Chapter 7

1679 Words
Rylee ISANG MALAWAK na ngiti ang pinakawalan ko matapos i-send ang sagot ko sa message ni oldie. Akala yata niya ay aatras ako. May pa-hotel-hotel pa siya nalalaman. I'm not afraid of him. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat at search-search sa internet. Nang tumunog ang aking cellphone at tingnan ko 'yon ay tumatawag si Bianca. "Ano kaya kailangan ng babaeng 'to?" tanong ko bago sinagot ang tawag niya. "Girly!" Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga. Gosh! Nanalo ba siya sa lotto para tumili nang ganoon. "Girly, are you there? Knock! Knock! Answer me, Girly" "I'm here. Paano ako sasagot kung sinalubong mo ako ng tili mo. What's wrong with you, girl?" I rolled my eyeballs at tinapik-tapik ang hawak kong ballpen sa may signature notebook ko na kahit paano ay may nakasulat na. "Sorry naman, Girly. I'm so excited kasi, sobra, as in super duper excited!" Tumili na naman siya at mabuti naman at inilayo na niya ang bibig sa mouthpiece. "Obviously, girl. And where are you excited about?" I glanced in my signature notebook and pouted. Thinking about what else I should add to it. "I passed! I did it, Girly!" I blinked my eyes rapidly. Did I hear it, right? She passed? "Do you hear me, Girly? I passed the interview at PCN, oh my gosh!" Tuwang-tuwa niyang balita sa akin habang ako ay parang nawalan ng hangin. Nabitawan ko ang hawak na ballpen at umawang ang aking bibig. It can't be. Bakit ba nakalimutan ko na ang PCN ang target niya? Masyado ba akong naging abala sa buhay ko? Sa kalokohan ko? "Girly, ano na? Bakit ang tahimik mo? Are you not happy for me? Malapit ka na magkaroon ng kaibigan na artista." Bakas na bakas talaga ang kasiyahan sa boses niya. I breathe in and out to calm myself. She just passed. Marami pa siyang pagdadaanan. Yeah. "Girl, artista? Akala ko ba anchor ang in-apply-an mo, 'di ba?" Kapagkuwan tanong ko para mawala ang kung ano-ano alalahanin sa mind ko. "Girly naman, e. Pareho lang 'yon. Kapag naging anchor ka, artista ka na rin no'n, 'di ba? They will see me on the television," may pagmamalaki sa boses niya. "Girl, are you sure you want to be an anchor? Mas bagay ka roon sa mga radio station. What do you call it? The one likes storytelling," I said. "Girly! How dare you! You don't trust me. Kung nakita mo lang ako kanina sa interview baka ikaw ang una kong tagahanga." I rolled my eyeballs again. "Kainis ka talaga. Magkita nga tayo now. Where are you?" "I have an appointment today. Maybe tomorrow," I suggest. Magkikita nga kasi kami ni Roux at siya ang priority ko ngayon. "May work ka na ba? Bakit parang lagi kang busy?" There's a hint of curiosity in her voice. "Girl, I'm looking for a job. And I have an interview today. Let's meet tomorrow, I need to get ready," pagpapaalam ko sa kanya para hindi na niya ako kulitin. "Fine. See you tomorrow, bye." "Yea. Bye." After I heard the busy tone I closed my eyes and massaged my temple. Bigla akong napamulat at inalis ang kamay sa aking sentido. Pati mannerism ni Roux nagagaya ko na. I put my hands on the table and rested my face there. I'm worried big time. Kapag nagpatuloy si Bianca sa pagpasok sa PCN ay may chance na malaman niya ang tunay kong pagkatao. I'm not ready yet. Nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko. I don't want to be surrounded by paparazzi or people's eyes will be on me everytime am I outside. Naiisip ko pa lang ay naiinis na ako dahil sigurado mawawala ang peace of mind ko. I can't! Not now! Gosh! I need to do something to stop Bianca. I need to talk to my father. Yes, that's it. Nang bigla akong makaramdam ng guilt. Matagal ng pangarap ni Bianca ang maging isang anchor at mapanood sa television. Para naman wala akong puso kung sisirain ko ang pangarap niya. Kahit magkaiba kami ng course na kinuha ay nanatili naman ang closeness namin. She is the only one I let to enter my life... kahit papaano. Napasabunot ako sa aking buhok. What to do, Rylee? I am torn between letting her achieve her goal or I stop her from discovering my secret. Nang mapatingin ako sa aking cellphone ay nagulat na lang ako dahil it's already 10 in the morning. I fix my things quickly. Maliligo at mag-aayos pa kasi ako at hindi sapat ang isang oras sa akin. TEN minutes before eleven in the morning ay palabas pa lang kami ng Village. Siguradong late ako pero wala akong pakialam. Mas importante na makapag-ayos ako kaysa lumabas na mukha akong payaso na mag-perform sa carnival. Well, I'm not putting too much kolorete naman, e. Like I said, I am beautiful just the way I am. I just put some foundation, lipstick, eyeshadow, and of course a blush on. I need to look different para naman hindi mapaghinalaan. Saka baka hindi ako papasukin, baka isipin ay naliligaw ako kung simpleng ayos lang ang gagawin ko. "Dito po ba, senyorita?" tanong ni Kiefer nang ihinto niya ang kotse sa harap ng grand entrance ng Villaflor Hotel. "Yes. I will call you, okay." Tumango siya saka bumaba para pagbuksan ako ng pintuan. "Sigurado po ba kayo na dito kayo?" Bakas ang pagtataka sa mukha ni Kiefer. "Do I look not serious?" Inis kong turan saka sinenyasan na siyang umalis. Mukha bang mali ang papasukan ko. Oo nga hotel ito pero hindi naman motel. Saka pakialam niya ba. Umirap ako saka naglakad na papasok sa loob. Marunong din pala pumili ang oldie na 'yon. Villaflor Hotel is a well-known hotel in the Philippines. And if I remember it well, the owner of this hotel is one of Daddy's colleagues. Kaya nga hindi niya na pinasok ang hotelier. Papasok na ako sa loob nang tumunog ang aking cellphone. Ayoko sana sagutin kaso baka si oldie ang tumatawag at manenermon lang dahil I'm late. Bago ko pa mabuksan ang dala kong bag ay may nabunggo ako na isang matigas na bagay at kasunod no'n ay ang pagbagsak ng isang cellphone. Napasunod ang tingin ko roon. "Sorry, Miss," hingin-paumanhin ng isang baritono na boses. Sunod ko nakita ay ang pagyuko ng isang lalaki na mukhang may-ari ng cellphone. Matapos pulutin ay humarap siya sa akin. Itinaas niya ang cellphone. "Mukhang buhay pa naman," nakangiti niyang sambit. "Mukha nga," aniko at pinasadahan siya ng tingin. He's attractive but Roux is more appealing. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo dahil sa ideya na 'yon. Bakit ko ba pinagkukumpara ang dalawa? This guy in front of me is younger than Roux. "By the way, I'm Cayson Ortega," he introduced himself. Inilahad niya pa ang palad. I still have manners kaya I accept his hand. "Rylee Lopez," pagpapakilala ko. I always used my mom's surname. Kapag kasi naririnig nila ang Hernandez ay agad nila itatanong kung kaano-ano ko si Thomas Hernandez. Lahat ba nang may apelyido ng Hernandez ay tinatanong? Nakakairita kasi minsan. Why don't they mind their own business, right? Binawi ko agad ang aking kamay ng pisilin niya 'yon at agad ko inilibot ang aking mga mata. May mga napapasulyap sa amin kaya naman nagdesisyon na ako magpaalam dahil siguradong inip na rin si Oldie. "Nice meeting you, Mr. Ortega but I have to go." He softly chuckled dahilan para lumitaw ang dalawa niyang dimples. Oh my gosh! Hindi ko mapigilan titigan 'yon. I love dimples. Pangarap ko nga na sana ako rin meron kaso wala. "Masyado ka naman pormal. Just call me Cayson or pwede rin naman babe." Bigla akong nabalik sa aking sarili sa lakas ng confident niya. Oo, gwapo siya pero mayabang. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan sabay talikod sa kanya. Nagtuloy-tuloy na ako sa reception area at mabuti na lang ay hindi na niya ako sinundan. Baka ipadampot ko pa siya sa mga security guard. "Good morning, ma'am, may I help you?" bati agad ng magandang babae na Joan ang nabasa kong name sa kanyang nameplate. "I'm looking for Mr.Bognot." Hindi ko na sinama ang VIP na sinabi ni oldie. Siguro naman ay isang Mr.Bognot lang naman ang naka-check in doon. Kanina pa nga ako nagtataka kung bakit hindi Zamora. Gayunpaman ay tumuloy pa rin ako. Ewan ko ba pero masyado panatag ang loob ko kay Roux at alam ko na hindi naman niya ako ipapahamak. Kundi lagot talaga siya sa akin. "May I know your name, Ma'am?" untag sa akin ni Joan. "I'm Rylee," tipid ko sagot. Nag-message kasi si oldie kanina at sinabi na name ko lang daw ang ibigay ko. Nagtataka man ay heto na nga at sinunod ko ang sinabi niya. Mukhang hindi naman nagulat si Joan na tumango lang saka may tiningnan sa computer bago muli humarap sa akin. "This is your card key, Ma'am and Mr.Bognot told us to give it to you," sabi ni Joan saka sabay na inabot ang card key at isang paper bag. "If you need anything just give us a call. Have a nice day." Tipid akong ngumiti saka kinuha na ang paper bag at card key kahit nagtataka ako ay hindi na ako nagtanong pa. Tumalikod na ako at naglakad patungo sa elevator. Napapatingin ako sa hawak kong paper bag at sobrang curious kung ano laman no'n. Nang maalala ko ang pag-ring ng cellphone ko kanina. At dahil waiting pa ako sa pagbukas ng elevator ay agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko. Nang buksan ko 'yon ay tama nga ang hinala ko na si oldie ang tumatawag pero mas nagulat ako nang makita ang oras. 11:20 AM I decided to ignore his call when a message popped up before I could return my phone in my bag. Oldie: Don't forget to get the paper bag, young lady. Dahil sa message niya ay talaga na-curious ako sa laman ng paper bag kaya naman binuksan ko 'yon. My eyes were bewildered by what I was seeing. One box of condoms!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD