Chapter 4

2254 Words
Roux "Good morning, Papa," bati sa akin ni Ehra pagkapasok ko sa kusina. Sinalubong niya ako saka hinalikan sa pisngi. "Good morning, too, baby." Sumimangot siya na ikinatawa ko. "Why sulking, baby?" tanong ko pa at inaya na siya na maupo. "Because I'm not a baby anymore, Papa. Don't you see? I am a big girl na po," depensa niya. "For me… you're still my one and only baby. C'mon, let's pray, I have an important meeting today and you have classes too." Mabilis naman siyang sumunod at kinalimutan muna ang pagpupumilit na hindi na siya baby. Kahit sampung taon na siya ay para sa akin ay baby pa rin siya. I am too protective of her. Sa panahon ngayon na mapupusok ang mga bata saka masyadong maraming krimen ang nangyayari sa paligid ay dapat ay mas alerto at mas may oras tayo na tutukan sila. Masaya kaming nag-agahan at marami siyang mga kwento tungkol sa mga ginawa niyang activities kahapon. I loved seeing her happy. Siya na lang ang natitira kong pamilya. And I will do everything I can to give her the life she deserves. "And then, you know what Papa. That guy… I don't know his name because I don't care at all. He said, he likes me and he will ligaw me raw po. Gosh, Papa. Ang bata pa namin," patuloy niyang kwento pero hindi ko 'yon nagustuhan. "Ehra, listen. Always tell Papa if ever someone bullies you or harasses you, okay. Don't hide anything from me. Are we clear?" I used my firm tone to tell her that I was serious about this thing. "Okay, Papa. Everything, no secrets. Same as you. You need to tell me everything, especially those bítches trying to get you." Hindi ko na naman napigilan matawa. "And by the way, Papa. Kailan niyo po ipapakilala 'yong girl na tumulong sa inyo para hindi kayo mapikot? I want to meet her personally and thank her for saving you." Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang beses na rin kasi siyang nangungulit na makilala si Rylee pero wala naman pagkakataon. Saka… parang hindi ko yata kaya na makilala nila ang isa't isa. Their attitude is a little bit similar. Pwedeng magkasundo o pwede rin hindi. Parehong tiwala sa mga sarili. Is not that it was a bad thing. Being confident is a good trait, huwag lang sosobra. "You will be late and me too. Let's talk about it another time." I saw her lips brooding and Rylee images pop up in my mind. I shook my head to dismiss it. HABANG nasa biyahe ay hindi mawala sa isip ko ang gustong mangyari ni Ehra. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa makilala si Rylee. Pilit ko nga iniiwasan na mapag-usapan ang tungkol sa kanya. I personally sent her to school but Kuya Kiko will pick her up with two bodyguards with them. Sabi ko nga, mahigpit ako sa seguridad niya. Pero hindi sa puntong nasasakal na siya. Ayoko naman na magrebelde siya. Going back. Naikwento ko kasi kay Ehra ang nangyari. Hindi ko itinago ang muntik ko nang pagkapikot. Galit na galit siya at gusto pa harapin ang babae. Sinabi ko na lang na umalis na ng bansa. About Rylee, wala naman talaga kasi akong balak na tuparin ang kasunduan namin. Para sa akin ay isa lamang 'yon kalokohan ng isang katulad niya na walang magawa sa buhay. Dalawang linggo rin na wala akong natanggap na mensahe mula nang iligtas niya ako. Kaya naging panatag ako na nakalimutan na niya ang ginawa namin na kasunduan. Not until that afternoon. Pauwi na ako nang tumunog ang aking cellphone. Kumunot pa ang noo ko nang makita ang rumehistro na pangalan. After two weeks, nagparamdam na siya. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko 'yon hanggang sa mamatay ang tawag. Then a message pops up. Out of curiosity na galing sa kanya ang message ay binuksan ko 'yon. Rylee: Answer my call or I will send our agreement to my attorney! ? Naningkit ang aking mga mata. The audacity of that young lady to threaten me? Subalit nakita ko na lang ang sarili na kausap na ang suwail na bata. "I need you right now." Ni wala man lang hello or some proper phone call courtesy. Bossy pa ang boses. "What do you want?" I asked because I didn't have a choice at all. "I'm in the cheap store security office and they say that I'm a magnanakaw. Gosh! Me? How could they accuse me?" I closed my eyes after hearing her baby-talk language. Dinaig pa si Ehra kung maka-guilt trip. "Then call someone who can help you fix your problem. I'm not your guardian, kaya wala ako magagawa para sa 'yo." "Did you forget our deal? You agreed to be my 'one call away, buddy'. You are already free for two weeks. Now, I need you to talk to them so that they will let me go," pamimilit niya pa. Napahawak ako sa aking sentido at hinilot 'yon. Mali talaga na pumayag ako sa kalokohan niya. Bakit ba kasi ako nagpadala? "Fine! Where are you?" tanong ko para matapos na at gusto ko nang umuwi. Matapos niyang sabihin kung nasaan siya ay agad ko nang minaniobra ang kotse patungo roon. Nagtataka pa ako dahil hindi sikat ang mall. It's a cheap store located near the squatter area. Nanggaling na pala sa bibig ng suwail na bata na cheap store nga raw. Paano kaya siya nakarating doon? Hindi ko alam kung boring ba siya sa buhay niya, o sadyang nakulangan ng turnilyo ang ulo at kung ano-ano naiisipan gawin sa buhay niya. Mabuti na lang at kahit paano ay may parking area ang nasabing cheap store. Pagka-park ko ay agad akong dumiretso sa loob. Nagtanong agad ako sa information desk kung may hinuli ba sila for shoplifting. Sinamahan ako ng isa sa mga empleyado roon para ihatid sa security office. And when I entered the office… I saw her sitting in one of the monoblock chairs and she was busy looking at her new polished nails. Napabuntung-hininga na lang ako. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay agad siya nag-angat ng tingin at biglang lumiwanag ang bukas ng mukha. Mukhang kanina pa siya naiirita. But, I felt something tug my heart after seeing her beautiful face… again. "Roux, you're here," sambit niya saka tumayo at sinalubong ako kapagkuwan ay humarap sa mga security personel na naroon. "See. I told you he will come. Do you think I'm lying? He can demolish your cheap store here—" "Rylee, enough," mariin kong sambit saka hinawakan ang kanyang braso at dinala sa likuran ko. Mukhang may ideya na ako kung ano ang sinabi ng suwail na bata na 'to. "Good afternoon, I hope we can settle it nicely. Hindi na natin kailangan umabot pa sa… police station, 'di ba?" mahinahon kong sabi. Lumapit ang isang may katandaang babae at nagulat pa ako nang bahagya siyang yumuko. "Pasensya na po Mr. Zamora, hindi naman po namin gustong gawin sa…" she trailed off. Maybe because she doesn't know how to address the little brat connection with me. "She is the daughter of a friend of mine. Nasa ibang bansa kasi kaya sa akin nahabilin," I said politely. Mabuti na lang at hindi siya kumontra dahil… Ano nga ba kasi ang koneksyon ko sa kanya? Pati pangalan ko mapapahamak sa kalokohan niya. "Ano po ba ang nangyari?" "Nahulihan kasi siya na may kinuhang hindi bayad sa store. Nang tanungin namin sabi niya hindi niya raw kinuha. When we checked the CCTV, we saw it. Sabi niya, nakalimutan lang daw niyang bayaran. Sana maunawaan n'yo na hindi namin pwede palagpasin ang ganitong mga pangyayari, Mr. Zamora." Napabuntung-hininga na lang ako sa narinig. "May mga nakakita po ba? Alam n'yo naman po sa panahon ngayon, konting eksena ay naka-post na agad sa mga social media," patuloy kong pag-usisa. I need to know every detail bago pa ako magising at ang inalagaan kong pangalan ay biglang masira. "Don't worry, sumama naman siya nang maayos dito sa opisina kaya walang eksena na nangyari. Sabi niya ay… Kilala niya raw kayo at ikaw ang susundo sa kanya. Babayaran naman niya ang item pero gusto lang sana namin na makasigurado na maipaalam sa guardian niya. Hindi naman namin akalain na kayo pala 'yon," mahabang paliwanag muli niya. Palagay ko ay siya ang head ng security rito. "Ako na po talaga ang humihingi ng pasensya sa ginawa niya. Lumaki po kasi sa ibang bansa at medyo…" Sinulyapan ko siya saka binigyan ng isang nagbabantang tingin bago ko ibinalik ang tingin sa kausap. "A spoiled brat. But don't worry, I will make sure she won't do it again. Baka bored lang siya at alam n'yo na." I want to disappear at the moment. Pakiramdam ko kasi ay sobrang nakakahiya ng sitwasyon. "Sana hindi na po ito makalabas pa. Or else, you don't want to lose this store." Hindi ko napigilan magbanta. Hindi dahil sa gusto ko kundi kailangan. "Huwag kayong mag-alala, Mr. Zamora, wala po makakalabas." Matapos ang usapan ay tuluyan na namin nilisan ang store na 'yon. Pagkasakay pa lang ng kotse ay tinawagan ko na agad ang assistant ko. "Hello, Mr. Zamora." "Go to the G-store located in Pasay City. I want you to make sure na hindi lalabas kung ano man ang nangyari sa araw na 'to. Don't ask me, find it yourself." Pinatay ko na ang tawag saka pinaandar na ang kotse palabas ng parking lot. "Are you mad?" Pagbasag niya sa katahimikan. Sa wakas, nakaramdam din. "Don't you have money to buy that f*cking hairpin? Halagang fifty pesos and you drag my name into it. Ano trip mo sa buhay?" Asar kong tanong sa kanya. "That's it. Trip ko lang maranasan kung ano pakiramdam na nahulihan ng isang bagay na hindi mo binayaran," kaswal niyang sagot na dahilan para hilutin ko ang sentido ko. I inhaled and exhaled to control myself not to shout. Dahil lang sa trip niya? What a ridiculous reason! I clenched my jaw and tightened my grip on the steering wheel. "Bakit ka ba nagagalit? I did not force you to come. Ikaw ang nagpu—" "Dahil pinapunta mo ako," putol ko sa sasabihin niya. "Yes, I did. It's still your choice to come or not. Kaya kasalanan mo pa rin kung bakit tuluyan nadamay ang pangalan mo. They could think that I'm just lying, right? Sino maniniwala sa akin kung ganito suot ko?" Pasimple ko siyang sinulyapan ng tingin at tama naman siya. A plain black t-shirt na may mga puting disenyo ba 'yon or napatakan ng chlorox? Then a maong pants na mukhang ilang taong hindi nilabhan. At kupas na sapatos. Bakit ba ganito ang suot niya? "Where did you get that outfit? Naghihirap ka na ba? Sana sinabi mo na lang sa akin para naman—" "Of course not! Gosh! Me? Getting poor? No! It's a big no! My father will not let it happen," histerikal niyang saad saka nagpaypay pa gamit ang kamay. At 'yon ang simula ng tinatawag niyang 'one call away, buddy.' From that day, I can't say no every time she asks me to save her ass. I don't know why, I just can't say... no. Nabalik ako sa sarili nang marinig ang cellphone ko na nag-ri-ring. Natawa na naman ako, nakarating ako sa opisina nang ligtas kahit ang isip ko ay nasa little brat na 'yon. Ang dami ko nang naitawag sa kanya. Nag-park muna ako bago ko kinuha ang cellphone sa dashboard. Napabuga ako ng hangin at kumunot ang noo. Ang aga niyang tumatawag. Sa loob ng tatlong buwan ay laging gabi ang tawag niya dahil gabi ang oras ng mga kalokohan niya. Tumigil ang pag-ring at doon ko lang napansin na tinitigan ko lang pala ang cellphone ko. Ilalagay ko na sana sa bulsa ko nang tumunog ulit 'yon. Mukhang importante ang kailangan niya. Pero, nakauwi na ang Daddy niya… Ano pa kailangan niya sa akin? Sinagot ko na ang tawag dahil hindi ko naman masasagot ang mga tanong ko. "What?" "Oh la la! You also don't know proper phone call courtesy?" maarte niyang sambit. Sumandal ako saka tinanaw ang mga empleyado na kanya-kanyang nagmamadali sa pagpasok. "It depends on the person I'm talking to," sarkastiko kong sagot. I heard her chuckle. Kakaiba talaga. "You are learning, oldie. Biruin mo 'yon may natutunan ka rin sa akin. Well, kaya ako napatawag kasi I need your help." I breathe deeply and massage my temple. Help? Ano pa ba inaasahan ko sa kanya? Iyon lang naman ang kailangan niya sa akin. "What is it this time? Don't you think it's too early for whatever trip you're planning?" "No. It's just the right time. What time are you available? Let's meet." "Pwede ba sa ibang araw mo na lang gawin kung ano man 'yan. I'm busy right now—" "You're the boss so… you can leave anytime you want." Sa kanya talaga sasakit ang ulo ko at hindi sa trabaho. May tinatanggap pa ba siyang excuse? "If that is so, then why ask me at all? Bakit hindi ka na lang mag-set ng oras at ng lugar kung saan tayo magkikita tutal I can't say no, right?" Puno ng sarkasmo ang boses ko. "Great. You are right! Okay, I will send you later where and what time. I'm so excited about it, I know you will be a big help. See you later, oldie. Bye." Isang malalim na buntung-hininga na lang ang pinakawalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD