking braso sa tapat ng aking dibdib. I watched her while she was lying on the carpet on her stomach. Nakatapat sa notebook at hawak ang ballpen. Hindi talaga ako makapaniwala. Gusto niya magkaroon ng stepmother. Kunsabagay, baka sakali tumino siya kapag may kikilalanin siyang Ina. "Argh! I don't know what to write anymore! Oldie! Hindi ka pa ba tapos? Nilinis mo na yata ang buong kusina. Gosh! Hurry up! I'm waiting!" Bigla siyang tumihaya ng higa dahilan para lumihis ang suot niyang dress. Napaayos ako ng tayo pero ang mga mata ko ay nakatingin sa kanyang lantad na lantad na hita na napakakinis. At malakas akong napasinghap ng sumilip ang kulay puti niyang panty. "Oldie!" Ang bilis kong tumalikod. "What are you doing there? Come here and help me." "Fix yourself first," singhal ko sa kanya. "Ang O.A mo naman. Ngayon ka lang ba nakakita ng mga hita? You own a modeling agency so it means you saw more than one. Ang arte mo! Humarap ka na, maayos na ako." Bakas ang iritasyon sa boses niya at hindi ko alam kung bakit. Nang humarap ako ay nakaupo na siya sa sofa pero ang mukha ay hindi maipinta. Lumakad ako at umupo sa single couch. She was glaring at me like I did something wrong. Ako na nga nagmagandang loob mukhang ako pa may kasalanan. "What?" I asked when she continued giving me a sharp look. "Makinis naman ang legs ko, ah! Kung makareklamo ka." Sabay irap niya. Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Did I offend her? Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Nang tingnan ko siya ay bakas talaga ang pagkadisgusto sa mukha niya. Kaya naman huminga ako nang malalim. "Rylee, that's not what I mean. Ayusin na lang natin 'yang misyon mo at may lakad pa ako," sabi ko na lang para matapos na kami. "Lakad? At saan ang lakad mo?" "Wala ka na roon. Bilisan mo na at sobra mo na ako naabala—" Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo saka isinilid ang notebook at ballpen sa bag niya at isinukbit 'yon. "Then, I go ahead," aniya. Mabilis akong tumayo saka siya pinigilan sa braso. Hindi niya ako nilingon pero binalak na bawiin ang braso niya na hawak ko. "Let me go, Roux." Umigti ang panga ko when she called me by my name. Once in a blue moon niya lang kasi ako tawagin sa pangalan ko at iba ang epekto no'n sa akin. "Let's do it," I calmly said. Pero hindi pa rin siya lumingon kaya naman kinuha ko ang bag niya at inilapag sa lamesa. "I'm sorry. I didn't mean it. Usap na tayo," sobrang hinahon kong sabi at maging ako ay hindi nakilala ang sariling boses. Unti-unti siyang lumingon sa akin. At aaminin ko na parang nag-slow motion ang pagharap niya sa akin. Hindi ko napigilan titigan ang napakaganda niyang mukha. "Am I not beautiful? Attractive? Sexy and hot?" seryoso niyang tanong. Umawang ang bibig ko sa tanong niya. OK lang ba siya? "What? Answer me. Hindi ba ako kaakit-akit para lingunin mo?" Hindi ko na gusto ang nangyayari. Sinapian ba siya? "Little brat, stop playing with me! It's not funny at baka ako mismo magpalabas sa 'yo," inis kong saad saka binitawan ang braso niya kasabay nang malakas niyang halakhak. Sabi ko na. Baliw na siya. "Masyado ka naman seryoso sa life mo. Kahit hindi mo aminin alam ko na maganda ako." Pagkasabi niyon ay hinila niya ako paupo habang nakakapit ang kamay niya sa braso ko. Magkatabi na kami muling umupo sa carpeted na sahig. I was stunned when she rested her head on my shoulder. "Oldie, bakit wala ka pang asawa?" Nagulat ako sa tanong niya. "You're at the right age to get married. Ang dami nga diyan bata pa nagpapakasal na keso nabuntis o kaya ipinagkasundo ng mga magulang. Ikaw, ano hinihintay mo?" Mas lalo yata ako natigilan dahil sa tanong niya. Bakas ang kaseryosohan sa boses niya pero hindi ako sigurado kung seryoso ba siya. Iba takbo ng isip niya. Nanatili lang ako tahimik. Hindi sinagot ang tanong niya. Akala ko ay titigil na siya pero muli siyang nagsalita. "When mommy passed away. I started not to believe in forever. Kasi kung true siya why mommy needs to die. Walang forever sa mundong 'to. One of these days, lahat tayo iiwanan ang earth… all of us will be buried at the bottom of the soil," patuloy niya. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa dahil nga nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. I can only see the back of her head. Her words… somehow… reached my soul. "Little brat," I called her to get her attention. Ayaw niya nga kasi na tinatawag ko siyang little brat o Minx. Ang young lady raw ay pwede pa. "Roux, I'm afraid to fall in love. Natatakot ako na baka kapag nagmahal ako ay dumating ang araw na iwanan niya ako o kaya ipagpalit. I can't… take that." Humina ang boses niya. Para bang pinipigilan niya ang sarili… umiyak? Ano ba nangyayari sa little brat na 'to? Bakit bigla na lang naging madrama sa buhay? Did something happen? Natigilan ako nang may maisip. Is she in love? Dahil sa ideya na 'yon ay inalis ko ang ulo niya sa pagkakasandal sa balikat ko saka siya hinarap. And there… I saw her cloudy eyes. For three months… I never saw her like this. Iyon mga kunwaring iyak niya ay wala naman luha. "What's wrong? May nangyari ba? Tell me, Rylee," masuyo kong tanong. I don't know but I don't like her in this situation. Para bang ang bigat-bigat ng dinadala niya. Ito na ba iyon madalas na sinasabi ng karamihan. Na kung sino pa 'yong masaya sa panlabas ay ang tunay na may pighating pinagdadaanan. Is she depressed? Ayokong paniwalaan dahil sa mga kalokohan na pinaggagawa niya. Or, is that her way to escape this melancholy part of her life? Nagsimula tumulo ang kanyang luha na mas lalong ipinag-alala ko. Nagsimula na rin siyang humikbi at ramdam ko ang pagpiga sa puso ko habang nakikita ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Roux, se-selfish ba ako? I asked Daddy when Mommy died that I didn't want him to get married a-again. I told him that I didn't want another Mommy. I forced h-him to promise me that he won't love a-another woman. Only Mo-mommy." Mas humagulhol pa siya kaya naman hindi ko na napigilan na yakapin siya. Hinagod ko ang kanyang likuran at hinayaan na umiyak sa aking dibdib. I felt how sorry she was. Pero bata pa siya noon at natural lang para sa isang bata ang hindi maghangad ng ibang nanay. Bata pa siya noon para maintindihan ang mga bagay-bagay. Now, that she has grown up. Na-realize na niya kung ano ang ipinagkait niya sa kanyang ama. At least, she's trying to do something to correct her mistake. But it was not a mistake, it was a genuine act from five years old who lost her mother. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. And I unconsciously kissed the top of her head. "H-help me, Roux," she said while sobbing. Huminga ako nang malalim saka inilapit ang bibig sa kanyang tainga. "Stop crying, little brat. I promise that I will help you to find your perfect stepmom."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD