Chapter 5

2022 Words
Rylee Woke up like this? Matamis akong ngumiti matapos kong i-post ang kagigising ko lang na picture. I don't need some filters or editing apps just to enhance my beauty. Maganda ako. Period. Para lang ang mga 'yon sa mga taong hindi confident sa sarili and I do not belong to them. I did my morning routine. Nag-morning exercise ako sa rooftop na konektado sa room ko at tanging ako lang ang may karapatan na pumasok doon unless I want to bring friends. Pero sa tagal ng panahon kong nabubuhay rito sa mundo ay wala pa akong inimbitahan kahit sino sa favorite spot ko. Kahit madalas ako kulitin ng pinakamalapit sa akin na si Bianca na dalhin ko sa lugar na 'yon ay hindi ako nagpadala. Sa mga post ko kasi ay gandang-ganda sila sa background na madalas kong ibahagi sa aking private account. But my decision is final. For me, this is my sacred place. Dito ko nailalabas ang lahat ng nararamdaman ko na hindi ko pwedeng ipakita sa iba. I am Thomas Aquino Hernandez's only heiress. Kahit na gano'n ay mahigpit si Daddy na hindi ako ma-expose sa publiko. Sa bawat broadcasters at journalism na pumipirma sa aming network ay isa sa rules na naroon ay ang bawal ilabas ang tungkol sa akin. Hindi namin maiiwasan ang ibang mga tao na-curious sa nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang businessman sa Pilipinas. However, my father has the power to control things that he wants. Isa na roon ang maikalat ang tungkol sa akin. Kaya nga nasa isang sikat na subdivision kami kung saan sobrang higpit ng seguridad. Liege Hills Village is only for wealthy and famous personalities. Kaya hindi agad malalaman kung sino ang anak ni Daddy. Sa school naman ay very confidential ang impormasyon ko. Wala naman mag-aakala na anak ako ni Thomas Hernandez, marami naman magka-apelyido lang. In my school, it's always Yaya Merlinda who's with me. Sanay na ako at wala rin naman ako pakialam about school activities na madalas ay hindi ko naman sinisipot. Hanggang sa makapagtapos ako ay nanatiling tahimik ang mundo ko. Kaso, ako na lang ang nagsawa. Kaya naman nang makilala ko si Roux, ginawa ko talaga ang mga kalokohan na tingin ko ay magiging best experience ko for the rest of my life. Sinisigurado ko rin naman na safe pa rin ang pagkatao ko. Hindi ako basta gumagawa ng eksena na pwedeng pag-usapan sa socmed at maging dahilan ng pagbulgar sa tunay kong pagkatao. Kaya sobrang saya ko at nakilala ko si Roux. My savior! Bumaba na ako matapos ko magawa ang lahat ng dapat kong gawin sa umaga na 'yon. Naabutan ko si Daddy sa may dining table. "Good morning, Daddy," masigla kong bati at hinalikan siya sa pisngi. Umupo na ako sa kanang bahagi niya. "Good morning, Mija. Do you look happy today? Mind if you share it with Daddy?" Daddy said while glaring at me. Napailing na lang ako saka ako kumuha ng bread and sausage. "Josa!" I shouted. Humahangos naman na lumapit si Josa sa akin. "Yis, yis, sinyoreta?" Agad niyang tugon. "I don't like milk, I want coffee with milk," utos ko sa kanya. Nang nanatili siyang nakatingin sa akin ay tumaas ang kilay ko. "What?" "Ah, yis, yis, sinyoreta. Gagawen ko na po." Kinuha niya ang gatas na nasa tabi ng plato ko saka umalis. "When did you learn to drink coffee?" Daddy curiously asked me. I gave him a toothy grin. "Daddy, I'm not a kid anymore. I should learn how to drink coffee, right? And I think I needed it." Kumuha rin ako ng itlog at ipinalaman sa bread. Nararamdaman ko ang titig ni Daddy na ikinailing ko. Simula bata kasi ako ay hindi pa ako nakakainom ng kape. Any kind of coffee. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ay hindi ako makakatulog kapag uminom ako no'n. Not until I met Roux. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko na hindi ko napansin. "Mija, are you sure you're okay?" Napabaling ako kay Daddy na ngayon ay inilapag na ang tasa ng kape na sinisimsim niya kanina. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot, "Yes, Daddy. Why?" Ipinagpatuloy ko ang pagkain. "You are smiling like a witch." My eyes grew bigger as I looked at him. "What did you say, Daddy? Me? A witch? Sa ganda kong 'to?" Napairap pa ako sa hangin. Tumawa lang si Daddy saka nagsimula na rin kumain. "Sinyoreta, koffi hir," saad ni Josa at inilapag ang coffee sa gilid ng plato ko. "May kaelangan pa po kayo, sinyoreta?" "Sasabihin ko kung meron." Sinenyasan ko siya umalis na. "Be polite to them, Mija. Sila lagi ang kasama mo. Respect them, too," pangaral na naman ni Daddy sa akin. Masyado siyang maawain sa mga tao especially to his employees. Binabayaran naman namin sila. Dapat nga sila magpasalamat dahil kung hindi sa amin wala silang trabaho, 'di ba? "Daddy, I didn't do anything?" nagtataka kong saad. Wala naman talaga akong ginawa. Pinaalis ko lang. Nakita kong tumango-tango si Daddy. "What are you planning to do today?" Napaisip ako sa tanong ni Daddy habang nginunguya ang sausage sa bibig ko. Kagabi pa nakaplano ang balak kong gawin today. Ibinalik ko ang tingin kay Daddy. "How about you, Daddy?" Balik-tanong ko na muna. Baka kasi may plano siya na makipagbonding sa akin. "Do you want us to have a vacation?" I saw his face expressed a sad reaction then said, "I'm sorry, Mija. I have lots of things to settle in the office. I will settle it first then we can set our vacation. Where do you want to go?" nakangiti na nitong tanong. I'm already used to it. Kaya walang dahilan para magtampo ako kay Daddy. Kaya kailangan ko talaga gawin ang misyon ko. It's time for him to be happy. I know that deep inside of him, he wants someone to care for and love him, not a daughter to a father relationship. "No worries, Daddy. I understand." Pinasigla ko pa ang boses ko para hindi siya makaramdam ng guilt. "Then, what are your plans for today?" ulit niyang tanong. I sip my coffee and I saw Daddy from the rim of my cup looking at me. I silently smiled at the back of my mind, lalo nang makita ko kung paano rumehistro ang hindi makapaniwala na reaksyon sa mukha ni Daddy. Ibinaba ko ang tasa at kinuha ang table napkin para punasan ang aking bibig. "You look surprised, Daddy." "I am. I didn't expect that you would love to drink coffee. That is your best enemy, right." Tumango ako bilang pagsang-ayon. "You are right, Daddy. But people change." After I said those words ay nagpatuloy na kami sa pagkain. I WAS busy searching the internet about how I will know if a woman is really good and not a bìtch. Ayoko magkaroon ng isang evil stepmother 'no. I may be a princess but I don't like to be Cinderella. Saka hindi na tatalab ngayon ang mga evil stepmom na 'yan, duh! Nasa makabagong panahon na tayo. Evil stepmom should be banned from any movies or television. Kapag pinalitan ko na si Daddy as the CEO of PCN stands for People Choice Network. Isa sa ipagbabawal ko ang tema ng mga evil stepmom. I grimace after realizing what I am thinking. Ang layo na pala nang narating ng isip ko. Kahit sinabi ko kay Daddy na sisimulan ko na pag-aralan ang pamamalakas sa aming business ay wala sa loob ko 'yon. I also know that he will decline. Kaya malakas ang loob ko. Ibinalik ko ang atensyon sa aking laptop pero kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nangalumbaba na lang ako sa center table habang kaharap ang aking laptop na nanatili ang search bar sa tanong na 'How to know if a woman is perfect' ang daming lumabas and I don't have all the time in the world to read all of this. Nang bigla kong maalala si Roux ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone then I dialed his number. Tumikwas ang kilay ko nang natapos na ang pag-ring ay hindi niya man lang sinagot. Napatingin pa ako sa aking cellphone. Tama naman ang tinawagan ko. "Nasa work na kaya siya? Pero boss naman siya kaya pwede niyang sagutin." Dahil doon ay muli ko siyang tinawagan. Kumibot-kibot ang labi ko habang ang mga daliri ko ay nag-tap-tap sa may laptop ko. Nakaupo ako dito sa aking sala set sa may carpet. Bigla akong napangiti nang sagutin na niya ang tawag ko. "What?" Ang sagot niya na parang hindi ako makapaniwala na siya ang sumagot. "Oh la la! You also don't know proper phone call courtesy?" maarte kong sambit at inasar siya. "It depends on the person I'm talking to," sarkastiko niyang sagot. I can't help to chuckle after hearing his reasoning. "You are learning, oldie. Biruin mo 'yon may natutunan ka rin sa akin. Well, kaya ako napatawag kasi I need your help." Natatawa pa rin na sabi ko. I heard him breathe deeply and I am sure that he is now massaging his temple. Mannerism na niya yata ang bagay na 'yon. Sa tuwing magkasama kasi kami ay lagi niya 'yong ginagawa, para bang sinasabi niya na sakit ako sa ulo. Napairap tuloy ako. "What is it this time? Don't you think it's too early for whatever trip you're planning?" Bakas ang inis sa boses niya na mas ikinatuwa ko. Ewan ko at bakit natutuwa ako lalo na kapag na-i-imagine ko ang kanyang gwapong mukha na nakabusangot. "No. It's just the right time. What time are you available? Let's meet." I stood up and put my free hand to my waist and started walking to and fro. "Pwede ba sa ibang araw mo na lang gawin kung ano man 'yan. I'm busy right now—" "You're the boss so… you can leave anytime you want." I cut his words. "If that is so, then why ask me at all? Bakit hindi ka na lang mag-set ng oras at ng lugar kung saan tayo magkikita tutal I can't say no, right?" Puno ng sarkasmo ang boses niya na sagot at mas lumawak ang pagkakangiti ko. "Great. You are right! Okay, I will send you later where and what time. I'm so excited about it, I know you will be a big help. See you later, oldie. Bye." Narinig ko pa ang malalim niyang buntung-hininga bago ko pinatay ang tawag. I'm the winner again. Naghanap agad ako ng isang private place kung saan kami pwedeng mag-usap nang walang mga paparazzi. Napahinto ako saka isang ngisi ang kumawala sa aking labi. Bakit ko nga ba inaaksaya na isipin ang nga paparazzi? E, sigurado naman na siya mismo ay hindi nanaisin na makita kaming dalawa na magkasama. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Saka, sa tatlong buwan ay hindi pa ako nakarinig o nakapanood ng balita na tungkol sa kanya o tungkol sa pagkikita at pagsalba niya sa akin. Kaya alam ko na maingat siya masyado at inaagapan kung ano man ang pwedeng makasira sa pangalan niya. Kasi hindi naman niya ako kilala, kaya sigurado ako na pangalan niya ang iniingatan niya. A devilish smile appeared on my lips. Then, I message him the place and the time of our meeting. Hinanda ko rin ang mga kakailanganin ko para sa aming pagkikita. Kung ano ang aming agenda. Sa pagkakataon na ito ay hindi niya ako isasalba sa isang kaguluhan… kundi tutulungan niya ako mahanap ang aking perfect stepmother. Kinuha ko ang isang signature notebook at nagsimulang magsulat ng mga bagay na dapat namin isaalang-alang sa paghahanap ng aking stepmother. Pero naudlot ang aking pag-iisip ng umilaw ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay galing kay oldie ang message. Mabilis kong kinuha 'yon at binasa ang kanyang message. Oldie: We can't meet in an open area in the middle of the day. Spare my name in whatever your trip young lady. If you really want to talk to me, meet me at Villaflor Hotel, the main branch. Just say the VIP room of Mr. Bognot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD