Chapter 6

1262 Words
Roux I was in the middle of the meeting when my phone beeped. Pasimple ko iyong tiningnan dahil kahit ako ang CEO ay ayoko maging bastos sa meeting na ako mismo ang nagpatawag. Madali ko naman makikita kung sino ang nag-message dahil nakapatong lang sa ibabaw ng table ang cellphone ko. Bigla yata akong kinabahan nang makita kung sino ang nag-message. Malakas akong tumikhim dahilan para huminto ang nagsasalita at tumingin sa akin. "Continue," sabi ko saka kinuha ang aking cellphone para basahin ang message ng suwail na bata. Napatiim-bagang ako matapos mabasa ang message niya at napatayo na ikinatingin na naman nila sa akin. "May I excuse myself for a while?" Pagkasabi ko niyon ay agad akong lumabas sa meeting room at dumiretso sa aking opisina na katapat lang naman nito. Nakita ko pa ang nagtatakang mukha ni Raylan, ang aking assistant. Pagkapasok ko ay nagpalakad-lakad muna ako habang itinatapik ang cellphone sa kabilang palad ko. Huminto ako saka muling binasa ang message niya. Prettiest: Meet me at Rainbow Corner near Mija Mall at exactly 11 in the morning. See you later, oldie. Malakas na talaga ang tama niya. Sa isang open area niya kami gustong magkita at sa katirikan pa ng araw. Hindi pwede. Huminga ako nang malalim saka umisip ng idadahilan ko sa kanya pero… Alam ko naman na wala siyang tatanggapin na dahilan. Nang bigla akong may maalala. Isang ngisi ang kumawala sa aking labi. Tingnan ko lang kung papatulan niya 'to. Mabilis akong nag-type ng message saka sinend sa kanya. Matapos no'n ay iniwan ko ang cellphone ko sa aking working table at bumalik sa meeting room. Pagkapasok ko ay bumalik ako sa aking upuan. "You may now continue," sabi ko. Nagpatuloy naman siya sa pagpapaliwanag at itinuon ko na ang aking atensyon roon. We are discussing our commercial models. Simula nang sumikat ang Temptation Entertainment ay mas dumami ang mga brand na kumukuha sa amin ng mga models. I always make sure that our models are flexible, especially those that are in commercial modeling. "Like we are saying, we are lacking in models. As our company grew bigger, the demands also followed. We are asking our CEO's permission to hire more," Mr.Venancio explained. Napatango-tango ako. He's right. Pero maingat kasi ako sa mga modelo na kinukuha. Ayoko sa bara-bara, na porket maganda o gwapo ay pasok na. I am also considering their attitude towards the job they apply for. I play the pen with my fingers. Thinking. Ayoko lang magkamali. Mas gusto ko pa rin na de-kalidad ang aming serbisyo. Kaya nga kami pinipili dahil doon. After a long silence, I stood up and let the pen roll. All eyes were on the pen until it stopped in the center. "Mr.Venancio, I'm giving you the right to employ fifty models this week. Make sure that all the conditions I needed wouldn't be left behind. The final decision will still be on me." After I said that, I left the meeting room again. Tapos na rin naman ang aming meeting. "Raylan, in my office, now," maawtoridad kong tawag sa aking assistant na agad naman sumunod. Pagkaupo ko sa aking swivel chair ay binuksan ko ang aking cellphone. A message from her. I opened it. Prettiest: Sure. I'm coming. Please, bring protection. Muntik na yata ako malaglag sa aking kinauupuan matapos mabasa ang message ni Rylee. "Okay lang po kayo, Mr.Zamora?" Napaangat ako ng tingin at napapikit nang makita na naroon pala si Raylan. Umayos ako ng upo saka hinilot ang aking sentido. "Raylan, give me water." Bigla kasi nanuyo ang lalamunan ko. Nabitawan ko rin pala ang cellphone ko matapos mabasa ang message niya. Malala na talaga ang sapak sa utak niya. "Heto na po." Agad kong kinuha ang inaabot niyang bottle water saka binuksan at diretsong ininom. Nang maramdaman ko ang malamig na likido sa aking lalamunan ay nakaramdam ako ng ginhawa. Said na said ang tubig na inilapag ko sa lamesa ang bote. Nang tingnan ko si Raylan ay bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Kahit may suot siyang makapal na salamin ay hindi naitago no'n ang kanyang reaksiyon. Sumandal ako saka pinagalaw-galaw ang aking swivel chair habang nanatiling nakatayo sa tapat ng lamesa ko si Raylan. Anak si Raylan ni Manang Nur at pinilit itaguyod para makapagtapos. Sa tulong ko ay nangyari naman 'yon at hindi niya ako binigo. He graduated with flying colors. Pero ang mas nakapagpabilib sa akin ay ang pagpili niya na magtrabaho sa akin bilang aking assistant. And he was good at it. Katunayan nga roon ang pananatiling malinis ng aking pangalan sa kabilang ng mga kalokohan ni Rylee. Nang maalala ko siya ay bigla akong napaayos ng upo. "Raylan, cancel my 11-morning schedule," I informed him. Inangat niya ang salamin na suot at tinitigan ako. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Sino ba hindi? I never canceled my appointment lalo na at oras na lang ang pagitan. "Are you sure, Mr.Zamora?" Paninigurado niyang tanong. Napabuntung-hininga ako. "Yes. The little brat wants to meet me at that time," I answered with a fuss. "What do you want me to do, Mr.Zamora?" Agad niyang tanong. I sighed deeply and looked at him. "Nothing. I will handle it. Just stay here. Makakalabas ka na." Yumuko siya saka kinuha muna ang bote ng tubig na wala ng laman. Nang makalabas siya ay dinampot ko ang aking cellphone saka tinawagan si Vincent. "Hello." Halatang bagong gising lang o nagising sa tawag ko. "Who is this?" See, basta-basta na lang sumasagot ang sira ulo kong kaibigan. "Where are you?" "Sleeping—" "Damn you, Vincent! Nasa Villaflor Hotel ka ba? Leave that place and ask someone to clean that room," mariin kong sabi. "What the heck! Roux, ano'ng problema mo? Don't you see? I said I am sleeping and you want me to leave my place? Are you out of your mind," bakas na ang iritasyon sa boses niya. Ikaw ba naman biglang palayasin sa sarili mong tinutuluyan, 'di ka magigising. "Dude, I will explain later. Doon ka muna sa penthouse ko. Sige na, lumayas ka na diyan at magbilin ka sa receptionist na ibigay ang card key sa nangangalang Rylee…" Bigla akong natigilan kasi hindi ko alam kung ano ang apelyido niya. Mahigpit pa man din sa hotel na 'yon. Narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Vincent. "Siguraduhin mo na magpapaliwanag ka mamaya. Dahil kung hindi, sisirain ko talaga ang pangalan mo." Natawa lang ako sa sinabi niya at naririnig ko na ang pagkilos niya sa kabilang linya. "Hindi ko alam ang apelyido niya, Dude." Napakamot ako sa aking leeg. "Damn, you talaga, Roux! Ano huhulaan ko ang apelyido niya?" Lihim tuloy akong napamura. Bakit kasi hindi ko man lang inalam ang apelyido ng suwail na bata na 'yon? "Do you have her picture? Send to me at pwedeng pangalan niya na lang ang sabihin," untag niya sa akin. "Are you sure?" nagdududa kong tanong. "Kung ayaw mo, ayos lang. Matutulog na lang—" "Oo na. I will send it." Pinatay ko na ang tawag saka nagpunta sa gallery ng cellphone ko. Alam ko na may picture siya rito noong minsan na mag-selfie siya gamit ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang picture niya pero bigla rin napawi 'yon nang matitigan ko nang maigi ang kanyang itsura. Zinoom ko pa ang picture niya at itinutok sa kanyang mga mata. Those amber eyes, Aquiline nose, shortened chin, plump lips… she looks like her. Bigla kong nabitawan ang aking cellphone. It's impossible. Baka nagkataon lang. Marami naman pwedeng maging magkamukha sa mundo, 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD